Chosen

2370 Words
11th Blood: “Chosen” “When you make a choice, you change the future.” “MISS Raven! Miss Raven!”             Napatayo si Raven mula sa kanyang mesa nang pumasok ang isang Knight Templar sa Ilumina na humahangos.             “Ano ba! Kailangan mo ba talagang sumigaw?”             “P-pasensya na po! Pero sa oval po kasi… s-sina… sina…”             “Sina?”             Napapikit ng mariin ang lalaki. “Sina Quincy at Kill po nag-aaway!”             Napatuwid siya’t natigilan. It was like hearing the other shoe dropping. Sinasabi na nga ba niya’t hindi maaaring hindi mangyayari ito. “Nag-aaway? Ano’ng klase ng away? Talsikan ng laway, may kamaong involved o—”             “Naghahagisan na po ng katawan…” at bakas ang takot sa mga mata ng kanyang Templar. She really couldn’t blame him.             Tumakbo kaagad siya palabas. Medyo malayo-layo ang Oval kaya’t natagalan siya bago makapunta roon.             Nagulat si Raven sa kanyang dinatnan. May hawak na wooden stake si Quincy at akma nitong aatakehin si Kill. Doon siya pumagitna at tinutukan ng hawak niyang baril ang binata. Mabilis itong huminto at nabitawan ang hawak na kahoy. “Raven…”             “She’s Courtney not Raven, idiot!” sigaw ni Kill mula sa likuran na may kalakip na hirap sa tinig. Raven thinks Quincy had done damage to the vampire kaya ito ganoon. “Give me my band back! Now!”             Band? What band?             “No,” mariin namang tanggi ni Quincy.             “You—”             Hindi na nakapagtimpi si Raven at naisigaw na niya ang kanyang inis. “Alright, stop, what’s going on!”             Bago pa man makasagot ang kahit na sino sa mga ito’y nakarating na si Victoria sa kinatatayuan nila. Mukhang tumakbo pa ito mula sa pagkalayo-layo. Nang tuluyang makalapit ay agad itong hinila ni Kill na parang pinoprotektahan si Victoria sa kung kanino. Marahil ay kay Quincy… o baka sa kanya.             “Kill… Kill, I’m fine. God, you’re bleeding. Ayos ka lang?” lubha ang pag-aalala ni Victoria kay Kill. Kung kaya siguro nitong gamutin ang binata roon ay ginawa na nito. Unfortunately ay hindi pa tapos ang gulong ginawa ng dalawa.             “Quincy.” Pukaw niya kay Quincy. Maski siya’y nakakaramdam ng lamig dahil sa ekspresyon nitong wala man lang ni kaunting awa sa lagay ni Kill who was bleeding more than the former. Or maybe that was just her going soft. “Explain to me what is going on. It’s against the rules to battle inside the Academy using both of your powers. Isa ka pang Templar! You are under my supervision! Hindi ka ba nahihiya?”             “It’s their fault. I only defended myself, Raven.”             Nilingon niya sina Kill at Victoria. Tumuwid ang binata at pinakatitigan siya na para bang may nais itong sabihin sa kanya. Raven didn’t miss to notice that Victoria was holding his arms very tightly. May pamilyaridad sa anyo ng dalawa na nagpaiwas sa titig niya.             “Your side?”             “He’s harrassing Victoria. I only defended her.”             “Defended her?” bahaw na tumawa si Quincy, klaro sa tono ang galit at disgusto sa mga kaharap. “Yeah, I almost forgot. Ikaw nga pala ang knight in shining armour ng babaeng ‘yan. The perfect picture of the hero and the heroine. Ipapaalala ko lang sa ‘yo. Siya ang unang lumapit. Itinataboy ko siya pero makulit siya. Dumating ka, bigla-bigla kang nanakit na akala mo kung sino kang hari. Just to be clear to the both of you, I don’t want anything to do with you both! Layuan n’yo ako dahil masasaktan ko kayo kapag kinanti n’yo kahit na ang dulo lang ng daliri ko.”             Ngumisi si Kill. “It sounded like it’s the feminine part of you talking. You’re suddenly scared?”             Nauunawaan na niya. Alam niyang nais na makipagkaibigan ni Victoria kay Quincy. And knowing Quincy, malamang ay naging bayolente ang reaksyon nito sa dalaga.             “Scared? Of you? Dream on, Kill. Kahit kailan hindi ako nasindak sa ‘yo!”             “Quincy,” mahinahong saway niya na pinakinggan nito. Thank God… “Ayoko na ng gulo utang na loob. Let’s just settle this. H’wag ka nang magra-rounds sa Black Hallway. Makipagpalit ka kay Steele.” Tukoy niya sa Templar na counterpart ng shift ni Quincy sa Red Hallway. “You, Victoria, ‘wag kang lalapit kay Quincy so it won’t trigger Kill to attack him at any time of the day. If we’re good with that arrangement then that’s it. Quincy, come with me.”             “No.”             “Courtney, na kay Quincy ang band ni Kill.”             Magkasabayan halos ang pagpigil ng dalawa sa kanya. Sa isang titig lamang kay Quincy ay lumapit kaagad ang binata sa kanya’t ibinigay ang band. It’s a metal black band with weird carvings of an infinity symbols at each loops. Ibinigay niya iyon kay Victoria. Hindi na niya inusisa kung ano’ng silbi niyon kay Kill dahil mukhang importante ang band na iyon. Ngunit aaminin niyang bigla siyang na-curious doon.             Tumalikod na si Raven at naglakad kasabay si Quincy. Nagpapasalamat na lamang din siya’t hindi na pinili pang palalain ni Kill ang gulo. She half expected him to go and wreak more havoc to compensate with whatever Quincy did to him.             “Raven. I’m sorry.”             Huminto siya at hinarap si Quincy. Sa gulat niya’y bigla na lang itong yumakap sa kanya gaya noong pagkakataong umiyak ito sa kanyang balikat sa sobrang galit sa Colony. “Q-Quincy…”             “I’m sorry. Alam kong sinabi mo sa akin na ‘wag magpadala sa galit pero hindi ko lang talaga napigilan. I reacted badly. I’m so sorry.”             “I know, I understood. Don’t be—”             Napasinghap si Raven nang sa isang iglap ay lumipad ng pagkalayo si Quincy mula sa kanya matapos kumonekta ng kamao ni Kill sa mukha nito. Namilog ang kanyang mga mata at hindi kaagad nakakilos. Naestatwa siya sa kinatatayuan dahil sa pagkabigla.             “Kill!” malakas na sigaw ni Victoria na nakapukaw din sa kanya. Hindi nakinig ang binata at patuloy lamang itong nag-martsa palapit sa kung saan bumagsak ang namimilipit na si Quincy.             “Nakalimutan kong sabihin. Courtney is my fiancѐ at sa susunod na makikita kong hahawakan mo siya, papatayin kita!”             She shivered. Nakakatakot ang tinig ni Kill. Tila ba handa nitong gawin ang pagbabanta anumang oras.             Mahigpit niyang nahawakan ang hawak niyang baril. Pumagitna siya at tinutukan si Kill na napahinto at bumakas sa mukha ang gulat sa kanyang ginawa.             “I settled the previous problem, ‘wag mo nang dagdagan! Get the hell out of here, Schneider, or I’m going to hurt you.”             “Angel… What are you doing?” Confusion flickered in his eyes at sa isang saglit doon ay naramdaman na naman niyang muli ang kakatwang pintig sa kanyang dibdib.             But she chose to be who she is and she chose to respond to her job. “My duty. And it is to prevent the students of this Academy from fighting and killing themselves, Schneider.”             Lumulunok na itinaas ni Kill ang mga kamay at tumango-tango. “Okay. Alright. I understand. So then let’s go. Let’s leave Quincy here.”             “No can do. May kailangan kaming gawin.”             Nalaglag ang balikat at mga kamay ni Kill na para bang na-disappoint sa kanyang isinagot. Napalitan ng galit ang mga mata nito at nagtiim ang bagang. “You are not doing anything with that bastard! Leave him!”             Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon. Kung bakit niya tinutukan si Victoria. But later on it was worth it. The means justified the end. Lalo na nang makita niyang nanlaki ang mga mata ni Kill at umawang ang bibig nito sa gulat.             “This gun can kill. And I will kill Victoria… I will hurt her kapag nagmatigas ka pa’t hindi umalis, I will shoot her!”             “Courtney…” Victoria muttered, horrified. “Why are you…”             “Lahat ng tao may mga gustong protektahan. Lahat ng tao alam kung sino o kung ano ang mas matimbang sa kanila. And if you’re wondering, Kill, yes I can see through you. I’m going to shoot Victoria right here and right now if you don’t back the hell away.”             Nakita niyang kumuyom ang palad ni Kill. If the vampire wants, madali lamang nitong maaagaw ang baril sa kanya. But Raven figured that was not the case. It was probably not the gun that is the threat. It was her and her words.             “Bakit mo siya pinoprotektahan?”             “He’s my Templar.”             “Your?” diin nito na may kasamang sigaw. “Your templar? What the hell is this? I am your fiancѐ! He’s just your stupid templar!”             “You are my fiancѐ by force not by choice. Quincy is my templar by choice. His loyalty, his heart, his soul, everything in him is mine! If you destroy him, you’re destroying me and you’re forcing me to destroy you!”             “De ako… Ako, Courtney? Kanino ako? Hindi ba ako sa ‘yo?”             “You’re Victoria’s, Kill. Just face that fact and admit that to yourself.”             Animo’y tila naging password ang sinabi niya para umatras si Kill at tuluyan nang umalis. Naiwan si Victoria na nakatanga roon at walang tigil ang pag-agos ng luha. Ibinaba niya ang baril at dinaluhan si Quincy Nakaupo na ito at nalilito rin sa mga nangyayari. She sighed and suddenly, she felt drained. LUMABAS siya mula sa Black Room ng alas otso. End of the Night Class. So far wala nang nagbi-beep sa kanya at nagre-report ng kung anu-ano’ng kagaguhan sa loob ng Academy. Mukhang nagseryoso na ang lahat ng Templars at Tempress. Busy na kasi talaga especially with two events na paparating.             One is the draft week next month. The second is the prom since it’s nearing February. Saint Valentines na at magiging abala na silang lahat.             “Courtney?”             Tumingin siya sa gilid kung saan nanggaling ang malamyang tinig na iyon habang sinususian ang pintuan ng Black Room. Nakita niya si Victoria na nakatayo roon sa hallway at tila kanina pa siya hinihintay.             “Victoria. Gabi na.”             “Gusto ko sanang humingi ng—”             “Actually… kung merong dapat humingi ng tawad, it’s me. Tinutukan kita ng baril and I think it scared you. But I was just aplogizing for that part. Most part of the event… no.”             Nakagat ni Victoria ang ibabang labi. “But… why?”             Nagkibit ng balikat si Raven. “What do you mean by why? Why I didn’t feel sorry for being so harsh or why did I fought for Quincy against Kill?”             “Bakit hindi mo matanggap ang damdamnin ni Kill sa ‘yo?”             Oh great. Here we go again.             “Look. Isipin mo ‘to, Victoria. If ever… you get an apple but it has a bite on the other end, would you still take it eventhough you know clearly that it’s not and will never be yours in full? No. It’s the same thing with people who can’t give themselves fully to you. There’s always going to be this void. There’s always going to be something missing. And everybody don’t want to take a product that is either damaged or cut into halves. I’m just one of those people, Victoria.”             Sa gulat niya’y humagulhol ng iyak ang dalaga saka sumalampak sa sahig na parang bata. “Hindi mo naiintindihan eh! Hindi mo naiintindihan, Courtney! Hindi mo siya pwedeng husgahan ng gano’n lang! Hindi mo alam ang nangyari! Wala kang alam! Pakiusap naman… ‘wag mo siyang—”             Hindi siya makapaniwala. Hindi niya alam ang gagawin kay Victoria. Hindi rin naman siya makalapit dito dahil sa kung ano’ng kadahilanan ay hindi niya kayang sikmurain ang pag-iyak nito ngayon. It was different from those other times the woman cried.             Tahimik na tinignan niya ang lalaking nagtatago sa kadiliman. Ayaw na muna niya sanang kausapin ito ngunit batid niyang si Kill lamang ang tanging tao na makakapagpakalma kay Victoria sa ganoong kalagayan.             “Kill… please take Victoria out of here. She’s distressed, she needs rest. And please… I-I’m grateful for you both. For what you’ve done to me so far. But you have to listen to me. Take a shot at each other. Nakikita ko—hell, alam ko!—na kayo ang para sa isa’t-isa. I shouldn’t be part of this equation, Kill, because you both deserve each other.”             “Funny how you know how to give others advices.” His voice croaked at parang gustong mapapikit ni Raven doon. “You’re not that clever as you assumed you are, Courtney.”             “Maybe not.” Pagsang-ayon niya. “But you’re not either. So let’s call a spade a spade, Kill. You can’t give me all of you dahil may parte sa iyong pagmamay-ari pa ni Victoria. And whether or not I accept you would not matter because in the end, that is going to be the problem. Kung hindi mo kayang ibigay ang sarili mo ng buong-buo, ‘wag na lang. Dahil sa huli, kahit ano’ng gawin ko, hindi ko mapupunan ang isang bagay sa pagkatao mo na iniwan mo kay Victoria.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD