Luna Isabella Katahimikan ang namamayani sa amin ni Sir Keith habang nasa biyahe kami, nagprisinta kasi siyang ihatid ako pauwi kahit na sinabi kong okay lang pero mahirap kasing makipagtalo sa kaniya eh kaya hinayaan ko na lang. “S-sir.. pasensya na ho sa abala at maraming salamat po sa pag aalaga sa akin-“ “I didn’t help you because I wanted to, I helped you because you were already at my place and whatever happens to you, kargo pa kita.” Masungit at mariin pa niyang pagtatama sa intensyon niya habang nakatutok pa din ang atensyon niya sa manibela at kalsada. Natahimik ako dahil sa sinabi niya tapos ay naalala ko na madadaanan pala namin ang sementeryo kung saan nakalibing sina Mama at Papa. “Sir, puwede ho bang ibaba niyo na lang ako diyan sa sementeryong malapit?” Nag-aalanga

