14th Blood: Reasons Unknown
"The heart has its reasons which reason knows not.”
“COOEY! Look, look!”
Napaungol si Raven. Pwede bang may magpaalala sa kanya kung bakit siya ang naiwang nagbe-babysit kay Chiri imbis na nananahimik siya sa paggawa ng kanyang tungkulin?
“Perhaps because your good o’l pal left you for a vendo machine?” she heard a familiar voice say from behind.
Inikot niya ang swivel at tinapunan ng matalim na tingin si Kill na nakangisi sa kanya. “Get out of my head. Don’t f*****g read me, you leech!”
Tumingin ito sa kanya na nagniningning sa amusement ang mga mata. Parang tuwang-tuwa pang asarin siya. “Oh but what can I do, angel? You’re shouting your thoughts at me. I’m not reading you, your guard is down.”
Hindi niya alam kung ano’ng nangyayari. Ngunit pagpasok kanina ni Kill ay agad na nitong naririnig ang mga iniisip niya. Which is very weird and strange dahil wala pang nakakagawa niyon. Hindi conscious ang pagharang niya sa kanyang isipan. She thinks it was her brain’s default system. At hindi niya alam kung matutuwa siyang nasira ni Kill iyon o maaalarma. For the first time in history, may nakakarinig ng iniisip niya.
Pinaningkitan niya ng mata ang binata. “Ano’ng ginagawa mo rito? Go away, Schneider. Marami pa akong gagawin at wala sa plano ko ang makipag-bwisitan sa ‘yo. Layas. Lalayas ka rito o ipapakaladkad kita?”
“Nah.” Tumawa si Kill saka inokupa ang bakanteng swivel chair na inuupuan ni Quincy kanina pagkatapos ay ipinagulong iyon papalapit sa tabi niya. “Hindi mo kayang gawin ‘yon. At kung gagawin mo man, pareho naman nating alam na hindi mo ako gano’n kadaling madi-dispatya. So what’s this?” sabay angat nito sa isang papel na nakalagay sa kaliwang bahagi niya at naka-pile sa iba pa nitong mga hanay.
Raven snatched the papers away from Kill bago pa nito mausisa iyon. “Utang na loob marami akong ginagawa. Pwede bang next time ka na lang ulit bumisita?”
“Para namang sinasabi mo na ayaw mo akong makita. Ayaw mo ba ng inspirasyon?
“No. Kung ikaw lang din naman ang magiging inspirasyon ko, nevermind. Thank you very much. Go away.”
Lalong nag-init ang ulo niya nang ipatong ni Kill ang dalawang paa sa mesa niyang puno ng mga papel at saka mariing ipinahayag: “I’m staying. With you.”
Napabuntong hininga si Raven. Pakiramdam niya’y may ibig pang sabihin si Kill doon. Hindi na lamang niya ito pinansin at ipinagpatuloy na ang kanyang ginagawa. Ngunit ramdam niya ang pagtitig sa kanya ng binata. She could feel him burning a hole on her face.
“You’re so confident of yourself you know?” Mayamaya’y dinig niyang bumulong ito sa sarili.
Nagkibit siya ng balikat at hindi na tinignan pa si Kill but she admits she’s very tempted to stop doing what she’s doing and stare at the guy all day everyday. Heavens, nasisiraan na yata siya ng ulo.
“I’m the Head Tempress, Schneider. Kung gusto mong makita ka nilang confident, kailangan mong ipakitang confident ka. Body language, simple physics.”
“What do you think of me then, Courtney?”
Noon siya tumingin sa binata. “You? What do you mean?”
“Ang sabi mo, nakikita ng ibang tao kung ano’ng gusto mong ipakita sa kanila. How about me then? How do you see me?”
Nagtalo ang isipan ni Raven. Saglit siyang natigilan at nag-apuhap ng tamang mga salita. Subalit sa huli’y ang katotohanan lamang ang lumabas sa kanyang bibig.
“I think that you… you are a nice person, Schneider. I admire you truthfully because no matter the circumstances of your birth and background, you try to be as human as possible. Minsan… minsan nagtataka ako kung paano mo ‘yon ginagawa. Must have been hard. But I admire you the most for doing that, for feeling like a normal person, for loving like a normal person. At higit sa lahat, I think of you as someone who has the power to change people if he wanted to.”
Namayani ang katahimikan. Nilingon niya pa si Chiri para tignan kung nakikinig ito. Nadatnan niyang nakasuot na ito ng earphones at kumukumpas pa ang ulo sa tugtog. Tumingin siyang muli kay Kill. Base sa reaksyon nitong ni hindi man lang ngumiti o kaya’y pinagtawanan ang kanyang sinabi, tingin niya’y nasa boundary ng offensive at appreciative ang hatol nito roon.
Ngunit mayamaya’y ngumiti ito. Hindi niya mabasa ang ibig sabihin ng ngiting iyon. Kung mapaglaro ba ito o seryoso. And then finally he said: “You really don’t know me, angel. Do you want to know me?”
Umarko ang kilay niya at napangiwi. “No, thank you very much, I’m busy.”
Tumawa lang ang binata. Bumuntong hininga si Raven at bumalik sa ginagawa. Ngunit alam na niya noon na hindi siya titigilan ni Kill hangga’t hindi nito napapatunayan ang gusto nitong patunayan sa kanya.
DRAFT week, second day.
Raven’s first day of the draft was still at Section Lilica. Wala kasing epekto ang draft sa mga red bloods dahil tanging mga black bloods lamang ang naisha-shuffle para mailipat sa section ng mga red bloods.
But of course, there’s always a special case.
“Ayoko!”
“Sino bang may gusto?”
Tiim ang mga bagang na nagsusukatan ng tingin sina Kill at Quincy sa gitna ng klase habang inaawat ito ng isang propesor sa Music Class. Ganoon ang tagpong inabutan nila ni Victoria nang pumasok sila sa Section Belladona.
Bago ang first homeroom ay pinatawag siya ni Sir Music, he’s the first homeroom. Ang siste, kahapon pa raw kasi hindi matahimik ang lahat ng klase sa Section Belladona dahil kina Quincy at Kill. Sinubukan na nilang ilayo ang silya ng dalawa ngunit walang nagawa iyon at nagpatuloy pa rin ang pagsasagutan ng mga ito na mauuwi sa pagkakapikunan.
“Naman, eh! Mag-shakehands na kayo nang matahimik na ang kaluluwa ko!” Pagsusumamo ng propesor na kulang na lang ay luhuran na ang dalawa.
I guess it sucks to be human sometimes…
Pabuntong hiningang pumagitna siya sa nagsasabong na black bloods. “So I’ll make you two choose. Either… you shake hands or I’ll issue an isolation for the both of you.”
“Raven! Bakit isolation?” tutol kaagad ni Quincy. “Ilipat mo na lang itong tukmol na ito!”
Raven rolled her eyes heavenwards. Sa tanang buhay niya’y hindi niya naisip na mabubwisit siya kay Quincy. Una’y nagsasasama ito kina Chiri, Victoria at Kill para inisin siya. Pagkatapos ay hindi nito alam kung ano’ng itatawag sa kanya. Kung Raven ba o Victoria. Minsa’y kung ano na lamang ang lumabas sa bibig. Ngayon nama’y ito.
“What if… what if magpalit na lang kayo ni Quincy ng section?” suhestyon ni Victoria.
“Eh bakit hindi kayo ang magpalit ng section?” pambabara niya sa dalaga na kunwa’y sumimangot.
“Hindi naman ako Tempress, Courtney.”
Pambihirang buhay ito. In order to be legal and allowed, required ang isang Templar sa bawat section during draft week. In this case, si Quincy ang Templar ng Section Belladona. Pero kung ganitong ang mismong Templar ang gumagawa ng gulo, mukhang wala na talagang mapagpipilian pa si Raven…
“We have no other option.” Bumaling siya sa gurong tila nabunutan ng tinik sa dibdib. “Sir, what do you think?”
Tumango-tango ito. “I think… mas okay kung magpapalit nga kayo ni Quincy ng section kesa mag-issue ka pa ng isolation. Sayang naman.”
Lumabas ng homeroom sina Quincy at Victoria matapos magpaalam sa kanya at sa guro. Unti-unti nang napupuno ng mga estudyante ang homeroom. By this time, paniguradong napalitan na ng plaque ang isa sa mga seats kaya’t hinanap niya ang kanyang plaque. Sa kasamaang palad, nakita niyang itinaas ni Schneider ang plaque na naka-imprinta ang pangalan niya at nakalagay iyon sa katabi ng silya ng binata.
Labag sa loob na lumapit siya roon. “I’m starting to be bothered. Why am I next to you?”
“It’s fate, Courtney. You can never deny what destiny wants.” Makahulugang wika nito saka siya kinindatan.
“Destiny my ass.”
Nagsimula na ang klase. The class went well surprisingly. Nararamdaman niyang nakatingin minsan si Kill ngunit hindi siya nito ginugulo o kinakausap kaya’t hindi na rin niya pinansin iyon. Natapos ang first period at ang second period. Ang schedule ng Section Belladona sa third period ay ang Personality Development class na isa sa mga inaayawan niyang klase.
It required too much socializing and groupings. And she was never good with both.
“Ipagpapatuloy natin ang activity natin kahapon kasama ang mga napili n’yong partner,” ngiting anunsyo ng propesora. “Pass these papers, class.”
Noon siya tumingin kay Kill na mukha namang walang kainte-interes sa nangyayari. Nabuhay ang mga mata nito nang makita siyang nakatingin.
“Who’s your partner yesterday?”
Tinignan siya nito na parang ngayon lang nito na-realize na gumagalaw ang mundo sa paligid. Nagpalinga-linga pa nga at ilang segundo pa bago tila mag-sink in sa binata ang nangyayari.
“Some… annoying girl. I scared her away so we weren’t able to finish the stuff.”
Dear, God, why?
“How are you going to do this then?”
“Oh this is easy.” Nakangiting bulalas nito na nang muli niyang balingan ay nirerebesa na ang hawak na papel. May nagpasa rin sa kanya ng parehong papel pero hindi niya pa nababasa ang laman niyon. “I know lot of things about my angel so this is going to be easy.”
Automatic na napatingin agad siya sa sariling papel. There were questions, sure. But what the hell was this all about?
“Eh?”
“Right? This is just easy. Ni hindi na natin kailangang mandaya.” At mukhang masaya ang tukmol na ito. Why would he be happy about answering nonsense questions like these?
Sinagutan niya na ang questionnaire. Lahat ng tanong doon ay tungkol sa kapareha niya. Favorite color which she answered honestly—she doesn’t know. Favorite food, favorite shirt, favorite activity.
Nang-aasar ba ‘tong homeroom na ‘to? How am I supposed to know these kind of stuff?
“And you tell me this is easy. Ugh!”
He grinned. “This is easy for me, angel. I can even put here the color of your underwear right now.”
Nanlaki ang mga mata niya. Konting-konti na lang at mapapatay na niya ang hinayupak na bampirang ito! “Ang manyak-manyak mo talaga!”
“Sush, my love. They’re staring at us.”
Malapit na niyang mabali ang pen niya sa sobrang bwisit niya sa binata. Kaya’t bago pa man mangyari iyon, sinagutan na niya ng tumataginting na ‘HINDI KO ALAM!’ ang lahat ng tanong sa papel saka ipinasa iyon sa kanilang guro. Nagsunod-sunod na rin ang pagpapasa ng ibang estudyante.
Nag-umpisa nang magbasa ng mga sagot ang propesor. Nang basahin nito ang kay Kill at Raven ay parang bigla itong nagulumihanan. “Uh, Mr. Schneider… Well… uhm… how come na halos lahat ng tanong tungkol kay Lady Weinlord ay nasagutan mo ‘tapos siya… hindi?”
“Stalker ko po kasi ‘yan, Ma’am,” agap niya bago pa man maibuka ni Kill ang bibig.
Nagulat ang kanilang guro samantalang ang ibang estudyante’y napasinghap at nagbulong-bulungan. Hindi pa rin kasi nakakalimutan ng mga ito na maaaring may kinalaman siya sa paghihiwalay nina Kill at Victoria. At mukhang iyon pa yata ang nais patunayan ni Kill nang tumawa ito at sabihing, “She’s my angel, Ma’am. I know a lot about my angel.”
Raven turned to him scowling. “You, leech!”
Ngisi lamang ang tugon nito sa insultong iyon at parang nage-enjoy pa nga ang binata. “Oh my love, you really look so cute.”
“Stop it, Schneider!”
“Call me as how you used to call me.”
Napakunot siya ng noo nang bigla itong sumeryoso. Nawala ang mapaglaro nitong ngiti. “W-what?”
“Call me CC. No matter how annoying that sounds it’s alright. Call me your CC, call me your toy, call me whatever you want to call me. I just want to be yours, Courtney. And when you call me CC, I feel like I’m yours.”
Aware siyang lahat ay nakanganga sa kanila. Lahat alam at naririnig ang pinag-uusapan nila ni Kill. And Raven is thankful that they are human dahil sa ganoong paraan, hindi maririnig ng mga ito ang abnormal na pintig ng puso niya habang nakatitig sa mga mata ng binata.
Hindi maipaliwanag ni Raven kung bakit pakiramdam niya’y siya ang nasasaktan para kay Kill. If the clenching of her heart was indeed the pain that she feels…
“Kill… Hindi talaga kita nauunawaan. Bakit mo ba kasi ginagawa ito? Bakit ayaw mong tumigil?”
Nakita na naman niya ang emosyong iyon sa mga mata ng binata. Iyong hindi niya maunawaan. Iyong hindi niya mapangalanan. But it hurt her to see it. Nakaramdam siya ng udyok na puntahan si Kill sa silya nito’t yakapin ang binata ng sobrang higpit.
“Kung kaya ko de sana matagal ko nang ginawa.” Pabulong iyon. Pabulong ngunit dinig na dinig niya ang pagkabasag ng tinig nito. “Kung kaya ko lang, Courtney, bakit hindi? But that’s just it, I can’t! Mahal kita. Sobrang mahal kita. Hindi ko alam kung bakit. Do I need reasons? No, damn no. Alam kong mahal kita at hindi ito isang bagay na pwede kong lagyan ng switch para patigilin kung kailan ko lang gusto. I’m not asking anything in return from you. I just want you to let me in. Kahit paunti-unti, kaya kong tanggapin iyon. Magkakasya na ako ro’n. Just let me in, angel…”
Nag-init ang gilid ng kanyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit, kung ano iyon. But she knows what he’s doing now. He made her feel. Paunti-unti… one step at a time… he’s making her feel. The feeling of worry and fear when he took her to the banquet the first time they met. Noong nakita niyang masama ang pagtrato nito sa mga babae roon. The feeling of being insanely angry at him, the feeling of hate, the feeling of… of burning with jealousy.
For some reasons unknown to her, tinanguan niya si Kill. Ewan niya pero parang ang puso niya na ang mismong sumigaw ng pagpayag sa nais ng binata. It wasn’t Raven.
It was Courtney and her heart because apparently, her heart knows what she wants more than she does.