THIS IS the day she was waiting for to see Aeon personally. Hindi sila nakakuha ng VIP tickets dahil naubusan sila, kaya naman nagtiis sila ni Celine sa initan kasama ng maraming tao.
"Ang tagal naman mag-start." Reklamo niya habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng RACE Field. Papanoorin niya lang naman mangarera si Aeon.
"Chill, okay? Lalabas din ang mga 'yan." Sagot sa kanya ni Celine na kapareho niya ay may sunglasses din at cap.
"Bakit kasi hindi pa sila mag-umpisa? Masyado nilang pinasasabik ang mga tao tapos—" Naputol ang sasabihin niya nung biglang lumakas ang hiyawan sa buong paligid dahil isa-isang lumalabas ang mga kalahok sa karera. "Goodness! Where's Aeon?"
"I don't know, bakit nakatakip ang mga mukha nila?"
Tama! Tanging mata lang ang nakikita sa mukha ng mga kasali, isa pa medyo malayo ang agwat ng pwesto nila sa starting lines. Mas mabuti pang sa malaking screen nalang sila manood.
"Paano ko siya makikita kung ganyan?"
"Look!" Tinuro ni Celine ang apat na lalaking nahuling lumabas. "Baka isa siya do'n."
"Ewan ko lang." May panghihinayang sa boses niya. Akala pa naman niya ay makikita na niya si Aeon, hindi pala? "Manood na lang tayo at hulaan kung sino siya sa sampung kasali d’yan."
Natapos ang unang round na dapat ay first five lang ang kukunin pero may nag-tie sa fifth place, kaya uulitin ang race mamaya lang. Manonood pa ba siya gayong hindi niya naman nakikita si Aeon?
"Let's go? Uulan na." Aya sa kanya ni Celine. "Humanap muna tayo ng masisilungan."
Tumayo na rin siya bago pa sila abutan ng ulan. Palabas na sila ng RACE nang may mapansin na isang pamilyar na pigura.
"Is that Charee?" Itinuro niya ang babaeng matangkad na naka kulay dilaw na overall na damit pangarera, papasok sa women's restroom.
"Saan?"
"Sundan natin." Hinila niya papunta sa direksyon na iyon si Celine upang masiguro kung si Charlton nga ang nakita niya.
"Wait lang Xarra, I need to answer this call."
“Okay, magkita na lang tayo mamaya. Titignan ko lang si Charee." Hindi niya na hinintay magsalita si Celine at nagpatuloy na sa paglalakad kahit pa madami na siyang nasasalubong at nababangga. "Hindi ako pwedeng magkamali si Charee talaga ang nakita—ayyy!”
Impit na tili niya nang may matigas na bagay na bumangga sa likod niya dahilan para mawalan siya ng balance, tapos ay natapakan pa nito ang dulo ng suot niyang flat shoes.
Kapag minamalas ka nga naman!
Handa niya ng halikan ang tiled floor ng Race Inc. nang may isang brasong humapit sa bewang niya upang hindi maka face to face ang floor at sigurado siyang iyon din ang bumangga sa kanya! Mabuti nalang ay hindi nahulog ang channel sunglasses niya kundi pagbabayarin niya talaga ang isang 'to, triple!
Galit na inalis niya ang braso na 'yon dahil nararamdaman niya iyon malapit sa ibaba ng dibdib niya. Hinarap niya ang salarin upang batuhin ng mga words of wisdom niya.
"Sa ganda kong 'to hindi mo man lang ba ako napansin at talagang…"
Naputol ang anumang sasabihin niya nang takpan ng marahan ng lalaki ang kanyang bibig.
Matangkad ito at mabango kahit pa balot na balot ang katawan. May bitbit itong helmet sa isang kamay. Nakasuot ng damit pangarera at nakabalot ng itim na bonet ang buong mukha, except sa pamilyar na magagandang mga mata. Kahit mabango ito ay hindi niya papalampasin ang pambubunggo nito sa kanya!
"Hindi ka man lang ba—ummm!" Naputol na naman ang sasabihin niya dahil lalo nitong diniin ang palad sa bibig niya kaya sa inis ay kinagat niya iyon! Huh!
Bawal ba magsalita?
"Ouch! You b***h-aww!”
Tiyak na nakangiwi na ito dahil nilakasan niya ang pagkagat. Buti nga!
"Hindi ako b***h!" Iyon lang at nag walk out na siya. Bwisit din ang isang ‘yon!
Hindi niya na nga nakita si Aeon, hindi niya na rin nasundan si Charlton tapos may nakakabwisit pa na lalaking bumunggo sa kanya at sinabihan siyang b***h?! How dare him?!
"f**k!" Galit na sambit niya habang panay ang pagpag sa kamay na namumula pa rin hanggang ngayon.
"What happened, man?" Ether asked him.
"Someone bit me."
"Mukhang may galit sa’yo ha. Bakat na bakat pa 'yung ngipin niya d’yan sa kamay mo, oh."
Hindi niya kilala ang babaeng iyon dahil bukod sa naka cap ‘yon ay naka sunglasses din at hindi siya mahilig magtanda ng itsura ng isang tao, but the woman smells sweets, he likes the perfume she used. Nagmukhang seductive ang babae sa kanya.
"Yucks Aeon! Anong nangyari d’yan sa kamay mo?" Maarteng tanong ni Saleen sa kanya na nakakandong na ngayon kay Ether.
"May kumagat sa kanya baby...Babae." Ang boyfriend nito ang sumagot.
Saleen looks at him worriedly. "Ipakulong natin ang babaeng 'yon."
Okay. Okay. Umatake na naman ang pagiging over acting ng kambal niya.
"I don't know her."
"What? Nagpakagat ka sa hindi mo kilala?"
"Aksidente lang ang nangyari siguro ay nainis sa’kin."
"Hindi ka ba niya kilala? How dare her bit you?" Yumakap ito kay Ether. Napangiwi siya, napaka showy nitong kambal niya sa totoo lang. "Kung ako sa’yo ay hahanapin ko ang babaeng iyon at gaganti ako."
"You are funny, Saleen. Sa dami ng tao na nandito ngayon siguradong hindi ko na siya makikita."
"Ano bang itsura ng babaeng 'yan? Ether can do the sketch."
Sinulyapan niya si Ether na nakibit balikat lang.
“No, I'm fine, mawawala rin naman ang bakat ng kagat niya sa’kin."
“Hmm, ikaw ang bahala."
Tumayo siya at kumuha ng yelo sa ref saka dinampi-dampian ang kamay niya. Mukhang mahihirapan siyang mag-drive dahil talagang masakit ang kagat ng babaeng iyon sa kanya.
"IS THAT YOU?" Hindi makapaniwalang tanong niya nang makita si Charlton sa isang sikat na Restaurant. "Charlton? Charee?" Tumango-tango ito at ngumiti sa kanya. "I missed you!" Sabay yakap dito. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito!
"I missed you too, Xarra." Gumanting yakap din ito. “Its has been a long time since the last time we saw each other.”
Kumalas siya dito.
“Yeah, pero ang ganda-ganda mo pa rin at..." Bumaba ang mata niya sa baby bump nitong medyo malaki. "Are you pregnant?"
"Yes." May kislap sa mga mata nito at inangat ang mga daliri upang ipakita sa kanya ang wedding ring. "And I am happily married now with him.”
Sinundan niya kung saan bumaling ang tingin nito.
"Ang gwapo ng hubby mo." Aniya na ikinatawa ng kausap. "But wait, si Ryxer 'yan hindi ba? 'Yung car racer?"
"Nanonood ka rin ng car racing?"
"Oo naman." Sino bang hindi?
"Oh well, I'll give you a chance to meet them."
Namilog ang mata niya. Kung ang tinutukoy nito ay ang apat na lalaking car racer sa bansa ibig sabihin, makikilala niya na si Aeon? Damn! She felt so nervous and excited!
"Them? As in 'yung apat na guwapong lalaki?”
Muling bumalik ang mata nito sa isang panig ng resto kung saan tinted ang glass wall kaya hindi niya masyado makita kung sinu-sino ba ang nando'n.
"Tatlo lang silang makikilala mo kasi busy 'yung isa, pero nandyan naman 'yung mga girl friends ko, ipapakilala ko rin sila sa’yo. Shall we go?"
Nanahimik muna siya, kinakabahan kasi siya sa isipin na masisilayan niya na si Aeon nang harap-harapan at makakadaumpalad niya pa ito!
Pumasok sila sa pinto na may nakasulat na VIP at mas lalo siyang natameme nung bumaling sa kanila ang atensyon ng mga taong naroon.
"Sweetie, where have you been? Bakit hindi mo ako sinama?" Isang guwapong lalaki ang sumalubong sa kanila at humalik sa labi ni Charlton na sa tingin niya ay ang asawa ng kaibigan, si Ryxer Wilson. "Sino siya?" Ngumiti sa kanya ang lalaki.
"Meet, Xarra. I found her." Masiglang pagpapakilala sa kanya ni Charlton.
"Hi there Xarra, naikwento kana sa’kin ng asawa ko. I want to thank you now for helping her before."
"Wala ‘yon pareho lang naman kami na kailangan ng tulong ng isa't-isa noon at nagpapasalamat din ako na nakilala ko itong asawa mo." Nginitian niya ang mga ito.
Naglakad na sila palapit sa isang pabilog na mesa kung nasaan naroon ang mga kilalang mukha sa lipunan. Kumakain ang mga babae habang 'yung mga lalaki naman ay nag-iinuman.
"Ladies and gentlemen, I would like to meet you all, Xarra Salcedo, my long lost friend.”
Ngumiti sa mga ito si Charlton bago siya dinala palapit sa mga taong nando’n upang makipagkamay at bumeso.
"Hi there pretty, I’m Ether and this is my girlfriend, Saleen." Tukoy ng guwapong lalaki sa magandang babaeng inaakbayan nito na ngumiti lang sa kanya.
"I'm Liberty, Charlton's sister in-law, nice to meet you." Bumeso ito sa kanya. "Hope we can be friends too."
"Yes sure, Liberty.”
They smile at each other and got interrupted by a beautiful woman who has an intimidated aura.
“Lexy."
Inabot niya ang kamay ng dalagang may asul na mata at ngumiti rito pero hindi naman nito ibinalik ang ngiti.
"Smile Lexy, smile." Sabi ni Charlton. "If you don’t, I won't give you sampaloc." Nanatiling naka poker face lang ito kaya napanguso ang kaibigan niya. "She doesn't know how to smile talaga."
"Okay lang ‘yon Charlton maganda pa rin naman siya kahit hindi siya mahilig mag-smile."
"Nice to finally meet you, Xarra." Napalingon siya sa boses na ‘yon. "I'm Cassidy, her brother." Sumulyap ito sa katabi nya.
Okay, he is Charlton's handsome brother.
"Hello, nice to meet you too, Cassidy." Inilahad niya ang kamay sa harap nito at napapitlag nang hawakan nito iyon at dalhin sa labi nito. Wow!
"Anyway, kumain muna tayo dahil nagugutom na ang baby dito sa tiyan ko." Aya sa kanila ni Charlton at do'n lang niya napagtanto na wala 'yung lalaking inaasahan niyang makikita niya.
Ayaw ba talaga ng tadhana na magkita sila ni Aeon?
Pagkatapos nilang kumain ay nagsiuwian na rin naman ang mga ito kaya pati siya ay umuwi na sa condo unit niya.
"ARE you ready, Aeon?" His father asked him. "Tonight is the night son, I expect too much from you and I hope you won't disappoint me."
"I promise dad, I won't." Inayos niya ang suot na puting long sleeve polo. Itinupi niya ang manggas no'n hanggang siko. "Hihintayin ko kayo nila mommy do’n. See you later, dad.”
Tinapik lang siya ng ama sa balikat bago siya lumabas ng library room nito. Tonight, he will be formally introduced to be the next City Mayor. His father endorsed him to incumbent Mayor Benny Herald, last term na kasi nito kaya kailangan ng kapalit na kapartido dapat nito.
Ang bali-balita na ang makakalaban niya sa eleksyon ay ang vice mayor ngayon na hindi nito kapartido.
He is on his way to Liberty's condo, nagpapasundo kasi ang dalaga sa kanya at hindi niya ito kayang tanggihan. Ilang minuto lang naman ang layo ng mansyon nila sa tinitirahan nito. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa. He dialed her number.
“Hello?"
"Wait lang Aeon ha? Hindi pa ako tapos magbihis."
"Oh-oh, I'll wait here outside your door."
"What?" Nag-high pitch ang boses ng dalaga. "Wait a seconds.”
Namatay ang tawag at kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto. Halatang nagmamadali ito.
"I told you I can wait here, Liberty."
"As if I'll let you wait outside, baka pagkaguluhan ka d’yan." Biro nito at hinalikan siya sa pisngi. "Come in.”
Tahimik lang siyang pumasok at umupo sa sofa nito. Naka roba lang ang dalaga kaya dapat behave lang talaga siya. Pumasok na rin ito sa silid nito. They aren't in a relationship but the woman is very special to him. Very.
"You look gorgeous." Tumayo siya at lumapit dito.
Liberty’s wearing a purple fitted dress. Pinakatitigan niya ang maganda nitong mukha. Liberty is indeed his ideal woman.
"Aeon naman, ang awkward." Namumula ang pisngi nito sabay tapik sa dibdib niya. "Umalis na tayo bago pa ako matunaw sa mga titig mo." Mahina siyang natawa sa sinabi nito. "I'm glad to hear your short laughs."
"Ikaw lang ang nakakarinig ng tawa ko, Liberty."
“I’m lucky then."
"You are." Nag-angat ito ng tingin sa kanya at kinurot ang pisngi niya. “Aw,"
"Ang cute cute mo, Aeon." At pinanggigilan pa siya.
"Hey stop it." Aniya at hinawakan ang kamay nito saka nilayo sa pisngi niya. "Don't do that again."
"Why?"
"If you do....I will kiss you." Mabilis pa sa alas kwatro na lumayo ito sa kanya. “Scared, eh?"
"Hindi ha, umalis na tayo dahil nagugutom na ako."
"Okay." Hinawakan niya ang kamay nito at lumabas na.
This is the woman he like. But, this is the only woman he can't have because he knew that someone out there is more deserving than him. Liberty deserves better, much better than him.