PROLOGUE
PROLOGUE
ARIANNA'S POV
Niyakap ko siya nang mahigpit mula sa kaniyang likod bago pa siya makahakbang palayo. Kagaya ko ay dama ko rin ang mabibigat niyang paghinga.
Alam kong ngayon ay higit niyang kailangan ay ang pag-intindi ko sa nararamdaman niya, at ang space malayo sa akin. Ngunit iniisip ko pa lang na galit siya sa akin at maari siyang mawala ay hindi ko na kaya. All I want is to have him back.
"I'm sorry," humihikbi at nabibiyak kong boses na bulong sa likod niya. Nakapikit ako at nakasandal ang noo roon. "Alam kong kasalanan ko, Jackson, pero maniwala ka, natakot lang ako. Natakot akong lumayo ka sa akin at madamay sa galit mo sa ama ko."
Naramdaman ko ang pagbuntong-hininga niya. "Natakot?" ulit niya sa mapait na boses. Pilit niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniya, pinigilan ko iyon ngunit mas malakas siya sa akin kaya nagawa niya iyon tanggalin. Hinarap niya ako habang hawak ang magkabila kong pulsuhan. Nanikip ang dibdib ko nang makita ko ang halo-halong emosyon sa mga mata niya, hatreds, betrayal, sadness and anger. The way he looked at me bofore, it's gone.
"Arianna, mahal kita, alam mo 'yan. Hindi ang dugo mo ang dahilan kung bakit galit na galit ako sa 'yo ngayon, but it's your betrayal. You hid your father's crime and you manage to show your face to me, every single day."
Lalo akong napaiyak habang nakatingin sa kaniya. Akala ko ay mabigat na ang dinadala ko sa dibdib ko, ngunit may mas ibibigat pa pala ito. Balewala ang sakit na dala ng pahigpit nang pahigpit niyang kapit sa braso ko, mas masakit ang puso ko.
"I'm sorry..."
"We're done, Arianna." Padarag niya na akong binitiwan. Muntik na akong ma-out of balance, ngunit hindi niya na nakita iyon dahil sa mabilis niyang pagtalikod.
"Kung mahal mo ako, hindi mo ako idadamay sa kasalanan ng ama ko, Jackson."
Hindi siya sumagot. Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya kahit nakatalikod siya. Sa ilang segundo na paghinto niya ay umasa akong babalik siya, lilingunin niya uli ako at babawiin ang mga sinabi niya, ngunit sa halip ay muli siyang naglakad at tuluyan akong iniwan.
Yakap ko ang sarili ko habang nakatanaw sa tanawin mula sa aming balkonahe. Ilang linggo pa lang ang lumilipas mula nang lumipat kami ni Mama sa bago naming tinitirhan, sa tagal ng panahon na kinukumbinsi ko siyang lumipat at magbagong buhay ay ngayon ko lang siya napapayag. This should be our happy beginning, ngunit wala akong maramdaman kundi ang lungkot at pait. This should be my new start with him, but everything's just gone in just one snap.
Mula sa balkonahe ay halos kita ko ang kabuuan ng village, ang mini park, benches na parati naming inuupuan, isang paikot na halaman kung saan kami madalas nagja-jogging kapag wala kami pareho trabaho. Every part of this village reminds me of him... And the pain of what happened yesterday.
"Hindi mo ba siya kakausapin?"
Napabaling ako sa may likuran ko nang marinig ko ang boses ni Mama sa may pinto papasok sa loob. Nagpilit ako ng ngiti, hiding every pain that I'm feeling right now.
"Hindi na po kailangan, nakapag-usap na po kami kahapon." Pinilit ko pa rin ngumiti kahit na alam kong nababasa ang lungkot kahit sa boses ko, alam ko rin na hindi iyon umabot sa mga mata ko. "Tapos na po kami ni Jackson."
Nakita kong lumarawan sa mukha niya ang lungkot, tila nakikihati sa sakit na hindi ko na maitatago sa kaniya. Napasinghab na ako kaya lumapit na siya sa akin.
"Anak, mahal ka ni Jackson, galit lang siya kaya siya bumibitiw ngayon."
Tumungo lang ako. Iyon din ang akala ko kaya ko siya pinuntahan, ngunit hindi. Hindi niya na ako kayang patawarin.
Hinaplos ni Mama ang buhok ko pababa at hinawakan ako sa may baba ko upang iangat ang tingin ko sa kaniya.
"Natatakot lang ako na baka pagsisihan mo kapag nakaalis na siya."
"Nakaalis po?" gulat kong tanong. "Ano pong ibig ninyong sabihin?"
Huminga siya ng malalim bago ako sagutin. "Si Leon, sinabi niya sa akin na aalis daw ng bansa si Jackson, for good."
Hindi makapaniwalang napailing ako. Ganito ba siya kadesidido na burahin ako sa buhay niya? Aalis siya at lalayo, kaagad? Lalong sumikip ang dibdib ko. Pakirakdam ko ay wala nang pahinga ang puso ko sa paulit-ulit nitong nararamdamang hapdi.
Hinawakan niya ako sa dalawang kamay ko at marahang pinisil iyon. Alam kong ginawa niya iyon para pakalmahin ako, ngunit panay lang ang iling ko.
"Ma, hindi siya puwedeng umalis nang hindi ako pinapatawad!" Lalagpasan ko na sana siya ngunit hinila niya ako pabalik at pinigilan. "Ma!"
"Hindi ko sa 'yo sinabi na aalis siya para habulin pa siya, sinasabi ko sa 'yo ito nang sa ganoon ay palayain mo na siya. Anak, patawarin mo ang sarili mo, pakawalan mo na siya."
Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Iniisip ko pa lang na aalis siya, na baka hindi ko na ulit siya makita ay parang dinudurog na ang puso ko. I can't let him go.
"Ma, alam kong mahal niya ako, hindi niya ako puwedeng iwan nang ganito."
Muli niya akong pinigilan. "Anak, please."
"Ma, I'm sorry..." Inalis ko na ang kamay niya sa akin at tumakbo pababa. Mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko at lumabas na ng bahay. Naaalala kong siya pa ang nagturo sa akin magmaneho at sumama sa akin sa pagbili ng sasakyan. Hindi ko na, ma-imagine ang buhay ko kung wala na siya sa bawat bagong siglo ng buhay ko. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Mama ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Pinaharurot ko ang sasakyan ko habang ang isang kamay ko ay nagda-dial ng number niya. I'm trying to call him pero out of coverage siya.
Malalakas at masasakit ang pintig ng puso ko. Hindi ko na magawang punasan ang mga luha ko, ang nasa isip ko lang ay ang kirot ng puso ko sa katotohanang aalis na nga siya.
Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya, magmakaawa na patawarin niya ako at magsimula ulit, ngunit ang tanging alam ko lang sabihin ay kung gaano ko siya kamahal. I need him to give me a second chance.
Nakarating ako sa bahay niya na lagi niyang pinapalagian. Hinanap ko ang pinto niya at mabilis na kumatok. Sinikop ko ang labi ko. Tahimik akong nagdasal na sana ay nandito pa siya. Kakatok na sana uli ako ngunit una nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Clara. Her half smile immediately gone. Napalunok ako. Alam kong masama rin ang loob niya sa akin.
"Clara..." sinikap kong magsalita kahit na pakiramdam ko ay walang lalabas na boses sa akin sa sobrang bigat ng nadarama ko at kakahikbi.
"Umalis ka na." Isasara niya na sana ang pinto pero pinigilan ko siya.
"Clara, please, kailangan kong makausap si Jackson."
"Makausap? Pagtapos ng mga kasinungalingan mo, sa tingin mo gusto ka pa rin niyang makausap? Umalis ka na, Arianna. We shouldn't trust you."
Marahan akong pumikit upang pakalmahin ang sarili ko. Alam kong marami pa akong matatanggap na panunumbat galing sa kanila, pero wala akong pakialam. All I want is to get his forgiveness.
"Clara, hindi ako naging honest pero hindi ibig sabihin niyon ay niloko ko kayo, mahal ko ang Kuya Jackson mo kaya hindi ko inamin ang totoo, at kung bakit nandito ako ngayon. Please, let me see him."
"Tinapos niya na ang meron sa inyo kahapon."
"Without listening to my explanation, Clara. So, please."
"No, he had enough-"
"Okay."
Napatingin ako kay Daphne nang bigla siyang magsalita sa likod ni Clara.
"Daphne!"
Sinulyapan lang siya ni Daphne at lumapit sa akin nang nakahalukipkip. "Ibibigay ko sa 'yo ang location ng airport kung nasaan siya, pero sana ay abutan mo pa siya dahil kanina pa siya wala rito."
Kahit papaano ay napangiti ako. Nakakita ako ng kahit na maliit na pag-asa lang dahil doon.
"Salamat, Daphne."
"Arianna, just let me clear one thing. I'm giving you this chance not because I forgave you and I want you and Jackson to be together again. I'm giving you this chance because he loves you and I hope that you deserve to be loved by him. You are the only person who can cure his broken heart."
Tumango lang ako at tahimik na ipinangakong hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay niya. Hindi ako nag-aksaya ng ano pang oras at kaagad na akong tumakbo paalis at tumungo sa kotse ko. Ang pinaka malapit na airport ang ibinigay niya sa akin na location kaya madali ko iyon narating. Sinuyod ko ang buong airport na maari kong mapasukan, ngunit hindi ko siya makita. Ayokong mawalan ng pag-asa, I want to see him, or at least hug him, kiss him, tell him how much I love him for one last time...
Ngunit napaupo na lang ako nang marinig ko sa speaker ang announcement ng paglipad ng huling eroplano...
Simbolo na huli na ako.