***Luth POV*** HINDI ko maalis ang titig sa mukha ng amo ko. Sya na yata ang pinaka-gwapong lalaking nakita ko sa buong buhay ko. Sa hitsura ng mukha nya, tindig at taas ay halatang mix breed sya—este may lahing afam. Mula sa kanyang maputing balat na mamula-mula pa, tindig at malapad na katawan na hakab sa suot na puting long sleeve polo na bukas ang ilang butones kaya kitang kita ang malapad nyang dibdib, higit sa lahat ay kanyang gwapong mukha na halatang may lahing imported, perfect ang matangos nyang ilong, labing manipis na mamula-mula, medyo pangahan na may maninipis na tubo ng balbas at bigote, ang kanyang mapupungay na mga mata na kulay malabnaw na tsokolate at ang kanyang buhok na medyo brown. All in all, perfect ang amo ko kahit mukhang gusto nya akong tupiin ngayon sa lima sa

