Dianna POV SUMUNOD si Dianna kay Rosa. Pinapatawag daw siya ni Carlos. Halata sa mga kilos nito na tensyunado ang babae. Minsan iinisip niya baka mabaliw na lang siya sa kaiisip kung ano ba talaga siya kay Carlos? Iba kasi ang pakiramdam niya sa mga ikinikilos nito. Minsan concerned, minsan naman halos nandidiri ito sa kaniya, malamig tapos biglang iinit? Naramdaman niyang uminit ang kaniyang pisngi. At ang buong akala niya sa pagbisita ng ama nito ay nag-aalala pa rin ito sa kaniya. Bumisita rin kasi ito sa hospital ang ama ni Carlos at kinamusta siya nito. Unlike Doña Carmina, mukhang mabait ang ama ng lalaki, magaan ang loob niya sa Gobernador nang una niya itong nakausap. Bigla niyang naalala ang kaniyang ama. Hindi na ulit siya nagkaroon ng chance na makatawag sa rancho. Napahaplos

