CHAPTER 12: "ANG WARRANT AT ANG PAGBAGSAK"

639 Words
ANG SINTA'S NG KASALANAN Sta. Ignacia, Tarlac – 2019 Isang linggo na lang bago ang kasal. Puno ng saya ang bahay ni Danica. Mga bulaklak, mga handa, mga ngiti. Hawak ni Danica ang kamay ni Adrian, sabay sabing: "Hindi ako makapaniwala, sa wakas magkakasama na tayo magpakailanman." Yumakap si Adrian. "Ikaw lang, Danica. Walang iba." ANG PAGKATOK NG KAPARUSAHAN Biglang may kumatok nang marahas. Dalawang pulis at isang prosecutor ang nakatayo sa pintuan. "Mr. Adrian Dela Cruz? May warrant of arrest po kami laban sa inyo. s****l assault case. File ni Ms. Megan Reyes." Nanlumo si Danica. "Ano? s****l assault?" "Hindi totoo 'yan!" pagtatanggol ni Adrian. "May probable cause na po, sir. Nangyari raw noong December 2016 sa Los Angeles." ANG KATOTOHANAN "Adrian, totoo ba?" tanong ni Danica, nanginginig. "Hindi ko alam... isang gabi lang. Lasing kami pareho, akala ko'y consensual... pero ginamit niya 'yon laban sa akin." "At ang bata? Si Chloe?" "Hindi ko sigurado... Hindi ko alam na nabuo." ANG KASUNDUAN AT ANG PASAKIT Dumating ang pamilya Reyes. "Iwi-withdraw namin ang demanda kapag pinanagutan mo si Chloe at ang bata." Walang choice si Adrian. Pirmado ang kasunduan. Pagkatapos, hinarap niya si Danica. "Kailangan ko munang umuwi ng Amerika. para ayusin ang gusot Danica, ikaw Ang talagang mahal ko I swear to God at sa pagbabalik ko, promise me na hihintayin mo Ang pagdating at po pangako hinding hindi na ako aalis sa tabi mo.." "Maghihintay ako," iyak ni Danica. ANG PAGBABALIK SA AMERIKA Los Angeles, USA – 2020 Makalipas ang ilang buwan, nagsama na sila ni Chloe sa iisang bubong. Subalit isang gabi... "Adrian, mahal kita," yakap ni Chloe. "Chloe... hindi pa ako handa," umiwas si Adrian. Paulit-ulit ang eksena. Araw-araw nadadapa si Chloe. Hanggang sa isang gabing lasing si Adrian, hinawakan niya ang mukha ni Chloe at napasigaw: "Danica! Danica, miss na miss na kita!" Parang binagsakan ng langit at lupa Ang buong pagkatao ni Chloe, sobrang sakit nun para sa kanya. ANG PAGBAGSAK NI CHLOE Kinabukasan, natagpuan ni Adrian si Chloe na nakatitig sa wala sa balkonahe. Walang ekspresyon. Parang kaluluwa'y lumisan na. Dinala sa psychiatrist. Diagnosis: Severe Catatonic Depression · Nawalan ng will to live · Hindi na nagsasalita · Kailangan ng wheelchair dahil sa muscle atrophy · Parang "lantang gulay" na Siya. Ganun na lamang ang galit at panlulumo ng pamilya ni Chloe sa sinapit ng kanilang anak. "Mr. Dela Cruz, nawalan siya ng ganang mabuhay nang malaman niyang hindi mo siya kayang mahalin." ANG PAGDADALAMHATI NI ADRIAN Araw-araw, nagiging mekanikal na ang buhay ni Adrian: · 6:00 AM: Gumigising, nag-aalaga kay Chloe · 7:00 AM: Nagpapakain kay Liam, ang anak nilang nagtatanong: "Papa, bakit hindi na nagsasalita si Mama?" · 8:00 AM: Dinadala si Chloe sa therapy · 9:00 PM: Umiinom mag-isa, tinititigan ang larawan ni Danica. ANG PAGLUBOG NI HELENA Dagdag sa problema, si Helena ay tuluyang nagkademensya. Minsan, inakbayan niya si Chloe at tinawag itong "Danica." "Danica, bakit ka umiiyak? Bakit ka naka-wheelchair?" Lalong bumigat ang pakiramdam ni Adrian. Parang multo ang nakaraan. ANG PAGHANAP NG KAPAYAPAAN Isang araw, napadpad si Adrian sa isang simbahan. Doon, sa harap ng dambana, napaluhod siya. "Panginoon, kailangan ko ng kapayapaan. Kailangan ko ng pagpapatawad." At doon, naramdaman niya ang kapanatagan—ang unang kapanatagan sa mahabang panahon. ANG DESISYON "Dad, papasok ako sa seminaryo.Gusto kong maging pari at makapaglingkod sa kanya ng may... may kapayapaan." "Anak, sigurado ka? Si Chloe? Si Liam? Ang mama mo?" "Pansamantala ko lang sila iiwan Dad. Pero kailangan kong gawin ito—hindi pagtakas kundi paglilinis." ANG PAG-ALIS AT PAGSISIMULA Seminaryo sa New York – 2021 Sa kanyang unang araw, nagdasal si Adrian: "Panginoon, ialay ko sa Inyo ang aking buhay. Ialay ko ang aking pagmamahal kay Danica. Ialay ko ang aking pagkakasala." Sa labas, umuulan. Parang hinuhugasan ang kanyang nakaraan. May Bagong simula sa kanila na naghihintay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD