Keith Vincent
I took a deep sigh and shook my head. Nandito ako ngayon sa conference room sa office at kakatapos lang ng pang limang meeting ko ngayong araw pero may tatlo pa na naka-schedule. Tinignan ko ang wrist watch na suot ko at halos mag aalas kwatro pa lang naman ng hapon pero kita ko sa peripheral vision ko si Luna na parang hindi mapakali at parang gusto na niyang umalis. Binaliwala ko lang iyon at magpatuloy lang ako sa pagc-check ng emails ko habang naghihintay sa susunod na meeting ko.
Ilang minuto ang nakalipas ay napansin ko si Luna na nagmamadaling lumabas at pagbalik niya ay kasama na niya sina Theo at Javier.
Napakunot ako ng noo nung makita ko ‘yung dalawang mokong. Working hours pa lang ay nandito na agad sila para mang asar. Tss.
“Thank you, Luna.” Rinig kong pasasalamat naman ni Theo kay Luna bago siya tuluyang lumabas at iwan kaming tatlo dito.
“What brings the two of you here? I’m busy right now.” Sambit ko nung makita ko silang papalapit sa akin habang nakatutok pa din ang mata ko sa laptop.
“Sungit mo naman, Bro.” Mapang asar na bungad ni Javier sa sinabi ko kaya nag angat ako ng tingin sa kanila at nakita ko na bahagya niyang siniko si Theo at ngumuso pa siya dito.
“Iyon ba ‘yung secretary na sinasabi mo kagabi?!” Sarkastikong tanong ni Javier kay Theo sabay tingin ulit sa akin ng nakangisi.
“Oo, diba, sabi sa’yo eh.” Malokong komento pa niya kaya pabagsak kong sinara ang laptop ko na pumukaw ng atensyon nila.
“Chill, Mr. CEO! Nagseselos ka ba?!” Mapang asar na tanong ni Theo sabay halakhak.
“She’s just a secretary, not a lover of or f**k buddy. So stop hyping someone who is clearly not my type. If you see her attractive then go take her. You two-“
Hindi ko natapos ang sasabihin dahil biglang pumasok muli si Luna na may dalang kape. “Sir, ito na po ‘yung hinihingi niyo pong kape.” Wika niya kina Theo at Javier tapos ay nilapag niya ‘yung trey na may nakapatong na dalawang kape.
May pagkadismaya kong tinignan si Luna at kinunutan ko siya ng noo. “Where’s mine?” Kunot noong tanong ko sa kaniya kaya kita ko ang pagkataranta sa reaksyon niya.
“Ah, ikukuha ko po kayo, Sir. Hindi ko po kasi sure kung nagkakape ba kayo ng ganitong oras kaya-“
Napaangat ako ng tingin sa kaniya at napailing. “No more explanation, just go get me a cup of coffee.” Mariin kong sambit sa kaniya kaya dali dali siyang lumabas para sundin ang utos ko.
“Ang sungit mo naman!” Reklamo nung dalawa kaya tinaasan ko sila ng kilay.
“It’s her duty to do whatever I please and I have no obligation to explain.” Sambit ko pa koina Theo at Javier. Kita ko naman ang pagsimangot nung dalawang mokong na parang di sila sang ayon sa sinabi ko. Ano bang meron sa babaing yo’n at parang lahat sila eh invested masyado sa kaniya? She’s no special at all.
Maya maya pa ay bumalik na agad si Luna na may dalang kape tapos ay nilapag niya yo’n sa harap ko. “Luna, do you have a boyfriend?” Pareho kaming napalingon ni Luna sa tanong ni Theo sa kaniya.
Kita ko sa mukha ni Luna ang pagkahiya at parang namula siya. Tss. What’s with that question?
“Ah… wala po..” Nahihiyang sambit niya at kita na napangisi si Theo sa aagot niya.
“Enough with that, go back to work Luna.” I cut them off before Theo could say anything that might offend Luna or something.
“Could you please stay away from my Secretary and don’t dare mess with her-“
“Why do you like her too? Because I do but if you like her, I can just make way and stay of your business.” Nakangising sambit ni Theo tapos ay sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
“Alam ko kung anong habol mo sa mga babae, Theo. Kaya huwag mo kong pinagmumukhang tanga at stay away from my damn secretary.” Mariin kong banta sa kaniya kaya natawa siya.
“Come on, don’t tell me you are going to fight over a secretary?” Nakangisi at malokong tanong ni Javier.
“Ayoko lang na nilalandi niyo ang mga empleyado ko. Isa pa, it’s looks so weird. Do you want people to talk behind your back and spread rumors? I don’t think you wanna get involve in that kind of drama. So stay away from anyone in my company and never dare flirt with them IN PUBLIC. Just be discreet, not unless you wanted to be tagged as cheap?!” Sarkastikong at mariin kong katwiran sa kanila. I took a deep sigh when I saw on Theo’s expression that he seemed to agree. Kilala ko siya, what he mean by liking Luna is he wants her in his bed not to bring her to the altar. Tss.
After what I said, they didn’t say anything not until we heard commotions outside the conference room.
“What’s that?” Tanong ni Javier tapos ay sabay sabay kaming tumakbo palabas ng conference room at doon ko nakita si Mommy na nakatayo sa gitna ng mga tao.
She looks so mad kaya napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin at doon ko nakita si Luna na nakatayo sa harapan niya at panay mantsa ang damit.
“Ma, What’s happening here?!” Natatarantang tanong ko sa kaniya tapos ay dali dali akong lumapit sa kaniya.
“Ito! Itong babaing to! Ta-tanga tanga kasi. Tinapunan niya ng kape ‘yung bag ko.” Mariing reklamo ni Mommy at akma siyang susugurin si Luna pero pinigilan ko siya.
“Ma, no. Enough.” Suway ko sa kaniya pero hindi siya nagpapigil at hinila niya sa buhok si Luna na nakasalampak na sa sahig kaya inawat ko siya habang sina Theo at Javier ang umalalay kay Luna na kita kong nanginginig at natataranta.
“Sorry po, Ma’am. Hindi ko po sinasadya.” Umiiyak na paghingi ng tawad ni Luna kay Mama kaya sineñyasan ko sina Theo at Javier na ilayo na muna si Luna saamin dahil pinagti-tinginan na rin kami at halos lahat ng atensyon ay na samin.
“Let go of me Keith Vincent!” Mariing bawi ni Mommy sa braso niya tapos ay dismayado niya akong hinarap.
“Bakit hindi mo pa tinaggal ‘yung babaing yo’n?” Dismayado at mariing tanong niya.
“Because She’s my secretary and-“
“So what?! Marami diyang iba! I am sure you can find someone much better, hindi ‘yung tanga!” Mariing sambit niya tapos ay tinalikuran niya ako pero muli siyang lumingon.
“Gwyneth, she needs you.” Paalala niya bago tuluyang umalis. I took a deep sigh and shook my head.
“What are you looking at?”
“Go back to work!” Mariin kong utos sa mga empleyado na nakikiusyuso pa din.
Tapos ay dumiretso ako sa office ko at doon ko nakita si Luna na patuloy sa pag-iyak habang nakaupo sa couch at inaalo naman siya nina Theo at Javier sa tabi.
“Puwede niyo ba kami iwan sandali?!” Pakiusap ko sa mga kaibigan ko na siyang sinunod naman nila.
Nakayuko lang si Luna at pilit pinupunasan ang mga luha niya. She looks panicking and she’s trembling.
“Sir, sorry po talaga, hindi ko po sinasadya. Kahit po ibawas niyo na lang po sa sweldo ko yo’n buwan buwan kahit ilan taon pa po, okay lang. Huwag niyo lang ho akong tanggalin sa trabaho.” Pakiusap nito sa akin habang humihikbi.
“Why would I do that? Hindi mo naman sinasadya?!” Pailing iling kong sambit sa kaniya.
“Stop being such a crybaby and go back to work, and change your clothes.” Utos ko pa sa kaniya tapos nag-angat siya ng tingin sa akin na mukhang galak na galak.
“Talaga po, Sir?”
“Salamat po.” Nagagalak niyang sambit at akmang lalabas na sana siyang muli nung napansin ko na nagdudugo ‘yung siko ni Luna.
“Luna.” Tawag ko sa kaniya kaya napahinto siya sa paglalakad at lumingon siya sa akin.
“Sorry about what my mom did.” Paghingi ko ng pasensya sa kaniya at inalaayan ko siyang maupo muli sa couch.
“Wait here, I’ll gonna get some medicine.” Sambit ko sa kaniya at saka ko tumayo at pumunta sa table ko para kunin sa drawer ‘yung emergency kit ko.
Sandali kong sinilip si Luna at kita ko siyang nagpipigil ng luha. “Give me your arms.” Utos ko sa kaniya para gamutin at lagyan ng band aid ‘yung sugat niya.
Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap kay Luna habang nilalagyan ko ng gamot ‘yung sugat niya. She’s trembling, hindi siya kumikibo at halatang nahihiya siya. I must admit, habang patagal ng patagal ko siyang tinitignan ay mas lalong lumalabas ang natural niyang ganda kahit pa bakas sa mga mata niya ang lungkot…