KAAGAD na tinakpan niya ilong nung pagkababa niya sa taxi ay bugahan siya ng maitim na usok na nanggaling sa naturang sasakyan.
"Grabe si manong!” Bulalas niya.
Inilibot niya ang paningin sa terminal ng mga bus na byaheng probinsya. Tatlong terminal iyon na magkakahilera at sa mga oras na 'yon ay wala pa siyang ideya kung saan ba talaga ang tungo niya?
Hinila niya ang kulay pink na maleta at nagpunta sa cashier upang tignan kung saan lugar ba talaga niya gustong magpunta.
"Saan pong lugar ang pinaka malayo?" Tanong niya sa kahera. Imbes na sagutin siya ay binigyan siya nito ng paraphernalia kung saan naroon ang mga lugar na kaya lang makarating gamit ang mga bus. "Mini-mini may ni mo, sino sa inyo ang pipiliin ko?" She said to herself in a sing song. She purse her lips. "Come'on Xarra, choose and pick one."
Ipinikit niya ang mga mata at inilagay ang hintuturo sa papel na hawak at ipinaikot doon ang daliri na animo kasali siya sa spirit of the glass.
"Miss?" Hindi niya pinansin ang nagsalita, bagkos nanatili siyang ginagawa ang pagpili ng lugar na pupuntahan niya. "Miss?" Deadma ulit, hindi naman siguro siya ang tinatawag.
Hanggang sa may maramdaman na siyang tumapik sa balikat niya pero hindi pa rin siya nagpatinag. Kailangan niya ng makapili ng lugar na pupuntahan.
"Mini mini may ni mo…saan lugar ba dapat ako?" Ulit niya sa kinakanta niya habang nakapikit at gumagalaw ang daliri. "Mini mini may ni—"
"Miss!" Sigaw ng isang boses babae kaya tuloy napilitan siyang magmulat ng mata.
"Bakit po? Ako po ba ang tinatawag niyo?"
"Oo kanina ka pa d’yan sa tapat ng cashier! Ang haba na ng pila.”
Itinuro nito ang mga taong nasa likod nito at sinundan niya naman iyon. Madami ng nakapila at ang sama na ng tingin sa kanya. She force a cute smile and make a peace sign.
"Nakapili na po ako ng lugar na pupuntahan ko." Aniya saka hinarap ulit ang kahera upang bumili ng ticket.
Pinagmasdan niya muna ang ticket na hawak at hinanap ang bus number ng sasakyan niya. Muli ay inilibot niya ang paningin sa dami ng tao sa terminal na iyon, pero hindi nakaligtas sa mata niya ang isang magandang babae na kalalabas lang mula sa taxi, may malaking bag itong sukbit sa likod nito.
Nang mahanap niya na ang bus niya ay pumasok na siya do'n. Wala pa rin naman masyadong tao kaya nagpahinga muna siya sa kanyang inuupuan at hindi niya na namalayan na makakaidlip siya. Naramdaman niya ang pag-start ng makina ng bus kaya medyo iminulat niya ang mata to make sure kung aalis na ba sila.
Handa niya na sanang ipikit muli ang mata kaya lang napako ang tingin niya sa babaeng malapit sa istribo na tila naghahanap ng bakanteng upuan. Pasimple niyang inilibot ang tingin sa buong bus at napagtanto niyang okupado na lahat pwera na lang sa tabi.
"Kuya, wala na po bang available seats?" Mahinang tanong nito sa kondoktor na kakapasok lang din.
"Here!" Tawag pansin niya sa mga ito. "If you want, pwede kang tumabi sa’kin." Dumako ang mata ng babae sa kanya at medyo umaliwalas ang mukha ng makita ang bakanteng upuan sa tabi niya. "Come here."
Ngumiti ito sa kanya pero hindi naman ngumiti ang mga mata nito. Kung may pinagdaraanan siya, malamang sa malamang ay may pinagdaraanan din ang magandang babaeng tumabi sa kanya.
"Thank you." The girl whispered.
"Welcome."
Ngayon na magkatabi na sila mas nakikita niya na ng husto ang istura nito at kung gaano kaamo ang mukha nito. Nang-umandar ang bus ay tila naalarma ito at kung may anong hinahanap sa inuupuan nila.
"What's the problem?" Hindi napigilan na tanong niya.
"Ha? Hmm, they doesn't have seat belts here?" The girl asked innocently.
Pinigil niya ang sarili na huwag matawa dahil batid niyang hindi ito nagpapatawa.
"Walang seat belts ang mga bus except 'yung mga drivers.”
Tumango-tango ito saka niyakap ang bag nito habang ang hindi kalakihan na maleta ay nasa paanan naman nito. Maleta?
Para siyang kiti-kiti na hinanap ang maletang dala niya sa inuupuan niya at napansin din naman siya ng katabi.
"What's wrong?"
"Y-yung maleta ko nawawala." Napatayo pa siya at napaupo rin ulit dahil nga umaandar ang bus. "Naiwan ko yata sa terminal." Nanghihinang sabi niya.
Tinapak-tapakan nito ang maleta nitong halatang mamahalin.
"Madami akong dalang damit, bibigyan kita." Tinignan niya ito, mukha rin itong anak mayaman. "But if you don't like we can buy new clothes for you I have a lot of money here in my-umm!”
Tinakpan niya ang bibig nito at tumingin sa kabuuan ng bus. Hindi ba nito alam na delikado pag-usapan ang pera sa publiko? Lalo at hindi sila magkakakilala baka masasamang tao ang kasama nila.
"I'm fine with your clothes and please don't talk about money especially when you were in a public place."
"Why?"
"Baka may mga kasama tayong holdapers at kapag nalaman nilang may pera ka baka kunin nila sa’yo 'yan." She whispered. Her pretty face became pale upon hearing what she said. "I'm just kidding." Pilit siyang ngumiti rito baka sakaling hindi na ito matakot sa sinabi niya.
"You are not." Anito at hindi na siya pinansin. Matampuhin eh?
Ilan oras na silang bumabyahe at ang kasama niya ay hindi pa rin nagsasalita. Nabuburyo na siya at ayaw niyang makaramdam ng pagkabagot dahil naaalala niya lang ang magulang, pati ang gusto ng daddy niya.
Malakas siyang bumuntong hininga hindi para kunin ang atensyon ng babaeng katabi niya dahil napalingon ito sa kanya, kundi gusto niya lang pagaanin ang nasa loob niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya. Kailangan niya ng kausap.
"H-hindi ko alam." Nalukot ang mukha niya sa sagot nito. "Ikaw, saan ka pupunta?"
"Hindi ko rin alam." She chuckled. "Kung saan huminto ang bus, doon ako."
"Ibig sabihin, wala ka talagang planong mag travel?"
Umiling siya. "Wala, gusto ko lang maramdaman kung paano maging malaya."
"Malaya? You want to be free?"
"Yes, a freedom to do what I want. A freedom to choose who I want and a freedom to make a decision with my own." Tumingin siya glass window, hindi pa sumisikat ang araw. "Gusto kong maging malaya sa lahat ng bagay. Gusto kong mabuhay na walang nagdidikta sa’kin kung ano ang dapat kong gawin.
Xarra smile sadly.
"Do you really think na ang paglayo ang makakatulong sa’yo?"
"I am not sure, pero wala naman masama kung susubukan natin, hindi ba? Hindi naman lahat ng oras ay iisipin natin ang ikakasaya ng mahal natin, minsan kailangan din natin hanapin ang ikakasaya natin." Hindi ito kumibo. "Ikaw ba, bakit ka umalis?"
Sumilay ang isang tipid na ngiti dito habang ang mata ay nakatuon sa daan. Nasa pangalawang hilera kasi sila mula sa drivers seat kaya nakikita nito ng maayos ang binabaybay nila.
"Gusto kong hanapin ang sarili ko." She wanted that too. Hanapin ang sarili niya na hindi nyia alam kung paano. "Gusto kong maging matatag para kapag bumalik ako, kaya ko ng lumaban."
"Brokenhearted ka." Mabuti na lang at hindi niya pa nararanasan ang masaktan ng dahil sa pag-ibig. "Anong klaseng sakit ang nararamdaman mo?"
"Hindi maipaliwanag ng salita lang. Walang tamang salita sa sakit na 'to."
Gumalaw ang kamay niya upang haplusin ang likod nito dahil nakikita niyang nangingilid na ang mga tubig sa gilid ng mata ng magandang babae.
Magkaiba man sila ng pinagdaraanan pero alam niyang pareho silang nasasaktan sa magkaiba rin na dahilan.
"Darating ang araw mawawala rin ang sakit na nararamdaman mo. Sabi nga nila kapag may pinagdaraanan tayo dapat mas lalo tayong maging matatag at kumapit lang tayo sa Kanya." Tukoy niya sa itaas.
"But I'm weak."
"Ang kahinaan mo ang gawin mong kalakasan mo."
"Huh?"
Ngumiti siya dito. Feeling niya nagkaro'n siya bigla ng kapatid at ginaganapan niya ang pagiging 'Ate' sa magandang babaeng kausap.
"Yung taong nanakit sa’yo ang gawin mong inspirasyon para mas lalo kang maging matatag. Kung nakaya niyang saktan o iwan ka, dapat kaya mo rin gawin ‘yon sa kanya."
The woman stare at her for a moment and for her surprised, she hugs her.
"Thank you." Mahinang sabi nito.
Tinapik-tapik niya lang ang likod nito na sinasabing 'okay lang iyon’. Batid niya na may dahilan kung bakit sila pinagtagpo ng babaeng ito.
"ARE WE going to live together?" Manghang tanong sa kanya ni Charee, nasa tapat sila ng hindi kalakihang apartment.
"Ayaw mo ba akong kasama?" Kunyari ay nagtatampo siya.
"Hindi ha, masaya nga ako dahil hindi ako nag-iisa. Gusto kitang kasama Xarra."
"Iyon naman pala eh, pumasok na tayo sa loob.”
Binuksan nila ang pinto ng apartment, mabuti na lang at malinis iyon, may mga gamit na rin.
"I'm hungry." Umupo ito sa sofa na tila naghihintay na maghain dito ng pagkain. "Can you cook?”
Umiling-iling siya sa tanong nito. Ano naman bang alam niya sa pagluluto? Pupunta lang siya sa kitchen nila kapag kakain, never niyang naranasan ang magluto.
"We can buy foods, may malapit din na Mall dito."
"Maybe we can have our brunch there."
"Yeah." Sabay silang napangiti at kinuha ang kanya-kanyang wallet saka lumabas ng apartment, siya ang nag-lock ng pinto at ang humawak ng susi. Mukha kasing bata ang kasama niya.
"Are we going to ride in a tricycle?"
"Hmm yes, wala naman taxi dito." Sagot niya kay Charee na panay ang tanong sa kanya, para itong ngayon lang nakalabas sa pampublikong lugar. "Gusto mo mag jeep nalang tayo?” Suhestiyon niya pa na tila ba sanay na sanay siya mag commute.
And totoo nagmamagaling lang sya dahil hindi pwedeng pareho silang walang alam, isa pa mas matanda sya ng dalawang taon kay Charee kaya dapat sya ang umasta na magaling sa kanilang dalawa.
"SM, Miss Beautifuls." Kumaway sa kanila ang tricycle driver. "Beautifuls, SM."
"Bakit beautifuls, Manong?" She emphasize the letter ’S'.
"Dalawa kasi kayong maganda kaya beautifuls with S."
"Ang galing ni Manong." Sabi ni Charee na hindi niya sigurado kung nang-iinsulto o natutuwa.
Pumasok na lang sila sa tricycle kahit nagkanda untog-untog na sila dahil pareho silang matangkad ni Charee.
"Manong!" Tili niya nang makadaan sila sa lubak-lubak na daan. "Puro bukol na ang ulo ko bago tayo makarating sa SM!"
Narinig niya ang pagtawa ni Charee na halos yumuko na at nakatakip din ang kamay sa ibabaw ng ulo nito.
"We have messy hair."
"Hayaan na, maganda pa rin naman tayo." She said and flip her invisible hair. "Manong, malayo pa ba?"
"Malapit na beautifuls, tiis ganda muna kayo."
"Kanina pa kami nagtitiis manong, baka magka amnesia na kami dahil bugbog na ang ulo namin kakauntog!” Reklamo niya ulit dahil talagang tumatama ang ulo nila sa kahit na anong bahagi ng tatlong gulong na sasakyan na iyon!
Ilan minuto nilang tiniis ang masakay sa maliit na tricyle bago nakarating sa SM. Nagbayad sila sa tsuper. Inayos-ayos muna nila ang buhok ng isa't-isa bago tuluyang pumasok sa Mall.
"Hindi na talaga ako sasakay ng tricycle!”
Hindi pa rin siya makamove on. Nakaupo na sila sa isang sikat na resto at naghihintay na lang ng pagkain nila.
"I don't like to ride in a tricycle na rin, masakit sa katawan."
“Mag-jeep na lang tayo pauwi ha." Tumango lang si Charee. "Mag grocery tayo after we eat.”
Tango lang din ang sagot nito na halatang-halata na susunod lang sa lahat ng sabihin niya at walang pakialam sa paligid nito, knowing na kanina pa sila pinagtitinginan ng mga customers at staffs. Mahirap pala talaga pagsamahin ang parehong maganda.
PARA SILANG naka-drugs ni Charee dahil alas singko na nang umaga pero hindi sila datnan ng antok. Pabalibalikwas sila sa magkatabing single bed na hinihigaan nila.
"I can't sleep!" Tili niya at sinambunutan ang sarili.
“Mainit at masakit sa likod ang bed, hindi malambot ang bed ko." Nagreklamo na rin ito.
Tumayo siya at binuksan ang ilaw. Kapwa nangangalumata na sila at mamaya lang say isikat na ang araw.
"Namamahay yata tayo." Aniya at umupo sa gilid ng kama niya.
"What is namamahay?"
"Hindi ko rin alam paano ipaliwanag, hmm, siguro hindi tayo sanay matulog kapag hindi natin bed?”
"I can't sleep without an air con."
Napatingin siya rito at sa dalawang electicfan na nakatutok sa bawat isa. Alam niya na ang dahilan kung bakit hindi sila makatulog! Pareho silang hindi sanay ng walang aircon!
"Alam ko na!" Dumako ang mata nito sa kanya. "Bibili tayo ng air con mamaya."
"That's a good idea, Xarra!"
"Bibili rin tayo ng foam para malambot na ang hihigaan natin."
"Dalawang air con ang bibilhin natin. Isa rito sa kwarto natin at isa sa sala."
"Madami ka bang pera, Charee?" Tanong niya, baka kasi maubusan sila ng pera.
"Madami, nakalagay sa maleta ko tapos 'yung iba nasa wallet ko. May ATM cards din ako."
Tignan mo ang babaeng ito ang bilis magtiwala. Paano kung magnanakaw pala siya?
"Okay, let's try to sleep na ulit para pag-gising natin bibili na tayo."
"Alright. Goodnight, Xarra."
“Goodnight, Charee."
Ngingiti-ngiti sila pareho na humiga ulit sa kama at pinilit na matulog. Isang araw pa lang niyang hindi nakikita ang magulang niya pero miss na miss niya na agad ang mga ito pero kailangan niyang magtiis.