KABANATA 9: MEGUMI'S REQUEST

1842 Words
Huminto ang kotse, hindi sa mansion ng Uncle Kaito niya, kung di sa tapat ng dalawang palapag na restaurant. May pagtataka siya nang bumaba habang hawak pa rin ang urn ng ama at litrato. Tiningala niya iyon bago nilingon ang bumaba na si Silas. "Nasaan tayo?" Napatingin siya sa umakbay sa kanya. Naroon si Mason, pilit siyang pumiksi. "Narito tayo sa Elysium Japanese Restaurant. Pagmamay-ari ito ng Uncle Landon mo." Muli itong umakbay na inis na inalis ng balikat niya pero mas diniinan nito braso sa leeg niya, para siyang sasakalin. "Huwag ka nang magtampo sa akin, pamangkin-" pikon pa rin niyang nilingon ito. "Sino ba kasi ang magbibiro sa abo ng isang taong namayapa na?" "Kaya nga, sorry na. Alam mo ang buhay," ang kamay nito ay pinapunta sa baba niya na pilit inangat sa langit. Dahil nakatingala din ito doon na para bang nangangarap. "Dapat hindi masyadong sineseryoso ang buhay dahil malulungkot lang tayo sa reyalidad ng buhay." Ibinaba nito ang baba niya at hinawakan ang urn ng ama nang bitawan siya. Nilinga niya ito, nanatiling nakangiti si Mason at hinaplos-haplos ang hawak. "Saan mo ba balak ito ilagay?" usisa nito. "Kung saan siya mapupunta," si Silas ang sumagot. Tinanaw ni Megumi ang Uncle na si Landon at Kaito na pumasok na sa loob ng restaurant. Sinulyapan niya ang dalawa pang tiyuhin. Kung sa dalawang 'to, at kay Landon siya mapupunta, hindi siya mahihirapan. Huwag lang sa mansion si Kaito. Tuluyan silang pumasok sa loob ng Japanese Restaurant. Sa pangalawang palapag sila nagtungo, walang tao roon bukod sa isang mesa kung nasaan sina Landon at Kaito. Doon sila nagtungo. Pinaghila siya ng silya ni Silas. Napatingin ang apat sa kanya nang itayo niya ang litrato ng ama sa mesa. Seryoso siyang tiningala ni Kaito. Siya ay kaswal na inokupahan ang silya. "Pamangkin, baka naman magutom ang Papa mo niyan kapag pinanood tayong kumain," ani Mason. "Kaya nga, Uncle Landon. Dagdagan mo ang pagkain na o-orderin para maalayan din si Papa," nakangiti niyang sagot at inayos ang pagkakatayo ng litrato ng ama. "Of course, Megumi," itinaas ni Landon ang kamay. Agad na sunod-sunod na may lumapit na waiter na nay suot pang gwantes na puti. Dala-dala sa kanila ang iba't-ibang pagkain na maliit lang na portion ang nasa plato. "Ma’am, gentlemen... your Bluefin Tuna Tartare and Fresh Oysters have arrived. Enjoy" professional at magalang na wika ng waiter. Napatingin si Kaito kay Megumi nang itapat nito ang isang plato sa ama habang may ngiti. "Eat. We talk later," ani Landon at sinimulang kumain. Nang kunin ni Megumi ang mga kubyertos ay lihim siyang napatingin sa mga kaharap na tiyuhin. Nakikita niya na sanay na sanay ang mga ito sa sosyalan. Bawat galaw ng kubyertos. Pagnguya at pagpunas ng labi gamot ang table napkin. "Mukha kayong lahat mayaman. Bakit hindi niyo man lang binisita si Papa kahit isang beses man lang?" basag niya sa katahimikan. Sina Landon, Silas at Mason lang ang tila natigilan habang si Kaito naman ay kaswal pa rin sa pagkain. "Hindi niyo siya kinumusta kahit isang beses-" "Huwag ka na masyadong maraming tanong," si Kaito ang sumagot habang hindi siya tinatapunan ng tingin. Binalingan niya pa rin ito. "Hindi ka naman kasama sa tinatanong ko," pambabara niya rito. Narinig niya ang natutuwang reaksyon ni Mason na pigil ang tawa. "Mga Uncle ko ang kausap ko, hindi ikaw-" binagsak nito ang kubyertos at mabagal na ngumuya na sinalubong ang tingin niya. Ngumiti siya rito nang matamis at bumaling sa tatlong Uncle na pinanood sila. "Mga Uncle, ano na?" "Bakit hindi niyo binisita si Papa man lang?" "Busy kami sa sari-sarili naming buhay, Megumi," sagot ni Landon. "Tama siya," sang-ayon ni Silas. "At hindi naman mahalaga kung dinadalaw namin ang isa't-isa-" "Uncle Silas, mahalaga 'yon," sagot niya at humarap dito. "Mahalaga ang simpleng kumusta sa isang kapatid lalo na kung malayo sa inyo." Titingan niya si Mason at Landon. "Uncle Mason at Landon," untag niya. Napatingin ito sa kanya hanggang si Mason na ang sumagot sa kanya. "Pamangkin, maraming hindi naiintindihan ang batang tulad mo-" "Oo, bata pa lang ako. Pero kung may kapatid ako, hindi ko siya dadalawin kapag wala na siya." "It’s easy to talk when you know nothing," si Kaito ang sumagot nang tunggain ang baso. Nilinga niya ito kaya napatingin ito sa kanya. "What?" pa-inosenteng tanong nito. "Maghanap ka ng kausap mo," sagot niya rito. "I was already talking to myself. Ikaw ang humanap ng kausap mo," sagot ni Kaito. Siya naman ay pikon na kinuha ang tinidor at gigil na tinitigan ito. "Chill," awat ni Mason sa kanya. "Kaka-cremate lang ng Papa mo," dagdag nito na inis niyang binagsak ang tinidor. " "Mga Uncle, hindi ba maraming mesa dito. Palipatin niyo ng mesa ang kapatid niyong 'to," lumingon siya tatlong tiyuhin. "Hoy, lumipat ka raw," ani Mason kay Kaito. "Siya ang lumipat," sagot nito. Akma siyang sasagot nang magsalita si Landon na itinaas ang kamay. "You know what? Let’s just have our palate cleanser," awat nito. Lumapit naman ang mga waiter, dala-dala ang umuusok na mga soup. "If we are to speak of palate cleansers, perhaps we should start with that girl's mouth," habol ni Kaito. Si Megumi naman ay uminom na lang ng tubig para mapigilan ang sarili na makipag-away sa tiyuhin sa harap ng pagkain. Natahimik sila at sinimulan ang kanya-kanyang pagsimsim ng sabaw. "Saan ako mapupunta ngayon?" siya na ang nagbukas ng usapan na iyon nang ibaba ang cellphone. Napatingin sa kanya ang apat na tiyuhin. "Kung hahayaan niyo ako sa buhay ko, mas okay 'yon. Babalik ako sa dating bahay namin ni Papa-" "Hindi ka puwedeng bumalik doon," agad na sagot ni Landon. "Kung hindi puwede, lilipat ako ng bahay-" "Anong ibabayad mo?" Si Silas ang nagtanong. "Magtatrabaho ako." "Walang kukuha sa batang katulad mo, para kang isang batang pinabili lang ng suka. Walang seseryoso sa iyo kapag naghanap ka ng trabaho," sagot iyon ni Mason na tinungga ang tubig. Sandali siyang napapikit sa inis. "Hayaan niyo na lang ako, mga Tito. Ako na ang didiskarte sa buhay ko. Hindi ko kayo kailangan, in short. Ang kailangan ko lang ay ang urn ng Papa ko at litrato niya." Umiling-iling si Landon tila hindi sang-ayon sa mga plano niya. Sumandal ito sa kinauupuan at humalukipkip. "Hindi pwede ang sinasabi mo, Megumi." "Uncle Landon, mas hindi puwede na tumira ako sa Mansion ng lalakeng walang kasing-sama ang ugali." Seryoso siyang sinulyapan ni Kaito. "Ako ba ang pinariringgan mo?" bwisit na tanong nito. "Aba'y, kung tatamaan ka, Uncle. Baka ikaw nga," sarkastikong sagot niya. Napailing na lang si Kaito sa inis. Kung patuloy niyang papatulan ang pamangkin ay siguradong-siguradong tataas langa ng dugo niya. Kinuha niya mula sa bulsa ang sigarilyo. Napalinga si Megumi sa tiyuhin nang marinig ang isang click. Pinanood niya ang Uncle Kaito niya na sanay-sanay na inilapit sa dulo ng sigarilyo ang apoy mula sa kulay silver metal lighter. Hinithit iyon at nang ibuga ang usok ay sa direksyon niya. Nauubo niyang hinawi ang usok na iyon gamit ang kamay. "Alam mo, Uncle. Kung gustong mong mamatay, ikaw na lang. Huwag mo na kaming idamay sa secondhand smoke mo." Hindi nandito sumagot at tumanaw sa malayo. Siya naman ay bumaling sa tatlong marunong tiyuhin. "Mga Uncle, pagbigyan niyo na ako. 18 na ko, kayang-kaya ko na. Kung gusto niyo, sasabihin ko sa inyo kung saan ako nakatira. Para madalaw niyo ako, araw-araw. Ano?" patuloy niyang kumbinsi habang pilit na pilit ang ngiti. Umiling si Landon na napabagsak ng mga balikat niya. "Uncle Landon." "Megumi, ang maibibigay ko lang na pagpiliian sa iyo ay ang pumili ka kung kanino ka tiyuhin mapupunta." "Ha?" "Kay Uncle Silas mo?" Sinulyapan niya ang tinutukoy nitong tiyuhin na nakatutok sa cellphone. "Kay Uncle Mason mo?" Napangiwi siya nang matuon ang atensyon sa tiyuhin na sumaludo pa sa kanya. "Sa akin," pinagkatitigan niya si Landon. "O kay Uncle Kaito mo-" "Hindi, ayoko sa bahay niya. Malaki nga, imperyno naman-" "Wow, you speak as if you’re actually welcome in my home," mayabang na katwiran nito nang tumawa ng sarkastiko. Bumaling na lang siya kay Landon na dapat ay mapapayag niya sa gusto niyang, umuwi at mabuhay ng mag-isa. "Uncle Landon, kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng kahit na sino, kaya hayaan niyo na ako-" "Megumi." Hinawakan ni Landon ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. Seryoso naman niya iyong pinagmamasdan. "Hindi mo alam ang panganib na pwedeng dumating sa iyo." Kumurap ang mga mata niya. "Uncle, sa totoo lang, kahit kasama ko kayo at sabihin nitong Uncle ko kayo. Pakiramdam ko lagi para rin akong nasa panganib," seryoso niyang sagot. "Hindi ko pa kayo pinagkakatiwalaan." "At hindi ko alam, kung kailan darating ang araw na 'yon. Gusto ako mismo ang makapagpatunay na mga Uncle ko kayo." "Megumi," nilinga niya si Silas. "Tingin mo, hanggang ngayon niloloko ka namin?" Tumango siya. "Tingin mo, sa edad namim na 'to? Ikaw na bata ang pagtutunan namin ng pansin?" "No offense, Megumi. Kung hindi ka anak ng Papa mo, hindi mo kami makikilala o makakadaupang-palad man lang." Isang buntong-hininga ang nagawa niya. Gets na naman niya ang pinupunto nito. Isa lang siyang simpleng dalaga, at estudyante kung tutuusin. Pero hindi ang Papa niya. Pakiramdam niya marami pang hindi siya alam sa ama. "Isa pa, pamangkin," si Mason ang inilapit ang silya sa kanya at inakbayan siya na para bang mag-tropa lang sila. "Kung inaakala mo na, binibilog namin ang ulo mo, para sumama sa amin, mali ka ng akala. Wala kaming interes sa tulad mong parang bata laging naliligaw. Swerte ka lang dahil ikaw ang anak ng Papa mo, iyon na lang ang isipin mo." "Kahit ano pang sabihin niyo," seryosong niyang tiningan ang tatlong Uncle. "Hindi ko pa rin pipiliin na makasama ang isa sa inyo. Gusto kong umuwi ng bahay, makita ang gamit ko at ang gamit ng Papa ko." Isang malalim na hininga ang ginawa ni Landon, at sinulyapan sina Mason at Silas na sabay na napasandal sa kinauupuan. "Gusto kong makapag-isip nang maayos. Gusto kong magluksa, at makita ang mga alala ng ama ko, kahit sandali lang." "Kahit saglit lang-" "Pagkatapos mong magluksa, anong gagawin mo?' awat ni Landon. "Magsisimula muli?" patanong niyang sagot dahil sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano iyon sisimulan. "Pagkatapos?" nilinga niya si Silas. "Magtatrabaho ako-" "You can't go back to your old life, if that’s what you were thinking." Sinalubong ni Kaito ang umaasang si Megumi sa buhay na gusto nitong ibalik. Pinagkatitigan niya ang dalaga. "Hindi na katulad ng dati ang buhay mo-" "Dahil bakit?" "Dahil ba sa mga hapon na pumatay sa papa ko?" dagdag nito. "Papatayin din ba nila ako?" "Hindi ko naman sila kilala at wala rin akong atraso sa kanila. Kaya kung iniisip niyo na babalikan nila ako, hindi mangyayari 'yon." Bumaling siya sa tiyuhin na kaharap at hinawakan nang mahigpit ang kamay. Sinilip niya ang mukha nito at nangungumbinsing ngiti ang ginawa. "Hayaan niyo na ako, Uncle Landon, huh?" nang magtama ang tingin nila ay ngumiti siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD