“Ma... ma... Mama.”
Akala ko namalik-mata lang ako.
Pero hindi.
Malinaw.
Diretso.
At galing mismo kay Miko.
Napabitaw ako sa hawak kong baso ng gatas. Buti na lang plastic lang ‘yon at hindi basag. Nanigas ako, parang na-freeze ng hangin mula sa langit.
“Miko...” mahina kong sambit, habang dahan-dahang lumuhod sa harap niya.
Nasa sala kami. Galing siya sa taas—bitbit ang isang maliit na picture na mukhang nahulog ko mula sa photo album kahapon. ‘Yung photo nina Ma’am Lexi at Don Quixotte na magka-holding hands sa isang park.
Pinakita niya sa akin ‘yung litrato, sabay turo, sabay... “Mama.”
Sobrang tahimik ang paligid, pero sa tenga ko, parang may tumugtog ng fireworks. Seryoso. Para akong nasa awards night at ako ‘yung winner.
“Sinabi mo... Sinabi mo talaga, baby?” halos mangiyak-ngiyak kong bulong. “Oh my gulay. Oh my goodness. You just said your first word after... after forever!”
Ni hindi ko alam kung dapat akong tumili o manalangin. Pero bago pa ako makagalaw—
BLAG.
“Anong nangyayari rito?!”
Ayun na.
The voice of thunder.
Paglingon ko, nando’n si Don Quixotte. Halatang galing siya sa kotse. Suot pa niya ang coat, disente pa rin ang buhok, pero galit na galit ang mukha.
“Miko? Bakit hawak mo ‘yang picture?!” tanong niya, lumapit agad sa anak.
Napatayo ako bigla, parang estudyanteng tinawag sa principal’s office.
“S-Sir... sorry po... nahulog po siguro ‘yung picture kahapon sa may album—”
“Album?” naputol niya ako. “I told you not to touch it!”
“Sorry po talaga, Sir—hindi ko po sinasadya. Hindi ko po alam na nahulog—”
“Hindi ba malinaw ‘yung sinabi ko kahapon?!”
Halos mapasigaw na siya. Lumingon ako kay Miko—nakatingin lang siya, tahimik ulit, nakayuko. ‘Yung hawak niyang picture, ibinaba na niya sa mesa. Parang nagulat din siya sa sigawan.
“Sir... hindi ko po intensyon—”
“You don’t get it, do you?!” singhal niya. “May dahilan kung bakit naka-impake ang mga alaala! May dahilan kung bakit hindi ko ipinapakita ‘yan kay Miko!”
“Tiningnan lang po niya, Sir...” palusot ko, pero ang hina na ng boses ko. “Hindi ko naman po sinadya—at saka... Sir, nagsalita po siya.”
Tahimik.
Ngayon lang ako lumakas ng kaunti.
“Nagsalita po si Miko,” ulit ko. “Sinabi niya... ‘Mama.’ Hawak niya ‘yung picture. Tinuturo niya si Ma’am Lexi. Sir, ‘yun po ang unang beses niyang magsalita simula nung... nung nangyari ‘yon.”
Don Quixotte stared at me.
Matagal.
Yung tingin niyang hindi ko mabasa. Galit? Gulat? Guilt?
O baka lahat na.
“Wala ka bang alam sa trauma, Mira?” malamig niyang tanong.
“Wala po,” sagot ko, diretso. “Pero may alam po ako sa puso.”
Bumigat ang katahimikan sa pagitan namin. Parang gustong sumingit ng hangin pero natatakot din.
“Nagsalita po siya, Sir...” bulong ko ulit. “Kahit papano, ‘di ba po magandang balita ‘yon?”
Pero hindi siya ngumiti.
Hindi siya natuwa.
Walang kahit anong emosyon sa mukha niya.
Tumalikod siya kay Miko, huminga nang malalim, tapos...
“Umalis ka muna,” utos niya.
“H-ha? Sir...”
“Hindi kita tatanggalin. Pero kailangan kong mapag-isa kasama ang anak ko. Now, please.”
Hindi ko na tinangka pang sumagot. Tumango lang ako, saka lumabas ng sala, dala ang nahulog na gatas, bitbit ang puso kong parang piniga.
Pagdating ko sa kusina, naupo ako sa sulok. Niyakap ko ‘yung tuhod ko habang pinapahid ang pisngi kong di ko namalayang may luha na pala.
Ang sakit ha?
Kala ko... kahit sandali lang... kahit isang “thank you” lang... maririnig ko mula sa kanya. Pero hindi. Ang narinig ko lang ay ang pagalit niyang boses at ang mga salitang parang tinapon sa mukha ko.
Pero alam ko rin...
Hindi talaga ako ang kaaway.
Kaaway niya ang alaala. Ang sakit. Ang multo ng nakaraan na hanggang ngayon ay ayaw niyang harapin. Ayaw niyang buksan. Kaya ako, na hindi naman parte ng nakaraan, pero naglalapit kay Miko sa alaala ng mommy niya—ako ngayon ang naging paalala. Kaya ako rin ang sinisi.
Sakit sa ulo. Pero gets ko.
Kaya kahit masakit, tinanggap ko na lang.
Kasi kung para kay Miko, kahit pagsabihan pa ako ni Don araw-araw, kakayanin ko.
Kahit galit siya sa ‘kin.
Kahit palamunin niya ako ng malamig na tingin araw-araw.
Kasi kung dahil sa pagkakamali kong ‘yon ay nagsalita si Miko...
Then maybe… just maybe...
It wasn’t a mistake at all.
Ang hirap matulog.
Hindi dahil sa tigas ng kama o sa lamig ng aircon. Hindi rin dahil sa multo—though kung multo ni Ma’am Lexi, baka okay lang. Pero dahil sa... isip.
Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ‘yung eksena kanina.
Yung sigaw ni Sir.
Yung boses niya na parang sinasaksak ng hangin.
At higit sa lahat—yung itsura ni Miko, na para bang biglang nagsara ulit nang marinig ang boses ng tatay niya.
Bakit ba kasi ako nagkalat pa ng picture?
Ano bang ginagawa ko?!
Napakagat ako sa kumot. Naka-higa ako sa maliit kong silid sa likod ng kusina. Madilim, pero may sinag ng buwan mula sa bintana. Dito ako madalas magmuni-muni tuwing feeling ko wala akong silbi. O pag gusto kong umiyak ng hindi halata.
Pero ngayong gabi… wala akong luha.
May halong kaba. Oo. May konting lungkot. Pero higit sa lahat—may gumugulong na weird hope sa loob ko.
Kasi kahit papano...
Nagsalita si Miko.
Hindi ko pa rin makalimutan ‘yung pagbigkas niya ng “Mama.” Hindi malakas, pero malinaw. Parang pinilit ng puso niya na ibuka ang bibig niya, para lang masabi ‘yon. Ang tagal niyang tahimik. Ang dami nang dumaan na araw na wala siyang imik. Pero kanina… dahil lang sa hawak niyang picture, nagsalita siya.
At kahit napagalitan ako, kahit gusto ko nang tumalon sa tangke ng tubig sa hiya, may parte sa puso kong... masaya.
Baka...
Baka kahit papano, may silbi pala ako dito.
Hindi man ako magaling magplantsa.
Hindi man ako marunong mag-English nang tama.
Pero t aman Naman diba? "The glass is fallishness?!" Oh Mira, please.
Hindi man ako mahal ni Sir… or at least... hindi pa. Char.
Pero kung si Miko, na halos takot sa buong mundo, ay kayang magsabi ng “Mama” habang hawak ang litrato—at ako ang kasama niya nung moment na ‘yon…
Then maybe… just maybe… I’m doing something right.
Napangiti ako mag-isa.
Hindi ‘yung kind of ngiti na pang-candid photo sa ID. ‘Yung ngiting may laman. ‘Yung tipong: “Aba, Mira, baka may kwenta ka rin.”
Tumagilid ako sa kama. Nakatingin sa kisame. Pinikit ko ang mata ko, tapos binulong ko sa hangin:
“Ma’am Lexi… kung andyan ka man… salamat po. Sana tama ang ginawa ko.”
Tapos nilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko.
“Sir Don…” bulong ko ulit, kahit alam kong hindi niya maririnig. “Sorry kung nasaktan ko kayo. Pero hindi ko po sinasadya. Gusto ko lang naman tumulong. Kay Miko. Sa inyo. Sa bahay na ‘to.”
“Hindi man ako perpekto… pero susubukan ko po lagi.”
Huwag niyo lang po akong paalisin agad-agad. Please.
Tahimik lang ang paligid. Pero sa katahimikan na ‘to, naisip ko—minsan, hindi kailangan ng palakpak o pasasalamat para masabing may nagawa kang tama.
Minsan, sapat na ‘yung isang salita mula sa batang akala mong hindi na kailanman magsasalita.
Sapat na ‘yung hawak niya ang kamay mo habang tumutulo ang luha niya.
Sapat na ‘yung naramdaman mong kahit saglit, naging safe zone ka ng isang batang sira ang mundo.
At kung si Don Quixotte man ay hindi pa handang makita ‘yon...
Ayos lang.
Kasi hindi ko naman ginagawa ‘to para lang mapansin.
Ginagawa ko ‘to...
Kasi mahal ko na si Miko.
Hindi lang bilang alaga.
Pero bilang batang gusto kong alagaan kahit kailan niya ako kailangan.
At kung kailan siya handa.
Kaya kahit ngayong gabi, habang tinatabunan ako ng guilt at pagdududa, pipikit ako nang may konting ngiti.
Kasi alam ko...
Sa sarili kong paraan, sa sarili kong malamya, sablay, pero pusong-to-the-max na paraan...
Nakatulong ako.
At baka bukas...
Baka makangiti na rin si Miko.
At kung mangyari ‘yon?
Hay nako.
Walang sigaw ni Sir ang makakapigil sa’kin.