16th Blood: Business
“We find rest in those we love and we provide a
resting place in ourselves for those who love us.”
KUNG paano niya naisip na tatantanan siya ng mga sira ulong ito kapag weekends ay hindi niya alam. Dahil sa sandaling inakala
niyang matatahimik ang buhay niya pagsapit ng Linggo, heto sina Victoria at nasa harapan ng kanyang kwarto.
“No.”
“Pero, Courtney! Sige na, please? Saglit lang naman, eh!”
“No. Get out of my house.”
“Cooeeyyyy!”
Napatitig siya sa apat. Mayamaya’y napahilamos sa kanyang mukha. My, Raven, you’ve really gotten very soft nowadays.
Bumuntong hininga siya. “Guys, come on. Linggo ngayon. Bakit ko gugustuhin pumunta sa isang lugar na hindi ko nga alam kung saan ‘yon? Why would I forsake my Sunday for that?”
Umawang ang bibig ni Tsuka. “Hala. Hindi mo alam ang SE Group? Pero isa ‘yon sa mga pinakamalaking kompanya na mayroon ang buong Dreasiana Colony.”
“Hindi ka naman sa bundok nakatira, Courtney,” panegunda pa ni Quincy.
Pinaningkitan niya ng mata sina Quincy at Tsuka bilang babala na huwag nang makigatong pa sa dalawang monggoloyd. “Hindi ako nakatira sa bundok pero wala rin akong interes sa mga ganyan. So stop.”
“You really need to go there, Courtney,” nakangusong pamimilit ni Victoria sa kanya at hinatak-hatak pa siya sa kamay.
Ganoon din ang ginawa ni Chiri sa kabila niyang kamay. “Cooey please?”
Marahas siyang napabuntong hininga. “God, fine! Fine!”
Napatigil sina Victoria at Chiri saka tuwang-tuwang nag-apir. Pabuntong hiningang pinaalis muna niya ang mga ito para makapagbihis siya. Pagbaba niya thirty minutes later, nagtaka siya dahil iisang kotse lang ang nakaparada sa harapan ng mansyon. Kotse lang ni Quincy iyon kaya’t siksiksan ang mga babae sa likuran. Siya ang inilagay sa unahan dahil natural, siya ang naistorbo.
Hindi siya umimik sa buong byahe. Wala siya sa tamang mood para sitahin ang pag-iingay nilang lahat. Hanggang sa mayamaya’y humimpil ang sasakyan sa harap ng isang malaking gusali. Umibis siya mula sa sasakyan. Nakaimprinta sa tuktok ang signage na ‘SE Group’.
Kunot-noo siyang sumilip sa sasakyan. “Sasabihin n’yo na ba sa akin kung bakit ako nandito?”
Malapad ang ngiting iginawad ni Chichiri sa kanya. “S’yempre hindi pa.”
Umawang ang bibig niya. Tinawanan ni Victoria iyon at sa kanyang sorpresa’y itinulak siya nito palabas ng tuluyan at isinarado ang pintuan ng kotse na binuksan niya.
“May weekend outing kami. Pasok ka na, Court. Alam na nila kung saan ka dadalhin. Bye-bye!”
Raven gritted her teeth in annoyance. “I’m going to kill you all!”
Tumatawang umalis ang mga ito. Inis na nagmartsa siya patungo sa loob. Tila tumigil ang mundo nang pumasok siya roon dahil nagsitigilan din ang mga tao roon at yumukod sa kanya. Umarko ang kanyang kilay.
May babaeng lumapit sa kanya at kagaya ng iba’y nakayukod din ito. “Thank you for coming, Lady Courtney. Please follow me.”
Sinundan niya ang babae patungo sa elevator. Sa babae siya nagpasyang magtanong ng ibig sabihin ng SE Group. Pamilyar iyon sa kanya ngunit hindi niya maalala kung saan niya narinig o nakita iyon.
“Schneider Entertainment, Lady Courtney. This company is owned by the Schneider, the Saint Claire and the Hamilton clan.”
Schneider. Kill. She should have known. Kagagawan na naman ito ng lalaking iyon. Napailing si Raven ngunit bumakas din ang ngiti sa labi.
Pagdating sa ikalimang palapag ay nagpatuloy sila sa paglakad. Nakakarinig siya ng mga pagtatalo sa loob ng silid na nadaanan nila pero hindi na siya nagtangkang magtanong. Dinala siya ng babae sa conference room. May lalaki doon na nakatalikod at nang marahil ay narinig nitong bumukas ang pintuan ay saka lamang ito lumingon.
“Heto na po siya, Sir Tim,” saka ngiting bumaling sa kanya ang babae. “Mauuna na po ako, Lady Courtney.”
Tumango siya sa babae at tuluyan nang pumasok doon. Lumapit sa kanya ang lalaki. He had this rogue-ish look. Chinito. Mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada lamang at blonde ang buhok.
“So… you’re the famous Courtney Weinlord?”
Tumaas ang kanyang kilay. “I didn’t know I’m famous until now.”
Tumawa ang lalaki. “Trust me, you’re very famous here. Well, excuse my rudeness.” Pagkatapos ay naglahad ito ng palad sa kanya. “Call me Tim.”
Tinitigan lamang ni Raven ang kamay na iyon at hindi kinuha. Nang marahil ay mapagtanto nitong hindi niya talaga kakamayan iyon ay natatawang binawi nito ang kamay at nagkamot ng ulo. “The dude’s right. You’re not very… forthcoming.”
Tipid na ngumiti si Raven. Hindi na ito nakita ng lalaki dahil bumaling ito sa kabilang pintuan na mukhang interconnected sa ibang silid. Nakatitig ito roon na para bang nakikita nito ang nagaganap sa silid na iyon samantalang hindi naman transparent ang pintuan. Pagkatapos ay nakarinig sila ng malakas na dabog mula roon. Nasundan iyon ng malakas na pagsigaw.
“We’re never coming back to your network, Schneider! You useless imbecile! Magresign ka na!”
Pagkatapos ay bumukas ang pintuan na tinititigan ni Tim. Lumabas doon ang dalawang lalaki, isang nakacorporate suit at isang matangkad na lalaking nakasuot ng dark tinted shades. Lumihis sila sa daraanan ng mga ito. Ngunit iyong huling lalaki ay bumagal ang paglakad at tinitigan siya. Mayamaya’y ngumisi ito bago nagtuloy sa paglabas. Kumunot ang noo ni Raven sa pagtataka.
Who the hell was that?
Susundan niya sana ang lalaki para komprontahin nang muling may kumalabog mula sa kabilang silid. Pagkatapos ay may tinig ng lalaki ang nagsalita. “Sir… nag-pull out na po ang mga sponsor natin dahil narinig nilang nag-pull out na rin si Hailberry sa drama. Ilan po sa mga investors natin ay nagpu-pull out na rin po. Ano pong gagawin natin?”
“Out. Now! All of you!” a familiar voice yelled.
Many things entered her mind all at once. Si Hailberry iyong lumabas doon. He was someone from Kill’s business interest. At kilala siya nito dahil kung hindi’y hindi naman siya nito titignan ng ganoon. And Kill’s company is in trouble. At least that was how she perceived it with the investors and sponsors pulling out. Hindi siya magaling sa negosyo pero alam niyang hindi magandang senyales iyon.
Naglabasan ang mga babae’t lalaki na nakaformal business attire. Bumaling sa kanya ang lalaking nagpakilalang Tim at tipid na ngumiti. “Let’s wait in his office. Coffee?”
Tumango siya at naglakad na rin palabas. Kasunod niya si Tim at iginiya siya nito sa vendo machine sa floor na iyon at ikinuha siya ng kape. “Quite frankly, Courtney…” he started talking as Raven sips on her coffee. “Hindi ko rin alam kung bakit ka nandito.”
Naningkit ang mga mata niya. “You know I don’t like to joke when it comes to my time being wasted.”
“T-teka, chill lang naman. Ang ibig kong sabihin, I shouldn’t have bothered you. But as Kill’s best friend, I just felt like I have to search for something… or someone in your case, na makakatulong sa kanyang kumalma at maghinay-hinay.”
“Are you really sure na best friend ka lang niya at hindi boyfriend? You sounded like his lover.”
“Grabe ka naman, straight ako!” nakasimangot nitong protesta.
“So ano ngang nangyayari? And who are you, if I may ask?”
Ngumiti si Tim. “I’m a Saint Claire so in short pinsan ko si Kill but he’s also my best friend. The thing is because of a scandal, we’re deep in trouble concerning the upcoming drama project ng station which is assigned to Kill and his department as well. He was working on it since Friday night. And now, well… nakita mo naman kung ano’ng nangyari.”
“What scandal was that?”
“The lead female that Kill has chosen personally is… uhm… she’s a magnet of scandals. Sabihin na lang natin na may nakaraan silang affair ni Kill and someone leaked a video and couple of pictures so it created a lot of noise. The next week, na-scandal naman siya sa lead actor ng drama. Then the next week again, it was reported that she was locked up in jail because of a drunk fight.
“And things became a little hard for the company since then. Iyong lead actor namin nag-file ng breach of contract and request of release dahil nate-tengga na siya because we couldn’t get a firm hold of the broadcast time. Iniipit nila kami. They were requesting for compensation para sa abala. We’ve given them enough. Then this. Sponsors and investors pulled out. It’s just too… too much to handle.”
Raven couldn’t believe what she’s hearing right now. Bampira si Kill pero base sa mga naririnig niya ngayon, parang napaka-vulnerable ng binata pagdating sa human business.
“Can’t he compel them?”
Tumawa si Tim ng mahina at umiling. “I wish we can do that pero mas lalo lang magiging komplikado ang lahat. Alam naman nating maraming kaalaman ang Colony sa mga super humans and talents na kagaya natin. Tatagilid ang pamilya namin kapag nakahanap sila ng butas para i-expose kami.”
Fair point. Sabagay. Sa tingin din naman ni Raven ay nag-e-enjoy naman si Kill na mamuhay na parang totoong tao ito. Kumikita ng pera in a human way, nagkakaroon ng problema in a human way, nabu-bwisit in a human way. Everything he does, he does it in a human way which she could understand for a vampire na hindi naman human. Karapatan iyon ni Kill. At susuporta siya sa binata kahit pa alam niyang maiksi ang pisi niya pagdating sa mga ganito.
“Nasaan ang opisina ni Kill?”
His eyes glinted in amusement and he smiled. “Wow. I didn’t think that’d be easy.”
Hindi siya sumagot at sumunod na lang sa lalaki. Dinala siya nito sa isang malaking opisina. Wala pang tao roon. Magulo ang mesa at panay ang tunog ng intercom na pansamantalang pinatay ni Tim.
Inaliw ni Raven ang sarili sa pagtingin-tingin sa loob ng opisina ni Kill nang makaalis si Tim. Everything in it screams business. Mula sa marble office desk, sa sleek black swivel chair, sa computers, sa organized na gamit, sa coffee table, sa curtains at sa drawers, everything is pure business. Ni hindi niya halos maisip na ang nagma-may ari ng opisinang ito ay isang bampirang estudyante sa Academy niya at ang parehong bampira na nagpapakulo ng dugo niya araw-araw.
The door creaked open. Nakaupo si Raven sa mesa ni Kill at pinagmasdan ang pintuan habang unti-unti iyong bumubukas. Iniluwa niyon si Kill na magkahalo ang inis, pagod at frustration sa ekspresyon. May hawak itong papel at matalim itong nakatitig doon habang pagalit na niluluwagan ang suot na necktie. Pagkatapos ay bigla itong napatigil, agad na nag-angat ng tingin at napakurap-kurap.
His face immediately softened. Sa loob-loob ni Raven ay napangiti siya. He was so adorable when he’s like that. Ngunit may parte rin sa kanya ang parang pinipiga nang makita kung gaano kagulo ang buhok at damit ng binata.
“Hey…” bati niya kay Kill habang bumababa ng mesa.
Biglang nawala sa pintuan si Kill at wala pang isang segundo ay nasa harapan na niya ito, hawak ang kanyang baywang at inaangkin ang kanyang labi. Nagulat siya sa init ng bibig nito at sa paraan nito ng paghalik sa kanya. Malalim. Nagmamadali ngunit may diin. Napapikit siya ng mariin at walang nagawa kung hindi kumunyapit sa leeg ng binata higit pa nang maramdaman niyang naglalaro na ang dila ni Kill sa loob ng kanyang bibig.
Kill’s mouth tasted coffee and mint. Napasinghap si Raven nang bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Napasabunot siya sa buhok nito nang madaanan ng labi ng binata ang parte sa kaliwa niyang leeg na nagdulot ng maliliit na kuryente sa buo niyang pagkatao. Kill moaned as if he was turned on at what she did and it vibrated through her skin.
“Kill… do you… do you like blood?” tanong niya na kaagad ding pinagsisihan. What the hell kind of question is that, Raven? Of course he does, he’s a vampire!
“No…” Kill husked. “Not now, no. I f*****g love you, Courtney.”
Nagulat si Raven doon. The way he said it… it made something in her chest ache. Para siyang biglang sinuntok sa sikmura. Napahigpit siya ng yakap kay Kill nang hindi niya namamalayan. Ibinaon nito ang mukha sa kanyang leeg pagkaraan ng ilang sandali. Sinasamyo nito ang halimuyak ng kanyang buhok habang pinakakalma ang mabilis na pagtibok ng puso.
“How are you?” pabulong niyang tanong sa binata. It seemed appropriate for her to whisper for this intimate scene.
“Tired… very…”
Nakaramdam siya ng awa at pag-aalala para kay Kill. Kakalas sana siya para tignan ito ngunit biglang tumunog ang cell phone ng binata. Pabuntong hininga itong kumalas at lumayo bago sagutin ang tawag. Naupo si Raven sa couch na naroon. She was trying hard not to eavesdrop ang kaso’y hindi naman maaari dahil hindi naman bumubulong si Kill.
“No, I didn’t, I’m sorry. I can’t replace her. No, it’s not that. Just… f**k!” Namatay yata ang tawag. Hindi pa man nakakaisang segundo’y tumunog na namang muli iyon at ibang tao na naman ang kausap nito.
Bumuntong hininga si Raven. Mangangalahating minutong ganoon si Kill nang pumasok muli si Tim at nagdala ng juice. Napansin nitong nasa isang sulok si Kill na nakikipag-usap sa phone. Kaya’t siya ang nilapitan nito’t binigyan ng juice na tinanggap naman niya. He then sat in front of the couch at nanatili roon para i-entertain siya. Mukhang nakita nitong malapit na niyang saksakin si Kill dahil sa pagka-bored niya roon.
“Sorry,” alangan ang ngiting sabi nito.
Nagkibit si Raven ng balikat. “Ganyan ba talaga siya? On a daily basis, I mean?” Sa Academy lang naman niya kasi nakakasama si Kill. Paminsan-minsan lang naman itong bumisita sa mansyon kapag weekends. Alam na niya ngayon kung bakit.
“At home and at work, yes. Sa Academy, I don’t think so. His phone just seems to always beep whenever and wherever. He seriously need to stop tolerating it.”
“Wala siyang secretary?”
“Matagal na siyang walang secretary.” Pagkatapos ay makahulugan siya nitong tinignan na parang sinasabi na dapat ay alam niya kung bakit.
Tumango na lang siya bilang sagot. Mayamaya’y ngumiti si Tim at bumulong sa kanya. “I think he calmed down a bit.”
Tumingin si Raven sa kinatatayuan ni Kill. Napatawa siya ng bahagya dahil sigurado siyang sa kakayahan ng binata’y naririnig nito ang usapan nila ni Tim. Napawi ang ngiting iyon nang ma-realize niyang baka nahihirapan ito na pagsabay-sabayin ang mga ingay na naririnig. He’s a vampire, his senses are magnified. Paano kaya nakakapag-focus ito?
Noon lumingon si Kill at nagtama ang kanilang mga mata. Naging mahinahon ang pagsagot nito sa kausap sa telepono. Hindi nito inialis ang titig sa kanya. She may be emotionally immature but it wouldn’t take a genius to figure out how much he wanted to be with her.
“Kailan pa nagsimula ‘to?” pabuntong hiningang tanong niya kay Tim ngunit na kay Kill pa rin ang mga mata.
“Friday night. Hindi pa ‘yan nagpapahinga.”
She internally groaned.
Bampira ka lang, Kill, hindi ka robot.
Pagkatapos biglang-bigla ay tumawa ito na parang nabasa ang nasa isip niya. Naningkit ang kanyang mga mata. Mukha ngang nabasa na naman nito ang iniisip niya. “Stop laughing, idiot.”
Tumayo si Tim at nakangiti siyang tinapik bago ito nagtuloy-tuloy palabas ng opisina. Lumapit si Kill sa kanya, lumuhod sa kanyang harapan, at hinaplos ang kanyang kanang pisngi gamit ang kamay nitong hindi nakahawak sa cell phone. He was still talking to the phone nang idikit niya ang noo sa binata at masuyong dinampian ng halik ang tungki ng ilong nito na nakapagpangiti kay Kill.
“Yes, Sir… I’m sorry, we’re trying to fix this. Thank you, I know. I apologize, Sir. I’ll keep you updated.” Then he hung up.
“You need to rest, CC.”
Ibinaba ni Kill ang cell phone ngunit umiling pa rin ito sa kanya. Nagdampi ito ng halik sa gilid ng kanyang labi. Magsasalita sana pero muli na namang tumunog ang cell phone. Anyong aabutin nito ang aparato nang ikinulong niya sa kanyang palad ang mukha nito. Napatitig sa kanya si Kill. Nagbabantang naningkit ang kanyang mga mata. Should he try and answer the damn call, Raven is going to throw him out the window so he could get a nice rest. Sa maling paraan nga lang.
Nagsukatan sila ng tingin ni Kill. Konting-konti na lang sana’t dadaanin na niya sa bayolenteng paraan ang panghihikayat na magpahinga ang binata ang kaso’y nauna itong sumuko. “Damn, screw this. Tim, lock the f*****g door now!” sigaw nito sa pinsang apparently ay nasa labas pa pala ng pintuan.
Narinig ni Raven ang tunog ng click ng nagsaradong lock bago niya maramdaman ang labi ni Kill sa labi niya. She grinned through the kiss.