Luna Isabella Tinulak ko si Sir Keith papalayo at saka ako tumayo sa harapan niya. “Sir, mali po ito. Sorry pero hindi ko po kaya.” Mangiyak ngiyak kong sambit sa kaniya. Kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya pero mukhang natauhan din siya sa sinabi ko. “Luna, I am sorry okay.” Tumayo siya at pilit hinawakan ang mga kamay ko. “Ayos lang ho, Sir. Gusto ko na hong umuwi, pasensya na.” Nauutal at nanginginig kong sambit pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng pinto ay hinarangan na ko ni Sir Keith. “No, can you stay? Promise, I won’t do anything that is against your will. Just stay here for tonight.” Pakiusap ni Sir Keith. “I’m sorry, it wasn’t my intention.” He whispered and hold my back because I almost fell in the ground. Hinayaan ko siyang alalayan ako pabalik do’n sa cou

