***Luth POV*** "DAY, day!" Lumingon ako nang makarinig ng boses na parang tinatawag ako. Nakita ko ang isang babaeng maliit na medyo chubby at kulutan ang buhok. Naka-scrub suit uniform din sya pero ang kanya ay kulay dark blue at may lining na puti. Mukhang kasambahay din sya sa isa sa mga bahay na nasa malapit. Ngumiti ako sa kanya. "Bakit, ate?" tanong ko. "Bago ka lang dito?" nakangiti ring tanong nya na may punto at tinuro ang bahay ng amo ko. "Oo, isang linggo na," sabi ko. "Ah.. kaya pala napapansin kong parang may ibang tao dyan sa loob. May kasambahay na pala si chef. Ah, ako pala si Jisami." "Jisami?" "Oo, Jisami." "Jessa Mae?" "Oo, yon nga. Pasinsya na, bisaya ba." Natawa na lang ako. "Ayos lang. Ako naman si Luth," pagpapakilala ko sa sarili sabay lahad ng

