Lakad takbo ang ginawa ko habang tinatahak ko ang daan papuntang bahay namin. Walking distance lang naman ‘yung bahay namin at ang munispiyo at dati mabilis naman akong nakakarating sa bahay pero bakit parang sobrang layo ng bahay namin, bakit parang ang bagal ng oras. Natatanaw ko na ang bahay namin habang sobrang lakas nang kalabog ng puso. What if's all over my head. What if nagpapanggap lang yun na kaibigan ko tapos pagnakawan ang bahay namin? Okay lang na limasin niya lahat ng pera at gamit doon pero wag niya lang sanang saktan ang mga anak ko. "Kierra! Kierro!" Malakas na tawag ko sa mga anak ko habang papalapit sa pintuan ng namin. Kinatok ko ng malakas ang pinto nang pagpapihit ko ay sirado iyon. Tumutulo na ang mga pawis at luha ko dahil sa sobrang kaba. "Kierro! Open the door

