KABANATA 5: LANDON, SILAS, MASON AND KAITO

1003 Words
Natigilan si Megumi sa narinig. Napakunotnoo ang apat nang tumawa siya nang malakas. Hinawakan pa niya ang tiyan. "Kayo mga Uncle ko?" tawang-tawa niyang itinuro ang mga ito. "What's funny?" pikon na tanong ni Kaito habang inis na nakahalukipkip. Sumeryoso si Megumi at tumalim ang mga mata. Dahan-dahan siyang tumayo at hinarap ang lalakeng nasa gitna. "18 years old na ako. At kung tingin niyo, maniniwala ako. Neknek niyo." "Makinig ka," singit ni Landon sa pagitan ni Kaito at ni Megumi. Hinawakan niya sa balikat ang dalaga na agad na umigkas. "Bitawan mo 'ko." "Okay, pero makinig ka," si Landon ang kumalma. "Totoo ang sinasabi ni Kaito," sinulyapan ni Megumi ang lalakeng nasa gitna na tinutukoy nito. "Uncle mo kami-" "Paano kayo maging kapatid ng Papa ko? Ni hindi niya kayo kamukha, at wala akong nararamdaman na lusko ng dugo. Galit mayroon pa!" "Kaya umalis kayo," hinawi niya ang mga ito at naglakad. Napapikit siya sa inis nang maramdaman na may pumigil sa likod ng damit niya. Nilinga ni Kaito ang mga kapatid. "Bumalik kayo sa upuan niyo. This is gonna take a while to explain." "Ano ba?!" singhal ni Megumi nang ibalik siya sa silya ni Kaito. "Shut up, and listen," umupo ito sa armrest ng silya at bumaling sa mga kaharap. "Apat kaming magkakapatid. Magkakasama kami sa hirap, sakit, pawis at dugo," simula ni Landon. Nanatiling nakakunotnoo si Megumi. "At dahil magkakapatid kami, pamangkin ka namin na dapat alagaan,"dagdag na Silas. "Hindi kami nagkikita pero hindi ibig-sabihin no'n, hindi kami magkakapatid," si Mason. Nilinga niya si Kaito na dumekwatro at humalukipkip. "We're spread out across the Philippines, but we stay connected." Napaisip naman siya, parang wala naman siyang naalala na may nabanggit ang ama. "Ngayon na wala na siya, kami na ang bahala sa iyo-" "Hindi!" Napakunotnoo si Kaito nang tumayo ang dalaga. "Kaya ko ang sarili ko-" "You have no idea what you're talking about." Tumayo siya at hinarapan ito. "Ano pa bang hindi ko alam? Na sabi mo na, Uncle ko kayo." Naghinang ang mata ng dalawa. "Uncle ko lang kayo," ulit ni Megumi. Gigil ang hininga ng tiyuhin raw niya habang nakikipagtititigan sa kanya. "Wala kayong responsibilidad sa akin," humakbang siya pero natigilan din nang iharang nito ang braso pahalang. Inis siyang huminga at umikot ang mga mata. Walang emosyon niyang sinalubong muli ang tingin ni Kaito. "Kami ang responsable sa iyo." "Kaito is right," pagsang-ayon ni Landon na tumayo at lumapit sa kanila. Ito naman ang binalingan ni Megumi. "Delikado ang buhay mo." Natawa siya ng sarkastiko. "May mas dedelikado pa ba ngayon kasama ko ang apat na lalakeng hindi ko lubusang kilala?" natatawang tanong niya. Tumango at lumapit si Mason. "Alam mo pamangkin, gusto kita. I like you, manang-mana ka akin, ganiyang-ganiyan si Uncle Mason mo," tiningan ni Megumi ang isa pang tiyuhin na ngiting-ngiti at itinaas pa ang kamay para makipag-apir sa kanya. Malalim ang linya niya sa noo nang tingnan ito. Ngayon pa lang ay nakilala na niya ang ugali ng apat. Itong si Mayson raw, maloko at mabiro. Sabagay mas maaliwalas ang mukha nito. Moreno, maliit ang mga mata pero hindi mukhang masungit, hindi bagay ang clean cut. Sinulyapan ni Megumi si Silas, na nakaupo lang. Nakaipit ang may kahaban nitong buhok na may kaunting highlights. Nagulat pa siya nang kaunti nang kindatan siya nito. Umiling siya at napatingin kay Landon. May balbas at bigote. Mukhang hindi rin niya mapagkakatiwalaan ito. Hanggang sa natuon ang atensyon niya kay Kaito. Mas lalo naman ito. Sa buhok nitong buzz cut, matalim ang mata at may makapal na kilay. Talagang delikado siya rito. "Alam niyo, mga Uncle," mas naging mariin ang wika ni Megumi at plastik na ngumiti. "Kayang-kaya ko ang sarili ko, 'yong mga hapon na iyon. Kaya ko rin, kaya puwede ba?" "Hayaan niyo ako umalis," muli siyang humakbang pero humarang ang apat sa kanya. Pagod niyang tiningan ang mga ito. "Hindi niyo talaga ako papayagan?" Sabay-sabay ang apat na umiling. "O, sige. Kung kayo ang mga Uncle ko. Hindi naman kayo ang apat na magiging guardian ko. Sobra-sobra naman yata 'yon." "Iyong isa, tagahugas ng kamay ko." "Iyong isa tagahugas ng paa ko." "Susunod, maghuhugas ng plato ko at maglalaba ng damit ko." Nagkatinginan ang mga ito. "Manang!" tawag ni Kaito kaya napatingin dito si Megumi. Lumapit ang may-edad na kasambahay. Napakurap siya nang salubungin ng seryosong uncle na si Kaito ang mga mata niya. "Sumunod ka kay Manang." "Ano?" "May pag-uusapan lang kami," sagot ni Landon. Tiningnan niya ang mga tiyuhin isa-isa. "Tungkol ba sa akin? Hindi ba dapat kasama rin ako riyan. Dapat marinig ko rin kung anong plano niyo para sa akin." "Little girl, hayaan mo na kaming mga uncle na magdesisyon," inakbayan siya ni Mason. Patamad niya itong tiningan. "Hindi na ako menor de edad. 18 na ako, at hindi niyo na ako puwedeng turuan kung anong gagawin ko sa buhay ko." Ngumiti siya ng peke at inalis ang pagkakaakbay ni Mason. "Mga Uncle, bakit hindi niyo na lang po isipin na hindi niyo ako nakilala? Hayaan niyo na lang po ako sa buhay ko." "That's not gonna happen." Sinulyapan niya ang siguradong si Kaito. "At bakit hindi?" "Dahil mga Uncle mo kami." Tiningan ni Kaito ang mga kapatid. "Ako na ang magdadala sa kanya pabalik ng kwarto." Hinawakan siya nito sa braso, pilit naman siyang umiiiwas. Dinala siya nito hanggang sa kwarto. "Ano ba?!" "Bitawan mo 'ko!" nang maipasok siya nito sa kwarto at bitawan sa braso ay agad siyang naglipad ng suntok. Kusang natigilan si Megumi at gulat na pinagmamasdan ang tiyuhin na nakayuko at hawak ang nguso. "S-sorry, Uncle." Itinaas ni Kaito ang mukha at tiningan ang dugo sa palad. Dahan-dahan niyang sinalubong ang mga mata ng pamangkin. "Show some respect to your Uncle, can't you?" Nalunok ni Megumi ang laway dahil sa takot. "Megumi," mariin na ulit nito. "P-aano kung ayaw ko?" paghahamon niya. "Don't mess with me." Nahigit niya ang hininga at napaatras nang humakbang si Kaito. "Napatol ako, kahit pamangkin ko," sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD