18th Blood: Festive
“Life will not mean anything without joy and sadness.”
“KIIILLLLL!!!”
Raven has questioned Kill’s sanity a lot of times but it was a wrong thing to do. Dahil wala na niyon ang lalaking ito! She should’ve questioned his insanity instead! How he does crazy things like this is beyond Raven!
“Oh come on, angel, get out of there. I want to see you.”
“I’m afraid I’m gonna kill you if I see you!”
Lalo siyang nabwisit sa pagtawa nito. Lumihis ang kurtina na tumatakip sa makeshift na fitting room na ideya nina Victoria at Chiri. Nakatayo na roon si Kill at pinasadahan siya ng tingin mulo ulo pababa. Sisigawan niya sana ito nang mapansin niyang unti-unting nawala ang ngiti ng binata at napapalitan ng ibang ekspresyon ang mukha nito.
Then the scent of desire hit her. Nakita niyang saglit na pinalitan ng pula ang mata ni Kill na kulay berde and it dilated. Agad namang bumalik iyon sa normal nang bumalik ang tingin nito sa kanyang mukha.
“Like the one I chose for you?”
Like? Like? Paano niya magugustuhan ang ganitong ka-iksing mini skirt eh isang inch na lang luwa na ang kaluluwa niya! Sira ulo ba itong si Kill?
“You will pay for this, Kill!”
“You look hot and sexy, angel. Surely I won’t have to pay if it isn’t a crime to make you look like that.”
“Manyak! Bakit ba napaka-p*****t mo? Leche ka talaga!”
“Wala kang magagawa, nasa rule natin ‘yan. Ako ang pipili ng susuotin mo at kailangan mong suotin ‘yan bukas. I never took you as a quitter, my love.”
Raven gritted her teeth saka lumabas ng makeshift fitting room. Nagpalinga-linga. She spotted Chiri yelling na turn na ng boys para sa fitting. She walked over to Kill’s cousin and snatched the flimsy thing na masyadong makulay at masakit sa mata. “Akin na lang ‘to, gawa ka na lang ng bago.”
“P-p-pero, Cooey! Design ko ‘yan!” nakangusong protesta ng dalaga.
Hindi niya ito pinansin. Binalikan niya si Kill then she shoved the skirt to him and closed the curtains. “You’re paying, Schneider!”
“I am not wearing this!” ang agad nitong sigaw segundo palang ang lumilipas.
“Oh you will!”
“Will not!”
“I will make you!”
“You will not!”
“Oh try me, vampire.”
Dinig niya ang pag-ingos ng binata. Naghintay siya at nang lahat ng lalaking pumasok sa fitting room eh naglabasan na at wala pa si Kill ay saka niya inilihis ang kurtina. Hawak pa rin nito ang makulay na mini skirt, unsure of what to do with it.
“Isusuot mo ‘yan o ako ang magsusuot n’yan sa ‘yo?” pagbabanta niya. He simply c****d his head sideway na parang hinahamon siya.
Pumasok siya sa loob ng fitting room at isinarado ang kurtina. She reached for the belt that held his ragged jeans and unclasped it. She caught Kill’s sharp intake of breath. Pinigilan niyang ngumisi. Pinanatili niya lang ang tingin niya sa kanyang ginagawa. It took her pulling down his zipper nang sa wakas ay pigilan nito ang kamay niya.
“Out. Angel, get out. God, you drive me crazy!”
Doon siya ngumisi at pinagmasdan ang mukha ni Kill. His eyes were bloodshot red. Visible na ang mga pangil nito na sa hula niya’y saka lang nagkakaganoon kapag nangyayari ang ganito.
“Suotin mo ‘yan.”
“Yeah yeah whatever you say! Just get the hell out before I do something you might hate me for.”
One last smirk at his direction at saka siya umalis. Mayamaya lang ay lumihis muli ang kurtina. Tentatively, na para bang nagbibilang si Kill hanggang sampu bago humakbang eh lumabas ito. Agad-agad ay napuno ng tawanan ang buong homeroom.
“Holy f**k, dude, that was hillarious!” malakas na tawa ni Spade na ikinamula lalo ng mukha ni Kill sa magkahalong inis at hiya.
“What the ever-loving hell are you wearing, man? You look like the tooth fairy!” dagdag pang-aasar ni Raphael.
Kill turned to her with a dreadful look in his face. “I am not wearing this, Courtney!”
Napangisi siya kahit kanina pa rin niya gustong tumawa. “Subukan mong hindi suotin ‘yan.”
He heaved out a resigned sigh. Alam niyang panalo na siya roon.
“Susuotin mo talaga ‘yan bukas, dude?” pagkumpirma ni Raphael na kita ang amusement sa mata.
Kill looked at her. Mayamaya ay bumuntong hininga muli. “If that’s what angel wants…”
“Seesh, Kill, you’re a goner,” komento ni Spade na nginitian lang ni Kill. Raven smiled back at him, silently in awe at how he makes it look like she’s the boss.
THIRD day is Sports Day. Which also means oras na para mapasabak siya sa powderpuff touch football. Damn. At dahil tinuluyan ni Seige Gray ang pagsali kasama ang sorceress nitong mate, sinigurado niyang safe sa suspicions ang buong school. Ipina-restrict niya for only black bloods ang indoor field. Katwiran niya’y mabuti nang sigurado.
“These are the rules.” Iyong referee na kinuha ni Raven ay isang black blood teacher, si Mr. Seiyan, shifting professor. “Pwede n’yong gamitin ang abilities n’yo sa game but not too much. Tandaan n’yo, friendly game lang ito. To be fair, hindi pwedeng i-tackle ng guys ang girl opponents nila. Just a pat or a touch. Let’s stay friendly, guys, aight?”
Friendly-friendly. Kailan pa naging friendly ang mga black bloods?
“Oy pare friendly daw,” tapik ni Arden sa balikat ni Gray habang nakangisi. “Friendly tayo ah?”
“Ulol,” then Gray flipped the bird before walking away.
Hinanap ng mata ni Raven sa field si Kill. Nang hindi niya ito makita sa bawat pairs na nagha-huddle, sa shed siya naghanap. Sa kaliwa niya ito nakita. Nakaupo habang nakatakip ng blazer ng black blood uniform ang suot na mini skirt. Napangisi siya.
“What’s wrong, vampire? Afraid much?”
Ginawaran siya nito ng matalim na tingin na lalo niyang ikinangisi. Mayamaya ay bumuntong hininga ito at tumayo. His shoulders down in a resigned manner saka nagsimulang lakarin ang kinatatayuan niya. Unti-unti ay natatahimik ang ingay ng mga manonood. Nasa gitna siya ng field kung kaya’t makikita ng lahat ang itsura ni Kill sa oras na marating nito ang kinatatayuan niya.
Nang makita ng lahat ng tao ang itsura ni Kill ay agad na bumunghalit ng tawa ang mga ito. Kinagat ni Raven ang labi para mapigilan ang sariling tawa.
“I swear to God I’m not gonna be able to live this moment down,” Kill muttered na lalong tinawanan ng malakas ni Strides dahil nasa malapit lang ito at dinig ang sinabi ni Kill. “And shut the f**k up, all of you. Stop laughing!”
Tumahimik ang lahat. Iyong iba pigil na pigil sa pagtawa. At para lang inisin ang binata’y ngumisi siya bago tumawa ng sobrang lakas. She could feel amusement in their gazes. Iyon pala’y nakita ng mga itong papalapit si Kill para halikan ang kanyang labi.
Natigilan si Raven. Umangat ang labi ni Kill nang makita nitong napatanga siya’t nagtagumpay ang binata na patahimikin siya.
“Aww, angel,” Kill cooed in amusement. “Napaka-cute mo talaga kapag nagugulat ka.”
Inis na itinulak niya ang binata. “Get the hell away from me, you p*****t vampire!”
“Do you always result to name calling when you’re mad?”
“No! Because I do not usually get mad! Kumukulo lang talaga ang dugo ko kapag nasa tabi-tabi ka! Alis! Shoo!”
Sa inis niya ay lalo pa itong ngumisi. “Just goes to show how badly I affect you.”
“Alright ladies and gentleman, let’s start! Huddle up!” sigaw ni Mr. Seiyan na pumutol sa sana’y pagsagot niya pa.
Habang ang lahat ay nakapuwesto na sa kani-kanilang linya, nakatayo lang si Raven sa tabi ni Kill na kinikilatis na kaagad ang teknik at kakayahan ng mga kalaban nila. He could read their thoughts she supposed, and that’s gonna make it easier. But she would also assume—base on his occasional muttered curses—that some of them who knows him well are already safeguarding their minds.
At the first whistle, everything went blur. Maski si Kill ay naging blur sa paningin niya. The werewolves shifted, Rain and Seige trying to shield their running partners. That’s when Raven realized the ball is with Cattleya. Sinubukan niyang tumakbo para habulin sila pero nag-usal ng spell si Chiri sa kanyang harapan at biglang umangat mula sa hawak ni Cattleya ang bola. Lumutang iyon sa ere papunta sa dalaga.
Si Cattleya naman na isang manggagaway ay umusal din ng sariling enchantment para mapigilan at mahatak pabalik dito ang bola. Kaya’t ang resulta’y naghatakan sila ni Chiri.
On the other hand, malayo pa ang tinatakbo ni Victoria. Mukhang hindi athletic type ang babaeng iyon. Si Quincy naman ay biglang nawala. For all she know, baka nag-shift na iyon bilang d**o para mag-camouflage. Iyong partner ni Spade ay isa palang were-panther at ngayo’y nagpalit na ito sa pangalawang anyo para samahan sina Raphael at Spade na harangan si Kill. Raven thinks Kill is aiming at either snatching the ball na pinipigilan ni Spade at ng partner nito o naghihintay na magtagumpay si Chiri na makuha ang bola para ma-tap ito ng binata na pinipigilan naman ni Raphael.
Rain and Seige meanwhile were snarling like idiots in their wolf form at nakabantay lang sa partners nila maybe just to make sure na walang makaka-tap. But Vina… isn’t she…?
Holy crap!
Mabilis ang takbo ni Vina. Maybe that’s part why the volleyball team accepted her in. And when she jumped, sumabay si Raven na tumakbo. That’s when Vina was able to snatch the ball from Cattleya and Chiri saka ito tumakbo ng mabilis papunta sa homerun.
f**k! I’m not exactly athletic myself!
Hinabol niya si Vina. Trailing behind her were Cattleya, Chiri, and the damn panther. At dahil panther nga ito’y naulusan siya nito ng takbo. Marahil ay nakaamoy ng panganib ay hinarangan ni Rain ang panther.
“Angel!”
Napalingon si Raven. Pagkurap niya’y nasa ere na siya. Napagtanto niyang buhat siya ni Kill at mabilis nilang nahabol si Vina na medyo hingal rin. “Go, angel! Tap her shoulder!”
At dahil masunuring bata siya’y tinapik niya ang balikat ni Vina. Pagkatapos ay narinig kaagad nila ang isang matunog na whistle. Everyone halted. Nakangiting ibinaba siya ni Kill. “We’re good, aren’t we?”
Kinunot niya ang noo. “Hindi nga natin nahawakan ang bola eh.”
Nagkibit ng balikat si Kill “At least napigilan natin silang mag-homerun.”
Yeah, sure. Big deal, aniya sa isip na nginitian ni Kill.
“Ready, guys! Kill’s ball!”
Again with the huddle. Binigay ni Kill sa kanya ang bola. Tinaasan niya ito ng kilay na katumbas ng pagtatanong kung ano’ng gagawin niya roon. Ngumiti ang binata. “Just run. H’wag kang lilingon. Takbo lang.”
Sabi mo, eh. Pagkikibit niya ng balikat.
Ngumiti si Kill na parang nabasa ang iniisip niya na malamang ay totoo nga. So when the whistle hit for the third time, sinimulan ni Raven ang pagtakbo. Agad-agad, ramdam niyang may humabol sa kanya. She even saw Raphael’s wolf form intercepting her from the left corner and a blur pass her by pagkatapos ay bigla na lang nawala iyong lobo. That must have been Kill taking his friends out.
Naaamoy niya sina Vina at Cattleya sa kanan at kaliwa niya. Napamura siya. She hates competing with these women! She’s not exactly athletic!
“Tell me to do anything and I can—save for running!”
Dinig niya ang sabay na pagtawa nina Vina at Cattleya. The latter lunged at her, she managed to flung Vina aside to avoid making a tap. Kung hindi siguro dahil sa super senses niya, hindi niya sila maaagapan.
Ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang biglang lumitaw sa harapan niya si Quincy shifting into his human form from his earlier grass camouflage. Pero bago pa man siya nito mahagip, Kill was already flashing past her and tackled the poor guy. Mas binilisan niya ang pagtakbo knowing that Vina is still on her trail and Cattleya behind her.
Konti na lang. Kitang-kita niya na ang line eh. Konti na lang.
“Angel!”
And everything happened so fast.
For a moment, Raven saw the panther about to attack her. Nakita niya ang facial reaction nito. She’s aiming for a sure kill. And then suddenly, someone grabbed her from the left side that sent her spiraling down the field. Nagpagulong-gulong sila ng taong may hawak sa kanya. Dinig niya ang panicked na sigawan ng marami. Even Victoria’s and Chiri’s frantic call from a distance.
She wondered what was happening. She wondered what’s going on as she clutch the ball against her chest.
That’s when she heard that small bump. Just a tiny sound. Automatically ay bumalik lahat ng awareness sa sistema niya. Iyong nagligtas sa kanya! Alam niya ang amoy na iyon! That particular strong midnight scent! Kill’s! Kill…
“Kill!” agad siyang napaupo nang mapagtanto niyang kanina pa sila tapos sa paggulong. Nabitawan niya ang bola at binalingan ng atensyon si Kill na sinalo ang impact ng pagbagsak at paggulong nila sa field. His head even bumped at something hard na naging sanhi ng pagdurugo ng likuran ng ulo nito. “Kill!”
“Okay ka lang, angel? Did I hurt you?” nag-aalalang tanong nito sabay upo at inulan siya ng inspeksyon imbis na alalahanin ang sarili. “God, angel, you scared me.”
“Well tough, you scared the hell out of me as well and you’re… I don’t know what this is! But why did you do that?”
Hindi niya matandaan kung kailan huling bumilis ang t***k ng puso niya ng ganoon. Na para bang may mga race cars na nag-uunahan sa loob ng dibdib niya. But it beats fast in a bad way. Na para bang… para bang gusto niyang umiyak sabay tawa sa magkasunod na takot at relief sa nangyari.
Takot. Kaba. Raven had never felt such strong emotions before. Never thought those things were so cruel to feel. She’s not one to get so scared easily. But seeing Kill like this…
“Pare! Okay ka lang?” magkakasunod na tanong nina Spade at Raphael na half clothed na and then for a moment it seemed that everybody in the field were circling them.
Except for the damn panther.
Bumaling siya kay Arden na ginawaran niya ng matalim na tingin. “What was that damn woman thinking attacking me like that?”
His mouth formed into a stunned ‘O’ as Raven moved closer to Kill, inspecting his wound. Nagdurugo pa rin ang sugat nito sa ulo. Mabagal maghilom dahil medyo malaki-laki ang sugat. Walang pag-aalinlangang hiniwa niya ang parteng malapit sa pulso niya at inalok iyon kay Kill. He looked at her in mere astonishement and adoration. It was a look that says he’s willing to worship the ground she walk on if that would make her happy.
Bloody hell. The guy’s a goner.
Kill smiled and kissed her first, hard and urgent, before holding her hand and taking the blood offered from the gash. Pumikit ito ng mariin at lihim siyang napangiti. Hinatak niya ang binata ng marahan, ipinatong ang ulo nito sa kanyang balikat at masuyong sinuklay ang buhok gamit ang kanyang libreng kamay. Ramdam niya ang ngiti ni Kill sa kanyang balat.
At doon na napiling magsalita ni Spade. “This is a game. Normal lang ang may masaktan.”
Binalingan niya ang kaibigan ni Kill ng matalim na titig. “I’ve seen the look in her eyes, she’s aiming for something more than playing the damn game!”
“Definitely not true! Hindi niya sadya ‘yon. Swear, Courtney, naglalaro lang siya.”
Umiling si Raven habang patuloy na sinusuklay ng marahan ang buhok ni Kill. Unti-unti nang napapatda ang pagdurugo pero ang galit at inis niya sa nangyari’y hindi. “Hindi ako naniniwala. She’s feeding you lies, she’s intending to attack me. I’m not a newbie on this kind of things, Arden! Hindi ako ipinanganak kahapon!”
Dumako ang paningin ni Spade kay Kill na tila ba hinihingi ang opinyon ng kaibigan. At that point, Kill slowed down. Mayamaya lang ay dinampian nito ng malambing na halik ang sugat niya sa palapulsuhan na para bang maghihilom iyon sa ganoon. Saka nag-angat si Kill ng tingin kay Arden nang hindi inaalis ang ulo nito sa kanyang balikat.
“Nakita ko, kaya ko inalis si Courtney sa daan. She’s intending to attack my angel.”
Agad ay kumuyom ang mga palad ni Arden. His murderous pissed off thoughts loud and clear to both her and Kill. Clearly, Spade is not a fan of vindictive manipulative bitches. “I apologize for bringing a trash and spoiling the festive. But I’ll assure you she’ll be punished.”
“Don’t worry, she’s one of ‘em millions who wants to do that. And the festive will continue,” Raven assured him with a smile na ibinalik nito kasabay ang tango.
And the festive did continue.
Kaya lang ang ending, dahil sa haba ng laro at ayaw magpatalo ng egotistical maniacs na miyembro ng Black Beasts, wala rin namang naka-score. Nagpakapagod lang sila sa wala.