CHAPTER 2
ARIANNA'S POV
"Mr. Augustin, nakikiusap po ako sa inyo, hayaan ninyo po akong makausap ang apo ninyo. Sir Edward, Ma'am Grace," pakikiusap ko. Nasa harap ako ng mansion ng De Luca. Kagagaling ko lang sa OB ko, at kinompirma niya sa akin na apat na linggo na ang ipinagbubuntis ko.
Nang malaman kong buntis ako ay ang una kong naisip ay si Jackson. He wanted to have a family with me, he wanted me to carry his child, and now it's finally happening, but he's gone. Alam kong kasalanan ko kung bakit niya ako iniwan, hindi ko na mababago ang pagkakamali ko, pero umaasa akong bibigyan niya pa ulit ako ng isa pang pagkakataon.
Diin ang bagang na lumapit sa akin si Tito Edward. Kitang-kita ko ang pagkakadismaya base sa mga titig niya.
"Ama mo ang nagpapatay sa asawa ko," mariin at halos garalgal na sabi niya. Sa may likuran niya ay nakita ko si Tita Grace na nag-iwas ng tingin. She seemd hurt. "Hindi ko kayo mapapatawad. Umalis ka na."
Tumalikod na siya at pumasok sa loob. Nang tingnan ko si Tita Grace ay inilingan niya lang ako. Napabaling ako kay Mr. Augustin nang siya na ang nagsalita.
"No one's want you here anymore, so leave. Close the gate," bandang huli ay utos niya sa gwardiya at tumalikod na rin.
Isasara na sana nila ang gate nang hablutin ko ang braso ni Daphne na kanina pa nanonood lang sa amin habang pinapalayas ako ng lolo niya. Nagulat siya sa ginawa ko ngunit hindi niya ako itinulak.
"Are you crazy? Sa tingin mo dahil tinulungan kita noong isang araw ay tutulungan kita uli?" Aalisin niya na ang kamay ko nang umiling ako.
"Daphne, buntis ako." Nanlaki ang mga mata niya at otomatikong napatingin sa may tiyan ko saka ibinalik ang tingin sa mukha ko sa nagtatanong na mga mata. Tango lang ang isinagot ko doon.
"Hindi ko naman hihilingin sa 'yong tulungan mo akong makausap siya, sabihin mo lang sa akin kung nasaan siya, susundan ko siya at ako mismo ang makikipag-usap sa kaniya. Please."
Marahan siyang umiling. "Talaga bang buntis ka?"
"Alam kong lahat kayo ay ayaw na akong pagkatiwalaan uli, pero ang kasalanan ko lang naman ay ang pagtatago tungkol sa ama ko, pero hindi ako masamang tao."
Huminga siyang malalim. "Pero hindi ko rin alam kung nasaan ngayon ang pinsan ko. He just left, matapos nilang mag-away nina Lolo dahil sa nabunyag mong sekreto."
Nanghihinang napabitiw ako sa kaniya. Ngunit hinawakan niya ako sa kamay ko kaya muli akong napaangat ng tingin sa kaniya.
"Pero susubukan kong alamin, but make sure that you're not just fooling me, because once I found out that you're just lying, you won't gonna hear anything from me anymore."
"Anak, tulala ka na?"
Napabalik ang wisyo ko nang tawagin ako ni Mama. Naka video call kami. Katatapos ko lang maligo, maghahanda na ako para sa event mamaya, nang maisipan kong tawagan si Mama para kumustahin sila ng little princess ko.
"Sorry po, medyo nakakatuliro po na hindi ko kasama si Nikaela. Gising po ba siya?"
Ngumiti si Mama saka naglakad patungo sa kuna. Itinapat niya roon ang camera, kaya nakita ko ang masuyong ngiti ng anak ko. Nag-init ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
Anim na buwan na mula nang manganak ako. Noong una ay sinusubukan ko pang hanapin si Jackson. I'm still waiting for Daphne's information, pero matapos ang araw na ipinangako niya sa akin na tutulungan niya akong mahanap si Jackson ay hindi ko na ulit siya nakausap. Isang beses na nagkrus ang landas namin, ngunit mabilis siyang tinawag ng kaniyang lolo. That's when I realized what Jackson said about her, na lahat ng utos ng lolo nila ay sinusunod niya. Marahil binawal siya ng lolo na tulungan ako, kaya naman hindi niya na ako muling kinausap. Si Clara, she hates me, so much. Kahit yata walang pagharang na gawin ang lolo nila ay hindi ko na siya maaasahan.
Hindi naging madali ang pagbubuntis ko. Naging maselan iyon dahil din sa akin, I stressed out myself looking for him, to the point that I bled. Kung hindi pa iyon nangyari ay hindi ko mapapansin na napabayaan ko na ang sarili ko, pati na rin ang batang dinadala ko. That's when I decided to stop. That's when I was forced to live without him, I was forced to let him go, because I had to be a mother to my baby, I had to put her first.
Doon ako nagsimulang muli, after my bed rest, muli akong bumalik sa trabaho, nag-train ako ng bagong chef na siyang maaasahan ko sa kusina habang hindi pa ako puwedeng magtrabaho nang magtrabaho, upang maiwasan ko ang stress. Itinuloy namin ni Colleen ang plano naming partnership, at si Mama at Tito Leon ang tumulong sa akin.
Mama and Tito Leon are still together. Hindi pa sila naikakasal, pakiramdam daw kasi ni Mama ay wrong timing. Dahil sa scandal na lumabas a year ago, hindi lang ang pagkatao ko ang nahanap ng media, pati ang kay Mama. Akala ko nga ay maghihiwalay na sila ni Tito Leon, nagalit din kasi siya nang malaman ang katotohanan, pero ako mismo ang nagpaliwanag sa kaniyang hindi alam ni Mama ang koneksyon ng De Luca sa Madrigal.
Bandang huli ay bumitiw si Tito Leon sa partnership niya sa De Luca, dahil red flag kami para sa kanilang linya. Celestine was forced to leave her job too. Hindi naman siya nagalit sa amin, naiintindihan niya rin daw si Tito Leon, ang daddy niya, kung bakit kinailangan na nilang humiwalay sa De Luca. Ngayon ay si Celestine ang tumatayong manager sa restaurant ko, at masasabi kong kahit hindi pa kasal ang magulang namin, para na kaming magkapatid. Naging closed na rin siya kay Colleen, pare-parehong ninang ni Nikaela.
"Anak, hindi ka okay. May problema ba?" Nag-aalala na ang tono ni Mama. Nagpilit ako ng ngiti ko at pinunasan ang namamasa kong mga mata.
"Hindi po, 'Ma, hindi lang po ako sanay na mahiwalay kay Elle, first time po, e," pagdadahilan ko na lang. Ayokong mag-alala pa sa akin si Mama habang nandito ako sa Canada.
"Naku, itong si Nini rin naman, mukhang hinahanap ka."
Nini ang tawag niya kay Nikaela, short for Nikaela Nicole Lopez, although ang tunay kong nickname sa kanya ay Elle.
"Kailan ka ba babalik?"
"Isang linggo lang po ako rito, alam naman po iyon ni Chef Yohan."
"Hindi mo naman ba tinanggap ang offer niya sa 'yong manirahan na lang diyan sa Canada?"
Umiling ako. Nabanggit ko na sa kaniya na partnership pala ang hinahanap ni Chef Andrew, at ang offer sa akin ni Chef Yohan. Hindi sa akin binanggit ni Chef Yohan kung alam niyang may anak na ako, pero somehow ay parang alam niya, iniisip kong baka kaya inaalok niya akong lumipat dito ay para makapagsimula kami ng anak ko nang walang anino ng Madrigal o De Luca.
"Okay na po kami diyan ni Baby Elle."
"Sabagay, ayoko rin naman malayo sa apo ko."
Napangiti lang ako. Kampante akong iwan kay Mama ang anak ko. Kitang-kita ko kasi kung gaano niya kamahal ito. Unlike sa pamilya ni Jackson, wala akong maaasahan. Hindi ko alam kung alam ba nila na nagkaanak kami ni Jackson, kung sinabi ba sa kanila ni Daphne, but I don't care. Kaya ko naman alagaan at buhayin ang anak ko nang walang suporta nila.
Ginusto kong hanapin noon si Jackson, hindi dahil sa hindi ko kayang mag-isa. Single mother ang mama ko na siyang bumuhay sa akin, kinaya niya iyon kaya alam kong kakayanin ko rin. The only reason why I was searching for him is that because I love him and I want him to forgive me, at hindi nagbago iyon kahit hanggang ngayon.
Hindi nagtagal ay binaba ko na rin ang tawag dahil maya-maya ay kailangan ko nang tumungo sa venue ng event. Pumikit ako nang marahan, at sa pagpikit ko ay lumarawan sa aking isipan ang nangyari kanina, nang magkrus ang landas namin. I missed him so much, so seeing him should've made me happy, but it's too painful to feel his coldness. Sa puso ko ay walang nagbago, mahal ko pa rin siya. Pero bakit pakiramdam ko ay hindi niya na ako mahal? At ang sakit-sakit isipin niyon.
Pinakalma ko ang sarili ko. Hindi puwedeng mawala ako sa composure ko. Kailangan ko munang i-set aside ang nararamdaman ko. I can't disappoint Chef Yohan.
Nang matapos mag-ayos ay tumuloy na ako. Naglalakad ako papunta sa venue nang may humablot sa braso ko. I was ready to kick him but I recognized him.
"Chef Elijah!"
"We saw each other again!" aniya at ngumiti.
Humalukipkip ako. "Surprising," sabi ko sa sarcastic na tono.
Natawa siya. "Pupunta ka na sa event? Sabay na tayo?"
Natigilan ako at napahawak sa may batok ko. Mukhang nabasa niya ang nais kong pagtanggi kaya iwinagayway niya ang kamay niya sabay iling.
"Don't worry, I'm not hitting on you. My boss got jealous once when I did."
Napangiti ako. Hindi ko alam na aware pala siyang nagselos noon si Jackson. But well, kahit hindi naman kasi niya aminin ay obvious na obvious naman.
Nakaka-miss 'yong mga ganoong panahon, na ganoong bagay pa lang ang nagiging problema ng relasyon namin. Hinawi ko ang buhok kong tinatangay ng hangin. Pareho kaming nakamakapal na damit dahil sa lamig ng Canada, malamig na nga ay mahangin pa dahil nasa open area kami. Malapit sa open balcony ang lift. .
"Hindi, ano ka ba. Iniisip ko lang si Jackson. Hindi mo ba siya kasama?"
Nagkibit-balikat siya. Sabay na kaming naglakad. Nakapamulsa siya habang ako ay nakahalukipkip.
"Nauna na siya sa venue."
Tumango-tango ako. "Dito na ba siya naninirahan, o nandito lang siya para sa event?" Naaalala kong minsan na rin siyang nawala noon, iyon pala ay galing din siya rito sa Canada para sa out-of-the-country-meeting niya.
Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, pero gusto kong kumustahin si Jackson, at si Elijah lang ang makakasagot niyon.
"Well, no permanent place siya. Iba't ibang lugar ang pinupuntahan niya para sa negosyo, but for awhile, yes, dito muna siya," agad niyang sabi saka bumaling sa akin. "Ikaw, kumusta? Naka moved on ka na ba?"
Nabigla ako sa tanong niya, pero bandang huli ay natawa rin ako. Kagaya pa rin siya ng dati, straight to the point.
"You looks good, and happy. Hindi ka na brokenhearted."
Nagkibit-balikat ako. Sa totoo lang ay may space pa rin sa puso ko ang nangungulila, malungkot, pero lahat ng nakakakita sa akin ay hindi iyon ang nakikita. Hindi dahil sa nagpapanggap lang ako, pero dahil sa kabila ng lungkot na dulot ng kinahinatnan namin ni Jackson, masaya pa rin ako dahil sa anak ko. Isang ngiti lang ni Elle sa akin, nawawala na ang pagod ko at lungkot. Pakiramdam ko ay kompleto ako dahil sa kaniya.
But I know that he has no idea about my daughter. Dahil sa gulo ng buhay ng Madrigal, kahit na ayoko ay nasasangkot ang pangalan ko sa kanila. Sirang-sira na ang pangalan nila, at marami sa investors nila ay bumitiw na, nag-pull out ng kontrata. Kaya naman minabuti ko na lang na huwag ilabas sa media o publiko ang tungkol kay Elle. Ayokong pati siya ay maeskandalo. Hindi ko siya planong igaya sa akin, hindi ko itatago ang existence niya, pero gusto ko siyang bigyan ng pribadong buhay, at hindi ko iyon maibibigay sa kaniya hanggang maingay pa ang pangalan ng Madrigal dahil sa kontrebersya.
"Anyway, how's Celestine?"
Tumango-tango ako. "She's doing fine. Hindi na ba kayo nagkakausap?"
Ngumiwi siya at alanganing umiling. Tinagiliran ko lang siya ng ulo. He's the chef at Jenn's resort, and Tine was the manager, imposible yatang wala silang pinagsamahan manlang.
Natigil ako sa paglalakad nang humarang siya sa dinadaanan ko at humarap sa akin. Nasa tapat na kami ng elevator na papasukan namin papunta sa floor ng venue.
"Nag-away kami last time na nagkausap kami."
Tumagilid ang ulo ko. "She haven't mention that, kailan pa?"
"Noong nag-file siya ng resignation letter. I will be honest, hindi ako sang-ayon nang magsama ang magulang ninyo, and she hated me for that, and I'm sorry."
Tumango ako. "Naiintindihan ko, komplikado naman talaga. Kaya nagpapasalamat na lang ako dahil mas pinili ni Tito Leon ang pagmamahal niya kay Mama, kaysa sa galit niya sa Madrigal..."
Umiwas ako ng tingin. Muling bumigat ang loob ko nang maisip ko kung gaano kasuwerte si Mama kay Tito Leon. Kung katulad lang siya ni Jackson, buo sana kaming pamilya ngayon.
Mas lumapit siya sa akin at hinila ako payakap.
"Everything will be alright, Chef Ari."
Malungkot lang akong napangiti at pumikit. Yumakap na lang din ako sa kaniya.
Napamulat na lang ako nang bumukas ang elevator at kasunod ang boses ni Chef Andrew.
"Oh, I didn't know that you two are couple?" He seems amazed.
Napahiwalay ako kay Chef Elijah. Tatanggi pa lang sana ako nang mapatingin na ako kay Jackson na katabi niya lang. He's looking at me blankly.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Nakatingin lang ako sa kaniya. Parang sasabog ang dibdib ko sa iba't ibang emosyon na nararamdaman ko. Gusto ko siyang hagkan, pero hindi ako makakilos.
He stepped out at the lift. Akala ko ay lalagpasan niya lang uli ako at hindi papansinin, ngunit hindi. He looked at me directly.
"Mag-usap tayo," sabi lang niya sa malamig na tono at naglakad na palagpas sa amin.