Chapter 2

1200 Words
***Luth POV*** NGUMITI ako kay manong pogi. "Manong pogi, bili po kayo ng basahan—" "Hoy bata, bawal ang mamalimos dito. Tsupi!" masungit na sabi ng babaeng kasama ni manong pogi at para akong langaw na binubugaw nya. Hindi ko sya nakita agad kanina. "Hindi po ako namamalimos, ate," nakangusong sabi ko. Tumaas ang kilay ng babae. Maganda sana sya kaya lang mukhang masungit na kontrabida sa mga palabas sa tv. "Huwag mo nga akong tawaging ate. Hindi kita kapatid." "E di ale." "How dare you call me ale! I'm not that old, you smelly beggar!" galit nang turan nang babae. "Calm down, Diana. Can you be a bit more polite to this kid? And she's not that smelly," ani manong pogi. Napanguso ako. English speaking pala si manong pogi. Mabuti na lang favorite subject ko ang english kaya naiintindihan ko sya ng konti. "She's interrupting us, babe," saad ng babae sabay ikot ng mata at pinag-krus ang mga braso. Sumimangot ako at umirap din. Akala mo naman kagandahan. Kinuha ni manong pogi ang wallet nya na nasa ibabaw ng manibela ng kotse. Binuksan nya 'yon at humugot ng 500 at binigay sa akin. Napangiti ako dahil bibili sya ng basahan. "Anong basahan, manong pogi? Itong bilog o itong doormat?" tanong ko at pinakita ang mga hawak kong basahan. Pero umiling si manong pogi at ngumiti. "I'm giving this to you," aniya at muling inaabot sa akin ang 500. "O hayan na ang limos mo. Sosyal mo, ha. 500 ang limos mo. Malaki na yan kaya umalis ka na," malditang sabi ng babae. "Ha? Hindi ako namamalimos, no. Nagbebenta ako ng basahan." Ngumisi ang babae. "Kunwari ka pa. Alam ko na ang mga modus nyong mga pulubi." Ngumuso ako. "Pa'no mo nasabi? Dati ka rin bang pulubi?" Namula ang mukha ng babae at tumalim ang tingin sa akin sabay duro. "You—" "Stop mocking her, Diana," saway ni manong pogi sa babaeng bruha. Mabuti pa si manong pogi, mabait. "Take that money. It's yours," anang manong pogi. Tiningnan ko ang perang hawak nya at sumimangot. "Parang ini-insulto mo rin ako, manong pogi. Hindi nga ako pulubi. Nagbebenta nga ako ng basahan." Tinaas ko ang mga hawak kong basahan. "But I don’t need any rags." Ngumisi ako. "Manong pogi, walang taong hindi kailangan ng basahan. Pang tanggal 'to ng dumi," pangungumbinsi ko pa sa kanya. "Hindi nga namin kailangan ng basahan at wala kaming dumi," sabat na naman ng babae. Sabat ng sabat, hindi naman kausap. Epal talaga 'tong babaeng 'to. "Meron kaya. Yang bunganga mo madumi. Pero hindi kaya ng basahan yan. Ang kailangan mo magmumog ng zonrox," nakangising sabi ko. Lalong namula sa inis ang mukha ng babae at magsasalita sana ulit pero sinaway sya ni manong pogi. "Alright, I'm gonna buy that rag now," ani manong pogi. "Yown! Mukhang nakakaintindi ka naman ng tagalog, manong pogi. You understand tagalog?" tanong ko kay manong pogi. Ngumisi sya. "Yeah, I understand Tagalog, but I can only speak a few words. And nag aaral pa ako how to speak tagalog." "Ako naman nakakaintindi ng english. Pero hindi ko kayang magsalita ng diretsong english. Na-no-nosebleed ako, e." "But you're a smart and resourceful kid." "Kailangan talagang maging smart at resourceful, manong pogi. Ang hirap ng buhay, e." "Hoy bata, huwag ka na ngang dumaldal riyan at ibigay mo na lang ang basahan," sabat na naman ng babae. Ngumuso ako. "Oo na," binigay ko ang basahang bilog na nagkakahalagang 100 pesos at ang doormat na basahan na apat 100 din. "Sandali lang, manong pogi. Kulang pa yan." Patakbong lumapit ako kay tatay na pinagbebentahan ng basahan ang isa pang sasakyan. "Tay, pahingi pa ng basahan halagang 300 pesos." Kumunot ang noo nya. "Ang dami naman!" Ngumisi ako. "E, bigtime po yung bumili, e. Halagang 500 pesos. Binigay ko na po 'don yung dala kong basahan kanina." "O sige, mukhang makakaubos tayo ngayon, a." Binaba ni tatay ang plastic bag at agad naman akong kumuha ng mga basahan. Walong pirasong doormat at isang bungkos ng basahang bilog at may dagdag pang ilang piraso na free. Agad ko nang binalikan si manong pogi. "Heto na ang mga basahan, manong pogi," nakangiting sabi ko at inabot sa kanya ang mga basahan. Umawang naman ang mga labi nya. "This is so much." "Halagang 500 pesos po lahat yan at may free pa. Iuwi mo po sa bahay mo. Magagamit mo po ang mga ito." Ngumisi na si manong pogi at kinuha ang mga basahan. "Alright. I will take these. And you, take this money." Inabot nyang muli sa akin ang pera. Nakangiting kinuha ko naman 'yon. Ito ang pinakamalaking benta namin ngayong araw ni tatay. "Seriously El? Are you going to take those rags home?" turan ng malditang babae. "Yes." "Those are dirty," maarteng wika ng babae. "Hindi yan dirty, no. Malinis ang mga tela niyan. Mas malinis pa sa budhi mo," sabat ko sa babae. "Aba't—nandito ka pa. Umalis ka na nga!" "Diana." "Ugh, make her leave na, Elian. She is so annoying." Bumaling sa akin si manong pogi at ngumiti. "Thank you, little miss." "You're welcome, manong pogi. Salamat din sa pagbili ng mga basahan. Ah, jowa mo ba sya?" tanong ko pa sa kanya at tinuro ang babae na sumimangot at tumaas ang isang kilay. "Oo, jowa nya ako," sagot ng babae. Tumingin ako kay manong pogi na nakangiti pa rin sa akin. Sobrang pogi talaga nya. Kaya lang pangit ugali ng jowa nya. "Tsk! Kung ako sayo manong pogi, hiwalayan mo na yang jowa mo. Bukod sa hindi na kagandahan, masama pa ang ugali. Lugi ka." "What did you say?" inis na sabi ng babae na parang gusto na akong abutin sa bintana. Pero tinawanan ko lang sya at umatras. "Salamat, manong pogi. Sana makita kita ulet." Umalis na ako at tumakbo palapit kay tatay. Baka kasi lumabas sa kotse ang jowa ni manong pogi at sugurin ako. "Tay, ito po yung bayad sa basahan," inabot ko kay tatay ang 500. Kinuha naman nya 'yon na may ngiti sa labi. "Galing talaga ng anak ko. Sigurado na ang spaghetti mo sa pasko at may fried chicken pa." "Yes!" tuwang sambit ko at nilingon ang kotse ni manong pogi. Umaandar na ito palabas ng kalsada at umalis. Sana makita ko sya ulit.. "Mukhang mabait yong bumili sayo ng basahan, 'nak a," nakangiting sabi ni tatay habang naglalakad kami pauwi na. Uuwi na talaga kami dahil ubos na ang tindang basahan namin. Salamat talaga kay manong pogi. "Hindi lang po mabait, tay, kundi pogi pa!" Ngumisi si tatay. "Talaga? Kasing pogi ko ba?" "E.. hindi po, tay. Magkaiba po kayo ng level ng ka-pogi-an, e." "Anong level ba ang ka-pogi-an nya?" "Para po syang foreigner, tay. Matangos po 'yong ilong nya tapos yung mata po nya nag iiba po ang kulay, kulay brown na parang blue at gray." "Pogi nga. Pang international pala ang kapogian. E ako, anong level ba ang ka-pogi-an ko?" "Pang native po, tay." "Native? Ano 'ko, manok?" Sabay kaming tumawa ni tatay. Pogi rin naman ang tatay ko kahit hindi sya maputi. Mabait pa sya at masipag. Para sa akin sya pa rin ang pinaka pogi. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD