***Luth POV*** HALOS tumalon ako palabas ng grab taxi pagkabayad ko. Kulang na lang din ay tumakbo ako papasok sa presinto. "Mga ser, nasaan po si Elliot Ivan Vizcano?" agad kong tanong sa dalawang pulis nakita ko sa entrada ng presinto. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Sobra akong nag aalala kay Ser Elian. Hindi ko na nga nagawang makapag-palit ng damit at pantulog na pajama pants, t-shirt at tsinelas na goma lang ang suot ko. "Good evening ho, ma'am. Narito ho si Mr. Vizcano," anang isang pulis at giniya na ako papasok sa loob ng presinto. Agad ko namang nakita si Ser Elian na nakaupo pasandal sa sofa'ng mahaba. Nakapikit sya at may mga pasa sa mukha. "Ser Elian!" patakbong nilapitan ko sya at maingat na hinawakan ang kanyang mukha. May pasa sya sa noo sa may banda

