***Luth POV*** "MGA ser, pwedeng pa-akay na rin po hanggang sa kwarto nya. Hindi ko po sya kayang alalayan umakyat sa hagdan. Baka parehas kaming gumulong pababa," pakiusap ko sa dalawang pulis na syang naghatid sa amin ni Ser Elian. "Sige miss, kami na ang mag-aakyat sa amo mo." Kumalas na ako sa pagkakayakap sa bewang ni Ser Elian at inalis ko rin ang malaking braso nya sa balikat ko. Pumalit naman ang isang pulis at sya na ang katuwang ng kasama nyang pulis na umaalalay rin. "Luth.." mahinang tawag sa akin ni Ser Elian na nakapikit habang alalay sya ng dalawang pulis paakyat sa hagdan. "Nandito lang ako, ser. Inaalalayan ka ng dalawang pulis paakyat ng hagdan," sabi ko na nakasunod sa kanila. Ungol na lang ang sinagot nya. Halatang hirap na hirap ang dalawang pulis sa pag-a

