Kabanata 26

1308 Words
Walang tigil ang pagpatak ng mga luha ni Neela habang nakatitig sa sobre. Naroon na siya sa kanyang kwarto. Iniwanan siya ni Santi sa study room pagkatapos nitong sabihin sa kanya na tinatanggal na siya nito sa trabaho. She didn't know where she had the strength to still walk towards her room. Her whole being is numb, and as the numbness was slowly getting washed off by realization, the growing pain inside her chest had started to tear her apart. Sa wakas ay kumawala ang isang hikbi mula sa kanyang bibig. Her shaking hands dropped the envelope to cover her palms on her face. Sumabog sa sahig ang tingin niya ay nasa isang milyong piso. Wala siyang pakialam sa pera. The pain she's feeling was too much that her sobs turned into painful cries. Parang gusto niyang sumigaw sa sakit. She thought they were heading somewhere. She thought they were building something beautiful. Ngunit mukhang nagkamali siya. Pinaasa niya ang sarili niya kaya heto siya ngayon at walang ibang maaaring sisihin kun'di ang sarili niya. Neela let herself cry for a few more minutes. Nang hindi na niya kinaya ang sakit ay nagpunas siya ng basang pisngi saka pinilit na tumindig. She walked out of her room and headed to Santi's room. Hindi na siya kumatok pa. Pinihit niya ang knob at natagpuan itong nakaupo sa gilid ng kama. Nakayuko at nakasabunot ang parehong mga palad sa buhok. Napaangat ito ng tingin. His bloodshot eyes slightly widened as soon as he realized it was her. Neela's lower lip trembled. Bakit ganoon ang itsura nito? Bakit parang . . . nasasaktan din ito? "S-Santi . . ." Her voice cracked. "B-Bakit?" Lumamlam ang mga mata nito. Umiwas din ito ng tingin at inigting ang panga kasabay ng pagtindig upang matalikuran siya. Hindi niya sigurado kung dahil ayaw siyang makita o sadyang ayaw lamang nitong makita niya ang ekspresyong hindi nito maitago. "I can take care of my kids. Hindi na kita kailangan," malamig at kontrolado nitong sabi habang nananatiling nakatalikod sa kanya. Kumawala ang hikbi ni Neela. "P-Pero a-akala ko . . . " She bit her lower lip to prevent another sob. "Akala ko t-tayo . . ." Her shoulders quaked. "Akala ko . . . akala ko nagkakam-mabutihan n-na tayo?" She saw how Santi's shoulders went up and down as if he took in a deep breath. Nanatili rin itong tahimik ng ilang segundo bago nito sinagot ang tanong niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Neela. Ginamit lang kita dahil inalok mo ang sarili mo sa'kin." Napahikbi nang husto si Neela. Her chest tightened so much that it nearly crushed her already breaking heart. "Pero n-naramdaman ko--" "Ano ang naramdaman mo, hmm?" Nilingon siya nito. Matalim ang titig ngunit namumula ang mga mata. "Pagmamahal? Akala mo ay mahal na kita?" Her knees wobbled as she stared back into his eyes. "O-Oo." His jaw clenched. "Nasubukan mo na bang mahalin noon para masabi mong pagmamahal ang ipinakita ko sa'yo? Nasubukan mo na bang mahalin para isipin mong pareho tayo ng nararamdaman?" He scoffed. "Don't get me wrong. The s*x was good but I don't see you as someone worthy of replacing my wife." Parang tinarak ng punyal ang dibdib niya sa huli nitong sinabi. Yes, she may not be that fluent in English but she knew what he said. Hindi na nito iyon kailangang isalin pa sa Tagalog dahil sapat na ang huling tatlong salita para malaman niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Napayuko siya. Ang mga luha ay sunod-sunod na bumagsak. She wanted to run and leave but couldn't. It was as if the pain sucking the life out of her right now had glued her feet to the floor. Umasa siya sa wala. Hinayaan niya ang sariling mag-ilusyon tungkol sa isang bagay na alam naman niyang napakaimposibleng mangyari. She's not rich? She's not classy. Wala rin siyang pinag-aralan. Ano ba ang pumasok sa kokote niya para isipin niyang posibleng mahalin siya ng isang Santiago Carbonel? "S-Sorry . . ." She sobbed while trying to hold herself together just so she wouldn't drop to the floor. "S-Sorry po kung . . . kung inisip kong pwede?" Nag-angat siya ng tingin. She met Santi's bloodshot eyes as she flashed a broken smile. "S-Sorry po kung . . . kung nag-ilusyon a-ako na pwede . . . pwede kang magmahal ng gaya ko? Ng . . . ng hindi ka abot?" Basag siyang natawa kasabay ng pagpunas niya ng luha sa pisngi. "S-Sorry po. S-Sorry t-talaga. Sorry . . ." Paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa gitna ng bawat masasakit na hikbi. God, her heart is begging to make the pain stop but she doesn't know where to start stitching her poor heart back together. The pain is too much that all she could do is apologize for believing something that's impossible to happen. Ang tanga-tanga niya para isiping mamahalin siya ni Santi. Sino ba siya? Isa lang naman siyang hamak na katulong nito, hindi ba? Isang pangkaraniwang tao na nangailangan ng trabaho. Life isn't a fairytale. It's sad to think that she had to wake up from her daydreams in the most painful way. Santi inhaled a sharp breath before he spoke in a controlled yet hoarsely way. "U-Umalis ka na, Neela. I have . . . other things to do. I don't . . ." He shut his eyes and inhaled another sharp breath. "I don't wanna deal with your dramas anymore." Humihikbi siyang tumango. "S-Sige po." Her shoulders quaked. "P-Pasensya n-na po u-ulit, h-ha? Kung . . . kung inisip kong m-minahal n'yo a-ang tulad ko." Tumalikod na siya rito habang may lakas pa siya. She dragged herself back to her room to pack her bags. Walang-patid ang pagbagsak ng kanyang mga luha ngunit kahit wala na siyang lakas pa ay pilit niyang iniligpit lahat ng mga gamit niya. She zipped her bags and walked out of the room. Ang perang ibinigay ni Santi ay nanatiling nakakalat sa sahig. Ni isang pirasong isang libo ay wala siyang dinampot. "Mommy?" Napahinto siya sa akmang paghakbang nang narinig ang boses ni Tino. She looked over her shoulder. Nakita niya ang dalawang bata na nakahawak sa mga kamay ni Santi. Parehong nakatitig ang mga ito sa kanya habang may pangamba sa inosenteng mga mata. Neela's tears fell. Bago pa man muling makapagsalita ang mga bata ay binuhat na niya ang bag niya't nagtungo sa hagdan. "Mommy! Mommy, don't leave! Mommy!" Esme shouted. Pilit humabol ang mga bata sa kanya ngunit hindi binitiwan ni Santi ang kamay ng mga ito. Neela forced herself not to look back anymore. Kahit na nanlalambot ang mga binti niya ay pilit siyang bumaba ng hagdan habang pinakikinggan ang palahaw ng mga batang napamahal na nang sobra sa kanya. "Mommy, come back! Mommy!" Esme cried. "Mommy, no!" iyak din ni Tino. Parehong nagpupumiglas ang mga ito sa ama ngunit hindi talaga pinakawalan ni Santi. Neela almost tripped as soon as she reached the end of the staircase. Doon lamang niya nilingon ang mag-aamang nakatitig sa kanya. Esme and Tino were crying while trying to get off Santi's hold. Namumula naman ang mga matang nakatitig sa kanya si Santi. Nakaigting nang husto ang panga at tila nasasaktan ding panoorin siyang umalis. She sobbed. Pilit siyang ngumiti saka niya binitiwan ang mga salitang dumurog nang husto sa kanyang puso dahil alam niyang huling beses na niya iyong masasabi sa tatlo. "M-Mahal na m-mahal ko kayo." Her shoulders quaked. "M-Mahal n-na m-mahal . . ." Santi's tears fell but Neela was able to look away before she even saw it. Hindi rin niya nakita pa kung paanong ibinulong ni Santi sa hangin ang sagot nito sa kanyang sinabi. "I love you, Neela . . . and I'm so sorry for breaking your heart . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD