KABANATA 6: THE LIFT

1817 Words
Takot na napaatras si Megumi nang lumapit si Kaito. "That was your first and last time touching my face. Trust me, you don't want to find out what I'm capable of." Sa katahimikan ay rinig ang hirap niyang paglunok dahil sa kaba. Ang bawat katagang narinig niya mula sa kanyang Uncle ay sigurado. Pinagkatitigan niya ang mga mata nitong walang kasing tapang. Punong-puno ng pagbabanta. Huminto siya nang tumama ang likod ng mga binti sa kama. "Do you understand?" Kumurap-kurap siya. Napatalikod siya nang mabilis na hawakan ni Kaito ang damit niya sa likod pagkatapos ay tinulak siya sa kama. "Ituloy mo ang pagtulog mo. Huwag kang baba hangga't hindi ko sinasabi." Inis na lumingon si Megumi nang umupo sa kama. Nakatalikod na ang Uncle na si Kaito at nakapamulsa pa habang naglalakad. "Ano bang pag-uusapan niyo?!" "Kung tungkol sa akin, hindi ba dapat alam ko rin?!" sunod-sunod niyang tanong habang mataas ang paghinga. Si Kaito naman ay patuloy sa paglalakad. "Uncle, tinatanong kita!" sa inis ay tumayo siya. Huminto sa paglalakad ang tiyuhin at umikot paharap. "Alam mo ba ang kasabihan?" Naguluhan naman ang mukha niya. "Ha?" "Kapag mag-uusap ang matatanda. Hindi dapat sumasabat ang mga bata. Siguradong kapag sinama ka namin sa usapan. You will not stop talking." "Karapatan kong magsalita, lalo na't ako ang pinag-uusapan niyo, Uncle-" "Kami ang may kaparatan sa iyo, pamangkin at wala ng iba pa. Now, lie down and close your eyes. It’s a simple task. Don't make it difficult." Naghinang ang mga mata ni Megumi at Kairo at dahil may kakaibang talim ang tingin ng tiyuhin ay dahan-dahang siyang umupo sa kama. Parang batang napitpit at sumusunod sa utos ng Isang matanda. Nang pasimple niya itong tiningan ay hinilig ni Kaito ang ulo. Tila pinahihiga siya. Kahit labag sa loob ay mahinhin siyang umakyat sa kama, humiga at nilagay ang kumot. Si Kaito naman ay isang ngisi ang nagawa habang pinagmamasdan ang pamangkin. Dahan-dahan pa itong lumingon na para bang tinitingan kung nasa kinatatayuan pa rin siya. "Ganiyan nga, be a good niece and do as you're told. Goodnight, Megumi," aniya nang sumeryoso at tumalikod. Nang makalabas si Kaito ay doon lang nakahigang nagpapadyak si Megumi. Para siyang buhay na isda na nilagyan ng asin. "Bwisit!" "Bwiiiiiiiisiiiitttt!" mahaba niyang sigaw habang hati sa pagitan ng hingal at galit ang bawat paghinga. "Bakit ba nagkaroon pa ng ganoong kapatid si Papa?" "Bakit ganoong mga mukhang hindi magpakakatiwalaan?" Napatitig siya sa kisame at napaisip. Dapat ba siyang maniwala sa mga ito? Hindi ba dapat may makita siyang ebedensiya na ang apat na lalakeng iyon ay kapatid ng ama? Kaswal na bumaba si Kaito sa marangyang hagdan. Nanatili sa sala ang tatlo niyang nakakatandang kapatid. "Ano? Tulog na ba si little girl?" nakakalokong tanong ni Mason na tinungga ang alak sa baso. Diretso siya sa isang silya. Kinuha ang sigarilyo at ipinasok sa bibig. Binato niya kay Landon ang mamahaling kahon ng sigarilyo. Kumuha ito ng isa, ganoon na rin si Silas at Mason. Sabay-sabay ang pag-click ng hawak nilang zippo, isang metal lighter na kulay abo na pare-pareho silang mayroon. Hinigop ni Kaito ang usok at binuga. "What are we going to do with her?" tanong niya nang muli mag-click ang sinaradong metal lighter. Dumekwatro si Landon. "Do you want us all to live in the same house?" Napabunghalit naman ng tawa si Mason na seryoso binalingan ni Kaito at Landon. Si Silas naman ay kaswal na sumandal at hinarap ang hawak na cellphone. "Tayo? Magsasama sa iisang bahay?" Natatawa pa rin ito habang nagtatanong. "Ako," hinawakan nito ang sariling dibdib. "Si Silas," tinuro nito ang katabing silya bago bumaling kay Landon at Kaito. "Landon at ikaw, Kaito?" Tumaas ang sulok ng labi ni Mason habang may ngiti pa rin. "Iyon ang pinakamasakit sa tiyan na joke mo, Landon." Seryosong bumaling si Landon may Silas. "Ikaw ba?" Sumulyap ito. "Is it okay if I bring a girl home?" nagtapos ang mga mata nito kay Kaito. "Iba't-ibang babae," paglilinaw pa nito. Isang hinga ang ginawa ni Kaito at tumitig sa kawalan. "Ako, ayos lang sa akin. Basta, hindi tayo magkakatabi sa iisang kama," patuloy pa rin ni Mason habang may ngiti. Nilinga ni Landon ang katabing silya. "Ano sa tingin mo, Kaito?" "Anong magandang plano para sa atin at sa pamangkin natin?" sunod-sunod na tanong ng nakakatandang kapatid sa kanya. Tumayo siya, dumukwang sa mesa at pinatay ang apoy ng sigarilyo sa ashtray. Tiningan niya isa-isa ang mga kapatid. "Pag-iisipan ko. Sa ngayon, mas mabuti kong umuwi na kayo at dito muna si Megumi." Tinuwid niya ang likod at muling pumamulsa. "Mas ligtas siya rito." Tumindig na rin si Landon at hinawakan siya sa balikat. "Ikaw nang bahala." Tumango siya. Naunang umalis si Landon, si Silas naman ay nakatutok pa rin sa cellphone nang dire-diretsong lumabas. Seryoso niyang pinagmamasdan si Mason na natatawa pa rin na tumayo at humarap sa kanya. "Akala ko, makakatabi na kita sa kama," biro nito. "Hindi ba puwede?" akma itong lalapit habang mahaba ang nguso. Hindi pa rin nagbabago ang pagkaseryoso niya nang itulak ito nang mahina sa balikat. "Umayos ka nga." "Opo, bunso-" "Shut up, Mason," awat niya agad dahil sa pang-aasar pa lalo nito. Ibinaba ni Mason ang baso ng alak at hinawakan siya sa dibdib. Tumataltak ito habang pailing-iling. "Bantayan mo ang pamangkin natin, hindi siya basta-basta," seryoso na ito ang bigla muling ngumiti, abot-tenga. "Payat lang siya at parang mahinhin. Pero 'yong binasag niya ang vase mo, para siyang isang halimaw." Napapikit siya sa inis nang ipaalala nito ang nabasag niyang gamit. Tinapik-tapik siya ni Mason sa balikat. "Bumili ka na lang ulit, 'yong plastik na vase para hindi mabasag." Sa pagmulat niya ay wala na ang pangatlong kapatid. Nilingon niya ito palabas ng entrada, pakanta-kanta pa. Itinaas nito ang kamay habang nanatiling nakatalikod. "Goodnight, Brother!" Napabuntong-hininga na lang si Kaito nang maiwan mag-isa. Binalingan niya ang ashtray kung nasaan ang apat na upos ng sigarilyo na ginamit nila. "Manang!" Nagmamadaling lumapit ang tatlong sunod-sunod na kasambahay. "Yes, Sir?" Pinaling niya ang ulo para ituro ang ashtray. "Yes, Sir," maingat na kinuha iyon ng kasambahay. Habang ang ilan naman ay inayos ang hindi naman halis nagulo na mga silya. Nang umakyat si Kaito sa hagdan at mapahinto sa pinto ng kwarto ng pamangkin ay sandali siyang napahinto. Tumitig doon. "Sir?" Napalingon siya sa kasambahay na nakatoka sa kanyang pribadong den. Ang kahuli-hulihang palapag kung nasaan ang opisina niya. "Handa na po ang inyong den." "Sige, salamat." Nang umalis ang kasambahay ay sinulyapan niya muli ang pinto bago naglakad paalis. Sumakay siya sa private lift para dalhin siya sa pinakamataas na palapag ng kanyang mansion. Binuksan niya ang madilim na kwarto. Ang tanging liwanag lang doon ay ang babasagin niyang bintana. Kung saan madalas na nakatapat ang buwan, katulad ngayon. Umupo siya sa swivel chair at tinapat ang cellphone sa tainga. "Hello, Sir?" Naroon sa kabilang linya ang boses ng head of security ng kanyang mansion. "Double the security, especially in front of the third room on the second floor. Guard the veranda and the windows as well. Do not let one thin, young girl leave my property, no matter what happens," mahigpit niyang utos habang nakatitig sa dilim. "Affirmative, Sir," sigurado ang sagot ng nasa kabilang linya. "Wala pong makalalabas sa Mansion ngayong gabi." "Good," tumango-tango siya. Ang maibaba ang cellphone ay ipinatong niya iyon sa mesa. Mula sa kinauupuan ay hinubad niya ang suot na black tactical compression long-sleeve na hapit na hapit sa katawan niyang alaga sa gym. Tiningan niya ang braso nang matapos maghubad. Naroon ang isang malaking hiwa niya na halos hindi niya iniinda ang sakit. Tumayo si Kaito at nagtungo sa ilang kabinet doon. Habang nakatalikod ang binata sa dilim ay nakikita ang malapad at matikas ang kanyang likuran. Bakas ang bawat muscle na humuhubog sa kanyang katawan—lalo na ang magkabilang panig ng kanyang likod na tila mga pakpak na bumubuka sa bawat galaw niya. Kinuha niya ang isang kahon at basta na lang ibinagsak sa mesa. Kumuha siya ng gauze pad at hydrogen peroxide. Binuhos niya iyon sa braso, wala man lang nabakas na kahit anong sakit sa kanya. Binato niya ang isang hawak na gauze pad pagkatapos ay kumuha ng bago. Itinakip sa sugat, kinagat ang medical tape bago iniikot sa braso. Napaupo siya at sinulyapan ang kaisa-isang picture frame. Naroon silang magkakapatid, mga binatilyo pa lang. Nakatayo sa lugar kung saan tumibay ang katawan, sikmura at puso niya. Ang kanilang training grounds, ang Hagane no Dojo. Naalala niya ang dugo, luha at pawis sa lugar na iyon. Pinahirapan sila mula ulo hanggang paa, araw-araw, at oras-oras para hubugin bilang isang magaling na lider. Nagbunga naman ang lahat ng paghihirap niya nang madala sa Pilipinas ang pangalan ng grupo nilang nabuwag sa Japan noon. Ang Hagane-Kai, na ang ibig sabihin ay Steel Association. Napangiti siya nang maliit nang titigan ang nakakatanda nilang kapatid na si Subaru. Pinagmamasdan niya iyon. "Don't worry. Nothing bad will happen to her. We will protect her even if it costs us our lives—even if it costs me mine." Nang ibalik ang picture frame ay kinaayos niya iyon sa pagkakatayo. Pabaling-baling si Megumi sa higaan. Hindi siya dalawin ng antok, ramdam niya ng sakit ng katawan at nang bumangon ay nahawakan niya ang leeg. Tumayo siya at nagtungo sa banyo. Nang humarap sa salamin ay nakita niya roon ang natuyong dugo. Naalala niya ang hapon na nagtangka sa buhay niya. Kumurap ang mga mata niya nang maalala ang ama. Agad na tumulo ang luha niya nang maalala na kahit ang walang-buhay na katawan nito ay naiwan. Sunod-sunod siyang naghilamos para hindi makita ang sariling mga luha. Hanggang sa mapahawak siya sa lababo nang mahigpit. Impit ang iyak niya nang maalala ang naiwan na ama. Natagpuan ni Megumi ang sarili palabas ng kwarto. Sinilip niya ang ibaba ng sala, wala na roon ang mga tiyuhin niya. "Uncle?" mahinang tawag niya at naglakad-lakad. Sa dami ng pinto ng kwarto ay hindi niya alam kung nasaan ang mga ito. Kagat-kagat ang ibabang bahagi ng labi na tumapat sa pinto. Kumatok at tinapat ang tenga sa pinto. "Uncle Balbas?" tanong niya pagtukoy sa tiyuhin niyang may balbas na hindi niya alam ang pangalan at hindi pa rin siya sanay tawagin ang mga ito sa pangalan. Lalo na't hindi pa namam siya sigurado na tiyuhin niya nga apat. Nakalampas na siya sa mga pinto. Nang mapadpad sa isang maliit at babasagin elevator. Namamangha siyang napangiti. "Ayos, sosyal ng mga Uncle ko. May sariling elevator." Napangiti siya, sinulyapan niya ang mga button na nasa labas. Iaangat pa lang niya ang kamay para pindutin iyon nang napatingala siya dahil sa tunog ng elevator. Napaatras siya. Nang magbukas ang pinto ay napakurap ang mga mata niya nang magtama ang tingin nila ng nasa loob. "U-uncle Kaito?" mahinang aniya at bumaba sa braso nitong naka-benda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD