Kabanata 27

1073 Words
"Diyos ko naman! Sana nagmakaawa ka! Ang tanga-tanga mo pa! Hindi mo tinanggap ang pera?!" galit na singhal ng ina ni Neela nang umuwi siya sa kanila. Ni hindi siya kinumusta kahit magang-maga ang mga mata niya. Hindi nga muna siya tinanong kung kumain man lang ba siya o kung nakatulog siya sa byahe pauwi. Imbes na maging sensitibo sa kanya ay binungaran siya ng tanong na bakit siya naroroon. Para bang mas importante pa rito ang iniwanan niyang pera sa Maynila kaysa sa kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Pilit niyang kinontrol ang nagbabadya niyang mga luha. "Ayaw na ho talaga, Ma. Hindi ho bale. Hahanap po--" "Eh paano kung wala ka nang mahanap na gano'n kalaki ang pasahod?" nakapamaywang nitong putol sa sinasabi niya. "Ayos lang naman po, eh. Mapagkakasya naman po. Gaya ho noong hindi pa gano'n kalaki ang sinasahod ko." Her mother scoffed. "Ang daming gastusin, Neela! Ang daming kailangang paggamitan ng pera! Paano ang mga bayarin? Maliit na ang pera sa panahon ngayon!" Inis itong nagkamot ng ulo. "Letse talagang buhay 'to!" Napapitlag na lamang siya nang padabog na isinara ng kanyang ina ang pinto matapos nitong lumabas. Her eyes stung until the tears she was holding back finally fell. Nasinok pa siya nang pinigilan ang paghikbi. The excruciating pain conquered her heart once again, until her silent cries turned into painful sobs. Lumapit ang pinsan niyang si Ayen nang makaalis na nang tuluyan ang kanyang ina. Hinagod nito ang kanyang likod hanggang sa tuluyan na siyang niyakap. "Hayaan mo na. Mainit lang ang ulo niyan at hindi masingil ang mga pina-five-six niyang galing sa ipinadadala mo. Saka mayabang naman kasi 'yang nanay mo dahil malaki ang sinasahod mo. Ngayong wala ka nang trabaho, iisipin niyang pagtatawanan na siya ng mga kaaway niya rito sa barangay." Napasinghot siya. "Bakit gano'n? Wala akong itinira sa sarili ko, Ayen. Ipinadala ko lahat sa kanila pero bakit parang ngayon, masama pa akong tao? Parang ayaw nga akong papasukin kanina. Ni hindi man lang ako kinumusta o niyakap man lang." "Hindi ka pa nasanay sa nanay mo. Alam mo naman 'yan. Kita mo ngang kay Tiyang iniiwan palagi ang mga kapatid mo dahil hindi pa siya tapos magbuhay dalaga." Hinagod ni Ayen ang likod niya. "Gusto mo bang itimpla kita ng kape? May naluto namang almusal. Kain ka na muna." Umiling siya saka siya nagpunas ng kanyang mga luha. "Wala pa akong ganang kumain." Napabuntonghininga si Ayen. Hinawakan nito ang kamay niya saka iyon marahang piniga. "Huwag mo nang pansinin ang nanay mo. Ganyan na talaga siya. Kung magbabago 'yon, matagal na sana. Ilang taon ka nang nagpapakaalila sa Maynila. Hindi naman naawa sa'yo 'yon, eh kaya sana ngayon, kapag nakahanap ka ng ibang trabaho, unahin mo na ang sarili mo, ah?" She sniffed. Hindi niya alam kung kaya niya ba iyong gawin. Pakiramdam kasi niya ay magiging masama siyang tao kung uunahin niya ang sarili niya. Hindi na lamang siya nagkumento. Mukhang nakaramdam din si Ayen na nais muna niyang mapag-isa kaya naman nagpaalam itong magdidilig muna ng mga halaman. Pumasok siya sa maliit na silid at nahiga sa double deck. She let herself cry for hours, hoping that the pain would soon go away. Kapag natatapos sa mahabang pag-iyak ay hahagurin niya ang kanyang dibdib at ipaaalala sa sariling hindi siya pwedeng patayin ng sakit. May mga responsibilidad na nakaatang sa mga balikat niya. She cannot afford to let the pain cripple her. "Ayusin mo ang buhok mo, Neela saka lagyan natin ng concealer 'yang ilalim ng mata mo," anang pinsan niyang si Ayen. Magkasama sila ngayon at balak mag-apply sa isang bagong bukas na shopping center. Niyaya siya nito. Mayroon daw itong kakilala sa HR na pupwedeng maglusot sa application niya basta maipasa niya ang interview. Hinayaan niya si Ayen na takpan ang itim sa under eye niya. Sinuklay niya naman ng mga daliri ang kanyang nakalugay at medyo basa pang buhok. Nasa gilid sila ng daan. Panay ang sipol at bati sa kanya ng mga dumaraang driver ngunit hindi na lamang niya pinapansin. "Ang laki talaga ng ipinuti mo sa Maynila. Para ka tuloy artista ngayon dito sa atin," puna ni Ayen. "Nakakaputi lang siguro ang tubig nila doon saka naka-aircon ang buong bahay," sagot niya. "Talaga?" tila namamanghang tanong ni Ayen. Marahan siyang tumango. "Oo. Ang sabi ni San--" Lumamlam ang mga mata niya nang naalala na naman si Santi. Napalunok tuloy siya bago pilit na nginitian ang nakatinging pinsan. "Ang sabi ay centralized AC raw ang tawag sa gano'n. Ang laki tuloy ng bill palagi. Nakakalula ang presyo kaya halos ayaw kong tingnan tuwing dumarating, eh." "Sayang talaga ang trabaho mo roon, 'no? Hindi ba sinabi kung bakit bigla ka nalang tinanggal?" Nagkibit-balikat siya. Umiwas na rin siya ng tingin dahil natatakot siyang mapansin ni Ayen ang dumaang lungkot sa mga mata niya. Wala pa naman siyang pinagsabihan ng totoong nangyari. Ang alam lang ng mga kamag-anak niya ay tinanggal siya sa trabaho. Hindi niya sinabing nahulog ang loob niya sa amo niya. "Siguro may nagawa akong kapalpakan. Hindi lang sinabi sa akin." Pilit siyang ngumiti. "Pero ayos na rin. Masaya naman makauwi," she lied. Kumapit si Ayen sa kanyang braso. "Hindi bale, Neela. Kapag daw may nangailangan ulit ng katulong sa Maynila, dalawa raw tayong irerekumenda ni Tiyang." Nginitian na lamang niya si Ayen. Sa totoo lang ay hindi niya sigurado kung nais pa ba niyang bumalik sa Maynila. Natatakot kasi siyang kung mangulila siya nang husto sa mag-aama ay gumawa siya ng paraan para makita ang mga ito kahit na patago lamang. She doesn't want to look obsessed or something. Gusto rin niyang makalimutan na ang nararamdaman para kay Santi. She and Ayen were about to cross the road when a luxury car pulled over in front of them. Lumabas ang lalakeng naka-asul na polo at lumapit sa kanila. "Miss Neela," tawag nito. Sandaling nalukot ang noo ni Neela. Teka, bakit parang namumukhaan niya ang lalake? "Po?" salubong ang mga kilay niyang sagot. Lumapit ang lalake sa pinto ng passenger seat. Ipinagbukas nito ng pinto ang taong sakay sa likod ng sasakyan. Nang makita ni Neela kung sino ang taong lumabas ay halos lumundag palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso. "It's true. You really are still a girl, huh?" anang taong lumabas matapos siyang pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Nalunok ni Neela ang kanyang sariling laway. "M-Ma'am Amanda . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD