***Luth POV*** "OH, you're awake. Good morning," nakangiting bati sa akin ni Ser Elian nang mapansin na nya ako. Inabot nya ang maliit na speaker at pinatay ang tugtog. Nag iwas naman ako nang tingin mula sa kanyang harapan sabay kamot sa ulo. "G-Good morning din po, ser. S-Sorry po medyo tinanghali ako nang gising," nauutal na saad ko. "It's okay. Anyway, have breakfast muna bago ka mag-start ng mga gawain mo. Ano ba ang gagawin mo ngayon?" tanong nya habang hindi pa rin napupuknat ang ngiti sa kanyang labi na tila ba nasa mood sya ngayon. Ibang iba kagabi na na hindi sya mangiti at parang gusto akong tirisin. Tuloy ay nag lo-loading na naman ang isip ko. Ikinurap-kurap ko ang mga mata at mabilis na pinagana ang isip. "A.. maglilinis po ako dito sa kusina, ser. Tapos mag wawalis-

