10th Blood
Cupcake
“Love is when the other person’s happiness is
more important than your own.”
NILAPAG na ni Raven ang mga gamit niya sa desk pagkatapos ayusin sa bulletin board ang mga announcements at events na
gaganapin sa susunod na linggo. Unti-unti na ring umiingay ang homeroom, senyales na nagdadatingan na ang mga estudyanteng nakarinig ng unang bell para sa unang klase.
“Hey, Court. Good morning,” nakangiting bati ni Victoria na naupo sa silyang katabi niya.
“Hey, morning.”
“Hindi ko nakita si Kill, ah. ‘Di ka niya inihatid?” Alam kasi nina Victoria at Chiri na sa bahay niya nanatili si Kill buong magdamag.
“Sumabay siya kanina. Kaso tinakbuhan ako.”
Kumunot ang noo ng kausap. Patuloy lang si Raven sa pagdidikit ng mga cards na naglalaman ng bagong schedule for the draft next week. “Bakit ka niya tatakbuhan?”
“Hindi ba siya sanay na makakita ng rejected reaction kapag nagbibigay ng stuff toy?”
Nakita niyang tinakasan ng dugo sa mukha si Vic. Namutla ito at feeling ni Raven ay parang hihimatayin pa nga. “W-well… n-never naman kasi talagang nagbigay si Kill ng s-stuff toy sa kahit na kanino.”
Kumunot ang noo niya. “Sa tagal ko sa Academy na ito, lagi ko siyang naaalalang may kasamang babae. Bali-balita nga madalas sa mga Templars no’n na parang damit lang kung makapagpalit siya ng karelasyon. So how come hindi pa siya nakakapagbigay ng stuff toy sa kahit na kanino?”
“Hindi mo kasi naiintindihan. Flings lang ni Kill ang mga babaeng ‘yon. Sila ‘yong mga tipo na walang ibang habol kung hindi ‘yong… ‘yong ano… sa bed department.”
Noon niya naunawaan. “Ah, kaya pala.” Kung sabagay, maski naman siya’y hindi niya pagkakaabalahan ang mga lalaking gagamitin lang niya for a purpose.
“A-ano bang klaseng stuff toy ang ibinigay niya sa ‘yo at kailangan ka niyang takbuhan sa sobrang… hiya?”
Inilabas ni Raven ang cell phone niya at iniabot kay Victoria. Nasa wallpaper niya ang stuff toy na nakasandal sa headboard ng kanyang kama. “Iyan ‘yong nakita kong plushy sa mall. Sabi ko kasi kamukha niya. Ibinigay niya sa akin kagabi.”
“V-vampire panda?” at nauunawaan niya kung bakit ganoon ang reaksyon ni Victoria. Hindi rin naman kasi niya in-expect iyon.
“Believe it or not, he bought it.”
“Oh… my… gosh.”
Naiiling siyang ngumiti at kinuha na pabalik ang cell phone. Sa puntong iyon ay pumasok ang professor nila sa Chemistry. He was all about the chemicals from the cyano group at hindi rin nagtagal ay nagpa-setup na ito ng tubes para sa gagawin nilang experiment.
Mayamaya ay bumulong sa kanya si Victoria habang naghahalo sila ng chemicals. “So what made him run away from you?”
“He didn’t actually ran away. He walked away pissed off. He slept in my room, I kept talking about it in the morning and in the car. I mean I got his number now kaya ang sarap na asarin. Ganoon pala kapikon ‘yon. But it’s funny if you look at his face. He’s like a child.”
“You shouldn’t have done that,” ani Victoria ngunit nangingiti rin naman sa ikinuwento niya. “Malamang ilang toneladang guts and embarassment ang nilunok niya para lang bilhin ‘yon at ibigay sa ‘yo. Sabi mo nga naaalala mo siya sa stuff toy na ‘yon kaya ibinigay niya sa iyo ‘yon kasi gusto niyang maalala mo siya everyday and every hour of your life.”
“It’s amazing how you decode him that fast.”
“I should know. I spent half my life knowing him and half of it loving him.” At bakas sa tinig nito ang pagkagiliw sa katotohanang iyon.
“Hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan na gano’n ka lang kadali mag-give up given the years you spent loving him. You deserve each other. I don’t deserve him.”
Bumuntong hininga si Victoria. “Hindi mo alam ang buong kwento, Courtney. I don’t deserve Kill and Kill deserves to get what he wants and what he wants and what he needs is you.”
Raven threw her hands up as if in surrender. Paulit-ulit na kasi niyang naririnig ang rasong iyon. “Fine, I give up.”
Sukat doon ay lumapad ang ngiti ng dalaga sa kanya. “You should. You’re Kill’s fiancѐ. Be proud about it.”
Yeah, sure. Cause that’s so easy to say than do, isn’t it?
Tumawa lang si Victoria na parang nababasa ang iniisip niya. Perhaps it was her facial expression that gave her thought away.
Bumilis ang oras at sumapit ang pangatlo niyang klase, ang Cooking class. Pagdating ng kanilang instructor ay pinasuot na kaagad nito ang kanilang mga aprons and though she very much dislikes this class, wala siyang magagawa kung hindi ang manatili roon.
Raven wasn’t exactly a sweet tooth. At ayaw din niyang nagbe-bake kahit pa sinasabi nilang magaling siya sa ganoon. Tinuruan lang naman kasi siya ni Maria na mag-bake at magluto kaya siya naging mahusay.
“Remember where we left off the last class?” tanong ng instructor na tinugunan ng buong klase.
Inwardly, Raven groaned. Oh great. It’s the stupid cupcakes again.
“This time, I want a frosted cupcake na may design, whatever you prefer. Gusto kong makita ang creativity n’yo rito. I also want to see you make a hostess cupcake.”
Girls clapped their hands in excitement. Napailing lang si Raven.
Sinimulan niyang gumawa ng mixture. Isang dosena ang inilatag niyang wax paper, anim sa hostess at anim din sa frosted. Nang matapos ay isinalang niya iyon sa oven na nasa area ng row nila. Nakasabay pa nga niya si Victoria na anim lang ang isinalang.
“Hey, are you gonna eat that?” usisa niya. Baka kasi ibigay nito iyon kay Kill na hindi naman imposible.
“Nope. Ibibigay ko kay Chiri.” Tumango-tango siya. At least ay hindi kay Kill. “Say, Courtney…” mayamaya’y tinabihan siya nito sa kanyang area habang gumagawa siya ng frosting. “Kumakain ba si Quincy ng cupcakes?”
Napatingin siya kay Victoria. Napansin niyang bahagyang namumula ang pisngi nito. Hindi naman niya alam kung bakit. Nahihiya ba ang dalaga sa kanya?
“Yeah, he eats cupcakes.”
“Great. Siguro bibigyan ko na rin siya. He seems to be like a nice person. Nasa first impression lang siguro niya sa akin. Anyway… may pagbibigyan ka ba ng cupcakes?”
“Not sure yet,” kibit-balikat niyang sagot. She had an idea though…
Dinekorasyonan niya ang mga cupcake. Iyong frosted cupcake niya’y may itim at pulang icing na nagrerepresenta sa Academy. Nang matapos ay isa-isang binigyan ng puntos ng instructor ang kanilang mga gawa. Pagkatapos ay inihanda na niya ang mga kahon niyon.
Naglagay siya ng tatlong hostess at tatlong frosted cupcake sa isang kahon. Ganoon din ang ginawa niya sa isa pa. Sa isip-isip niya, kung ayaw naman ni Kill ng cupcake at magiging mabigat lang iyon sa tyan ng bampira’y maaari naman niyang ibigay ang mga iyon kay Maria o kaya’y sa kanyang Daddy.
“What do you think?” ngiting-ngiting konsulta ni Victoria sa kanya pagkaraan. Lumapit kasi ito sa kanya’t ipinakita ang sariling gawa.
She decorated her cupcake with a butterfly na may iba’t-ibang kulay. Raven admits she was impressed. “Wow. You are helluva creative.”
“Really? I think your cupcake is beautiful too. Simple but elegant—if there’s ever an elegant cupcake, that is.”
Natawa siya ng bahagya. “I don’t like things too detailed and artsy.”
Tumawa lang din si Victoria.
The bell then went off, signalling lunch break. Binitbit niya ang dalawang box at ang mga cards at posters na nasa desk niya. Sumabay naman si Victoria sa kanya paglabas.
“Nag-text si Kill, nasa Earl daw siya.”
“So?”
“Courtney, he wants a lunch with you.”
“Idadaan ko pa sa Ilumina itong cards,” saka niya iniangat iyon para ipakita kay Victoria. “Mauna ka na lang.”
“Eh… sige, sasamahan na lang kita. Ibibigay ko na rin kay Quincy ‘to.” Bagaman at pinanatiling kaswal ni Victoria ang tinig, dinig ni Raven ang kaba na kalakip niyon. Ninenerbyos marahil ito kay Quincy.
Dumeretso sila sa Ilumina. Nilapag niya sa mesa ang mga cards at nag-iwan ng note doon para kay Quincy na nagsasabing hindi siya makakasama sa lunch. She also told him where the schedules would be placed. Nakita niyang nagsusulat rin ng note si Victoria saka nito inipit iyon sa kahon na ipinuwesto nito katabi ang mga cards sa mesa.
“Did you put your name in the note?” tanong niya kay Victoria at baka kasi akalain ni Quincy na sa kanya nanggaling iyon.
“Of course.”
“Should be fine.”
Lumabas sila ng Ilumina at naglakad papunta sa Earl. Sa garden palang ay dinig na nila ang mga asaran at tawanan. Natigil iyon bigla nang mapansin sila ng mga ito sa may pintuan. Raven spotted Kill pausing on his drink in the air halfway. Napataas ang kilay niya. Wine? He drinks wine sa tanghali?
May problema ba siya sa pag-iisip?
“Hey… guys?” alangang bati ni Victoria.
“Erm… hey?” Hindi niya matandaan kung ano’ng pangalan ng kaibigang iyon ni Kill. Club? Jack? Basta’t tanda niya’y pangalan iyon ng baraha. “Hey, Raven. Right?”
“Courtney,” malamig na pagtatama ni Kill. “Not Raven, Spade, it’s Courtney. Hey, c’mere.”
Nagkibit siya ng balikat at lumapit. Sa gulat niya’y hinila na lang siya nito ng basta at pinaupo sa tabi ng binata. She surely didn’t missed the mischievous grin from Strides and Arden’s. Si Jensens naman ay tahimik lamang na nanananghalian habang si Gray ay hindi niya makita roon.
Naupo si Victoria sa singles couch na katabi ng sa kanila ni Kill. “So what’s up?”
“Sa’n kayo galing?” Kill asked no one in particular.
But Victoria being Victoria ay sumagot ito. “Sa Ilumina. Iniwan kasi ni Court iyong mga schedules para sa draft next week then iniwan ko na rin ‘yong cupcakes para kay Quincy.”
Kill’s eyebrows furrowed. “Quincy? You mean the Templar? Why the hell would you give him stupid cupcakes?”
Pasimpleng binitawan ni Raven ang isang kahon sa sahig. Well Kill certainly doesn’t like cupcakes kaya’t naisip niyang iiwanan na lang niya ang isa roon. Pagkatapos ay ibibigay niya na lang kay Maria iyong isa.
“Chill, okay? Peace offering ko lang ‘yon, gusto ko ring maging kaibigan ang mga kaibigan ni Courtney. I think he’s a nice guy.”
“He’s not Courtney’s friend and he’s not a nice guy, Victoria. What the hell is wrong with you today? Ayokong lalapit ka sa lalaking ‘yon.”
Me thinks you’re just jealous, pambubuska niya kay Kill sa isipan. Kasi si Quincy may cupcake mula kay Victoria, ikaw wala.
“What the… Kill, ano bang—”
Natigilan si Victoria nang malakas na tumunog ang suot na orasan ni Raven, hudyat na kailangan na niyang umalis at gawin ang kanyang tungkulin sa eskwelahan.
Napatingin silang lahat sa kanya. She mumbled an apology na naunawaan ng mga ito saka siya nagpaalam na umalis.
Naisip niya, para talagang roller coaster sina Kill at Victoria .
Nakakahilong sakyan…
AND because Raven had to fix things with the transferees this year, hindi niya napasukan ang entire homeroom classes hanggang sa dismissal. Kung kailan siya natapos ay saka nag-dismiss ang kanyang klase na lalo niyang ikinairita. Hindi naman siya perpektong etudyante at lalong hindi siya nagpapabibo ngunit tunay lang talagang nakakapanghinayang ang mga subjects na na-miss niya.
“Chiri!”
Napaatras si Raven nang makarinig ng malutong na kalabog. Tinutukan niya ng flashlight ang lugar kung saan niya narinig ang kalampag. Nakita niyang sinasakal ni Kill si Chiri na nakalupasay sa sahig matapos nitong tumama sa isang saradong pintuan nang dambain marahil ito ni Kill. Namilog ang kanyang mga mata. Papatayin ba ni Kill ang sarili nitong pinsan?
“What the hell are you two doing? Disoras na, magsiuwi na nga kayo!”
“Cooey! Papatayin ako ni Kill, tulungan mo ako!” sigaw ni Chiri na halos hindi na makaalpas ang tinig sa lalamunan dahil marahil sa higpit ng pagkakasakal ni Kill sa leeg nito.
“Ano’ng nangyayari? Kill!”
Ngunit hindi siya pinansin nito at sa halip ay niyugyog lamang si Chiri. “Iluwa mo ‘yon, Chiri! Iluwa mo ‘yon!”
“Hindi ko nga kaya! Itatae ko na lang, hindi ko na pwedeng iluwa ‘yon, Kill! Na-digest na ng intestines ko eh!”
Patuloy na sinasakal ni Kill si Chiri. Napatanga si Raven sa dalawa at hindi niya malaman kung ililigtas niya ba si Chiri o pababayaan na lamang niya ang mga ito. Then Victoria came rushing from the opposite hallway holding a familiar box in her hand.
“Kill! Holy heavens, pakawalan mo na si Chiri! Kawawa naman ‘yan mawawalan na ng hininga! Kiiiiilll!”
“No! Kailangan niyang iluwa ‘yon!”
“Hindi ko na nga mailuluwa!”
Inis na binalingan niya si Victoria na napakislot ng bahagya dahil sa talim ng kanyang tingin. “What is this all about, Victoria?”
Lumapit ito sa kanya pagkatapos ay ipinakita ang box ng cupcake na hawak. “Kinain kasi ni Chiri ‘yong isang cupcake na nakalagay sa box na binigay mo kay Kill. Kaya… ‘yan.”
Kumunot ang kanyang noo. “Hindi kita naiintindihan. I left the box, how was he supposed to know it came from me? I don’t think he even noticed. And why would he want to kill Chiri just because she ate a piece? It’s just a stupid cupcake, he doesn’t even like cupcakes.”
“Kung hindi ka umalis ng Earl kanina edi sana nakita mo kung paano niya binugbog si Spade kasi kinagatan niya iyong isang frosted cupcake. Bigla na lang niya kasing tinikman no’ng sinabi kong galing sa ‘yo at ikaw ang gumawa since alam ko ngang dala mo kanina ‘yong dalawang box. We were shocked, he never ate cupcakes. In fact he doesn’t like the sweetness of anything. ‘Tapos bigla na lang niyang ipinagdamot. Nakatanggap pa nga kaming lahat ng death threats noong tinignan namin ‘yong laman ng box.”
Raven rolled her eyes heavenwards. What an idiot.
“Hey, Kill. Stop it, you’re going to murder your cousin. She’s your goddamn cousin, stop it!”
Kumalas ang binata at itinulak si Chiri na gumapang ng mabilis papunta sa kanila ni Victoria. Matalim ang titig na sinundan ito ni Kill ng tingin. “Iluwa mo ‘yon.”
“Hindi na nga keri!” nakasimangot na sigaw ng namamaos nang si Chiri.
“Sush!” putol niya sa nagsisimula na namang argumento. “It’s just a stupid cupcake, Kill. What is wrong with you?”
“It’s not stupid!”
“I remember you calling cupcakes stupid when you heard Victoria gave Quincy a box. May sayad ka ba talaga sa utak?”
Tumayo ang binata mula sa sahig at bumuntong hininga. “I don’t like cupcakes. Pero hindi mo sinabing ipinag-bake mo pala ako.”
“And that makes it special because…?”
“Because it came from you! You!”
“Kasi,” sabad bigla ni Victoria na nagpatigil sa kanila. “Kung hindi ka nakikipag-away sa akin tungkol sa pagbibigay ko ng cupcake kay Quincy de sana nasabi ni Courtney sa ‘yo. Templar ni Courtney si Quincy, magkakasama sila sa ayaw mo’t sa hindi!”
Litong bumaling siya kay Victoria dahil hindi niya na-gets ang koneksyon ni Quincy sa usapan. “What?”
“You’re a talkative insensitive woman,” dinig niyang bulong ni Kill.
Ngumisi si Chiri na nakipag-ngisian kay Victoria. Bumaling ang huli sa kanya. “Nagseselos siya kay Quincy. We were arguing about that earlier no’ng umalis ka. Akala niya ako ang nag-isip ng ideya na magbigay kay Quincy ng cupcake ‘tapos isinama kita. Sabi niya ‘di raw ako pwedeng lumapit kay Quincy kapag kasama kita pero useless rin kasi lagi naman kayong magka—”
Naputol iyon nang takpan ni Kill ang bibig ni Victoria. Ayaw yata nitong ipagpatuloy ng dalaga ang sinasabi. “You don’t know when to shut it, don’t you?”
Napabuntong hininga si Raven. Bakit ba sila ganyan?
Inilabas niya ang kahon mula sa paper bag na hawak niya na naglalaman ng iba pang files sa Templar’s office na iuuwi niya para rebesahin. Iniabot niya ang box kay Kill na nagtataka.
“Iuuwi ko dapat kay Maria ‘yan pero kasama ‘yan sa ginawa ko para sa ‘yo. And since mukhang mas kailangan mo, sa ‘yo na lang. Kaya namang mag-bake ni Maria.”
Mabilis nitong kinuha iyon na para bang takot na bawiin niya. “A-akin talaga ‘to?”
“Ibigay mo kay Chiri kung ayaw mo.”
“I’ll welcome that with open arms, Kill.” Mapang-asar na gatong ni Chiri.
“Shut up, you mynx.” Pagkatapos ay binalingan siya nito. “Wala nang bawian. Akin na ‘to.”
Tumalikod na siya at naglakad palayo. “Oo, sa ‘yo na.”
Balak niya sanang lumiko na sa susunod na pasilyo nang hablutin siya ni Kill at inikot paharap. Ang lapad na ng ngiti nito sa kanya at tila batang tuwang-tuwa sa nakuhang laruan.
“Do you realize how happy you made me today, angel? I’m so happy today. Thank you.”
Napatingin siya kay Kill. An idea popped into her mind. “CC.”
His eyes glinted in amusement. “What? See-see?”
Ngumiti si Raven at tumango. “CC. Cupcake. C-C. You like cupcakes now so you’re CC.”
Tumawa si Kill na may kalakip na sorpresa. Animo’y hindi makapaniwala sa narinig. Pagkatapos ay niyakap siya nito ng walang sabi-sabi at tinaniman ng mainit at mahabang halik sa noo.
Raven learned something today. Kill doesn’t like cupcakes. But he ate one today because she gave him one. Weird, this love business. It’s weird.