***Luth POV*** "LUTH, let's go." "Opo, ser." Dinampot ko ang sling bag kong maliit na naglalaman ng wallet at cellphone ko. Sinukbit ko yon sa katawan at sinundan na si Ser Elian sa labas ng kusina. "Nailista mo na ba ang mga kulang sa pantry?" tanong ni Ser Elian nang makarating kami sa carport. "Opo, ser. Pero kaunti lang po ang nailista ko. Marami pa pong laman ang pantry, e." "Let me see it." Inabot ko sa kanya ang listahan ko. Kinuha naman nya iyon at binasa. "Hmm.. halos puro sabon at panlinis lang ang mga ito." "Opo ser, paubos na po kasi ang mga detergent powder saka yong iba pa pong panglinis." "Na-tsek mo ba ang mga expiration date ng mga naka-stock na ready to eat food sa pantry?" "Opo ser, malayo pa po ang expiration date nila." "Alright, bilhin na lang n

