***Luth POV*** NAKATINGIN lang ako kay Ser Elian habang magkausap sila ni Manang Citang na kararating lang. Nagkakamustahan sila at nagbibiruan pa. Gaya ni Mang Kiko ay halatang close din silang dalawa. Isa sa napapansin ko ay palangiti at palatawa si Ser Elian, jolly ang personality nya. Kagaya pa rin sya noon. Mabait at palangiti. Bagong shower si Ser Elian at naamoy ko ang pabangong gamit nya na amoy mamahalin pero hindi naman masakit sa ilong. Ang sarap nga nitong singhutin. Nakabihis sya at para syang model sa suot nyang black short sleeve polo na naka-tuck-in sa itim na trouser at boat shoes na itim. Simple lang ang suot nya pero mukha syang model at mukha ring mamahalin. "Luth, I'm going now," untag sa akin ni Ser Elian. "Ah, ipasok ko muna itong dala ko sa kusina," ani Manan

