CHAPTER 4

2379 Words
ABOT-ABOT ang kaba sa dibdib niya nang biglang may kumalabog mula sa labas ng apartment nila. Bumangon siya at lalabas na sana nang mapansin na wala si Charee sa kama nito, pati ang bag nito ay wala rin. Habang si Celine naman ay nananatiling tulog mantika, kapag nagkasunog siguradong matutusta ang best friend niya. "Celine." Tinapik-tapik niya ang balikat nito. "Wake up, wala si Charee." Umungol lang ito kaya tuloy nilakasan niya na ang pagtapik dito. "Hey, gumising ka muna wala—" "Oo na! Gigising na! Ano ba naman 'yan Xarra kung hindi lang kita best friend baka nakatikim ka na sa’kin alam mo bang bawal madistorbo ang tulog ko tapos—" "Enough!" Sinenyasan niya ito para tumahimik dahil patuloy na nag-iingay ang pinto ng apartment nila. "Ano-sino iyon?" "I don't know." "Hindi kaya magnanakaw?" "I don't think so." "Baka rapist?" Napayakap ito sa sarili. "Goodness! Hindi ko pa kayang ipamigay ang virginity ko kung kanino lang!” Nahihinatakutan na bulalas nito. "Huwag kang maingay, kunin mo na ang gamit mo kailangan natin umalis dito." Parang kiti-kiti na dinampot nito ang bag at sandals nito at siya ay ganon din. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng silid at lumabas doon ng walang ingay. Tinanaw niya ang madilim na sala kaya lang nag-iba na ang pwesto ng mga gamit doon. Ang mahabang sofa ay nakaharang sa pintuan at nakapatong naman doon ang single sofa. "Sinong may gawa niyan?" Mahinang tanong ni Celine na nasa likod niya at grabe kung makayakap sa kanya. "Siguro si baby M." Tukoy nito kay McLaren who happened to be Charee's cousin na nakilala nila kanina. Iniisip niya nga na rin na iyon nga ang gumawa ng paghaharang sa pinto. Nang nakipag race kasi sila kanina sa lalaking nanghamon sa kanila ay naunsyami ang pangangarera nila at napahamak sila mabuti na lang dumating ang savior nila na si Baby M s***h McLaren, malamang magkasama na ang dalawa sa mga oras na iyon. "Siguro nga, let's go." Napatalon sila pareho nang kumalabog na naman ang pinto na iyon kaya kumilos na sila para makaalis sa apartment. Sa likod sila dumaan at doon tumakbo nang tumakbo. "Napapagod na ako!" Hinihingal na reklamo ni Celine na nakakapit sa laylayan ng blouse niya. "Magpahinga muna tayo Xarra baka mamatay na ako sa sobrang pagod, sayang naman ang lahi ko." "Puro ka talaga kalokohan, paanong masasayang ang lahi mo hindi ba baog ka?" Malakas itong napasinghap, oa talaga ito. "Sabi mo baog ka di ba?" "Joke lang 'yon hindi ako baog. Mamaya rin ikakalat ko na ang lahi ko." "Walang papatol sa’yo." Biro niya lang iyon. Tumingin siya sa likuran nila at binalot na naman ng kaba ang dibdib niya dahil may mga lalaking nakasunod sa kanila. "Damn it! Bilisan natin nasundan nila tayo." Kinuha niya ang kamay nitong nasa laylayan ng damit niya at hinawakan iyon. "Faster Celine! Ikaw ang ipapain ko sa mga 'yan kapag naabutan nila tayo!” "Hindi ko alam kung bakit naging best friend kita kung ipapahamak mo lang din pala ang puri ko." Kapwa na sila hinihingal pero walang gustong manahimik sa kanila dahilan kung bakit lalo silang napapagod. "Ang drama mo bakit hindi ka na lang mag-artista?” "Bukas na bukas din mag-a-audution ako kung 'yan ang gusto mo tutal naman willing kang ibenta ako—aray!" Tili nito ng matapilok. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niyang tignan, ito ba o ang limang lalaking humahabol sa kanila. "Boss, nando'n sila Miss Xarra!" Narinig niyang sigaw ng isang lalaki. "Kasama niya po si Miss Celine!" Inalalayan niya ang kaibigan para makatayo ito kaya lang umiral ang pagiging maarte nito dahil ayaw umalis mula sa pagkakaupo. "Ano ba Celine, hindi ito ang oras para magdrama ka d’yan! Look, maaabutan na nila tayo." "Iwan mo na lang ako Xarra, hindi ko na talaga kaya tumakbo masakit ang paa ko." Mahinang sabi nito, kilala niya ang kaibigan. Hindi pala ito umaarte ngayon. "Ayoko, hindi kita iiwan dito baka kung ano ang gawin nila sa’yo." Umupo s’ya ng nakatalikod dito. "Ipapasan na lang kita, Celine." "Yucks! Nakakahiya ka Xarra, ayoko." "Please?" Nawawalan na siya ng pag-asa dahil nakikita niya na sa gilid ng mata niya na malapit na sa kanila ang mga humahabol. Natatakot siya na baka si Austin iyon. "Please Celine.” Kinurap-kurap niya ang kanyang mata parang may gusto kasing lumabas do'n kung dahil sa takot ay hindi niya rin alam. Naramdaman nyia ang braso ni Celine sa may balikat niya. Gagawin niya ang lahat kahit mahirapan siya basta huwag lang silang parehong mapahamak. Tatayo na sana siya kaya lang ay hindi pala gano'n kagaan ang kaibigan. "Mag diet ka nga!” Pakli niya rito para matakpan ang anuman ang takot na nararamdaman niya. "Sexy ako.” Batid niyang pareho sila ng nadarama, nagpapanggap silang hindi natatakot. "Hindi ka sexy, may bilbil ka.” Kinurot siya nito sa tagiliran pero hindi naman malakas. Buong lakas na tumayo sya bago pa sila maabutan kaya lang hindi pa siya nakakatayo ng tuwid nang sabay silang bumagsak sa lupa, napapikit na lang siya. "Ouch!" Sigaw ni Celine na nadaganan niya. “Boss, nandito na po sila!” Nagmulat siya ng mata kaya lang nasilaw siya sa flashlight na nakatutok sa kanila. "S-sino kayo?" She asked. "Maawa kayo sa’min, hindi kami anak mayaman walang business ang pamilya namin kaya wala kaming ibibigay na pera sa inyo." Kumunot ang noo ng lalaki sa sinabi ni Celine. "Mukha lang kaming mayaman pero hindi talaga.” “Xarra!" Isang pamilyar na baritonong boses ang tumawag sa pangalan niya. Parang slow motion na hinanap niya ang boses na iyon at parang gusto niyang maiyak nang makita ang daddy Harper niya na naglalakad palapit sa kanya. Isang taon niya itong nakita, isang taong niyang hindi narinig ang boses nito at masasabi niyang sobrang miss na miss niya na ang ama pati na rin ang mommy niya. "Dad..." Mahinang tawag niya at tuluyan ng napaiyak nang bigla siya nitong yakapin. “Daddy,” "Xarra, anak, I missed you so much. Your mom missed you too." "I m-missed you too daddy. I missed mom too." Naramdaman niya ang paglayo ng katawan ni Celine sa kanya, malamang ay naalalayan na ng mga tauhan ng ama. "Umuwi kana anak." Kumalas siya sa pagyakap dito at umiling. "Ayoko daddy, ipapakasal niyo lang ako kay Austin kapag umuwi po ako." "Kinausap ko na si Austin, I told him to wait." "Kahit forever siyang maghintay dad, hindi ko pa rin siya papakasalan." "Just go home Xarra, I don't want to talk about your wedding dahil may mas importante pa tayong dapat pag-usapan, anak." "Ano po iyon?" Inayos muna nito ang buhok niya na gulu-gulo pala at pinagmasdan siya. "About your mom." "What about her?" "Gustong-gusto kana niyang makita anak na halos hiwalayan niya na ako dahil hindi ka namin mahanap at kapag hindi pa kita dinala sa kanya siguradong nasa labas na ng bahay natin ang mga damit ko. Gusto mo bang maghiwalay kami ng mommy mo?" "Ayoko po." "Hindi ko rin naman hahayaan na maghiwalay kami. I'll do everything for her manatili lang siya sa tabi ko.” Maswerte ang mommy niya dahil ramdam niyang mahal na mahal ito ng daddy niya. Sana makahanap din siya ng lalaking katulad ng pagmamahal ng dad niya sa mom niya. "Uuwi na po ako, daddy.” Her dad smiled at her, kahit papano umaliwalas na ang kaninang malungkot na mukha nito. Inalalayan sya nitong makatayo at maya-maya lang may sasakyan na na paparating sa gawi nila. "Celine." Tawag niya sa kaibigan na karga ng isa sa bodyguard ng daddy niya. "Why?" Ngumisi ito kaya tuloy tinignan niya ulit ang lalaking kumakarga rito. "Guwapo." Her friend mouthed. "Loka-loka." Naiiling na sabi niya at umabrisiete na sa ama. Kahit pala gaano kalaki ang pagtatampo niya sa ama ay napapawi iyon. Isinandal niya ang ulo sa balikat nito nang makaupo na sila sa backseat at ipinagpatuloy ang tulog niya. Hindi niya akalain na ang daddy niya pala ang sumisira ng pinto ng apartment nila, akala niya kung sino na kaya tuloy nagmukha lang silang tanga ni Celine kakatakbo. "MOMMY!" Nagmamadali siyang bumaba sa sasakyan at sinalubong ng yakap ang ina na waring nag-aabang ng pagdating nila. “Mommy! Miss na miss kita.” Gumanting yakap ito at naramdaman niya ang pag-uyog ng balikat nito. Her mom is crying. She missed her hugs and the way her mother caress her hair. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagkabata sa mga sandaling iyon. Paano niya nakayanan na malayo sa mga ito ng halos isang taon? "I missed you so much, anak." "Don't cry mommy, nandito na po ako. Nahanap na ako nila daddy, huwag niyo na po siyang hiwalayan." "Xarra is right babe, huwag ka na rin magalit sa’kin at sana magkatabi na tayong matulog." Her dad said and hug them. "I promised to you na bubuuin ko ulit ang pamilya natin, please forgive me, Vhia." Kumalas siya sa mga ito, kaya ang mom at dad niya na lang ang magkayakap. Seeing them like that makes her happy. Kahit pala mag-asawa na ay nagkakatampuhan pa rin. "Mom, forgive dad na." "Kung hindi ka niya ibinalik sa’kin hinding-hindi ko talaga papatawarin itong daddy mo." Iningusan nito ang daddy niya at pinalo pa sa dibdib. "Hindi na ako galit sa’yo." Lumapad ang pagkakangiti ng ama at sa isang iglap lang ay nahalikan nito ang mommy niya, kaya tuloy napapikit siya. Hindi pa siya sanay na makakita ng naghahalikan sa harap niya! "You two get a room.” Para siyang matanda na pinapagalitan ang mga ito. Narinig niya ang pagtawa ng dalawa dahil sa sinabi niya, may isang kamay na humila sa kanya kaya tuloy napag-gigitnaan na siya ng magulang. "Welcome home, anak." Her mom muttered. "Don't you ever dare leave us again, okay?" "I won't leave you mom, dad. I will never do it again." "Kapag may gumugulo sa isipan mo anak kausapin mo lang si mommy, hindi mo kailangan umalis mabuti na lang at ligtas ka." "I promise mom kapag aalis ako magpapaalam na po ako ng maayos sa inyo." Bumaling siya sa ama. "Pero kapag pinilit niyo akong ipakasal kay Austin hindi po ako magdadalawang isip na umalis ulit para lang huwag makasal sa kanya." Nagkatinginan ang mommy at daddy niya saka sabay na bumuntong hininga. "Your dad will talk to Austin. Aayusin namin kung ano man ang hindi mapagkasunduan." Tumango na lang siya. "Pero anak hindi pa naman kayo ikakasal agad kung iyan ang iniisip mo." "Kahit na mommy, ayoko pa rin. I don't love him." "Huwag mo na munang isipin ang kasal na 'yan. Enjoy your life Xarra. Bata ka pa kaya wala pa sa isip mo ang pagpapakasal." Siguro nga masyado na siyang bata para sa kasal na iyon. Paano kapag dumating na 'yung tamang edad niya para magpakasal? Sa ngayon ay talagang naguguluhan pa siya  and at the same time ay napipressure siya. Basta isa lang ang gusto niya…ang maging malaya sa lahat ng bagay. HINAWAKAN niya ang magkabilang bewang ng babaeng gumigiling sa ibabaw niya habang ginabayan ito para bumilis ang galaw. Kanina niya pa gustong labasan kaya lang parang trip siyang bitinin ng babae. Sinasalubong niya ang pag-akyat at baba ng katawan nito sa nag-u-umigting niyang p*********i na kanina pa sumasabak sa giyera. "Faster Aeon, ohhh!" Nang hindi makapagtiis ay pinagpalit niya ang posisyon nila, pinadapa niya ito at walang sabi sabi na ipinasok niya ang p*********i at marahas na umulos nang umulos. Napapakagat siya sa balikat ng babae dahil sa kakaibang sarap na iyon at mas lalo siyang ginagahan kapag isinisigaw nito ang pangalan niya na parang nababaliw na. "Aeon, I'm c-coming….oohh, ahhh!” Inilapag niya ang isang kamay sa gilid nito bilang suporta sa bigat niya habang ang isang kamay niya ay nakahawak naman sa buhok nito. Ang mahirap sa kanya kapag nakainom siya ay matagal siyang labasan kaya siguradong laspag ang babaeng ito sa kanya. Nakakailan round na rin sila in a different position. Naramdaman niya ang mainit na likido sa loob ng babae at panghihina ng katawan nito, pero talagang matigas siya kaya nagpatuloy lang siya sa pag-galaw. Ilan pang diin at marahas na pakikipagbuno ay narating niya na rin ang paraiso. He have his condom kaya safe sila, isa pa gumagamit ng pills ang babaeng kasama niya. "You can have me anytime Aeon, just let me know." Aeon smirked. “Yeah, I'd let you know.” He rest his body above the bed and close his eyes for a moment. Ilan taon na ba siya sa New York? Four years? Hindi niya naman namimiss ang magulang dahil madalas silang bisitahin ng mga ito lalo na si Saleen na katabing unit niya lang. Hindi niya muna pinansin ang babae na nag-umpisa na siyang halikan mula sa labi niya, pababa sa matipuno niyang katawan. "Aeon, why don't we try to have a formal relationship?" “No,” agap niya. "But why? We've been doing this for almost a months now." "If you don't like that way, its fine with me. You are free to go." Ayaw na ayaw niya na sasabihan siya ng dapat niyang gawin. Isa pa hindi niya gustong magkaro’n ng isang long term relationship unless gusto niya talaga 'yung babae. He likes someone else but unfortunately they can't be together because of one reason, he can't afford seeing that girl crying in pain because of him. He'd rather choose to be friend by her at least hindi niya ito masasaktan kung magiging magkaibigan lang sila. "I'm fine with this, Aeon. I'm sorry ‘bout that." Ito pa ang ayaw niya sa mga babae 'yung susundin lang 'yung gusto niya. ‘Yung bang nagpapa under sa kanya. He wanted someone who will shout at him o kaya 'yung lalabanan siya, para naman ma-challenge siya. Kaya lang sa kasamaang palad ay hindi niya pa nakikilala ang babaeng may ganon na ugali. "Stop that, let me rest." Utos niya sa babae na hinahalikan ang buong katawan niya. Tuluyan na siyang natulog nang tumigil ito at tumabi na lang sa kanya. Hindi na siya makapaghintay makauwi ng Pilipinas. He missed car racing so much!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD