Revelation ---------------------------------------------------- "Sierra..." tawag niya sa akin pero nasa mga anak ko ang kaniyang mga mata. "My..." kinakabahan kong tawag sa kaniya habang hinahawaka ng mahigpit ang kambal ko. Nilingon ko ang mga anak ko at nakatingala sila sa akin at naguguluhan din. "Pasok po muna kayo." Magalang kong sabi. Tumango siya ngunit nanatili sa mga anak ko ang tingin niya. Mabilis kong binuksan ang pintuan at pinatuloy sila sa sala namin. "Bibihisan ko po muna yung... mga anak ko." Kagat labi kong paalam. Blanko niya akong tinignan na halos hindi makapaniwala sa sinabi ko. Damn it! Hindi ko na matatakasan ito. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmamadaling naglakad paputang hagdan. Tahimiki lang ang kambal sa gilid ko at hinayaan lang ako na hilai

