Conclusion

2505 Words
12th Blood: Conclusion “It’s better not to wrap philosophy around such inconceivable evolving beautiful mystery.If based on perception alone, whatever the conclusion, it is still guessing.” One Month Later… “HEY,  Raven!”  salubong   ni  Tsuka  sa  kanya  nang  makapasok  siya  sa homeroom class niya sa third period. Naging kaklase  na  kasi niya ang dalaga nang mag-transfer si Victoria sa section ni Kill sa gusali ng mga black bloods. Nakipagpalitan ito kay Tsuka.             Ginawaran niya ng matipid na ngiti ito. Raven had been missing classes for a few days now dahil sa nalalapit na Saint Valentines at draft week. Sa Saint Valentines ay kailangan niyang mag-organisa ng mga events na mangyayari sa loob ng anim na araw at anim na gabi. Ang draft week naman sa susunod na linggo ay tradisyon ng Academy para pagsama-samahin ang mga black bloods at red bloods.             May mga estudyante sa black bloods ang lilipat sa red blood homerooms. Para masiguro ang kaayusan, may nakadestinong Templar at Tempress sa bawat homeroom doon. Ang mga isolation letters para sa mga piling black bloods na ida-draft sa red bloods ay sinisimulan nang ipamahagi. Nakakatanggap siya ng tulong sa pag-aasikaso mula kina Quincy, Tsuka, at Chiri ngunit hindi pa rin sapat iyon sa dami ng nakatakdang gagawin.             “Nakakakilig talaga silang tignan, ano?”             “Oo nga. Kailan kaya ako magkakaroon ng love life na kagaya ng kanila? They are so perfect for each other!”             “Sana naman mahanap ko na rin ang forever ko. Sana kasing-gwapo rin ni Kill.”             Nagkatinginan sila ni Tsuka nang marinig ang mga iyon. Natawa siya ng hindi sadya. Matagal-tagal din niyang hindi narinig ang mga ganoong tsismisan. Hindi pa rin pala nakaka-move on ang mga red bloods at ganoon pa rin kung humanga ito sa relasyon nina Kill at Victoria.             Hindi niya pa nakikita ang dalawa simula noong gabing iyon. Ang madalas niyang makausap at makita ay si Chiri dahil katu-katulong nila ito sa pag-aasikaso ng mga gaganaping events sa Academy at madalas ay ito rin ang naghahatid ng lunch niya sa Black Room o ‘di kaya’y sa Ilumina. Dahil nga sa sobrang busy niya’y hindi pa siya nakakatapak sa cafeteria at panay rasyon lang ang kanyang pagkain.             Pero kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam niya nang magsimula ang mga usap-usapan tungkol kina Kill at Victoria. They were now the it couple at halos lahat sa building niya’y kilig na kilig kapag ang dalawa ang usapan. She was glad they listened to her. At least ay may nagawa siyang tama para sa mga ito. Though they didn’t succeed bringing her emotions back, she can still send her thanks for the effort, right?             “Hay naku naman!” nakasimangot na pagbuntong hininga ni Tsuka at nangalumbaba. “Nagugutom na ako. Kailan ba matatapos itong cooking class na ito?”             Mula sa kamay nitong ipinangalumbaba ay namarkahan ng harina ang baba ni Tsuka. Napangiti siya bago kumuha ng tisyu at pinahiran iyon. “Let’s just bake you some cookies and cupcakes. I’ll go join you and Quincy sa lunch mamaya. Gawa tayo para may makain kayo.”             Nagningning ang mga mata ni Tsuka at tumuwid ng tayo. “Talaga? Sige, sige! Gusto ko ng cookies at cupcakes!”             Ngumiti siya ngunit sa kaloob-looban ay nagdadasal na siyang huwag sana siyang ipatawag sa kalagitnaan ng pagkain. Ngayon na lang siya makakatuntong muli sa cafeteria. Nami-miss na niya ang platter doon.             Eksakto ang pagtunog ng bell. Marami silang nagawa ni Tsuka at iba’t-ibang hugis ang cookies ayon sa gusto ng dalaga. Apat na box ang dala nila patungo sa cafeteria. Sobra-sobra iyon kung tutuusin.             “Quincy!” sigaw ni Tsuka habang tumatakbo patungo kay Quincy na nakapila sa counter. Pinagtinginan sila ng mga estudyante roon at pakiramdam niya’y biglang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga black bloods na naroon.             Baka naweirduhan na naman ang mga ito kay Tsuka. Mabuti na lamang at hawak nito ang kanyang kamay kung hindi’y baka may nagtangka nang sumunog dito.             Quincy’s eyes glittered in amusement when he saw her. “Free time?”             “God, I hope so! So far wala pang beep ang relo ko.”             “So you’re going to eat here habang wala pang beep?”             Napaingos siya. “Sana hindi mag-beep. I’m so exhausted. Wala na akong matinong pahinga simula pa no’ng isang buwan.”             Tinawanan siya ng binata. “I’m here to help you, stop worrying now.”             “You always help pero parang hindi ka naman napapagod.”             “That’s because I’m strong and I’m a man.”             Tumaas ang kilay niya sa implication niyon. “You’re saying that because I’m a woman that I’m weak? Very chauvinistic today, aren’t we?”             “No, that’s not what I meant, Raven!” tumatawang sagot ni Quincy, tila naa-amuse sa kanilang maliit na argumento. “I’m just saying that siguro madali kang mapagod kasi kahit na ano’ng gawin mo, babae ka pa rin. And girls are to be pampered not to be exhausted. So if I were you, maghati na lang tayo. Sa iyo ang draft, akin ang Saint Valentines.”             “I’ll think about that.”             Inayunan na lamang ni Quincy iyon at hindi na sumagot pa dahil sunod na ito sa pila. Kumuha sila ng mesa na halos nasa sentro na malapit sa mga grupo ng red bloods na sobrang ingay. Wala na rin silang choice dahil nagkaubusan na ng pwesto sa bandang dulo.             Inilapag niya ang apat na box sa mesa na agad kinuha ni Tsuka at binuksan. Maging si Quincy ay nakitikim din ng cupcake samantalang si Raven ay tahimik lamang na kinain ang kanyang barbecue rods.             “Whyr ryou brake sroo well?” bulol-bulol na ani Quincy na halos hindi niya maunawaan dahil nagsalita ito habang punong-puno ang bibig ng cupcake.             “Don’t talk when your mouth is full, Quincy.”             Masunuring nilunok nito ang nginunguya. “I said why do you bake so well? All the foods you bake and cook are really good! Goddammit, Raven, why don’t you marry already?”             Muntik siyang masamid. Hindi lang dahil sa sinabi ni Quincy kundi dahil sa naramdaman niyang katahimikan ng mga black bloods. Ang naririnig lang nilang ingay noon ay nanggagaling sa red bloods na walang super hearing kaya hindi narinig ang sinabi ni Quincy. Napakunot siya ng noo. Ano bang nangyayari sa mga ito?             “May nasabi ka yatang masama,” pabulong na sabi ni Tsuka kay Quincy.             “Oh? Sabi ko lang naman magpakasal na si Raven ah. Ano’ng masama ro’n?”             “Ewan ko rin.”             “Hey, guys! Wow cupcakes!” Chiri greeted. Out of nowhere ay umupo ito sa tabi niya at inusisa ang isa pang box na nasa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan sila ni Quincy. Alam kasi nito kung gaano kagulo si Tsuka at si Chiri kapag nagsama. Gayunman, malaki ang utang na loob nila kay Chiri dahil sa pagtulong-tulong nito sa kanila.              “You can have that.”             Namilog ang mga mata nito. “Really?”             “Yeah. If you want more, I can make you some tomorrow as a token sa pagtulong mo sa student council.”             “Talaga, talaga? Sige, sige! Gusto ko ‘yan!”             Goodness. Lord, why didn’t you gave her a good fair amount of maturity?             “Saan ka galing, Chiri?” usisa ni Tsuka sa katabi.             “Sa Earl. May problema kasi ulit sina Victoria at Kill.”             Kumunot ang noo ni Raven nang marinig iyon at tumingin kay Chiri. “Problema…?”             Chiri looked at Raven. Kunot din ang noo nito na pareho niyang tila nalilito. “Mm. Problema. Hindi mo alam?”             “I… I never hear any updates about them save from the red blood gossips that I thought were true. Hindi ka rin naman nagbabahagi ng kwento for some reason.”             Nanlaki ang mga mata ni Chiri at napasinghap. “Oh no! A-akala ko kasi alam mo na. Feeling ko kasi wala nang point pa na i-report sa ‘yo lahat ng nangyayari kina Kill at Vic dahil natakot ako na baka mainis ka lang. I genuinely thought you knew because all the black bloods know that they are not okay. Na malayo sa sinasabi ng mga red bloods ang relasyon nila.”             Gusto pa sana niya magtanong ng marami  pero  napaungol  siya  nang tumunog ang kanyang relo. Napatingin sa kanyang palapulsuhan ang tatlo. Nakakaunawa itong tumango nang magpaalam siya. Wala naman kasi siyang choice lalo na’t sunod-sunod ang pagtunog na iyon, senyales na pinagmamadali siya.             Dala-dala niya ang isang box ng cookies at cupcakes na hindi nagalaw. Nakatuon ang atensyon niya sa detalye sa kanyang relo. Mayroong gumalaw ng sound system na walang permiso.             Nakita niya mula sa gilid ng kanyang mga mata na may makakasalubong siya kaya’t agad siyang umiwas ngunit sa hindi niya malamang kadahilanan ay nabangga pa rin siya. Nabitawan niya ang kahon. Napatingin siya roon. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi bumukas ang kahon at tumapon ang laman. Pupulutin sana niya ngunit naunahan siya.             “Cupcakes?” the voice was oddly familiar.             Nag-angat siya ng tingin at sumalubong sa kanya ang nagniningning na mga matang kulay berde. Lihim na nahigit niya ang hininga. Ewan niya pero parang… parang bigla ay napakagwapo ni Kill ngayon sa kanyang paningin. And that’s saying something because she wasn’t easily impressed.             “Y-yeah…”             “Can I… Can I have this one?”             Hindi sadya’y napangiti siya. Mukhang nahilig na talaga ng tuluyan si Kill sa cupcakes. “Of course. You can have that.” Tinanguan niya si Kill bilang pagpapaalam. Agad-agad na siyang naglakad palayo ngunit bago pa man siya tuluyang makaalis sa pasilyong iyon ay nag-echo ang pag-feedback ng microphone sa speaker.             “Hey, Black Blood Academy, can I have your attention please?”             Napamura si Raven. Dali-dali siyang bumalik sa cafeteria at tinunton ang mesa nila nina Quincy. Halatang nagulat din ang mga ito kasama ang mga estudyanteng nagtayuan at pinagkukumpulan ang komosyong nagaganap.             “Pinayagan ba ‘yan, Raven?” may panic at inis sa tinig ni Quincy nang magtanong lalo pa’t nakita nitong si Victoria ang may hawak ng mikropono. Nasa itaas ito ng veranda ng cafeteria at nakatanghod sa kanilang mga nasa ibaba.             “No. That’s why they called for me.”             “P-pakinggan muna natin si Victoria, Cooey!” wika ni Chiri na pinigilan ang kanyang braso nang tatalikod na siyang muli para akyatin si Victoria. “Malay mo naman at baka importante.”             Hindi siya sumagot. Nang muli niyang tingalain si Victoria’y nadatnan niyang tinabihan na ito ni Kill na hawak ang kahon ng cupcake na hiningi nito mula sa kanya.             Damn. What on earth are they planning to do?             “Kill and I… tapos na kami. It’s over.”             Nanlaki ang mga mata ni Raven. Agad ay nakaramdam siya ng inis. Sa kabila ng maingay na bulungan at mga pagsinghap ay pinatayo niya si Quincy mula sa kinauupuan nito. “You go to the auditorium at patayin lahat ng speakers. Pupunta ako sa Ilumina para ipadampot ‘yang dalawang ‘yan at ilagay sa detention. Move. Now!”             Kaagad na kumilos si Quincy na sinabayan niya. Kinailangan nilang makipagsiksikan sa gitna ng matao at masikip na looban ng cafeteria.             “Courtney! You move one foot from there and I’m gonna do something you will regret!”             Tumiim ang kanyang bagang nang marinig ang malakas na sigaw ni Kill sa mikropono. Nag-echo iyon sa buong Academy at parang pati ang mga ibon sa labas ay natahimik din.             “Threatening your Tempress is very very rude, Schneider.”             “Just you try me, angel. Try me.”             Naningkit ang mga mata niya. But despite that, she will never admit to the guy that she felt a sudden thrill at the thought of sparring with Kill again. Kasama iyon sa after effects ng mga pangungulit nito sa kanya dahil kahit ngayon ay may mga oras na nakakaramdam siya ng kung ano-ano na dati naman ay hindi niya nararamdaman.              Sa huli’y nagkibit na lamang siya ng balikat at sinenyasan ang mga itong magpatuloy. May komosyon na, bakit hindi pa lubusin? Ano lang ba naman ang isa o dalawang oras ng paggamit ng speaker? Isa pa’y ayaw niya ng eskandalo. Lalo na’t lahat ng mga mata ng estudyante’y mainit sa kanya. Malamang ay iniisip na ng mga red bloods na may kinalaman siya sa paghihiwalay ng paborito ng mga itong couple.             Kinuhang muli ni Victoria ang mikropono mula kay Kill. Ngunit nakatitig pa rin ang binata sa kanya na para bang isang hakbang lamang mula roon ay may gagawin itong hindi maganda.             “Me and Kill… we decided to end this farce. Nauunawaan ko naman na… na naging kasiyahan n’yo na ang gumawa ng kwento tungkol sa amin. We’re thankful for the attention and the support. But it’s not working. It never did in the first place. That’s why I’m asking for consideration and for understanding kung sakaling hindi na namin mapapaunlakan lahat ng messages ninyo at ang mga interview at photo opportunity sa Academy magazine at newspapers. We don’t want you to believe in such a lie.”             Aware din si Raven na naging subject ng Academy magazine at newspaper ang relasyon nina Victoria at Kill. Parte rin iyon kung bakit akala niya’y maayos ang dalawa. There were so many pictures of them holding hands in the hallways. Minsan ay naghahalikan sa locker o kaya’y nagyayakapan. It never occurred to her that they might be pretending because the pictures looked too genuine to her.             And cameras never lie, don’t they?             “Never thought of that too,” bulong ni Quincy na tila nababasa ang nasa isipan niya. “I thought they’re doing okay. I mean… how do you pretend to be lovers and not end up being one?”             Point to Quincy. Parang imposible nga iyon lalo na sa kagaya ni Victoria. Parang ayaw din niyang maniwala.             Ngunit habang nakatitig sa dalawa, natagpuan niya ang sariling nagdadalawang isip. There was something missing between Victoria and Kill. Para bang napakalaki ng distansya ng dalawa pero napakalapit lang naman ng mga ito.             “Courtney…” pukaw ni Victoria sa kanya. Malungkot ang ngiti nito at tila nagsusumamo ang mga mata. “We’ve proven you wrong. You just have to see that, I guess…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD