Keith Vincent I took a deep sigh and shook my head, nandito ako ngayon sa opisina habang nagche-check ng emails ko. Napaangat ako ng tingin nung makita ko na papasok si Theo sa opisina ko. Napailing na lang ako at napahinga ako ng malalim. “What brings you here?” Kunot noong tanong ko sa kaniya at kita kong napailing siya at napangisi. “Hindi daw type si Luna pero inalagaan mo at dinala mo dito?” Nag angat ako ng tingin sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin. “Now, everyone knows that.” Nakangising sambit pa niya. “So the news spreads like fire.” Sarkastikong saad ko sa kaniya at binaling kong muli ang tingin sa laptop ko. “Naalala mo si Rebecca sa kaniya, aren’t you?!” Napakuyom ako ng kamao nung marinig ko ang tanong ni Theo sa akin. “Huwag na huwag mong ikukumpara si Rebe

