Chapter Five

1516 Words
Luna Isabella Isang buwan na ang nakakalipas simula nung nagtrabaho ko para sa Dela Fuente Corporation. Sa mga nakalipas na araw, ayos naman ang lahat. Hindi ko alam pero simula nung insidente at encounter ko sa Mommy ni Air Keith ay medyo nabawas-bawasan na ang pagkamasungit niya. Nandito ako ngayon sa opisina at mag aalas-kwatro na ng hapon. Hindi pumasok si Sir Keith kasi masama raw ang pakiramdam niya kaya pina-cancel niya sa akin lahat ng meeting niya kaninang umaga. Abala ako sa pag aayos ng schedule niya para bukas nung marinig kong may kumatok sa pintuan kaya napalingon ako. “Pasok, bukas yan.” Pasigaw ko pang sambit sa kung sinuman ‘yung kumakatok. Pagbukas ng pintuan ay nakita ko si Mica, isa siya sa mga co-worker ko na mabait at kahit paano ay nagiging ka-close ko na. “Luna!” Magiliw na sambit niya pagpasok ng opisina. “Ate, baka puwedeng favor naman.” Nahihiya ngunit nakangiting pakiusap niya kaya napataas ako ng kilay. “Ano yo’n?” Takang tanong ko sa kaniya tapos ay nilapag niya ang isang folder sa mesa ko. “Baka puwede mo mapa-pirmahan to kay Sir Keith within this day? Urgent kasi to at kailangan by tomorrow pirmado na. Baka kasi if ever na pumasok siya tomorrow ay mga 9 am or 10 pm na eh kaso need to ng mgq 7 am.” Paliwanag at pakiusap niya sa akin kaya napataas ulit ako ng kilay. “Paano ko naman papa-pirmahan sa kaniya yan eh hindi ko naman alam address at saka baka maya maya eh hindi pala siya tumatanggap ng bisita ngayon. Ang alam ko ay ayaw niya magpa-istorbo ngayon kapag tungkol sa work eh.” Paliwanag ko naman kay Mica pero nakita kong sumimangot siya. Maya maya pa biglang may pumasok na notification sa phone ko. “Keith Vincent Dela Fuente sent you a message.” Kita ko sa screen ng ipad na hawak hawak ko kaya agad kong binuksan yo’n. “Can you come over to my place?” Basa ko sa mensahe niya kaya napaangat akong muli ng tingin kay Mica at kinuha ko ‘yung folder na binigay niya sa akin kanina. Hindi ko alam kung anong kailangan ni Sir at bakit niya ako pinapapunta pero siguro mas okay na din para mapa-pirmahan ko na din ‘yung papers na kailangan niyang pirmahan. “OMG! Salamat, Luna! The best ka talaga!” Natutuwang sambit niya kahit wala pa kong sinasabing kahit ano sa kaniya tapos ay dali dali na siyang lumabas ng opisina. Ako naman ay dali daling nag-browse sa message ni Sir Keith at agad kong hinanap ‘yung address niya. Kinuha ko ‘yung bag ko at lumabas na din ako ng opisina ni Sir Keith. Nasa elevator na ‘ko nung makasabay ko si Ms. Samantha, ‘yung HR manager namin. Tumaas ang kilay niya nung makita niya akong sumakay sa elevator. Kita ko sa peripheral vision ko ang pagtingin niya sa relong suot niya. “Early out? 4 pm pa lang huh?” Sarkastikong tanong niya nung magsalita siya at basag niya sa katahimikang bumabalot sa amin dalawa. “Ah, may pinapahatid po kasi si Sir Keith na paper sa akin.” Mahinahon kong sambit sa kaniya kaya naman pagkatapos no’n ay nanahimik na lang siya. “Be careful, you might get in trouble for being too close with the CEO.” Sarkastikong banta ni Ms. Samantha sa akin tapos ay nauna siyang bumaba ng elevator. Binaliwala ko na lang ang sinabi niya at bumaba na din ako sa elevator. Paglabas ko ng building ay pumara lang ako ng taxi para makarating sa unit kung nasaan si Sir Keith. Buti na lang ay malapit lang ‘yung condo na tinutuluyan niya sa building ng kompanya. “Manong, sa may Aesth Coffee shop lang po.” Sambit ko do’n sa driver tukoy ko sa coffee shop na katabi nung unit ni Sir. Hindi ko alam pero habang nasa biyahe ay hindi ako mapakali. Dahil nga malapit lang ay wala pang trenta minutes ay nakarating na kami. “Manong dito na lang po.” Sambit ko tapos ay saktong hininto niya ako sa tapat nung building nung condo unit ni Sir Keith. Pagpasok ko sa building ay dumiretso ako sa information desk para itanong kung anong unit ni Sir Keith, hindi niya kasi nabanggit sa akin eh. “Ah excuse me-“ Nasa tapat na ko nung babaing pagtatanungan ko sana nung biglang marinig ko ang boses ni Sir Theo. “Luna?” Rinig kong tawag nito sa akin kaya napalingon ako sa likuran ko tapos ay dali dali akong lumapit sa kaniya. “Sir, buti po nakita ko kayo.” Nakangiting bungad ko sa kaniya pero bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagtataka. “Anong.. ginagawa..mo dito?” Nauutal niyang tanong sa akin. “Ah, tinext po kasi ako ni Sir napumunta pero hindi ko po alam kung bakit pero okay lang naman po kasi may papapirmahan din po ako sa kaniya eh. Ano po bang number ng unit niya?” Nakangiting paliwanag ko sa kaniya at tanong ko na din. “Ah..” “G-gano’n ba?” Naguguluhan niyang sambit. “You know what I don’t know why he texted you but he wasn’t sick, he is actual drunk and his unit was so messy.” Sambit ni Sir Theo nakitaas ng kilay ko. Bakit naman niya ako pinapunta kung gano’n? “Gano’n po ba, Sir? Ah puwede pong ikaw na lang ang mag abot nito sa kaniya?” Nag aalangan nungit nakangiting pakiusap ko kay Sir Theo sabay abot sa kaniya nung folder na bitbit ko. “That’s the problem, Luna. As much as I want to go with you but I can’t I have an emergency and I need to go kaya ko nga siya iniwan eh. Ikaw muna ang bahala sa kaniya ah.” Nagmamadaling bilin ni Sir Theo sa akin. “707 is the room number, 4th floor. 8978 is the passcode.” Pabulong na sambit pa niya bago ako tuluyang iwan na nakatulala dito sa may lobby. Ngayon, nagdadalawang isip na ko kung tutuloy pa ba ko o ano! I took a deep sigh and shook my head. Okay iaabot ko na lang to sa kaniya, bahala na siyang magdala nito bukas ng umaga tapos ay aalis na’ko. Kahit nag aalangan ay kailangan kong tumuloy. Habang nasa elevator ako ay kinakabahan ako. Kasi what if, hindi niya naman mapirmahan kasi lasing siya? Isa pa, masungit na nga siya kahit di lasing eh paano pa kapag lasing siya? Napaka-authoritative pa naman niya. Hays! Kaya ko to! Pagbukas ng elevator kung saan ang 4th floor ay dahan dahan akong naglakad sa may hallway nito hanggang natanaw ko na ang unit ni Sir Keith. I took a deep sigh before I pressed the doorbell. Makailang ulit din akong nagdoorbell pero walang nagbubukas ng pinto kaya naisipan ko na lang nai-enter ‘yung passcode na sinabi ni Sir Theo. “897-“ “Ano nga ulit ‘yung last number?!” Tanong ko sa sarili ko then I accidentally pressed the 8 number at sakto dahil bumukas ‘yung pintuan. Pagbukas ko ng pintuan ay tumamba sa akin ang nagkalat na bote ng alak. Tama si Sir Theo, napakagulo ng unit ni Sir Keith! Bakit naman kasi siya nag iinom ng pagkaaga aga?! Dahan dahan pa akong naglakad papasok ng unit niya. Muntik ko pang matapakan ‘yung isang bote ng alak. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid at nakita ko si Sir Keith na nakaupo sa may couch at may hawak na bote ng alak. Nataranta ako nung magawi ang tingin niya sa kinaroroonan ko. “You.” “What.. are you doing here?” Sarkastikong tanong niya sa akin at nakita ko ang bahagyang pag-ngisi niya nung makita niya ako. “Ah, Sir.. magpapa-prima po sana-“ “Akin na, have a seat.” Sambit niya sabay taas niya sa kamay niya para kunin ‘yung folder na hawak ko kaya nag aalangan akong lumapit sa kaniya, inabot ko ‘yung dokumento tapos ay naupo ako sa tabi niya. “Meron ka bang ballpen?” Tanong niya sa akin kaya dali dali akong naghalungkat sa bag pero wala pala akong dala. “Wala?!” Kunot noong tanong niya pa. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya pero sa tingin ko ay mataas ang alcohol tolerance niya kasi mukhang hindi naman siya gano’n kalasing at nakapagsalita pa siya ng ayos. Tumayo siya at kunuha niya ‘yung ballpen na nakapatong sa kitchen counter tapos ay nakita kong pinirmahan niya din ‘yung papel. Bumalik siya sa kinauupan niya tapos ay inabot niya muli sa akin ‘yung folder. Pagkaabit na pagkaabot niya sa akin no’n ay agad agad kong tumayo at akmang aalis na sana ako peronagulat ako nung higitin ni Sir Keith ang pulso ko balik kaya napahinto ako at napalingon sa kaniya. “Puwede mo ba akong samahan muna? Please, stay for awhile?” “Gusto ko lang ng kasama.. at kausap.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD