#ILoveYouBro CHAPTER 23 “Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Jack kay Humph. Magkasama sila ngayong naglalakad sa gilid ng kalsada. Tapos na ang kanilang mga klase kaya malaya din silang nakalabas ng eskwelahan. Napatingin si Humph kay Jack, napangiti ito. “Magde-date,” sabi ni Humph na ikinalaki ng mga mata ni Jack. Hindi niya akalain na magde-date sila dahil ang akala lamang niya, simpleng pamamasyal lang ang gagawin nila. “Magde-date tayo?” tanong ni Jack. Tumango-tango si Humph. “Habang nililigawan kita, kailangan mag-date din tayo para mas lalo pa nating makilala ang isa’t-isa,” sabi ni Humph sabay kindat. Napatango-tango at ngumiti na lamang si Jack. Sa totoo lang, this is the first time na makikipag-date siya at hindi niya maiwasang ma-excite sa

