Chapter Three

1350 Words
Luna Isabella Muntik na kong mapabalikwas sa kama nung marinig ko ang pagtunog ng alarm clock ko. It’s just 4:00 am in the morning but I had to get up early and prepare to go to work. Second day ko ngayom at ayoko namang ma-late dahil bago pa lang ako. Kaagad kong pinatay ang alarm clock ko at agad akong bumangon sa kinahihigaan ko. Sinilip ko si Mara, ang best friend ko na naki-sleep over muna dito sa kabilang kuwarto pero tulog pa siya. Mag isa lang naman ako dito sa apartment na inuupahan ko pero madalas naman nandito si Mara para samahan ako. Last year lang nung maka-graduate ako dahil sa tulong ng scholarship, kung wala iyon ay baka hindi ako nakapag aral. Hindi naman kasi kami mayaman kaya nung nabubuhay pa sina mama at papa ay talagang sinisikap nila na makapagtapos ako dahil only child lang ako. Papungay pungay pa ang mga mata ko habang nag hahanda ng almusal namin ni Mara at babaonin kong pagkain. Nagtimpla muna ako ng kape para naman magising gising ang diwa ko. “Ang aga mo naman magising.” Muntik ko nang mabitawan ‘yung kapeng hihigupin ko sana nung marinig kong magsalita si Mara sa likuran ko. “Ako lang naman mag isa kaya walang mag aasikaso kundi ako lang din.” Sambit ko sa kaniya tapos ay inabot ko sakaniya ‘yung isa pang kape na tinipla ko para naman sa kaniya. “So, kamusta naman ang first day sa work?” Mausisang tanong niya tapos ay naupo siya sa maliit ng dining table na katabi lang din ng pinaglulutaan ko. Napangiti ako. “Okay naman.” Tipid kong sagot tapos wala akong nakuhang sagot o reaksyon mula sa kaniya kaya nilingon ko siya at kita ko ang pagtaas ng kilay niya sa sagot ko. “Paanong okay? Mabait naman ba ‘yung boss mo?!” Kunot noong tanong niya. “Okay lang naman siy-“ “Puro okay ang sagot ah! Masungit boss mo no?!” Sarkastikong tanong niya kaya binaling kong muli ang tingin ko sa kaniya at nakasimangot akong tumango. “Na’ko ha!” “Basta, sabihin mo sa akin pag may nang ayaw sa’yo ro’n at na’ko talaga! Susugurin ko sila!” Matapang na komento ni Mara kaya natawa na lang ako. Hindi naman siya warkfreak at OA sa lagay na yan noh! “Pero.. may pogi ba sa inyo?!” Muntik ko nang mabuga ‘yung kapeng hinihigop ko dahil sa tanong niya. “At talagang naitanong mo pa yan ah!” Sarkastikong sagot ko sa kaniya tapos ay napaisip ako sandali. “Well..” “Iyong boss ko.. kaso..” Pautal utal kong sambit at nagulat ako nung tumayo si Mara at lumapit sa akin. “Kaso?” Kunot noo at halatang curious niyang tanong. “Kaso mukhang masungit eh.” Sagot sa tanong niya. “Sus, Sigurado akong makukuha mo din ang loob no’n! Ikaw pa!” Mataas ang kompyensang komento niya. Napahinga ako ng malalim. “Sana nga.” Pag sang ayon ko pa sa sinabi niya. “Oo nga pala, maiba ko. Makakauwi ka ba ng maaga mamaya?!” Tanong ni Mara out of nowhere. “Hindi ko alam eh, base kasi sa schedule nung boss ko ay buong araw siyang may mga meeting hanggang gabi yo’n, kaya baka gabihin na din ako.” Paliwanag ko sa kaniya. “Na’ko, eh paano yan? Hindi ba death anniversary ngayon ng parents mo?” Napahinto ako sa sinabi ni Mara. Oo nga pala at ngayon ang araw ng kamatayan nila. Bigla akong nalungkot na naman dahil nami-miss ko na sila. Hindi ako nanggaling sa mayamang pamilya pero ginawa lahat nina Mama at Papa para lang matagoyod ang pag aaral ko kaya nagkaroon kami no’n ng maayos na buhay at naging financially stable kami, hindi man gano’n kayaman pero sapat na para mabuhay kami pero lahat yo’n nagbago nung mamatay sila. I was lost and I was left alone without nothing. “Ui, okay ka lang?!” Bumalik lang ako sa ulirat nung marinig ko si Mara. “Ah-“ “Oo..” Sambit ko tapos ay napatingin ako sa alarm clock na nakasabit sa tapat ng dining table. Mag aalasyete na ng umaga! 8:30 am ang time ko at hanggang ngayon hindi pa ko tapos magluto kakachika ni Mara at hindi pa din ako nakakaligo! “Mara, please tapusin mo muna itong niluluto ko at maliligo lang ako! Mala-late na kasi ako.” Nagmamadaling pakiusap ko sa kaniya at dali dali akong tumakbo pabalik sa kuwarto ko para kunin ang mga panligo ko tapos ay agad akong pumunta sa bathroom. Inabot ako ng higpit 20 minutes sa banyo, paano ay napakalagkit ng sabon kaya ang hirap magbanlaw. Paglabas ko sa bathroom ay nakita ko si Mara na hinahanda na ang pagkain ko pati na din ang babauinin ko habang ako naman ay dali daling pumasok sa kuwarto para magbihis at mag ayos. Sinuklay ko na lang ang buhok ko at nagpusod na lang ako. Nagsuot lang ako ng white pants at white long sleeves at hindi na’ko nag abala pang maglagay ng kolorete sa mukha. Naglagay lang ako ng konting tinted lip balm sa labi ko para hindi naman ako mukhang namumutla. Paglabas ko sa kuwarto ay tapos na rin maghanda si Mara. “Maraming salamat, Mara!” Sambit ko nung inabot niya ang baon ko. “Wala yo’n, ako na bahalang maglinis dito, kain ka muna bago umalis.” Bilin niya pa tapos ay bumalik siya sa table para mag ayos. “Hindi na, babiyahe pa kasi ako eh, malamang ay traffic at-“ Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil biglang nag ring ang cellphone ko. I received a message from Sir Keith. “Ms. Hernandez, are you already in house?” Tanong nito sa mensahe niya sa akin. Natataranta akong nagpaalam kay Mara at dali dali akong tumakbo papalabas. “Malapit na po, Sir.” Sambit ko sa kaniya via Text tapos nung makarating ako sa sakayan ng Jeep ay ang daming taong nag-aabang at halos punuan. Hindi ako mapakali at halos ikot ako ng ikot kakatingin sa mga jeep na dumadaan pero lahat sila ay punuan at halos wala nang masakyan. I shook my head and took a deep sigh. Ayokong malate. Muli akong huminga ng malalim at sandali akong pumikit. Pagdilat ko ay may humintong jeep sa harapan ko na iilan lang ang nakasakay kaya dali dali na kong sumakay. Makalipas ang halos 40 minutes na biyahe dahil sa traffic ay nakarating din ako sa pupuntahan ko. Nung makababa ako ng jeep ay halos hingal na hingal ako dahil patakbo akong pumasok ng building namin. Nung malapit na ko sa elevator ay halos pasara na ito pero dali dali akong tumakbo para makahabol at makasakay din do’n pero nanlaki ang mata ko nung makita ko kung sino ang nasa harapan sa loob ng elevator. Si Sir Keith! Seryoso lang ang mukha niya nung makita niya ako sa harapan niya at nung makasakay ako sa elevator. Hindi siya nagsalita pero kita ko sa peripheral vision ko na tinignan niya ang wrist watch na suot niya kaya napayuko na lang ako. Nung bumukas ang elevator ay una siyang bumaba at dahan dahan akong naglakad sa likod niya. Pagpasok namin sa opsina niya at pabagsak niyang nilapag ang folder na dala niya sa table. “I hate late, Ms. Hernandez! You are almost 30 minutes late.” Mariing sambit niya sa akin. “S-sorry, Sir. Hindi na po mauulit.” Nauutal kong paumanhin sa kaniya. “This will be your first warning Miss Hernandez.” “Prepared yourself, may meeting ako ng 9:30 am and I need you to be present too in that meeting. Make sure to take notes.” Mariin pa niyang utos at paalala. Napahinga na lang ako ng malalim at naupo ako sa table ko… akala ko tatanggalin ako eh. “Miss Hernandez.” Napaangat ako muli ng tingin nung tinawag niyang muli ang pangalan ko. “Please, bring me some coffee. I need coffee.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD