Napaatras si Megumi nang lumabas ng elevator si Kaito. Ngiting-takot ang nagawa niya.
"You're still up?"
Pinagkatitigan niya ang mga mata ng Uncle bago sumulyap sa braso nito na may bandage. Muli niyang binalikan ito ng tingin diretso sa mga mata.
"N-nakuha mo ba ang sugat na'yan kanina, Uncle?"
"Ito?" kaswal na sinulyapan nito ang braso bago sinalubong ang mga mata niya.
Tumango siya. "Nasugatan ka ba kanina-"
"Sanay ako sa sugat," sagot nito na cool na cool pa rin. Humalukipkip ito at tumikhim.
"Bumalik ka na sa kwarto. Kung hindi ka inaantok, pilitin mo ang sarili mo. Alis na," para siya nitong batang tinaboy.
"Uncle, iyong tungkol katawan ni Papa," agad niyang sambit nang maglakad si Kaito.
Huminto naman ito habang nanatiling nakatalikod. "Sana, kahit papaano ay mabigyan natin siya ng maayos na libing-"
"No need for that."
Napakunotnoo awtomatiko si Megumi. Pumihit naman si Kaito sa kanya.
"He’s already been cremated," walang-abog na sagot nito at muling tatalikod.
"Cremated na si Papa nang hindi niyo sinasabi sa akin?" hindi niya makapaniwalang tanong.
Walang emosyon siya nitong nilingon.
"Yes," wala pa rin pinagbago ang tono nito.
Sarkastiko ang naging ngiti niya. "Bakit hindi niyo muna sinabi sa akin?"
"Bakit kailangan namin sabihin sa iyo?"
Mas nalukot ang noo niya. "Dahil anak niya 'ko?" sarkastiko at kunyari niyang tanong na sagot.
Tila balewala ang paghinga nang malalim ni Kaito sa narinig sa kanya.
"Ako ang anak. Dapat sinabi niyo sa akin kung anong gagawin niyo sa katawan ng Papa ko. Kung sinunog niyo siya, pinalibing o-"
"Tingin mo, may magagawa pa ang tanong mo?"
Nabitin ang pagtatanong niya sa sinabi ni Kaito. Tiningan pa siya ng tiyuhin mula ulo hanggang paa.
"Complain all you want, it won't change the fact that he's just ashes now. He's never coming back," walang prenong dagdag nito.
Tumalikod ito siya naman ay ilang segundomg walang masabi buhat sa narinig. Bago ngiting aso ang nagawa matapos marinig ang masakit na katotohahan na iyon.
Katotohahang walang kahit anong pag-iingat na binitawan sa harap nya. Nanlilisik ang mga mata niya nang tingnan ang naglalakad na si Kaito.
Galit siyang tumakbo, akmang aabutin niya ang balikat nito habang nakatalikod. Nang umiwas ito na parang may mata sa likod ng ulo. Dahilan para dire-diretso siyang mapangungud sa hallway.
Rinig niya ang pagkalampag ng katawan niya sa katahimikan.
Si Kaito naman ay relaks na nanatiling nakapamulsa na pinagmamasdan ang pamangkin na nakadapa sa sahig.
Inis na tiningala ni Megumi ang Uncle habang may luha. Patamad itong huminga nang malalim, sandaling tumanaw sa malayo bago muling binalikan siya ng tingin.
Napaangat siya sa ere nang isang kamay na hilahin nito ang likod ng damit niya at buhatin. Inis siyang nagpumiglas pero para lang siyang isang maruming papel na hawak ng tiyuhin.
Pinisil nito ang magkabila niyang pisngi.
"Huwag mo nga akong hawakan-" pilit niyang iniwas ang mukha pero may diin na hinawakan iyon ni Kaito.
Kitang-kita niya sa mga mata ang panhababa ng nguso. Ang dibdib niya ay punong-puno ng galit nang sapilitang salubingin ang mga mata nito.
"Listen to me: losing someone doesn't mean the world stops turning," malamig na boses na anito na nakapagpahinto sa kanya.
Napapikit siya sa sakit nang halos lumubog ang daliri nito sa pisngi niya.
"Look at me," kung gaano kagigil ang kamay nito ganoon na rin ang boses.
Napilitan siyang nagmulat.
Nagkatitigan sila.
"If you let this consume you, if you never stop weeping, you’ll be weak until the day you die."
Napasigaw si Megumi nang basta bitawan nito. Muli siyang kumalampag sa sahig.
Si Kaito naman ay pinagmamasdan ang dalaga na walang balak tulungan. Dumilim ang pwesto nito nang tumayo siya sa tapat nito. "Instead of crying, think about how you’re going to get up," malamig na boses na utos nito.
Inangat ni Megumi ang tingin sa mga sapatos ni Kaito na palayo sa hallway. Nagkiskisan ang mga ngipin niya habang tinatanaw ito. Hanggang sa hampasin ng mga kamay niya ang sahig at marahang bumangon.
"Mamatay akong hindi maniniwala na kapatid ka ng Papa ko. Hindi magaspang ang ugali niya, lalong hindi niya ako ibabagsak sa sahig katulad ng ginawa mo," mahina niyang aniya.
Nakangiwi siyang bumangon, hawak ang tadyang at pilit na tumindig. Ika-ika siyang naglakad pabalik ng kwarto.
Nang makapasok sa loob ay hinawi niya ang kurtina ng bintana. Napapikit siya nang mariin nang makita ang ilang gwardiyang naroon.
"A-aray-" daing niya habang hawak ang tadyang na naglakad at nagtungo sa veranda.
Nang dumukwang ay nilipad ng hangin ang buhok niya. Nahampas niya ang veranda nang makita ang paikot-ikot na mga security.
Kinakalma niya ang sarili nang huminga nang malalim. Gustong-gusto niyang sumigaw sa nangyayari.
Dismayadong-dismayo siya.
Hanggang sa maupo siya habang may mga luha. Ni hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na magluksa para sa amang pinatay sa harapan niya.
Tapos-
Tapos-
Naalala niya ang sinabi ng Uncle na si Kaito, iyon lang ang sasabihin sa kanya ng tiyuhin?
Wala na siyang magagawa dahil abo na ang ama niya?
Dinikit niya ang ulo sa veranda habang tuloy-tuloy ang masagangang luha sa gilid ng matangos niyang ilong.
Durog na durog siya.
Wasak na wasak ang puso niya.
Sa pagkamatay ng ama at matulog sa tahahan ng hindi niya kilala at walang pakialaman sa nararamdaman niya.
Kinaumagahan ay lumabas ng elevator si Kaito. Kasalukuyan niyang inaayos ang suot na silver watch nang kusang mapahinto ang mga paa sa kwarto ng pamangkin.
Naalala niya ang nangyari kagabi sa pagitan niya at ng dalaga.
Hanggang sa makitang paakyat ang kasambahay ng hagdan. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.
"Sir, nasa ibaba na po sina Sir Landon, Silas at Mason," aniya kasambahay.
Mula sa pagkatitig sa relo ay itinaas niya ang mukha. "Gisingin mo na siya," utos niya either pagtukoy sa pamangkin.
"Opo, Sir."
Bago bumaba ng hagdan ay inayos niya ang suot-suot na itim na damit mula ulo hanggang paa.
"Good morning!" masayang boses ni Mason ang narinig niya hindi pa man nakakarating sa huling baitang.
"Nakatulog ba ang bunso namin nang maayos?" Sinilip nito ang mukha niya nang makarating sa sala.
Asar siyang ngumiti dito bago umupo sa silya, at ipinatong ang mga kamay sa arm rest ng sofa.
"Ready na ang lahat. Hinihintay na tayo sa temple," seryosong ani Landon. Doon lang natahimik si Mason at napaseryoso.
Dumaan katahimikan sa kanila. Nang magsalita si Silas nang ibulsa ang cellphone.
"Shall we go?" tanong nito.
Magkapanunod silang tumayo. Hanggang sa marinig nila ang tunong takong pababa ng hagdan.
Pare-pareho ang apat na binata na napalingon sa hagdan. Si Megumi naman ay dahan-dahang bumaba.
Nakaladalad tuwid na tuwid nitong itim na buhok hanggang tiyan. Suot ang isang itim na dress na may detalyeng lace sa bandang balikat at mga braso lampas iyon hanggang tuhod. Kitang-kita ang pamumugto ng mga mata buhat sa magdamag na pag-iyak.
Nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito, habang tila walang kulay ang mukha at labi.
Nang makababa ay seryosong pumihit si Megumi paharap sa mga natahimik na tiyuhin.
Wala siyang mabasang reaksyon sa mga ito na katulad niya ay itim na itim ang mga suot.
Natuon ang tingin niya kay Kaito.
"Saan tayo pupunta?" basag niya sa katahimikan.
Doon lang kumilos si Mason, pumamulsa, si Silas naman ay kunyaring tiningan ang cellphone at si Kaito ay nanatiling nakikipagtitigan sa kanya.
Si Lando ang lumapit sa pamangkin. Nang umakbay ito ay maliit na lumayo si Megumi.
"Megumi," may maliit na ngiti ito nang humarap at hindi na muli siyang inakbayan.
"Ngayon ang araw ng final rites ng abo ni Kuya."
Kumurap ang mga mata niyang agad na nag-ulap. Naging malungkot ang ngiti ng kaharap na hinawakan siya sa isang balikat.
Ang hawak na iyon ay tila naghahatid sa kanya ng lakas ng loob. Sandali niya iyong tinitigan at muling ibinalik ang tingin sa mga mata ng Uncle.
"Tara na?"
Pigil ang luha niya nang tumango. Nang igiya siya nitong tumalikod at maglakad ay nakita pa niya sa sulok ng mga mata si Kaito bago ang dalawang tiyuhin na sumunod sa kanila.
Sa labas ng Mansion ay may malawak na paligid. Maraming nakapaligid na gwardiyang may baril, hindi basta baril.
Armalite ang nakasabit sa mga ito habang palakad-lakad. Hanggang sa huminto sa tapat nila ang kanya-kanyang mamahaling sasakyan.
Wala man siyang alam tungkol sa mga sasakyan, sigurado naman siyang hindi puchu-puchu ang mga iyon.
Naningkit ang mga mata niya para titigan ang kotse. Isa iyon Mercedes-Benz, Toyota at Sedan- mga sasakyang sumisigaw sa kamahalan.
Hanggang sa marinig niya ang isang tila nakakulong na ugong. Nang lumingon ay nakasakay na sa isang malaking motor si Kaito.
Napatingin siya kay Mason nang akbayan siya nito habang nakatitig kung saan siya kanina na nakatingin.
Sumisipol ito. "Anong masasabi mo sa matte black Ducati ni Uncle Kaito mo?"
Nakakunotnoo siyang lumingon dito.
"M-matte- ano?" Ngumiti si Mason at hinawakan ang ibabaw ng ulo niya nang walang ingat na ibaling kung saan.
"Iyon, tingnan mo 'yon," tinanaw niya mula sa dulo ang isang kulay abo.
"Ano 'yon? Iyong kulay abo-"
"Tsk. Tsk. It wasn't just silver; it was liquid silver, and that's my baby. The exotic speedster: the McLaren 720S."
Kahit isipin ni Megumi ay hindi niya alam ang sinasabi nito. Hanggang sa mapalingon silang sabay-sabay kay Kaito na itinaas ang suot na salamin ng helmet.
"Tara na. Hindi tayo makaalis kung tatayo lang kayo riyan," matapos tingnan nito ang mga kapatid ay tumitig ito kay Megumi bago ibinaba ang salamin.
Sinundan niya ng tingin ang tila big bike nitong itim na itim na bagay na bagay sa budhi nito.
"Halika na," iginiya siya ni Landon na sumakay sa isa sa mga Mercedes-Benz. Binuksan ang pinto para sa kanya bago sumakay ay nilinga niya si Silas at Mason.
Si Mason na inangat nang mataas ang pinto ng sport's car nito. Habang si Silas na sa isang Sudan sumakay.
"Tara na?"
Tiningnan niya si Landon na may mahinahong boses. Sa pangalawang araw niya na napapaligiran ng mga tiyuhin niya raw.
Ang panganay na si Landon ang masasabi niyang pinakamatino sa apat.
Si Silas, may sariling mundo, at tila naka-glue na ang kamay sa cellphone.
Si Mason, parang may something. Hindi niya alam kung maluwag ang ilang turnilyo sa ulo.
At si Kaito-
Muli niyang tinanaw ang tila halimaw na motor nito na nauunang lumabas na para bang ito ang lider ng grupo ng mga sasakyan.
"Gusto mo bang sumakay sa Ducati ni Kaito?" agad siyang napatingin kay Landon at umiling.
"Hindi ho, Uncle. Baka ho, ihulog pa ho niya ako."
Ngumiti lang muli ito at tinuro sa kanya ang pinto. Tumango siya at pumasok sa loob.
Nang makasakay si Megumi ay sinilip niya sa bintana ang bahay- hindi, Mansion.
Ang Mansion nito ay tila na pinakilala ang ugali ni Kaito. Madilim ang kulay pero marangya kung titingnan.
Sumandal na siya sa kinauupuan at tumitig ng diretso. Sa buong magdamag at ngayong araw may napagtanto siya.
Hindi basta-basta ang kanyang mga Uncle.
Hindi nila katulad na simple lang ang pamumuhay.
Bawat-isa sa mga ito ay may angking yaman sa buhay na hindi niya alam kung paano pakikibagayan.