CHAPTER 1

1901 Words
CHAPTER 1 ARIANNA'S POV "Thank you for coming, Chef Ari. Akala ko talaga ay hindi mo tatanggapin ang invitation ko," ani Chef Yohan habang naglalakad kami sa hallway ng hotel na kinaroroonan namin. Siya ang dating head chef ng Dine Around restaurant na dati kong pinagtatrabahuhan, siya rin ang nag-training sa akin at nag-endorse sa akin kay Miss Colleen para ma-promote bilang bagong head chef. Kahit abala na ako ngayon sa sarili kong restaurant ay pinilit ko pa ring makarating dito sa Canada nang matanggap ko ang kaniyang invitation para sa isang cuisine event. Nang mag-abroad siya ay rito na siya sa Canada nanirahan, at nagtrabaho bilang head chef ng isang five star hotel. Everything in this hotel seems very classy, ang makintab na sahig, marble na dingding at ang chandelier na magkakahelera sa kisame ng hallway. Ilan pang painting ang nagbibigay buhay sa paligid na mukhang gawa pa ng mga sikat na artists, idagdag pa ang mga halamang nasa paso na bawat gilid ng pinto ay mayroon. A cuisine event will be hold by the famous world chef in Europe, looking for a new chef around the world for their restaurant branch. Sa katunayan ay wala naman akong interes dito, alam kong ang hinahanap nila ay chef na maari nilang gawing head chef ng kanilang restaurant branch sa iba't ibang bansa, at isa roon ang Pilipinas. That's the reason why Chef Yohan invited me, dahil gusto niya sanang makuha ko ang opportunity. I'm glad, na kahit pa matagal na nang huling beses kaming nagkita ay naalala niya pa rin ako, but that's the only reason why I came here. Ayokong deadma-hin ang invitation niya at respeto na rin sa pagkaalala niya sa akin. I'm still grateful because if it wasn't for him, hindi ako makararating sa kinaroroonan ko ngayon. Pero sapat na sa akin ang maliit na restaurant na naitataguyod ko ngayon, at kung may gusto man akong pagtrabahuhan nang husto para sa mas ikalalaki pa nito, iyon ay ang sarili kong negosyo. "I'm just actually came here just to see you, Chef Yohan. Siyempre gusto ko rin pong ipagmalaki sa inyo na may narating na ang alaga mo, na may sarilj na siyang restaurant," mayabang kong sabi habang may hands gesture na akala mo'y naka balandra sa harapan namin ang banner na may pangalan ko. Tumawa siya. "Hindi mo na kailangan pang ipagmalaki sa akin, dahil siyempre  alam ko na. Siyempre, monitor ko ang kilos ng alaga ko. Kaya nga kita inimbitahan dito dahil alam kong hindi ako mapapahiya sa 'yo. I know everything, Arianna, including your father's scandal." Natigilan ako sa sinabi niya. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang pagkabunyag ng totoo kong pagkatao, na anak ako sa labas ng isang tanyag na negosyanteng si Ned Madrigal, at ang pagkakasala nito na ngayon ay sumisira sa dati niyang magandang pangalan. "Arianna..." Muli akong napatingin sa kaniya nang lumipat siya sa harapan ko. Si Chef Yohan, hindi ganoon kalaki ang tanda niya sa akin, sampung taon lang naman iyon, pero kung turingin niya ako mula noon ay parang isang anak, at base sa pagtitig niya sa akin ay alam kong hindi nagbago iyon. "It's been one year since that scandal came out, alam kong nadadamay ka sa mga kontrebersyal na kinahaharap ng ama mo hanggang ngayon. Bakit hindi ka na lang lumipat dito sa Canada? Tulungan mo ako rito sa hotel, o hindi kaya ay magtayo tayo ng bagong restaurant. Iwan mo na ang Pilipinas at umiwas sa gulong hindi ka naman dapat nadadamay." Nagpilit ako ng ngiti. "Chef Yohan, kuntento po ako sa Pilipinas, isa pa po ay wala namang nanghaharas sa akin doon. Sa tagal ba namang itinago ako ni Papa, no one's thinking na may kasalanan din ako," except for one person. A year ago nang kumalat sa media ang video kung saan pinag-uusapan namin ang tungkol sa krimen na nagawa ni Papa, nang ipa-ambush niya ang sasakyan ng De Luca na kumitil sa buhay ni Jennalyn De Luca, at kung saan maririnig na tinatawag ko siyang Papa at tinatawag niya akong anak. Tumanggap ng samu't saring reaksyon iyon galing sa publiko, dahil ang kilalang chairman ng isang malaking foundation ay isa pa lang kriminal, at sinimulan din nilang I-background check ako at doon nila nakumpirma na ako nga ay anak sa labas ni Ned Madrigal na nagawa nitong itago sa loob ng dalawampu't apat na taon. But the worst is, iyon din ang pagkakataon na iniwan ako ni Jackson, dahil nalaman niyang anak pala ako ng taong nagpapatay sa ina niya, kay Jennalyn De Luca. Mula nang umalis siya ng bansa ay hindi na ako nakakuha ng balita tungkol sa kaniya, kahit si Tito Leon na kaibigan niya at kinakasama ngayon ni Mama ay hindi rin daw alam kung nasaan si Jackson. Globally ang business ng De Luca, kaya naman hindi alam ni Tito Leon kung nasaan si Jackson, dahil kahit saang parte naman daw ito ng mundo ay nagagawa pa rin nitong asikasuhin ang mga dapat asikasuhin virtually. I was forced to live without him. Kahit ayoko, kahit ang tanging gusto ko lang ay makasama siya uli, hindi ko na nagawa dahil hindi ko alam kung nasaan na siya. Lahat ng pag-asa ko na mapapatawad pa niya ako, na magagawa niya ulit akong tingnan nang hindi inaalala ang kasalanan ng ama ko, lahat ay naglaho na. "Arianna, I'm not gonna accept your no today, pag-isipan mo munang maigi, okay?" Tumango na lang ako. Hindi nagtagal ay kinailangan na rin niyang bumalik sa kitchen para tingnan ang mga chef niya, ako naman ay pumasok na sa kuwarto na inookupa ko sa hotel na ito. Dumiretso ako sa may malapad na bintana at hinawi ang mahabang kurtina na umaabot sa floor. Nakita ko kaagad ang lawak ng Canada. Ang mga uilaw mula sa naglalakihang mga gusali, ang malawak na lake na nakapalibot dito. This place, it seems peaceful and a safe place. Kahit sino yatang gustong magkaroon ng bagong buhay ay gugustuhin na manirahan sa ganitong lugar. I was one of them, wanting to runaway, to start a new life away from everyone. But I can't leave... Sa kabila ng kawalan ng pag-asa na muli pang magpapakita sa akin si Jackson, gusto ko pa rin siyang hintayin. Umaasa pa rin ako na isang araw ay babalik siya, at gusto ko ay kapag dumating ang araw na iyon, nandoon ako sa kung saan niya ako iniwan. Sa loob lang ng isang taon ay para bang ang dami nang nangyari, ang dami nang nagbago, ngunit hindi ang nararamdaman ko para sa kaniya. Mabilis kong pinunasan ang maiinit na luhang lumandas sa pisngi ko. Kahit gaano kasakit ang pinagdaanan ko sa isang taon na paglayo ni Jackson, kahit kailan ay hindi ako sumuko. Hindi ko ipinapakita sa lahat na nasasaktan ako, because that's the only way for me to survive. Kinabukasan ay pinakilala nga ako ni Chef Yohan kay Chef Andrew, a French Chef that is looking for the new chef. Nandito kami ngayon sa restaurant na karugtong ng hotel na tinutuluyan ko. Si Chef Yohan din ang head chef dito. "I heard a lot about you, Ms. Lopez, you only trained for 2 years and became the head chef of a classic restaurant in the Philippines, and after 2 years you finally owned your own restaurant, what a history!" anito with a French mannerisms and accent. He's looks like a typical French guy, with a natural skin tone, black curly hairdo and a mustache. He's also a big guy with a big tummy. Nag-init ang pisngi ko sa kaniyang mga papuri. Siniko ako ni Chef Yohan. "Oh, 'di ba! Nasabi ko na kaagad sa kaniya ang bukod-tangi mong talento sa pagluluto. Ngumiti lang ako at napabalik ang atensyon kay Chef Andrew nang muli itong nagsalita. "You know, if ever that I'm gonna choose you to be part of my team in the Philippines, you won't gonna have to close your restaurant, it will be more like a business collaboration, an investment." Hindi makapaniwalang naiawang ko ang labi ko. Napasulyap pa ako kay Chef Yohan na ngiting-ngiti habang tumatangong nakatingin sa amin. Hindi siya nagulat sa sinabi nito. An investment? "I'm surprised! I didn't know that you are also looking for partnership?" "I am, Chef Ari. That's why I'm looking for a chef that owned a restaurant, because I'm also looking for a business partners. But, that will be only possible if you will allow me to try your special dishes," he said with a wink. Humawak ako sa may dibdib ko. "It's such an honor to cook for you, Chef Andrew." "And I'm excited! See you tonight?" Mabilis akong tumango at nangakong darating ako para sa event mamaya. Ang event mamaya ay isang private food testing. Magluluto kami sa kusina kung saan niya kami puwedeng ma-monitor. Yes, kami. Hindi lang ako ang chef na nandito para sa oportunidad, ngunit hindi ko alam kung kagaya ko bang ang alam lang ay magiging head chef kami, o ako lang ang huli sa balita? Hinarap ko si Chef Yohan. Nakabalik na kami sa hotel. Kailangan ko pang maghanda para sa event mamaya. "Alam ninyo po na hindi lang head chef ang hinahanap niya, tama?" Ngumiti siya at tinapik ako sa balikat. "You deserve that, Arianna. Kung ayaw mong sumama sa akin dito sa Canada, then maybe you can have a secure success for your business." Nangingiyak na niyakap ko siya. "Thank you po, Chef Yohan. Thank you." "Ari?" Natigilan ako sa boses na umagaw ng pansin ko. Sobrang pamilyar iyon sa akin kaya kaagad ko iyon nilingon at bumitiw sa yakap kay Chef Yohan. Nang lingunin ko ito ay hindi nga ako nagkamali, it's him, si Elijah. "Elijah! Nandito ka rin?" Lumapit siya sa akin at sinalubong ko kaagad siya. Nandito kami sa hallway sa may receptionist area. Hindi ko akalain na sa tagal naming hindi nagkikita ay rito pa nagkrus ang landas namin. Bumeso kami sa isa't isa. "Are you here for the food testing? Isa ka ba sa candidates ni Chef Andrew para maging business partner niya?" kaagad niyang usisa, basa ko ang excitement sa kaniya. He's sparkling black are there again. Humalukipkip ako. "Oo, at 'wag mong sabihing ikaw rin? Kung makakakompitensya kita ay hindi na ako aasang mananalo ako sa 'yo." Ngumiwi siya. "Actually, I'm not here for that. Isa ako sa magiging judge." Tumaas ang kilay ko. "Talaga? Ibig mong sabihin magkaibigan kayo? O magkasosyo? May sarili ka na bang negosyo?" I realized na wala na talaga akong balita tungkol sa kaniya, hindi ko alam na negosyante na rin siya. "Not me, but my boss." "Boss?" "Elijah." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may boses na umalingawngaw mula sa likuran ko. The deep and heavy voice. I used to hear his sweet tone, but all I can hear now is a coldness. Nilingon ko ang pinanggalingan niyon. Nanikip ang dibdib ko nang makita ko siya roon, staring at Elijah blankly. "Jackson..." halos hangin lang ang boses kong iyon. Magkasalubong ang kilay niya, he tighten his jaw when he glance at me blankly. I missed his eyes looking back at me. "Let's go, El, Chef Andrew is waiting for us." Tumalikod na siya at naglakad palayo. Ang dami kong gustong sabihin, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang hagkan, gusto ko siyang habulin, but all I did was to watch his back walking away from me... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD