CHAPTER 3
ARIANNA'S POV
Bumuntong-hininga muna ako bago ako lakas loob na lumapit kay Jackson. Sumunod lang ako sa kaniya sa rooftop. Hindi ko alam kung bakit dito niya pa gusto kaming mag-usap. Siguro para walang tao at makakita sa amin.
Tumayo ako sa gilid niya, kagaya niya ay nakaharap din ako ngayon sa pasemano. Sa ibaba ay kitang-kita ko ang lawak ng Canada. As much as I want to appreciate the beautiful view, hindi ko naman makuhang mag-focus doon. Paano, kung ang puso ko ay kanina pa parang gustong kumawala sa dibdib ko, lalo na ngayong katabi ko na siya. I want to stare at him, pero wala pa akong lakas na loob, kaya naman pasimple ko na lang siyang pinapanood sa gilid ng mga mata ko.
"Just leave." Sa kabila ng ingay ng hampas ng hangin ay nagawa ko pa rin madinig ang malamig at mahina niyang boses.
Binalingan ko na siya kasabay ng paghawi ko ng buhok ko. Blanko pa rin ang mukha niya at diretso ang tingin sa harapan, alam kong ayaw niya akong tingnan.
"Hindi ikaw ang nag-imbita sa akin dito." Ewan ko, pero imbes na alamin o intindihin ang rason niya para paalisin ako ay mas nangibabaw sa akin ang inis. Bakit niya ako pinapaalis?
"I don't care, just leave. Make an alibi and refuse to every offer they would give to you."
Umiling-iling ako. "Jackson-"
Binalingan niya na ako. Magkasalubong pa rin ang kilay niya at nanliliit ang mga mata dahil sa sinag ng papalubog nang araw, at sa lakas na rin siguro ng hangin na gumugulo rin sa maigsi niyang buhok.
"Don't you see, I'm part of this project. Siguro naman sa tagal ninyong magkasama kanina ni Elijah ay nabanggit niya na sa 'yo iyan? Or else hindi tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan ninyo? Too personal?" Walang laman na ngumiti siya saka umiling. "No need to answer that, I don't wanna know because I don't care. Just don't try because I don't wanna work with you anymore."
Tinaasan ko siya ng kilay ko. Heto na naman ako sa kaugalian ko mula noon pa, umaastang matapang kahit na sa loob-loob ko ay durog na durog na ako.
"You can't act as professional huh?"
"I can, but not with you, Arianna. Just like how I can't stand acting like there's nothing happened whenever I'm in front of your father. But you can't understand that, I see, because just like him, you can show up your face and acting like you didn't do anything wrong, all the time. I can't stand with the people like you, Arianna."
Napasinghab ako sa pagsakit ng dibdib ko sa sinabi niya. I can't do this anymore. Hindi ko maaring pakawalan siya nang ganito na lang, kahit para na lang kay Elle.
Tatalikuran niya na sana ako ngunit pinigilan ko siya sa braso niya. Mukhang napipilitan na hinarap niya ako ngunit hindi niya ako tiningnan.
"Mahigit isang taon na ang nakalilipas, hindi mo pa rin ba ako napapatawad?"
"Wow!" He laughed sarcastically. "Ano bang sa tingin ninyong ginawa ninyo sa aking mag-ama mo? Inagawan lang ng candy? O damit na madaling palitan?"
"Naiintindihan ko kung bakit galit ka kay Papa, pero alam mong hindi ako lumaki sa kaniya, Jackson. Ano man ang kasalanan niya ay hindi ko kasalanan, hindi ako kasama roon-"
"You are! Alam mo ang kasalanan sa akin ng ama mo, at ginamit mo ang pagmamahal ko sa 'yo para tuluyan siyang makalaya sa kasalanan niya."
Mariin akong umiling. "Hindi totoo iyan. Jackson, I never told you to stop, ikaw ang nagsabi sa akin na gusto mong magsimula uli kasama ako, ang magiging anak natin," pumait ang boses ko sa huli kong sinabi. Ang anak namin na naisilang ko na. Gusto ko sa kaniyang sabihin ngayon mismo ang tungkol kay Elle, pero ayokong pakinggan niya lang ako at patawarin dahil lang kay Elle. I'm not gonna use her to get him back.
Umiling-iling siya. "You know what, I'm done! We're over, so this is nonsense!"
Iiwan niya na sana uli ako pero pinigilan ko pa rin sa braso niya.
"Jackson, ang sabi mo mahal mo ako, na gusto mong bumuo ng pamilya kasama ako. It's not too late yet, puwede pa nating buuin at ituloy ang mga pangarap natin nang magkasama. Just please, listen to me."
Hindi ko na mapigilan ang mapaiyak. Parang walang mapaglagyan ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa sobrang sikip ng dibdib ko. Parang pinipiga ng pinong-pino ang puso ko. Pilit na lang akong kumakapit sa pag-asa na siya ring pilit nang bumibitiw sa akin.
Diin bagang niyang itinutok sa akin ang mga tingin niya. "Noon, oo. Sa tingin mo gugustuhin ko pa rin magkaroon ng anak galing sa 'yo? Para ano? Para magkaroon ako ng anak na kaugali ninyong mag-ama? No way! Masyadong malakas ang dugo ng ama mo, kaya siguro kahit hindi ka sa kaniya lumaki ay nakuha mo pa rin ang kaugalian niya, no wonder if your future child will be like him, you, manloloko, walang konsensya at-
Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya. Sinampal ko na siya na nakapagpatigil sa kaniya. Nanginginig ang kamay ko sa galit. Nanatili ang ang ulo niyang nakabaling.
"Naiintindihan ko kung galit ka, karapatan mo iyon, kaya nga ako ang humihingi ng tawad sa 'yo, kaya ako ang lumalapit. Pero 'yong idamay mo ang anak ko, sobra ka na."
Tiningnan niya na ako pero hindi lang siya nagsalita. Mariin kong pinunasan ang mga luha ko.
"Baka mas maganda ngang hindi na lang tayo magkita."
***
"Sigurado ka bang hindi ka na tutuloy? Interesado pa naman sa 'yo si Chef Andrew."
Pagkatapos naming mag-usap ni Jackson ay kinausap ko kaagad si Chef Yohan para sabihing hindi ko na tatanggapin ang oportunidad. Buo na ang desisyon ko, kung ayaw na akong makita ni Jackson ay hindi na ako magpapakita pa sa kaniya.
Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin, pero masyado nang malalim ang galit niya sa akin. Sa amin ng ama ko. Hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako, at ayokong madamay doon si Elle.
"Sasayangin ko lang din po kasi talaga ang oras ninyo, kasi kahit naman ano pong kalabasan nito ay hindi ko rin naman po tatanggapin."
Tumagilid ang ulo niya kasunod ng paghingang malalim.
"Is it because of him?"
Hindi na ako nagulat na walang kahirap-hirap para sa kaniyang hulaan ang tunay kong dahilan. Ang sabi niya ay monitor niya pa rin daw ang mga kilos ko, alam niya rin ang lumabas na scandal a year ago, kaya imposibleng hindi niya alam na ex-boyfriend ko si Jackson.
"Not being an unprofessional, Chef Yohan, it's just that it's too complicated for us."
Pinagmasdan niya muna ako bago tumango. "Maybe mawawala mo itong oportunidad mo kay Chef Andrew, but please know that you are always welcome to my team. My offer for you to live here is still standing, okay?"
Tumango na lang ako at nagpasalamat. Hindi ko na tinapos ang event. Kinausap ko lang si Chef Andrew tungkol sa pagba-backout ko. Naintindihan niya naman ako kaya hindi niya na ako pinigilan. Ang tanging sinabi ko lang ay hindi pa handa ang restaurant kong mag-expand kaagad, masyado pang maaga. Ang sabi niya ay 'maybe next time raw na magkita kami ay ready na ako, so we will continue the discussion when that time comes. Sumang-ayon na lang ako kahit na alam ko sa loob-loob kong imposible.
Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay pagod na umupo kaagad ako sa kama. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang akong napaiyak. Kaagad bumuhos ang mga emosyon na hindi ko na nailabas kanina. Umuulit sa pandinig ko ang mga sinabi ni Jackson...
Pakiramdam ko ay hindi pa niya alam ang tungkol sa anak namin ay pinagsisisihan niya na kaagad na nagbunga ang naging relasyon namin. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako para sa anak ko. I don't want her to feel what I felt before, to be neglected, unwanted. Iyon na yata ang pinakamasakit na kayang iparamdam ng magulang sa mga anak. Mas gugustuhin ko pang gumawa ng storyang kalalakihan niya at isiping mahal siya ng daddy niya, kaysa kalakihan niyang alam niyang isinusuka siya ng sarili niyang ama.
Ilang oras lang akong tulala sa kisame bago ako makatulog. Hindi ko iyon namalayan, na-realised ko na lang na nakatulog pala ako ay nang magising ako.
Napatingin ako sa purse ko nang marinig ko ang cellphone kong, nagri-ring. Hinahagod ko ang buhok ko habang kinukuha ko iyon. Nang tingnan ko ang caller ay nagsalubong kaagad ang kilay ko. Hindi pala nagbago ng number si Chef Elijah? At bakit siya tumatawag? Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Ala una na. Sa Pilipinas ay tanghali na, samantalang dito sa Canada ay madaling-araw pa lang. Gising pa kaya si Mama at si Elle? Baka nagsisiyesta na sila.
Sinagot ko na ang tawag, at bumungad kaagad sa akin ang maingay na tugtog galing sa kabilang linya, nailayo ko tuloy ang cellphone sa tainga ko.
"Hello, Chef Ari!"
Sa ingay ay narinig ko pa rin siya, but I doubt kung ako ay maririnig niya.
"Chef Elijah, bakit ka tumatawag?"
"What? Wait!"
Napailing ako. As expected ay hindi kami magkakarinigan. Ni-loud speak ko na lang ang tawag at bumalik sa pagkakahiga. Napansin kong unti-unting nawawala ang ingay, kaya sa tingin ko ay naghanap siya ng tahimik na lugar. Maya-maya ay muli na siyang nagsalita.
"Chef Ari? Still there? Can you hear me?"
"Loud and clear."
Tumawa siya. "So, what did you say to him?"
"To him?"
"Don't act like you're clueless, alam mo kung sino ang tinutukoy ko."
Bumuntong-hininga ako at mariing pumikit. Of course, si Jackson.
"To long story short, we're over."
"Ngayon pa lang ba?" he said sarcastically.
"Did you call me just to be an ass?"
Muli siyang tumawa. "Where's your room? I'm gonna get you."
Napabangon ako. "What do you mean?"
"Pupuntahan kita, just tell me where is your room?"
Niyakap ko ang tuhod ko. "I'm sorry, pero wag na. Balak kong kumuha ng flight bukas pabalik sa Pilipinas, ayokong magpuyat."
Hindi ko alam kung bakit niya ako kinukulit ng ganitong oras. Hindi niya naman siguro ako planong landiin, hindi ba? Kasi ayoko!
"Sasabihin mo ba o tatawagan ko ngayon si Chef Yohan para malaman?"
"Ano? No! Baka kung anong isipin niyon, lalo na't nakita nila tayo kanina sa may lift." Naaalala ko pa ang naging reaksyon ni Chef Andrew, akala niya ay magkarelasyon kami, unfortunately, hindi ko na naitanggi iyon dahil kay Jackson.
And I almost forgot. Alam kong iyon din ang iniisip niya, base sa mga una niyang sinabi kanina sa rooftop.
"Kung ayaw mong magtanong ako sa kanila, sabihin mo na sa akin."
Napipilitang sinabi ko na lang sa kaniya, at sinabi niyang hintayin ko siya kaya huwag akong matutulog. Walang nagagawang sinunod ko na lang siya kahit clueless pa rin ako sa pakay niya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako napabaling sa may pinto nang may kumatok na. Siguro si Chef Elijah na.
Pagkabukas ko ng pinto ay ngumiti kaagad sa akin si Chef Elijah, ngunit tanging panlalaki lang ng mga mata ko ang naisagot ko sa kaniya nang makita ko kaagad ang akay niyang lalaki. Si Jackson.
"Move, let us in."
Gulat pa at wala sa sariling nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinadaan sila.
"What the f**k, Elijah! Bakit mo rito dinala si Jackson?!" Sa wakas ay nasabi ko na nang mahanap ko na ang boses ko.
Tumawa siya. "I like it when you're not acting as very formal in front of me."
Naigulo ko ang buhok ko habang pinapanood siyang inihihiga si Jackson sa kama ko. May malay pa si Jackson, kaso mukhang lasing na lasing kaya hindi makalaban.
"E, bakit mo kasi siya dinala rito?" Sinara ko na ang pinto bago pa may makarinig sa amin mula sa labas.
"She's right, you're so mean! You know that I don't wanna see her, right?" Pikit at halos bulol na sabi ni Jackson.
Bumagsak ang balikat ko. Okay, that's too straight forward.
Tumayo na ng diretso si Chef Elijah matapos niyang magtagumpay na maihiga nang matiwasay si Jackson sa kama ko. Nag-stretch pa siya na tila nangalay ang katawan dahil sa pagbubuhat.
Binalingan niya ako. I liked it when he's smiling, I think that's his trademark, pero nakakainis pala na nakangiti pa rin siya kahit na ako ay gusto nang mapikon.
"Come on, kaya nga tinatanong ko sa 'yo kung anong napag-usapan ninyo at nagpakalasing siya. Pagtapos ng event kanina ay basta na lang siyang nag-aya sa bar. So, baka ikaw ang dahilan," kibit-balikat niya.
"Kung alam mo pa lang ako ang dahilan, hindi mo na sana siya dinala rito para hindi lalong magkagulo."
"She's right," singit ni Jackson kaya pareho pa kaming napasulyap sa kaniya bago muling magkatinginan. Nagpamulsa siya at lumapit sa akin.
"Ari, trust me, gusto ko kayong magkaayos, but that's not enough reason for me to bring him here."
Naguguluhan na pinanliitan ko siya ng mga mata ko. "Kung ganoon, bakit kayo nandito?"
"Because... Someone is waiting for me at my car."
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nakangiwing sumapo siya sa batok niya.
"Look, hindi ko siya puwedeng iwan sa kuwarto niya, because as you see, may malay pa siya at may kaya pang gawin. So..."
"So, hindi ka makampanteng iwan siya habang nambababae ka?" I crossed my arms over my chest.
Nagtaas siya ng dalawang kamay. "Don't judge me, it's just that this supposed to be a fun night for me in Canada, and I won't gonna miss this just because I'm doing a babysitting."
"Babysitting?!" natatawa kong ulit.
Ngumisi siya at dinuro ang mukha ko. "You're laughing, is it a yes? I can leave him here?"
Nag-ikot ako ng mga mata ko. "Oo na. Pero mag-iingat ka, baka makabuntis ka nang hindi oras."
Pinanliitan niya ako ng mga mata niya. "Bakit? Nabuntis ka ba?"
Naiawang ko lang ang labi ko at hindi nakasagot. Tumawa siya at humalik sa pisngi ko.
"Bye, I'll see you tomorrow."
Bago pa ako makasagot ay lumabas na siya ng kuwarto ko at siya na rin ang nagsara ng pinto.
Napatingin na lang ako kay Jackson.
Paano ako makaka-moved forward, kung mahal pa rin talaga kita?
Iyan lang ang tanging sinisigaw ngayon ng puso ko habang nakatingin sa kaniya.