CHAPTER 5

2190 Words
"BAKIT kaya biglang umalis si Charee dati?" Tanong sa kanya ni Celine. Nasa isang coffee shop sila sa mga oras na 'yon. "Hindi ko rin alam pero mabuti nga na umalis na lang siya." "Huh? Are you mad at her?" "Hindi ako galit sa kanya." Inirapan niya ito. Mas komportable na siyang malaman na kasama ni Charee ang pinsan nito at least kung may hindi mang magandang mangyari ay alam niyang kayang protektahan ni baby M ang kaibigan niya na hindi niya na alam kung nasaan. "Bakit gano'n ang sagot mo?" "Kasi ayokong madamay pa siya sa kung ano man ang mangyayari sa’kin, mabuti nalang sila daddy ang nakaunang makakuha sa’kin." "Hindi ko akalain na siya si Charlton Forbes, pero nakapagtataka lang kung bakit kailangan niya pang umalis samantalang buhay prinsesa naman ang babaeng 'yon." True to Celine's words, umamin kasi sa kanila si Charee noon ng totoong pagkatao nito. "May dahilan siya kaya siya umalis sa bahay nila." "Ano?" Iwinagayway niya ang isang kamay sa harap niya na nagsasabing ayaw niyang sabihin dito ang dahilan. "Naglilihim ka na sa’kin, Xarra." "May mga bagay kasi na hindi ko pwedeng sabihin sa’yo, Celine." "Fine!" "Lilipat nga pala ako ng bahay." Imporme niya rito. "May alam akong lilipatan mo, katabing unit ko lang." "Pero tulungan mo akong magpaalam kila daddy." Matamis na ngumiti siya sa kaibigan. "Sige na Celine gusto ko na kasing maging katulad mo.” "Maganda ka rin naman Xarra, katulad ko at sexy ka rin like me." Pagbibida nito sa sarili nito. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" “Eh, ano?" "Hindi ba independent ka? Gusto ko maging independent din kaya tulungan mo ako mapapayag sila mommy." Kinuha niya ang kamay nito at inilagay sa pisngi niya. "Pumayag ka na, Celine para-aray naman!" Inis na hinimas niya ang kanyang noo ng pitikin nito. "Ang bad mo!" "Para ka kasing pusa." Umismid ito. "I will help you pero may kapalit." "Hindi ko akalain na ganyan kang klaseng kaibigan, humihingi kapa ng kapalit." "Kung ayaw mo okay lang sa’kin." Humalukipkip ito saka siya inirap-irapan. "Hindi naman mahirap ang hinihingi kong kapalit." "Ano ba kasi 'yon?" Umayos ito ng upo at dumukwang sa kanya. "Alam mo 'yung bagong tayong Club?" Umiling siya. Hindi siya mahilig magpunta sa mga bar or clubs eh. “Okay, huwag na lang tayong magpunta do'n tutal naman hindi pa rin ako nakakapunta sa Club na iyon." "Magpunta na lang tayo." "Are you sure?" Xarra nods her head. "Hindi ka kaya pagalitan?" "Hindi na ako bata para pagalitan pa, nakakainis ka na." "Nagtatanong lang ako Xarra, huwag kang maarte d’yan." Sinimsim nito ang cappuccino na lumamig na. "I changed my mind. Ayoko ng magpunta sa Club na 'yon." "Ano bang pangalan ng Club na 'yan?" "Red Scorpion Club ,if I'm not mistaken." "Sounds good." Kinain niya ang huling slice ng mango cake niya. "Iba na lang ang hingiin mong kapalit ng pagtulong mo sa’kin." "I'll think about it first. Anyway, nagkausap na ba kayo ng fiance mong hilaw?” Tila sumama ang atmosphere sa paligid sa sinabi niya. "Hindi pa." "Kailan mo siya balak kausapin?" "Ayoko siyang kausapin." "Huwag mong talikuran ang problemang 'yan Xarra hanggat maaga pa makipag deal ka na sa kanya." "Deal?" "Yes!" "Anong deal naman 'yan?" "Kung matutuloy o hindi ba ang kasal niyo in the near future? Sabi sa’yo ng parents mo magpapakasal ka kapag nag twenty seven kana, di ba?" "Y-yes." "You still have four years to find a way para hindi matuloy ang kasal niyo Xarra, mag-isip ka nga." "So, anong gagawin ko?" "Maghanap ka ng boyfriend." Mabilis na sagot nito na para bang sobrang dali makahanap ng lalaking papasa sa panlasa ng magulang niya. "Yung lalaking mas angat kay Austin para walang masabi si Tito Harper." "A-ayoko pang mag boyfriend." Muli nitong pinitik ang noo niya at hindi siya nakaiwas! "Nakakadami ka na Celine!" "Wake up, Xarra! Umaandar ang oras baka pag-gising mo twenty seven kana at ikakasal ka na sa lalaking hindi mo mahal, bahala ka!” Nanghihina na inilapag niya ang tasa sa lamesa at tumingin sa labas. Glass ang wall ng coffee shop kaya kitang-kita niya ang iilang mga taong padaan-daan. Mahina siyang bumuntong hininga. "I will talk to Austin na lang." "Much better." "Celine." Tawag niya sa pangalan ng kaibigan pero nasa labas pa rin ang mga mata niya. "O?" "Anong mararamdaman mo kung ikaw ang nasa posisyon ko?" "Magagalit ako, hindi sa magulang ko kundi sa lalaking gusto akong pakasalan." "Ano sa tingin mo ang gagawin mo para lang hindi matuloy ang kasal niyo?" "Hahanapin ko 'yung lalaking magpapatibok ng puso ko at siya ang papakasalan ko." Seryosong sagot nito. "Paano ba malaman kung siya nga ang lalaking tinitibok ng puso mo?" Hindi ito kumibo kaya tinignan niya ito. "Hindi mo alam?" Umiling ito. "Hindi, hindi pa kasi tumitibok 'yung puso ko kagaya ng mga bidang babae sa romance pocket book na binabasa natin." Yes, they love reading romance novels. ”Yung tipo na kapag nakikita nila 'yung lalaki kumakabog 'yung dibdib nila.” Ginawa nitong hugis puso ang dalawang kamay nito at itinapat sa dibdib saka ginalaw-galaw iyon. Baliw din talaga ang isang 'to. "Hindi ko pa rin nararanasan 'yung ganyan kaya siguro mahirap para sa’tin na sabihin kung sino ba talaga ang lalaking magpapatibok ng puso natin kasi—" "Kasi hindi pa sila dumadating sa buhay natin." Pagpapagtuloy nito sa sinasabi niya. "Kailan kaya sila darating?" Nagkibit-balikat siya. "I don't know." May isang lalaki kasi siyang gustong makita ng personal pero sa palagay niya ay matatagalan pa iyon o baka nga hindi nya iyon makita pa. "Naniniwala ka ba sa destiny, Xarra?" Bigla bigla na lang nagsasalita ang bestfriend niya. "Seryoso ka ba sa tanong mo, Celine?" Natatawang tanong niya. "Seriously? Destiny?" "Yes, destiny." "Naniniwala ako sa destiny. Naniniwala ako na may tao talaga na nakalaan na para sa’tin." "You think so?" "Sila daddy at mommy ang ginagawa kong example ng destiny." She admired her parents love story. "Bakit sila?" Celine asked curiously. "Iniwan ni daddy ang mommy ko nang mabuntis niya—" "Talaga? Ginawa iyon ni Tito Harper?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Yes he did. He left my mom, pero bumalik siya after four to five years, I think. Bumalik si daddy kasi mahal niya raw talaga si mommy at ginawa niya ang lahat mapatawad lang siya ni mommy." "How sweet,” "Ibig sabihin totoo ang destiny? Magkalayo man kayo ng ilang taon kung para talaga kayo sa isa't-isa walang makakapigil no'n. Babalik at babalik pa rin kayo sa taong nagmamay ari ng puso niyo. That's the reason why my dad came back after a years kasi naiwan niya kay mommy ang puso niya." "Pwede na palang isulat ang love story ng magulang mo nang marami ang makabasa." Biro nito. "Sira ka talaga." Natatawang sabi niya at akmang magsasalita pa nang may bigla na lang sumulpot sa harap nila. "Xarra?" Nag-angat siya ng tingin kay Austin. "Can we talk?" Nagkatinginan muna sila ni Celine bago siya tumango. Siguro iyon na ang tamang oras para kausapin niya ang lalaki? "Sure." "Excuse me." Paalam sa kanilang dalawa ng kaibigan niya at tuluyan na siyang iniwan. Umupo ito sa kaninang inuupuan ni Celine. Sa totoo lang guwapo si Austin kaya lang wala talaga siyang ka-amor-amor dito. Wala siyang maramdaman na kahit ano kundi pagka-inis. “Ano'ng pag-uusapan natin?" Tanong niya. "About our wedding my dear." "Who told you that I would marry you?" "Oh come'on Xarra, alam kong hindi mo kayang suwayin ang gusto ng magulang mo.” See? Kaya ayaw niya sa lalaking ito kasi wala itong pakialam sa nararamdaman niya. "Sinuway ko na sila noon at hindi ako mangingiming suwayin ulit sila huwag lang akong makasal sa kagaya mo.” Pinatatag niya ang kanyang loob, hindi siya dapat magmukhang mahina dito. "What's wrong with me?" Tumawa siya ng pagak sa tanong nito. "Kailangan ko pa ba talagang sagutin 'yan, Austin?" "I want to know." "Kasi selfish ka! Sarili mo lang ang iniisip mo. Ano bang mapapala mo kapag nagpakasal ka sa’kin at gustung-gusto mong matuloy ang kasal?" Dumilim ang mukha nito at nagtagis ang mga ngipin. Hindi niya gugustuhin na makasama ang lalaking ito sa iisang bubong baka kung ano pa ang gawin nito sa kanya. "Ikakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo Xarra at walang sinuman ang makakapigil sa gusto ko." "I have a boyfriend." She lied. "And I love him." "Then paghihiwalayin ko kayo." Naikuyom niya ang magkabilang palad. Wala pa man din siyang boyfriend ay may kokontra na. "Hindi ikaw ang makapagpapahiwalay samin Austin, so back off." "Then I'll kill him." Kung may anong daga na dumaan sa dibdib naya nang sabihin nito ang salitang iyon. "Walang sino man ang lalaking pwedeng lumapit sa’yo Xarra, what’s mine is mine. Isaksak mo 'yan sa kokote mo." "Hindi mo ako pag-aari!" Sigaw niya rito at wala siyang pakialam kahit gumagawa na sila ng ingay sa coffee shop. “Sa'kin ka lang." "B-buntis ako!" Bulalas niya at hindi niya rin alam kung saan niya nakuha ang salita na iyon. "You are lying!" Tumaas ang boses nito. "Ako lang ang pwedeng umangkin sa’yo, Xarra. Hindi ka pwedeng magkaanak sa iba!" "Hindi tayo kasal kaya pwede kong gawin lahat ng gusto ko kahit pa mabuntis ako!" "Don't you dare sleep with other man!" "I slept with my boyfriend." Another lie, making him more furious. "We made love many times and—" "Shut up!" Galit na sigaw nito at hinawi lahat ng nakalagay sa lamesa dahilan para mabasag lahat iyon. "I will kill that bastard!” "I am not virgin anymore, alam ko naman na katawan ko lang ang gusto mo." She smirked at him pero deep inside ay natatakot at nasasaktan siya sa mga sinasabi nito. She wants to cry but she would never do it in front of this monster. "You got it. I can't wait to taste your wet—damn!" Gulat na mura nito ng sampalin niya bigla. Hindi niya na kaya, she needs to escape from this mess! "Serves you right!” Iyon lang at tumakbo na siya palabas ng coffee shop at pumasok sa loob ng kanyang sasakyan saka doon hinayaang bumagsak ang mga luha niya. Lahat ng galit niya kay Austin ay iniyak niya na lang pati ang mga binitawan nitong masasakit na salita. Kung kanina napigil niya pa ang emosyon, ngayon na nag-iisa siya ay hindi na. She's free to cry now. Gusto niyang magalit sa daddy niya kasi nagkamali ito ng pagpili ng lalaking gustong ipakasal sa kanya pero bakit hindi niya magawang magalit sa ama? Because she loves her father so much even her mom na gagawin niya ang lahat mapasaya lang ang magulang pero mahirap kasi ang gusto ng mga ito, hindi niya kaya. Five years later... SUMALAMPAK siya sa kama at inabot ang remote sa side table. She turned on the television. Showbiz news: Inaabangan ang paglapag ng eroplanong sinasakyan ng magkakaibigan na ilan taon ding nawala sa bansa. Narito ang ilang mga larawan na kuha nila. May mga litratong nagflash bigla sa TV screen at gano'n na lang ang pagkasabik niya na makita ang isang lalaking ang tagal niya bago muling nakita. The man is wearing a cotton plain T-shirt, jeans and sneaker with his black sunglasses. Hila-hila nito ang maleta na halatang stolen shot lang ang kuha rito. May tatlong lalaki itong kasama at dalawang magandang babae. "It has been five years since the last time I saw you, pero bakit parang mas lalo kang gumwapo?” Sa TV niya lang ito nakita dati nong magkakasama pa sila nila Charee tapos ngayon sa TV ulit. Dali-dali siyang umayos ng upo nung makita ang lalaki sa screen. He's having a quick interview for Pete's Sake! "Okay Aeon, ngayon na nagbalik na kayong magkakaibigan, ano ang aabangan ng mga tao sa inyo?" Tanong ng babaeng reporter. Okay, his name is Aeon! Madami ang mic at mga recording gadgets na nakaabang sa harap ng binata, nagsisiksikan din ang mga reporters. "We were planning ‘bout car racing next month for RACE Inc. Grand opening." Parang may dumaan na daga sa dibdib niya nang marinig ang boses nito sa unang pagkakataon! Ang swabe ng boses! Kahit yata sigawan siya ni Aeon ay okay lang sa kanya! "Good to hear that. Anyway, we heard about your candidacy next year, is that true?" Aeon bit his lower lips for a seconds, making him more sexy. Damn! Hindi dapat ito nagpapa-interview dahil marami ang nakakakita rito. Maraming kaagaw ang mata niya! "Oh, I cannot answer you right now about that.” Iyon lang at nagpatuloy na ito sa paglalakad habang may kaakbay na babae na hindi makita ang mukha dahil bukod sa malaki ang sunglasses ay nakasuot din ng cap. Para siyang tanga na nahiga sa kama na nangangarap. Inulit-ulit niya sa isip ang mukha at boses ni Aeon. She wanted to see him personally. She wanted to talk to him, but how can she do that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD