CHAPTER 4

1967 Words
CHAPTER 4 ARIANNA'S POV Naupo ako sa gilid ng kama habang nakatingin kay Jackson. Panay ang baling niya ng ulo habang nakapikit. Talaga ngang gising pa rin siya kahit na lasing na siya. "You should've say no, kaya ko namang mag-isa," aniya sa mababang boses. Tiningnan ko lang siya. Hindi naman ako pumayag dahil naaawa ako sa kaniya, pumayag ako dahil gusto ko rin siyang makasama. Mahigit isang taon ko na siyang gustong makita, ngunit sa muli naming pagkikita ay hindi ko akalain na magiging dakta ito ng pagtigil ko sa kagustuhang mabuo kaming pamilya. "You know that I cannot forgive you, right? And even if I would, I really can't." "Bakit?" Napalunok ako nang gumaralgal ang boses ko. "Bakit hindi? Hindi mo na ba ako mahal?" Tumawa siya nang peke. Pumikit ako nang marahan, kasabay niyon ang pagpatak ng luha ko. Nakakapagod nang masaktan. Napamulat ako nang maramdaman ko ang paggalaw niya. Nang tingnan ko siya ay nakita kong pilit siyang bumabangon. Nang magtagumpay siya sa pag-upo ay bagsak pa rin ang balikat niya habang nakatingin nang diretso sa kaniyang harapan. "Loving you means being part of your life and your family. The only reason why I'm still living is that because I want my mom's live through me, and I can't let her memories lives with you." Pilit na siyang tumayo, nagtagumpay naman siya pero kaagad din siyang na-out of balance. Mabuti na lang at nasalo ko rin siya kaagad. "Jackson, just stay, kahit ngayon lang. Kapag kaya mo na bukas, puwede ka nang umalis," bulong ko habang tinutulungan siya sa pagkakaupo niya. Pilit kong pinanonormal ang boses ko kahit panay ang pagpatak ng luha ko dahil sa mga sinabi niya. "I can't." "Just tonight, Jackson." Tiningnan niya lang ako sa may mapupungay na mga mata. Umupo ako sa tabi niya at tumango. "Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit mo, at tama ka, I can't force you to be with me after what happened. Mula noon ay napakamakasarili ko na para itago sa 'yo ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko, hindi na ako puwedeng maging makasarili ngayon. Kung talagang hindi mo na ako mahal, tatanggapin ko iyon... " At palalakihin ko ang anak natin na hindi ka nilalagay sa situwasyon na mapipilitan kang makasama ang anak ng taong kinamumuhian mo. Sa situwasyon naming dalawa ay mahirap nang sabihin kung ano ang tama't maling gawin. All I know is that I was wrong when I lied to him, and everything that happening right now is the outcome of my mistakes. Bumagsak siya ng pagkakahiga sa kama. "You toyed me, you fool me. I can't love you, I don't wanna love you anymore, so please, just walk out of my life." Marahan akong umiling. "I'm sorry, kasi ako mahal pa rin kita." Hindi na siya sumagot. Nang tingnan ko siya ay mukhang nakatulog na siya. Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya. Sa anggulo niya ay kitang-kita ko ang perpekto niyang panga at ang tangos ng ilong, ang may kahabaang pilik mata, maging ang kilay niyang may kakapalan. Halos bawat parte na yata ng mukha niya ay nakuha ni Elle. It excites me when I saw him in her the first time I saw my baby, but him having a child with me, I don't think if he would like it. Kagaya ng sinabi niya, hindi niya na talaga ako gustong maging parte ng buhay niya... I'm sorry... *** "Pinahirapan ka ba niya?" Napalingon ako sa biglang sumulpot sa likuran ko. Napahawak pa ako sa may dibdib ko sa gulat. Nasa may coffee machine ako rito sa ibaba ng hotel building. Kailangan kong magkape dahil hindi naman ako nakatulog nang maayos kagabi. Ewan ko ba, hindi naman magulo at maingay sa pagtulog si Jackson, pero ang hirap kasing kumalma na katabi ko siya. Hanggang sa pagpikit ko ay dinadalaw ako ng mga huli niyang sinabi. Napairap ako nang makita ko ang ngisi ni Elijah. Sinuyod ko ang tingin ko sa damit niya at napailing ako nang makita kong kulang ang butones ng long sleeve niya. "Wild?" Nagkibit-balikat siya na tila hindi manlang napaisip sa kung anong ibig kong sabihin. "Not bad." Tumawa siya saka tinagiliran ako ng ulo. "So, how about you and Jack?" Kinuha ko na ang kape ko sa coffee machine at sumandal roon nang bahagya. "Anong sa tingin mo?" Ngumuso siya at nag-isip saka umiling. "Like, reconciliation? Wala man lang bang ganoon? s*x?" "Iniwan mo sa akin 'yong taong lasing, talagang nage-expect ka ng reconciliation at s*x?" "Oo naman. Lasing siya, sana sinamantala mo." Pinanliitan ko lang siya ng mga mata ko at dumiretso na ng tayo. Naglakad na ako palagpas sa kaniya. Naramdaman ko siyang sumunod sa akin saka umakbay para makasama sa akin sa pagpasok ko sa lift. "Ikaw naman, napipikon ka naman kaagad. Umaasa lang naman ako na-" "May pag-asa pa?" pangunguna ko na. "Sorry to disappoint you dahil wala na." Hinarap ko siya nang umandar na ang lift paakyat. "Buti nandito ka na dahil aalis na ako." "Saan ka pupunta?" "Uuwi na." Kagabi ay nakapag-book na ako ng flight. Buti na lang ay may nakuha ako kahit na biglaan. "Hindi pa nga kayo okay, e." Umiling ako. "Hindi na ako umaasa." Pinagmasdan niya lang ako. Iniwasan ko lang siya ng tingin. Nang bumukas na ang lift sa floor ng kuwarto kong inookupa ay lumabas na ako at naunang maglakad sa kaniya. Sumunod pa rin siya sa akin. "Bad move ba ang ginawa ko kagabi?" Binuksan ko ang kuwarto gamit ang key card ko. Naabutan namin na tulog pa rin si Jackson sa kama. Nilagay ko ang kape ko sa ibabaw ng mesang unang naabot ko. "No, he just made it clear that he wanted me to be out of his life." "Did he hurt you? Or does that hurt you?" Pagod na hinarap ko siya. Nakasandal siya sa pintong nakasara habang pinagmamasdan ako. "Just make sure na kung sino man iyang kasama mo kagabi, kung mahalaga siya sa 'yo, just don't do anything stupid na makasisira sa inyong dalawa." Tumango-tango siya at lumapit sa akin. Umiling kaagad ako nang hilahin niya ako payakap, pero hindi niya iyon pinansin at niyakap pa rin ako. Tinanggap ko na lang iyon at hindi napipigilang mapaiyak. Sana madali na lang burahin ang sakit, na kapag sinabi kong tanggap ko na ay hindi na rin magiging masakit... *** Jackson's POV I moaned as I felt the uncomfortable pain in my head. I can't even open my eyes, my head and body are too heavy. Yeah. Drinking every night doesn't made make me immune in hangover. "Are you awake? Kasi kanina pa ako naiinip." Kunot pa ang noo kong nagbukas ng isa kong mata para matingnan ang kung sinong nagsalita. It was Elijah, sitting at the side of the window while reading the book that I don't know about. Saglit kong nilibot ang paningin ko. Napansin ko kaagad na hindi ito ang kuwarto ko. "Why are you here and where are we? This isn't my room." "Hindi talaga, kay Chef Ari ito, e." "What?!" Parang nawala lahat ng antok ko dahil sa binanggit niyang pangalan. Naglinga-linga ako pero walang ibang tao sa loob ng kuwarto, kaming dalawa lang. Napabalik ang tingin ko sa kaniya nang muli siyang nagsalita. "Don't worry, she left. Hindi mo ba natatandaan? Sumama ako kagabi kay Ayanna, iniwan kita sa kay Ari." Sa sinabi niya ay nakatulong iyon para maalala ko kung sino si Ayanna. We met her at the bar and flirted with him. Bukod doon ay wala na akong maalala, lahat ay malabo na. Bumangon na ako sa pagkakadapa ko. Napaigik pa ako nang muli akong nahilo. Para din babaligtad ang sikmura ko. Antok lang ang nawala sa akin, hindi ang hangover ko. "Sineryoso mo ang pangbababae mo, sa halip na kausapin si Celestine?" Iling ko sa halos paos ko pang boses. Pinulot ko ang long sleeve ko na nasa lapag. Hinilot ko pa ang sentido ko dahil sa pananakit niyon. Walang silbi kung mumurahin ko ang sarili ko dahil sa pag-inom ko kagabi, alam ko namang uulit lang din ako na para bang hindi nadadala. I just can't find it easy to sleep at night even after my work loads, I don't know, I just can't. Pinatungan pa iyon ng muli naming pagkikita ni Arianna. Akala ko ay humupa na ang galit ko sa kaniya, hindi pa rin pala. Hindi ko pa matanggap na kaya niya akong tingnan nang diretso matapos ng mga nangyari. "If I were you, I'll find her instead of getting hook with another girl." "Wow! I almost buy your advice, but then I realized that you just pushed Ari away. I don't think I can relay at your advice." Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Magkaiba ang situwasyon natin, walang kasalanan sa 'yo si Celestine." "Wala rin namang kasalanan si Arianna ha?" Tumayo na ako kahit umiikot pa ang paningin ko. "Hindi mo naiintindihan." "Admit it or not, ako na lang ang nakakaintindi at kaibigan mo ngayon. Bakit kasi hindi ka na lang bumalik sa Pilipinas? Ayusin mo 'yong buhay ninyo ni Arianna. Asikasuhin mo 'yong kaso ng mommy mo." Tumayo na siya at lumapit sa akin, pero nilagpasan ko lang siya. "Kung may aayusin man ako, buhay ko lang iyon, hindi siya kasama." Napatingin ako sa mesa, may nakatiklop na panyo doon. Alam kong hindi iyon kay Elijah dahil pangbabae ang disenyo at kulay niyon. Maaring kay Arianna. "Hanggang kailan mo ba siya idadamay sa galit mo?" Hindi ako sumagot. Hindi ko rin alam kung hanggang saan ako dadalhin ng galit kong ito. Minsan gusto ko na lang kalimutan ang lahat, pero hindi ko pa alam kung paano. Everytime I'm trying, I'm always getting back at the square one. Parang walang katapusan. "Fine, just help Tito Edward to get that justice for Tita Jen. Let's just get this over." Nanahimik lang uli ako at nanatiling nakatingin sa panyo. Hindi ko rin alam kung ano nang nangyayari sa akin. Magmula nang mawala si Mom ay isang pangako lang ang pinanghahawakan ko. My goal is to get them on jail. Dapat nito ay ako mismo ang gumagawa ng paraan para maipakulong si Ned Madrigal. Tumutulong dapat ako ngayon para maghanap ng iba pang ebidensya na tatanggapin sa hearing. Pero may kung anong pumipigil sa loob ko. Pakiramdam ko ay lalong magliliyab ang galit sa loob ko sa oras na tutukan ko ang kaso. Pakiramdam ko ay lalo kong hindi kakayanin ang galit sa loob ko. Pero mas hindi ako sigurado kung kakayanin kong idamay si Arianna sa kasong ito. The last time I talked with our lawyer, he said that we can use Arianna para maidiin si Ned Madrigal. Ang sabi sa video na kumalat a year ago ay alam ni Arianna ang nangyari, kaya maari namin siyang gamitin. Ang sabi ni Dad ay dapat daw kakausapin niya si Arianna, pero nakita niya raw si Arianna na kasama ang panganay na anak ni Ned Madrigal, at naging simbolo iyon na kalaban din namin si Arianna sa kasong ito. This war between Madrigal and De Luca will never be over. Kapag nagtagumpay kami sa pagpapakulong kay Ned Madrigal, hindi kami titigilan ng Madrigal para makaganti. At kung mananalo ang Madrigal sa kaso, hindi rin titigilan ng De Luca ang Madrigal. Alam kong hindi nila ito ginagawa ngayon para sa hustisya para kay Mom, pero para lang sa reputasyon nila, dahil masisira sila kapag nalaman ng publiko na ipinagwalang bahala nila ang pagkamatay noon ng ina ko. They did every possible way to disrespect my mom, and I'm the only one who can respect her death. I can't let my self to do the same just because I'm in love with the daughter of her murderer. I need to get rid this feelings. I can't be failed over and over again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD