CHAPTER 3

2234 Words
"HAPPY 19th Birthday, Charee!" Masiglang bati niya sa kaibigan habang hawak ang pabilog na cake. "Make a wish." Ipinikit nito ang mata at pagkatapos ay inihipan ang kandila. "Thank you, Xarra. Nakalimutan ko na birthday ko ngayon mabuti na lang at naalala mo." "Naka-mark sa calendar ko ang birthday mo kaya hindi ko talaga iyon makakalimutan." Inilapag niya ang cake sa lamesa at nag-umpisa na silang kumain. Natuto na rin silang magluto, maglaba at maglinis ng bahay. Isang taon na silang magkasama ni Charee sa bahay na iyon at nakapagtataka lang na walang nagtatangkang hanapin siya pati na rin ang kasama niya. "Masaya ba sa bago mong trabaho?" Tanong nito sa kanya. "Okay lang naman dahil nakakasundo ko 'yung iba pero 'yung iba ay hindi." Isa siyang event photographer. Kung anu-anong klaseng pagdiriwang na rin ang napuntahan niya sa loob ng isang taon. Hindi gano'n kalaki ang salary pero kaya pa naman nila mabuhay ni Charee. "Gusto ko rin magtrabaho, Xarra." Ilan beses niya na itong sinabihan na tawagin siyang 'Ate' kaya lang ay hindi siya nito pinapansin. "Payagan mo na akong magtrabaho, nineteen na naman ako.” Medyo nakaramdam siya ng awa sa kaibigan dahil nga hindi niya ito pinagtatrabaho, minsan sinasama niya lang ito kapag may event sila para hindi naman ito maburyo sa loob lang ng apartment nila. "Okay pero sasamahan kita mag-apply.” Feeling niya talaga ay Ate siya at lagi siyang umaastang Ate rito. "Paano ako matututo mag-isa kapag kasama ka?” Oo nga naman, Xarra! "Fine fine." Itinaas niya ang dalawang kamay. "Pwede ka na mag-apply ng trabaho." "Talaga? Papayagan mo na ako?" “Yes, para naman magkaro'n ka na ng experience sa pagtatrabaho." "Para makatulong din ako sa pagbili ng mga kailangan natin dito sa bahay." Well, well, well, siya lang naman ang gumagastos kasi nga siya ang Ate sa kanilang dalawa. "As your 'Ate' pinapayagan na kitang magtrabaho pero hindi pa kita pinapayagan mag-boyfriend, okay?” Tumabingi ang ngiti nito pero tumango rin naman bilang pagsang-ayon. "Xarra, hindi ka pa ba nagkaka-boyfriend?” "Hindi pa." Mabilis na sagot niya. "But I have Fiance'." Pinaglaruan niya ang spaghetti sa plato. "But I don't love him. I don't want to marry him.”  "Ibig mo bang sabihin...Napilitan ka lang?" "My dad wanted him for me." Panimula niya. "Kaya ako umalis sa bahay para takasan sila sa gusto nilang mangyari pero alam kong hindi habang buhay ay magtatago ako. My dad will surely make his way to find me and that makes me scared." "That's absurd!" "Yes." Siya naman ngayon ang ngumiti ng malungkot dito. "Ayokong matali sa isang relasyon na walang pagmamahal. Naniniwala pa rin kasi ako na ang isa sa happiness ng isang tao ay nakasalalay sa taong gusto niyang makasama habang buhay." Like her mom and dad, mahal na mahal ng magulang niya ang isa't-isa pero may pagkakataon pala talaga na may isang nasusunod at iyon ang daddy niya. Bilang anak, ano lang ba ang magagawa niya? Nabigay sa kanya ang lahat ng luho niya pero bakit hindi niya kayang ibigay sa mga ito ang kahilingan na magpakasal siya kay Austin? "Paano kapag nahanap ka na nila?" May pag-aalala sa boses at mukha ni Charee. "That's the question that I need an answer. What if nahanap na ako nila daddy?" "Are you going to marry your Fiance'?" Umiling siya ng paulit-ulit. Twenty two pa lang siya at wala pa talaga sa isip niya ang pagpapakasal! "No, I will never marry that Austin!" Nag high pitch ang boses niya kaya naman napangiwi ang kausap. Hindi ito sanay na sinisigawan eh, pero hindi niya naman sinasadya. "Gagawa ako ng paraan para hindi lang matuloy ang kasal namin." "Magpakasal ka na lang sa iba." "Ayoko nga magpakasal sa kahit na sino, unless sobrang gwapo at yummy nyia." Bumungisngis ito na bakas ang tuwa sa mukha. "May kilala ka bang guwapo at yummy?" "Madami." "Talaga? Ipakilala mo ako, Charee!" Natutop nito ang bibig nito na akala mo may pagkakamaling nasabi. Minsan sumasagi sa isip niya na may inililihim ito sa kanya o baka napaparanoid lang siya? Kasi siya ang may itinatago kaya pumapasok sa utak niya na ito ang may inililihim. "Nasa malayo sila at isa pa busy sila." Pumadyak siya sa tiled floor. "Paasa ka naman Charee! Pero kapag hindi na sila busy pwede mo ba akong ipakilala?" "Sure." "Tumawag nga pala sakin 'yung best friend ko kanina." Tukoy niya kay Celine. "She wanted to visit here.” "You have best friend?" “Yes, her name is Celine Villarica." "I have my best friend too, pero umalis siya." "Saan nagpunta?" "Study Abroad." Malungkot na sabi nito. "Okay lang 'yan Charee, nandito naman ako." "And I am very thankful to have you here with me, kung hindi kita nakilala hindi ko alam kung ano ang buhay na mayro'n ako ngayon." "Alam mo ba na nagpapasalamat din ako kasi nakilala kita? Katulad mo hindi ko rin alam kung saan ako pupunta noon, isa lang kasi ang alam ko... Iyon ay ang makatakas sa taong hindi ko kayang mahalin at hindi ko gugustuhing pakasalan." Ginagap niya ang kamay ng kaibigan. ”Kaya ikaw huwag kang papayag na matali sa isang relasyon na walang pagmamahal, okay? Dapat mahal niyo ang isa't-isa, 'yung tipong walang magtatangka sa inyong lumayo ang isa kasi hindi niyo kaya." "Pero iniwan niya ako. Ibig bang sabihin no'n ay hindi niya ako mahal?" Sino ba siya para sagutin ang tanong nito? Ni hindi niya nga kilala kung sino ang lalaking tinutukoy at hindi niya rin alam ang buong kwento. "Ang unang tanong naman kasi d’yan ay bakit ka niya iniwan? Do you know the reason why?" Umiling ito, obviously hindi alam ang dahilan. "Kailangan malaman mo muna ang dahilan kung bakit niya ginawa ‘yon bago mo masagot ang tanong kung mahal ka ba talaga niya o hindi." "Pero iniwan niya ako.” Eh? Makulit din talaga ang isang ito. "Let me ask you, bakit mo iniwan ang pamilya mo? Dahil ba hindi mo na sila mahal?" "No! I love my mom and dad, I love my brother!” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para kasi itong bata na malapit ng umiyak. "See? Hindi ibig sabihin na iniwan ka ng isang tao ay hindi kana mahal. There is always a reason behind people's decisions and whatever it is, dapat alamin muna natin kung ano iyon bago natin sila husgahan." "So, kailangan ko munang alamin ang dahilan bago ako magalit sa kanya?" "For me its a Yes, baka kasi para sa inyo naman pala ang dahilan niya tapos nagagalit ka pa." "No, I am still mad at him. I will never forgive him for leaving me!" Itinikom niya na lang muna ang bibig, mukha kasing galit talaga si Charee sa kung sino man ang lalaki na iyon. Kaya tuloy hindi siya masyado na-a-attract sa mga lalaki kasi naman masakit pala talaga ang magmahal. KINUHA NIYA ang kanyang cellphone nang mag-ring ang message tone no'n. Unregister number ang bumungad sa kanya, siguro ay isa sa mga clients nila. ‘I already found you, my dear. You are mine now Xarra. You are going to marry me by hook or by crook. -A’ Nanginginig ang mga kamay na binura niya ang text message. Nagpalinga-linga siya sa paligid, nasa isang wedding siya, tapos na ang trabaho niya at uuwi na rin sya maya-maya lang. "I am not yours, Austin. Damn you!" Nanggagalaiting sambit niya at isinalaksak ang cellphone sa bag. Hanggat maaari ay dapat makalipat na sila ni Charee ng bahay, ayaw niyang madamay ito kung ano man ang binabalak sa kanya ni Austin. Napilitan siyang umalis sa reception at dumeretso sa apartment nila pero hindi niya do'n nadatnan ang kaibigan. "Ngayon nga pala nag-apply ng trabaho si Charee." Usal niya saka napabuntong hininga. Umakyat siya sa silid at inayos ang mga gamit niya, dapat maging handa siya lalo at natagpuan na siya ng fiance niyang hilaw. Kanina pa rin tunug nang tunog ang cellphone niya pero hindi niya iyon pinapansin. Natatakot siyang makabasa na naman ng message mula sa lalaking ‘yon. Matapos magligpit ay naligo naman siya para kahit papano lumamig naman ang ulo niya. Kinuha niya ang cellphone upang patayin sana iyon dahil walang humpay ang pagtunog kaya lang hindi na nangyari dahil si Celine pala ang caller. "Hello?" "Buhay ka pa pala, Xarra." Pinaikot niya ang kanyang mata. "Akala ko nanakaw na 'yang mumurahin mong cellphone." "Like duh? Bakit ka ba tumawag?" "May problema ba? Nanginginig ang boses mo. Don't tell me may kasama kang lalaki d’yan at gumagawa kayo ng—" "Shut up!" Green minded rin talaga itong Celine. "Nalaman na ni Austin kung nasaan ako." "What? Paanong-kailangan n’yo ng umalis d’yan ni Charee!” "Iyon nga ang gagawin ko hinihintay ko lang siya." "Hintayin niyo rin ako kasi you know I'm on my way na kung nasaan man kayong lupalop ng mundo." "P-pwede bang i-cancel na lang ang pagpunta mo rito?" "Hindi pwede!" Tumili ito. "Malapit na ako d’yan and maybe after one hour magkikita na tayo." "Pero Celine…” "Kumalma ka muna Xarra, okay? Hindi pa magpapakita sa’yo 'yan si Austin, nahanap ka lang niya pero nararamdaman ko na hindi ka pa niya guguluhin." "You think so?" "Yes." "Sinasabi mo lang 'yan para pagaanin ang loob ko." "Of course not! Anyway, magkita tayo mamaya, I will send you the address." "Celine..." Nanghihinang tawag niya sa pangalan ng best friend. "Paano kung—“ "Ssshhh, stop worrying about things. Pag-uusapan natin 'yan mamaya. Okay?" Tumango-tango siya. "O-okay. Mag-ingat ka." "I will." And the line was cut off. Nanghihina na napaupo siya sa sofa at inilagay ang magkabilang palad sa kanyang mukha hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng maliit na gate ng apartment nila. Agad siyang tumayo at bumalik ulit sa banyo para kunin ang towel sa buhok. Hindi dapat malaman ni Charee ang nangyayari, ayaw niyang mag-alala ito. "Aalis ka?" Tanong nito na saktong pagkalabas niya sa banyo ay ang pagsulpot naman nito. "Yes, may kailangan lang akong kausaping tao." Who happened to be her best friend, Celine. "Hindi ba ako pwedeng sumama?" Ngumiti siya ng nakakaloko. Never niya yatang natanggihan si Charee kapag naglambing na sa kanya. "Magbihis ka na para may kasama ako. Hurry up!" Masayang sabi niya kaya dali-dali naman itong nagtungo sa silid nila. Inayos niya na rin ang sarili. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa restaurant kung saan naghihintay na si Celine. Agad naman silang nakaagaw pansin nang pumasok sila dahil alam niya sa sarili niyang talagang may angking ganda sila. "Celine!" Sigaw niya sa pangalan ng kaibigan nang makita ito. Hindi niya na napigilan ang excitement na nararamdaman na makita ulit ito makalipas ang halos isang taon. "Xarra!" Ganting sigaw nito kaya naman nakuha na talaga nila ang atensyon ng mga tao doon. Kung anu-ano lang ang pinagkwentuhan nila at pilit isinasantabi ang tungkol sa fiance niya. They were talking about car racing when the television suddenly turned on. Apat nagagwapuhang lalaki ang larawan na nakapaskil sa flat screen TV pero may isang lalaki doon na talagang nakaagaw ng pansin niya. Guwapo ang apat, given na iyon, pero mukhang mas trip ng mata niya na titigan ang isa do’n na kung titignan ay tahimik lang at hindi man lang pinansin ang mga blond girl na kasama ng mga ito. "Past time lang nila 'yang mga babae na ‘yan." Tukoy niya sa mga babaeng nakapalibot sa mga guwapo pero nanatiling nakatitig sa lalaki, feeling niya attracted siya. Crush niya na nga yata ito samantalang ngayon niya lang talaga ito napansin. "I agree! May girlfriend na kaya 'yan si Ether at Ryxer." Pagsang-ayon ni Celine pero si Charee ay nanatiling tikom ang bibig at bakas sa mukha nito ang pagkadismaya na makita ang larawan. Kung hindi siya nagkakamali ay ang lalaking tinitignan niya ay kabilang sa mga car racer sa bansa pero hindi siya sigurado sa pangalan nito. Hanggang sa mawala ang mga larawan at doon lang din silang nagpasyang umalis na sa lugar na iyon. "Hello girls, wanna race?” Napatingin siya sa lalaking nasa loob ng sasakyan na naka-puwesto sa gilid ni Charee na nasa driver's seat, ito kasi ang nagprisinta magdrive. "Gusto pa namin mabuhay ng matagal pretty boy kaya kung gusto mo iba na lang ang yayain mo magrace." Ingos niya sa lalaki. Bakit ba may pakiramdam siya na may hindi magandang mangyayari? "Ano naman ang mapapala namin kapag kami ang nanalo?" Tanong ni Celine na nasa backseat, para itong cute na puppy na nakadungaw sa bintana. "Let's make a bet." Panghahamon sa kanila ng lalaki na kahit guwapo ay mukha pa rin demonyo sa paningin niya. "Fine. How much?” Bumalik ang mata niya kay Charee, mahigpit ang pagkakahawak nito sa kambyo at manibela. Para bang kating-kati na itong magmaneho ng mabilis. "One hundred thousand.” The man answered smugly. Napasinghap siya. Kapag natalo sila mauubos ang ipon niya-nila! Handa na sana siyang magprotesta ng magsalita si Charee. “Deal!" Ani ng kaibigan at wala pang ilang segundo ay humaharurot na ang kotse na sinasakyan nila. Dali-dali niyang ikinabit ang seatbelt habang si Celine naman ay panay ang tili dahil hindi kasya rito ang seatbelt. Sana lang ay walang mangyaring masama sa kanila kahit pa nararamdaman niya na may ibang pakay ang nanghamon sa kanila ng karera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD