Sunrise --------------------------------------------------- "Sampung hakbang pa, mahal ko!" Sigaw ni Carl sa galing taas. Sinamaan ko siya ng tingin at tumigil saglit. "Kanina pa yang sampung hakbang mo pero hindi pa din ako dumadating dyan! Wag mo akong pinagloloko!" Inis na bulyaw ko sa kanya. Humalagpak siya sa kakatawa habang dinudungaw ako. "Nanay! Bilis na malapit na mag sunset!" Sigaw ni Kierro. Napapikit ako at napamura sa isip ko. Leche lang! Hindi ko akalaing ganito pala kalayo at yung hagdan! Sobrang haba at taas ng bawat baitang six footer ata abg gumawa neto e. Feeling ko talaga mamatay na ako dahil sa pagod. "C'mon, destiny! Excited na yung mga bata." Reklamo niya. Inirapan ko siya at patuloy sa paghakbang. Kasalanan ko bang mayado silang energetic kaya mabilis silan

