15th Blood: Confessions
“The strongest love is the love which is not
afraid to show weakness.”
“COURTNEY!”
Nasapo ni Courtney ang noo nang marinig ang sigaw na iyon ni Tsuka. Pagkaharap niya, eksaktong ihahagis sana nito ang sarili sa kanya ang kaso’y sa kasamaang palad, humarang ang palad ni Kill at sumubsob ang mukha roon ni Tsuka.
“You noisy short person. Step back.”
Pare-parehong nailing sina Chiri, Quincy, at Victoria. Napabuntong hininga si Raven. Ang totoo’y noong humingi ng permiso sa kanya si Kill na bumuntot ng bumuntot sa kanya’y hindi naman niya inakalang may ganito palang side ang binata. Na pati si Tsuka ay pagbabawalan din nitong lumapit sa kanya.
Tinanggal niya ang kamay ni Kill sa mukha ni Tsuka at hinawakan sa kamay ang dalaga. Umirap lamang si Kill at nagpamulsa na sa tabi.
The jealous prick…
“Tara, guys, picnic tayo sa Meadows!” nakangiting yaya ni Victoria saka itinaas ang basket na hawak ni Quincy.
The two seemed to be getting close this past few weeks. Nagpapasalamat na nga lang siya’t hindi na bayolente ang reaksyon ni Quincy kay Victoria.
Tumingin si Raven sa kanyang relo na kanina pa tumutunog. “Susunod na lang ako. Ipinapatawag ako sa office, eh.”
“I’ll walk you,” alok ni Kill na tinanguan niya. Magkakahiwalay sila ng dinaanan. Sina Victoria ay papunta sa hardin ng Academy na tinatawag nilang Meadows. Sila naman ni Kill ay sa Central wing ng eskwelahan dahil naroon ang opisina ng kanyang ama.
Pinagtitinginan sila ng mga estudyante habang naglalakad. Wala na yatang araw sa nakalipas na linggo na hindi ginagawa ng mga ito ang ganyan. Napapatanong na lang tuloy siya sa sarili kung kailan darating ang panahon na magsasawang mang-intriga ang mga iyon.
Mayamaya’y naramdaman niya ang lamig ng palad ni Kill na marahang hinahaplos ang kamay niya habang patuloy silang naglalakad. Hindi niya pinansin iyon at inabangan lamang ang susunod nitong gagawin. He intertwined his fingers with her. Nang pasimple siyang tumingin dito’y nakita niyang lumulunok ang binata, kinakabahan marahil sa kanyang magiging reaksyon.
Lihim siyang napangiti. Shy Kill is very cute.
Nang sapitin nila ang opisina’y nagpaiwan na lang muna si Kill sa labas. Hihintayin na lang daw siya nito roon. Kaya’t siya na lamang ang mag-isang pumasok sa opisina.
At ang loko niyang tatay. Asul na maskara na ang suot at hindi na pula.
Pinanatili niya ang kaswal na ekspresyon. “What do you called me for, Sir?”
“Itatanong ko lang sana kung nagustuhan mo ang maskara ko, anak.”
Umawang ang bibig niya’t hindi makapaniwalang sinabi iyon ng kanyang ama. Glenn is very playful in nature but he wasn’t always like that. There were times he’d been aloof with her at iyon ang paminsan-minsan ay nami-miss siya. Dahil at least ay hindi naman nito sinasayang ang kanyang oras sa mga walang kakwenta-kwentang bagay tulad nito.
“Sir Glenn! Magseseryoso ka ba o sasapakin kita?”
“Hala ito naman! Hindi ka na mabiro. Pero seryoso, anak. Cute ba ang maskara ni Daddy?”
“Sir!”
“Ito na, ito na.” Natatawang binuksan ni Glenn ang desk drawer at inilabas ang isang folder doon saka iniabot sa kanya. “Hindi ako makakapagdesisyon nang wala ang input mo, Raven. He wants in.”
Nirebesa ni Raven ang papel. It was an application form for the black bloods. Kassius Hailberry ang pangalang naroon. Dalawampu’t tatlong taong gulang. There was a detailed dossier sa sumunod na pahina. He’s a Dreasianian heir for the district of Cameron, karatig distrito ng Alexandria.
Kunot-noo siyang bumaling sa ama matapos basahin ang nilalaman ng papel. “Hindi pwede ito, Sir. Nasa atin na si Stealth.”
Ang tango ni Glenn ang senyal ng pagsang-ayon nito sa kanya. “Kaya natin kinuha si Stealth ay dahil kahit umanib siya sa kolonya, ang puso niya ay nasa kanyang mga kalahi. She’s a victim of chance, Raven. She needs the Academy’s help. Si Hailberry ay taliwas doon. He’s Dreasianian through and through. An aristocrat na walang ibang gustong gawin kung hindi ang manggulo.
“But I am very positive na kapag tinanggihan natin sila, pag-iinitan nila ang eskwelahan. Chaos will befall on us. Kaya kailangan ko ng opinyon mo. Are we ready for this or do we have no choice but to let him in and buy more time?”
Hindi kayang ilagay ni Raven sa alanganin ang Academy. Kaya’t sa huli’y wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag na pirmahan ni Glenn ang application form. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para idispatya si Hailberry mula sa Academy.
Paglabas niya’y agad na nag-usisa si Kill. Apparently, nababasa na namang muli nito ang kanyang isipan. Napapadalas na iyon. Kailangan na yata niyang mag-alala.
“There’s a Dreasianian heir who wants to get in. Wala akong nakikitang dahilan para pumasok ang gaya nila sa Academy. They do not need to disguise anymore. He’s posing danger to the whole school. Ang problema’y kapag tinanggihan namin siya, pag-iinitan nila ang Academy. I can’t let that happen.”
Matagal na nanahimik si Kill. He held her hand as they near the garden. Mayamaya’y nagulat siya sa tanong nito. “Courtney, can you make me a Templar?”
Umawang ang kanyang bibig at kumunot ang noo niya sa pagtataka. “No. Why would you want to be a Templar?”
“So I can protect you. So I can… I can assure myself that when something happens, ako ang nandoon. Hindi kahit na sino. Ako, angel.”
Huminto siya sa paglalakad. Pinisil niya ang kamay ni Kill. Hindi niya alam kung paano sasagutin ito pero pinasya niyang maging totoo sa binata.
“I can’t, Kill.”
Nagbaba ng tingin ito. Natuon sa kamay nilang magkahawak na para bang may kung ano’ng interesante roon.
“Why?”
“My… my Templars… they’re not like you. They don’t… they don’t treat humans as prey, Kill. They do not pose any danger to the red bloods because… because they don’t have a bloodlust.”
Tumango si Kill, which surprised Raven to say the least. She half expected him to be mad at her. To deny it. Ngunit sa halip ay hinagkan lamang siya nito sa noo at hinila na patungo sa pinuwestuhan nina Victoria, Quincy, Chiri, at Tsuka.
Naupo sila sa bakanteng espasyo sa harapan ng mga pagkain na nasa gitna. Katapat nila sina Quincy at Victoria na nakasandal sa puno. Nag-usisa si Victoria tungkol sa plano niya sa Saint Valentines.
Ibubuka pa lamang sana niya ang bibig para magsalita nang mahiga si Kill sa kanyang kandungan. Nang yumuko siya’t silipin ito’y nakapikit na ang mga mata ng binata. Napakunot siya ng noo sa pagtataka.
Is he sick?
“Ano’ng plano mo sa Saint Valentines, Cooey?” ulit ni Chiri sa tanong ni Victoria.
Napukaw niyon ang kanyang atensyon. Nagkibit siya ng balikat. “Nothing.”
“Bakiiit?” sabay-sabay na sigaw ng mga ito sa kanya na maski si Quincy ay napatakip ng tenga.
Namilog ang kanyang mga mata at tumingin kay Kill sa pag-aalalang naistorbo ito sa lakas ng sigaw ng tatlo. Nanatili itong nakapikit na parang natutulog lang. Ginawaran niya ng matalim na tingin ang mga babae.
“Bakit kailangan ninyong sumigaw? May prom sa Saint Valentines. Iyon lang ang plano ko.”
“Eh paano ‘yong fair, Cooey? Hindi ba dapat may fair pa?”
“Ayoko!”
“Bakit nga?!” nakasimangot na panegunda ni Victoria.
“Because it’s exhausting, Stealth!” paungol niyang pakli.
“Eh de kami na lang ang magtatrabaho. Bigyan mo lang kami ng permiso. Kahit nga iyong sa budget sa amin na rin. Sige na, Courtney, please? Gusto namin ng fair. Bigyan mo lang kami ng permission, Courtney, please?”
Pinag-isipan ni Raven iyon ng saglit. Nakikita niya rin naman kasi ang lubos na kagustuhan ng mga ito na magkaroon ng fair. Wala namang mawawala kung minsan ay magkasiyahan ang buong eskwelahan.
“Oh, fine. Basta’t siguruhin n’yo lang na magagawa n’yo ng maayos.”
The three women yelled in excitement. Nagulat pa nga siya ng hatakin bigla ni Victoria si Quincy patayo at hinila ito para raw makapagplano dahil libre naman ang sumunod nilang period. Lahat sila ay nagtakbuhan at sila lamang ni Kill ang naiwan.
Napangiwi siya. “What the f**k did just happened?”
Nakarinig siya ng pagtawa. Nang muli niyang silipin si Kill ay nakapikit pa rin ang mga nito ngunit umaalog na ang mga balikat sa pagtawa.
“Ano’ng nakakatawa?”
“Nothing.” Pagkatapos ay ngumiti ang binata saka unti-unting nagmulat ang mga mata. “Minsan lang kitang marinig na magmura. You’re so composed everytime.”
“Funny. I’m rarely composed nowadays.”
Ngumiti lamang itong muli at muli nang pumikit. Natahimik siya. Bumangon ang bahagyang pag-aalala sa kanyang dibdib. May sakit ba si Kill? Hinawakan niya ang noo nito. Noon niya na-realize na hindi nga pala tao ito. Hindi ito lalagnatin.
“CC… are you sick? What’s wrong?”
“Nothing’s wrong, angel,” bulong nito na parang sa sarili lamang sinasabi. “But I have… I have something to confess.”
Lalong kumunot ang noo ni Raven. “What is it?”
Kill raised his left arm, ipinatong nito iyon sa tapat ng mga mata. Napilitan siyang tanggalin ang kamay niyang nakapatong sa noo nito dahil maiipit iyon. Hindi niya alam kung bakit pero parang gusto niyang tanggalin ang braso nito’t tignan ang itsura ng binata. She can’t seem to read him today.
“Courtney, do you… do you hate vampires?”
Hindi niya inaasahan iyon. Ngunit naging mabilis ang kanyang sagot. “No, of course not. Bakit mo naitanong?”
Noon tinanggal ni Kill ang brasong nakatakip sa mga mata. He looked at her. His eyes were bright with sadness. Natigilan si Raven doon.
“You know… my parents love each other so much. They were inseparable. I used to envy that. Hanggang ngayon naman naiinggit pa rin ako. I wanted to be like them. When I was a child, I used to wish that someday… mahanap ko rin ‘yong gano’ng klase ng pagmamahal. I wanted to be like Dad who found someone who he could give his heart and soul. Years… many years passed. It didn’t happen. I lost it when my sister died. I stopped being nice, not even to Victoria. I stopped treating women as how Dad treated my Mom.
“I was proud of who I am, Courtney. I adored being a vampire. I’m never one of those black bloods who were ashamed of what they are and how… how inhumane they can be. I was never ashamed of who I am even when I lost control of myself and started unconsciously killing people to satisfy my thirst for blood. I’m proud. I was proud what I am.”
“Kill… What are you saying?”
“I feel like sometimes… you hate me. You hate me for being who I am. And that hurt, angel, because I wanted to be somebody who you could be proud of. I want you to show me off. I want us to be seen together. Courtney, hindi ako santo. I had a bloody past. I did things that are unforgiveable. Ikinakahiya ko ‘yon. But I don’t want you to hate me, baby. I don’t want you to hate me for being a vampire.”
Napatanga siya kay Kill. Hindi sumagi sa isip niya na iyon ang pinagkakaganoon ng binata. At kahit kailan hindi niya kinamuhian ang mga bampira. When she thought there were only two vampires in this whole world, she felt the need to protect them. And when she heard Kill got in the Academy, she had unconsciously watched out for updates regarding the vampire. Kung gagawa ito ng gulo, kung may magtatangkang manakit dito. Kung ilang beses itong napunta sa detention sa isang partikular na araw.
At matapos nga ng narinig niya mula kay Kill, para bang bigla siyang nakaramdam ng hatak. It triggered her heart strings, like someone pulled it and turned a mental switch from her at wala na siyang ibang ginusto kung hindi ang makaramdam ng lubos at maibalik ang kung anumang damdamin ni Kill sa kanya.
Ngunit alam niyang hindi iyon magiging madali. She’s as good as a baby on this love business. Baby steps. One step at a time…
Inilabas niya ang kanyang puting baril mula sa likuran ng kanyang uniform. Ikinasa niya iyon ng ilang beses para malampasan ang bala na mga stamps at matunton ang totoong bala. She tilted her palm up and she shot from the side. Dumaplis ang bala sa palad niya at gumawa iyon ng sugat. Umagos ang dugo mula roon.
“Let’s try this, CC…” she told him, smiling, pagkatapos ay inialok dito ang kanyang palad.
Panay ang tingin nito sa kanya at balik sa nagdudugong palad niya. Humanga siya ng ilang saglit sa lakas ng kontrol ni Kill sa sarili. If that were any human-feeding supernatural, kanina pa nito sinunggab iyon. But Raven could see how Kill loved the scent of her blood. Hindi nito nakayang pigilan ang sarili ng matagal at mayamaya nga’y naramdaman na niya ang paghawak nito sa kanyang palapulsuhan habang inilalapit nito ang kamay niya sa sariling bibig.
Kill’s eyes went crimson red as his fangs touched her flesh. Napapikit ito ng mariin nang matikman ang dugong iyon. Raven didn’t know it was possible but her heart melted at the sight of him laying on her lap, eyes closed while feeding on her blood. Ramdam niya ang hininga nito sa kanyang balat at ang unti-unting paghigpit ng kapit nito sa kanyang palapulsuhan. Sinuklay niya ang buhok nito gamit ang libre niyang kamay. Noon ito huminto at tumingin sa kanya. His eyes watered with unshed tears.
Raven’s heart broke. It was a very painful and shocking experience that she vowed she would never let that happen again.
Pinunasan niya ang dugo sa bibig ni Kill. And then she leaned down and touched his lips with hers. Narinig niya ang pagsinghap ng binata at naunawaan niya iyon. Iyon ang unang pagkakataong siya ang nag-initiate ng halik. Ngumiti siya at bahagyang dumistansya. She adored his lost look habang nakatitig sa kanya’t naghihintay ng kanyang sasabihin.
“Thank you for telling me that. I don’t hate you, Kill. Quite the opposite in fact. I realized I like you. I liked you even then when I didn’t know a lot about you. I admired your tenacity. Your audacity. Do you know what I think, CC?”
Umiling si Kill. Sa paggalaw nitong iyon ay tumulo ang luha sa mga mata nito. Lihim na napasinghap si Raven. She kissed his eyes. “Don’t cry… You’re so brave, CC. Your love is so brave. You gave me the permission to break your heart. To read you like an open book. You hand me the knife and trusts me too much not to stab you with it.”
Mahinang tumawa ang binata. “Loving is like that, angel. Permitting the person you love to hurt you because that’s her right. That’s your right. You own this heart. You own me, body and soul, angel.”
“That said… I’ll have something to tell you too.” Tinignan lamang siya ni Kill. She had a feeling he was memorizing her face. Kumabog ang kanyang dibdib. “My kisses are either poison or enchantment—whatever I want it to be. When I kissed you that night on the hallway, I was trying to poison you. And it didn’t work.”
Dumaan ang kalituhan sa mukha ng binata. Ngunit mayamaya’y nawala rin iyon. He seemed to relax all so suddenly. Na para bang bago pa man ito magtanong ay alam na nito ang magiging sagot.
“Why?”
“Hindi ko alam,” iling ni Raven. “Frankly, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam. Ikaw palang ang taong nahahalikan ko ng normal, Kill. Quite… fascinating actually.” Pagkatapos ay ngumiti siya. She realized it was true. Naa-amuse nga siya na isiping si Kill pa lamang ang nahahalikan niya ng normal.
“Can you charm someone with kisses? Like sire them without compelling? Or perhaps… make them fall in love with you?”
“No. I don’t have such powers, why?”
Malapad ang naging ngiti nito. “Nothing. Just a thought.”
At nabigla siya nang ito naman ang humalik sa kanya. He hoisted himself up and pulled her close to him. She ended up straddling him habang inaangkin nito ang kanyang labi ng may init at kakatwang intensidad.
Naisip ni Raven, hindi lahat ng paniniwala’t pilosopiya niya ay tama. Maraming napatunayan si Kill sa kanya. And for someone who sees things clearly, sadyang bulag siya para hindi makita ang mga iyon. Maraming tinanggal ang binata sa kanya ngunit marami rin itong mga bagay na ibinalik. And for that, she’s thankful to Kill.
So much thankful…