13th Blood: Help
“If you’re carrying more than you can handle today,
choose to let some of it go by letting someone else in.”
MALALIM ang buntong hiningang pinakawalan ni Quincy. So far ay dalawang homeroom classes na ang nami-miss niya dahil sa
pagtulong-tulong niya kay Raven sa mga gawain sa student council. Si Raven ay hindi alintana iyon at mukhang sanay na sanay nang lumiban lagi sa klase. Nauunawaan naman kasi iyon ng kanilang mga propesor dahil sa tungkulin ni Raven bilang Head Tempress.
Tumingin si Quincy kay Raven. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang nangyari noong isang araw sa cafeteria. Nalilito siya sa mga nangyari. Kung paanong na-involve si Raven kina Victoria at Kill at kung bakit iwas na iwas si Raven sa dalawa.
Community service ang pataw na parusa sa dalawa at sa lahat ng tumulong dito. Syempre ay pagkatapos iyon ng anim na oras na detention sa Ilumina na mukha namang hindi inalintana ng dalawa.
At simula rin noon, karamihan sa mga red bloods ay medyo inis kay Raven. Lalong-lalo na iyong mga madalas nilang tawaging ‘fangirl’ nina Kill at Victoria. Kung makairap ang mga ito kay Raven ay parang luluwa ang mga eyeballs.
Hindi naman siya ipinanganak kahapon. May hula siya sa nangyayari pero ewan ba niya. Ayaw niyang paniwalaan iyon. Parang napakaimposible kasi. Hindi tipo ni Raven ang magkakagusto kay Schneider. Malayo.
Muli siyang bumuntong hininga. Bumaling na siya kay Raven na subsob pa rin sa paperworks.
“Hey, want me to get us a cup of coffee?”
Tumango ito nang hindi man lang tumitingin sa kanya. “Sure, that would be a big help.”
Tumayo siya’t lumabas ng silid. Dumeretso siya sa Black Hallways kung saan naroon ang pinakamalapit na vending machine. Habang kumukuha siya ng kape ay nakita niyang papalapit sa direksyon niya sina Chiri, Victoria, at Kill. Napatayo siya ng tuwid.
The hell…
“Hello, Quincy!”
Kay Chiri siya ngumiti nang magiliw siyang batiin nito. “Hey, Chiri.”
“Nasa’n si Cooey?”
“Ah, nasa office ng student council. Inaayos namin ‘yong mga papeles para sa susunod na linggo at draft week na.”
Tumango-tango si Chiri. Sumunod niyon ay katahimikan na binasag lamang ng tunog ng vending machine. Kinuha niya ang kape ni Raven at akma na sanang kaswal na magpapaalam nang lumapit sa kanyang harapan si Victoria. Tipid ang ngiti nito at may pag-aalangan. Mukhang kinakabahan ang dalaga.
“Pwede ka ba naming makausap?”
Napatingin si Quincy sa hawak na kape pagkatapos ay balik muli kay Victoria. “Lalamig ang coffee ni Raven.”
“Okay lang!” sakmat ni Chiri. “Ako na lang ang magdadala sa kanya ng kape. Sama ikaw kina Vic at Kill kung okay lang sa ‘yo, Quincy.”
Hindi na siya hinintay ni Chiri na magdesisyon at umayon. Kinuha na kaagad nito ang kape at nagtatatakbo papunta sa kinaroroonan ni Raven. Mabuti na lamang at may takip ang cup ng kape kung hindi’y kanina pa tumapon iyon.
Nabaling ang atensyon niya sa dalawang naiwan. Si Kill ay malayo ang tingin na parang kung saan naglalakbay ang isipan nito. Ganoon ang disposisyon nito ng mga nakakaraang linggo. Kaya nga parang nawalan na rin siya ng interes na asarin at inisin ang bampirang iyon dahil para na lang siyang bumabangga ng pader.
A non living thing. That’s how he would describe Kill these days. Naroroon ngunit parang wala. It made him wonder sometimes.
Simula rin noong huling engkwentro nila ni Kill ay hindi na siya ganoon kabayolente mag-react kapag nasa malapit si Victoria. He realized it had been too much. At mali rin namang manakit siya ng babae kahit pa lubos-lubos ang galit niya rito. Ayaw niyang dungisan ang kanyang mga kamay para lang may mapatunayan sa babaeng iyon.
“How is Court doing, Quincy?”
Kumunot ang noo niya sa tanong ni Victoria. “Huh?”
“How is she? I mean… I mean, is she still anti-social? Ngumingiti pa ba siya? Does she speak to you about anything?”
Pinag-isipan niya ang tanong na iyon. Now that they mentioned it, para ngang nag-iba si Raven simula nang magbalik ang Black Beasts. Hindi ito ganoon kadalas ngumiti ngunit ngumingiti na ang dalaga. Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa ibang tao paminsan-minsan ngunit pagdating kay Tsuka at sa kanya’y parang lumalambot ito.
“I’m… I’m not quite sure but she’s been too occupied with her duties so I don’t really notice some changes. But she does smile. Hindi madalas pero ngumingiti siya. She speaks to me of course pero saka lang kapag may iuutos siya o kaya’y sisimulan ko ang usapan. Bakit mo naitanong?”
Ngunit imbis na sagutin siya nito’y bumaling ito kay Kill na nakatingin pa rin sa kawalan. “See, Kill? It’s not that bad. Courtney is doing fine.”
“I still have to go back to her,” mahinang anas ng binata na hindi man lang tinignan sinuman sa kanila ni Victoria.
“But, Kill, I think Courtney still needs some time. She’s fi—”
“She is not. I need to go back to her.”
Napakunot na siya ng noo lalo sa pagtataka. “Okay, what’s going on? Why are you sounding like you’re some insane love sick pup—” Napahinto si Quincy at nanlaki ang mga mata nang may ma-realize. Pakiramdam niya’y babaliktad ang sikmura niya. Hell… “Wait a second… are you… oh God! You are, aren’t you?”
Bumuntong hininga si Victoria. Hindi kumilos si Kill sa kinatatayuan. Kung hindi nga lamang nakadilat ang mata nito’y pagkakamalan niyang poste ang binata. Pakiramdam niya’y malayo na ito sa kanya. Wala na roon. Hindi na nila kasama.
“Kill, just join Chiri and Courtney back in there. Do what you want to do. Ako na lang ang kakausap kay Quincy,” mungkahi ni Victoria.
Noon na gumalaw si Kill at bumaling sa dalaga. Mahina ang tinig nito nang muling magsalita. “I can’t let you.”
Bahagyang nagulat si Quincy nang pumadyak sa inis si Victoria. He was stunned to realize she was genuinely annoyed. At Schneider.
Well, hell. That’s new.
“Bakit mo ba ginagawa ito? Ang tigas-tigas naman ng ulo mo, eh! You can’t feel the pull now! Guilt na lang ‘yan, eh! You are feeling Courtney’s pull pero nagmamatigas ka. Paano kapag tuluyan siyang nawala sa iyo dahil lang sa misplaced guilt mo para sa akin? Makakaya mo ba ‘yon? Goodness, Kill!”
Parang bata si Kill na nahuling tumatakas ng bahay. Namutla ito. Nagtaka nga si Quincy dahil hindi niya alam na maaari pa palang mamutla ang mga bampira.
But what boggled Quincy’s mind is Kill’s eyes. May bahid iyon ng paghihirap. Na para bang nasa gitna ito ng dalawang bagay na hindi nito kayang piliin ng sabay. Ngunit lumingon ito sa tinakbuhan ni Chiri. Nakita niya ang lubos na pangungulila roon. Naestatwa si Quincy sa kinatatayuan. He’d seen that face before. Hell but Kill is really in love with Raven.
“Vic, I… my angel, she’s…”
“I know.” Nakangiting putol ni Victoria sa hirap na tinig ni Kill. “Alam ko ‘yon kaya nga sige na. Puntahan mo na siya. Inisin mo na.”
Nakita niyang nawala ang tensyon sa mga balikat ni Kill. Nagawa pa nga siyang pasadahan nito ng mabilis na tingin bago muling bumaling kay Victoria. “Alright, fine. But be careful. I don’t want her threatening to shoot me or you like the last time. She’s too protective of her templars.”
Kung may isa mang sinabing tama si Schneider, iyon na siguro iyon. Importante kay Raven ang mga templars nito. Sa kaso niya, unang pasok pa lamang niya sa Academy ay naramdaman na niya ang udyok na maglingkod bilang Knight Templar sa pamumuno ni Raven. There was something in her that attracted him. Para bang tinatawag siya.
Nagtanong-tanong na rin siya sa lahat ng Knight Templars at Knight Tempress. Pare-pareho lamang sila ng naramdaman. They all thought it was weird but they learned somehow to accept that they were called for that duty.
Hindi niya alam kung ano’ng klase ng kapangyarihan ang mayroon si Raven ngunit kahit kailan ay wala ni isa sa kanila ang nagtanong. They trusted her much too much to question the things she does and says.
Pinanood nilang mawala si Kill sa kanilang harapan sa isang kisapmata lamang. Salamat sa kakayahan nito bilang bampira ay baka nasa harapan na iyon ng pintuan ngayon ng silid ng mga templars.
“I need to talk to you, Quincy. Really talk to you.”
Napatingin siya kay Victoria. Seryoso ito at punong-puno ng determinasyon ang mga mata. Hindi niya malaman kung saan nanggaling iyon ngunit biglang-bigla’y sumasal ang kanyang dibdib. She was gorgeous when she looks like that.
“A-alright. Sure. What is it?”
“Kill… well Kill is in love with Courtney. He fell in love with her eight years ago.”
Hindi siya nasorpresa sa unang sinabi ni Victoria. Ngunit ang pangalawa ang talagang yumanig sa kanya. Eight years ago. Eight years ago ay wala pa siya sa Academy. Eight years ago ay naganap ang ascension ng Dreasiana Colony.
Hindi niya alam kung ano’ng nangyari but Quincy was so damn sure na wala sa hilatsa ng mukha ni Kill ang may lasting ability pagdating sa pagmamahal. Kung nainlove ito kay Raven eight years ago at patuloy pa rin itong nagmamahal sa kabila ng haba ng panahong hindi nito nakita si Raven, then that vampire is really something.
Heavens, he didn’t even know that vampires fall in love!
“A-alright. Just answer me this one question… Nababaliw na ba ‘yang si Schneider? Bakit si Raven? Are vampires even capable of… of that?”
“Ano ka ba, natural oo! Vampires are more capable of loving than humans. They have heightened senses. Pati ang mga emosyon nila ay doble. Siguro nga madalas sabihin ng iba na wala silang puso. Na wala silang pakiramdam. Pero hindi totoo iyon. Hindi nila pinipili ang gano’n, Quincy. Dahil heightened ang senses nila, dahil nabubuhay sila ng habang panahon, dahil malakas ang hatak ng pakiramdam na mag-isa lamang sila, madalas na wala silang kontrol sa mga nararamdaman nila.”
Hindi nag-sink in kay Quincy ang sinabing iyon ni Victoria. At marahil ay nakita iyon ng dalaga kaya’t nakakaunawang ipinaliwanag pa nito ang ibig nitong iparating.
“Kapag nagagalit sila, nagagalit sila ng sobra-sobra. Tipong hindi sila titigil hangga’t hindi sila nakukuntento at hindi kumakalma ang sistema nila. Kapag nasasaktan sila—on an emotional aspect this is—nasasaktan sila ng husto. Literal silang nasasaktan, na parang hinihimay ng pino ang buong pagkatao nila. Tipong mas okay na masaktan sila ng pisikal kesa emosyonal. When they are broken, it was like wala nang kwenta lahat-lahat para sa kanila. Everything was just… plain blurry and cold. That’s what it feels.
“Pero kapag nagmahal sila, Quincy, lahat ng ‘yon naba-balewala. Kapag nagagalit sila, ang tanging tao na makakapagpa-kalma sa kanila ay iyong taong mahal nila. Kapag nasasaktan sila, ang tanging tao na pwedeng makapagpawala ng sakit na ‘yon ay ang taong mahal nila. Minsan lang sila magmahal, Quincy. When they set the pull, when their heart set the pull, it’s never gonna break. It’s going to be always there, haunting them. Parang werewolves. When the link comes in, no one and nothing’s gonna get in between that link.”
“Paano nga? Paano nangyaring si Raven ang nagustuhan niya? They weren’t around each other so much. Nakita mo naman siguro kung paano umasta si Raven kapag nand’yan si Kill. He annoys her to the point of insanity!”
Nangiti si Victoria sa itinanong niya. For a moment there, Quincy admired her smile. “Hindi ko rin alam sa totoo lang. It’s their story to tell quite frankly. My only concern kaya kita kinausap ay dahil kailangan namin ng tulong mo.”
Namilog ang mga mata niya. “No can do. Kung tulong sa panliligaw kay Raven, hindi ko kayo tutulungan. Aba, Stealth, labas na ako r’yan!”
Ang mga mata naman ni Victoria ang sumunod na namilog. “H-hindi, ah! That would be utterly weird for Kill, Quincy. Hindi naman iyon ang hihingin ko sa ‘yo.”
“De ano pala kung hindi ‘yon?”
“Si Courtney… Alam mo ba na kapag nakakalimutan niya na ang talagang pangalan niya ay Courtney at hindi Raven ay nabubura ang kanyang mga alaala at emosyon?”
Natigilan si Quincy. Alam niyang hindi madalas magpakita ng emosyon si Raven. Pero hindi ba parang… parang kakatwa naman ang rason kung bakit ganoon ito?
She told Victoria the same thing. Bumuntong hininga ang dalaga. “I wish that wasn’t true. Pero alam mo na psychic ako, hindi ba? Noong nagtangka kami nina Kill na alamin ang pagkatao ni Courtney, nakita ko ang mga memorya ni Sir Glenn. Pero limitado lang. Nakita kong aware siya na kapag nakakalimutan ni Courtney ang kanyang tunay na pangalan ay nawawala rin ang memorya’t emosyon niya. Hindi kasama sa pangalan niya ang Raven. But I did saw a raven in Sir Glenn’s memory. And it seemed like it was an essential part of Courtney’s past.
“Hindi ko alam kung hinaharangan ba ni Sir Glenn ang memorya niya o sadyang hanggang doon lang ang alam niya. But we are trying to repair the damage. At least, we are bringing her emotions back one step at a time. But we couldn’t do it nang kami lang. Like this. No’ng nagsisimula kami, okay pa. And then bigla siyang dumistansya sa amin almost a month ago. Chiri was the only one who remained calling her by her name. We need more people to surround her and people who would constantly remind her that her name is Courtney and not Raven because that was the only thing that will keep her emotions intact.”
Nakakagulat ngunit madaling nakuha ni Quincy ang paliwanag na iyon ni Victoria. Nauunawaan na niya kung bakit taliwas sa marami ay Courtney ang itinatawag ng mga ito kay Raven. And he’s ready to do this for Raven. Kailangan nga lang niyang maintindihan kung bakit ginagawa ito ni Victoria. What’s in it for her? Ano’ng intensyon nito kay Raven?
“But why, Victoria?”
Kumunot ang noo ng dalaga na marahil ay hindi naunawaan ang kanyang katanungan. “Huh?”
“Why are you doing this? Mauunawaan ko kung isa kang Tempress dahil sa totoo lang, mas inaasahan ko pang maging concern sila kay Raven kaysa sa inyo ni Kill. Chiri, I understand. She was once a Tempress anyway. Once in her life ay nakaramdam siya ng attachment kay Raven. Si Kill, siguro maaari kong maintindihan sa hinaharap kung tunay na makikita kong mahal niya si Raven. Pero ikaw… what’s in it for you? Hindi ba’t dapat nga’y galit ka kay Raven dahil inaagaw niya si Kill sa iyo?”
Gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Victoria. Tumungo ito. Mayamaya’y tila nakahuma mula sa pagtatalo ng isipan. “Bata pa lang ako gusto ko nang magkaroon ng Ate. Iyong aalagaan ko ‘tapos aalagaan din ako. My… my childhood isn’t the best childhood, Quincy. Sa bahay, isa lang akong basahan. Isang… isang laruan na itinatapon kapag hindi kailangan.
“The first time I saw Courtney, I wanted to call her Ate. Gustong gusto ko siya, Quincy. Gusto kong maging matapang din kagaya niya. Gusto kong maging kasing-ganda niya, kasing-confident, kasing-astig. Hindi ako nakaramdam ng kahit na ano’ng galit sa kanya nang malaman kong siya ang babaeng dahilan kung bakit lalong mas malabo na maging akin si Kill. In fact mas natuwa pa ako. Dati, sigurado akong hindi ko siya kayang ibigay sa kahit na sinong babae. Pero iba si Courtney. Gusto ko siyang makaramdam hindi lang para kay Kill. Para rin sa akin at para kay Chiri na alam kong mahal rin siya. Kailangan namin ng lahat ng tulong na pwede naming makuha.”
Hindi maaaring maipagkaila ang sakit sa tinig ni Victoria. Lubhang naguluhan si Quincy dahil may parte sa kanyang nais na yakapin ito’t kunin ang lahat ng hinanakit na nararamdaman ng dalaga. Kinailangan niya pang ipaalala sa sarili na galit siya kay Victoria dahil umanib ito sa kolonya.
Ngunit paano kung kagaya ni Raven, may hihigit pa kay Victoria kaysa sa kanyang inaakala? Paano kung biktima lang pala ito ng pagkakataon? Paano kung ginawa lamang nito ang dapat na gawin para mabuhay?
Nag-iba na ang tingin niya kay Victoria Stealth. Nabago na rin ang pananaw niya tungkol kay Kill Schneider. Maaari niyang itatwa sa sarili ang sumisibol na damdamin at isipin na gagawin niya ang bagay na iyon para kay Raven. That was the most sensible choice after all. Ang kaso’y sino namang niloko niya? Alam naman niyang hindi lamang para kay Raven ito…
“Okay, tell me everything that I have to do. I’m in.”