Mula sa pagtanaw ni Megumi sa labas ng restaurant ay nilingon niya ang apat na tiyuhin na nasa mesa kung saan siya umalis.
Seryoso ang pag-uusap ng mga ito. Pasimple niyang unti-unting nilalapit ang tenga. Nang napatingin siya sa tiyuhin na si Kaito.
Tinaasan siya nito ng isang kilay, ang nakahalukipkip na braso nito ay tinaas ang isang kamay. Para siyang batang kinamapayan nito na lumayo.
Irita niya itong inirapan bago tumalikod. Hanggang sa matuon ang atensyon niya sa litrato ng ama at urn.
Maliit siyang ngumiti. "Papa, tulungan niyo silang magdesisyon. Sana hayaan nila ako na mabuhay mag-isa. Sa totoo lang, hindi ko sila kailangan. Ikaw lang ang kailangan ko," hinaplos-haplos niya ang mukha ng ama sa litrato.
Umirap si Kaito matapos tingan ang dalagang nasa kabilang mesa. Binalingan niya si Landon na nagsasalita.
"Hindi natin siya puwedeng pauuwin basta. Hindi natin alam kung kailan puwedeng umatake ang mga hapon na iyon."
"Lalo na tinuluyan natin ang kanang-kamay niya," singit ni Mason.
"Saan siya mapupunta ngayon?" tanong ni Silas.
"Why not simply let her go?" suhestiyon niya dahilan para mapalingon ang mga ito sa kanya.
Kinuha niya ang baso ng alak at dumekwatro. Ipinatong ang isang siko sa bangko at tinanaw ang pinag-uusapang dalaga.
"Let her go?" ulit ni Mason. "Pagbalik sa atin niyang bata na 'yan urn na lang."
"Anong ibig mong sabihin?" Si Landon ang nag-usisa sa ibig sabihin niya.
"Mahirap pilitin ang ayaw. Sinabi na niya, hindi niya tayo pinagkakatiwalaan. At kung kukulungin natin siya, mas gugustihin niyang makalaya."
"What are you trying to say?" tanong ni Silas. Pinagtagpo niya ang mga mata nila nito.
"She surely wants to be alone, so let her have it. Pero kapag bumalik ang mga Hapon na 'yon, her life will be at stake. Diyan niya mare-realize just how much she needs her uncles."
Natahimik ang mesa. "Paano kung mapahamak siya sa ideya mo?" walang emosyon na tanong Silas habang nakatitig sa kanya.
May ilang minuto naghinang ang mga mata nila bago nito tinaas ang sulok ng labi. "Ikaw ba ang mananagot, Kaito?"
Nagkatinginan sina Landon at Mason. Sa pagitan nila Kaito at Silas ay tila may kuryenteng nagdudugtong. Kitang-kita ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
Hanggang sa akbayan ni Mason si Silas para lang maputol ang pakikipagtitigan nito kay Kaito.
"Naisip ko rin ngayon, Silas. Tingan mo, hindi ba, kapag may babaeng hindi ka gusto, hinayaan mo lang?" patawa-tawang tanong ni Mason habang akbay-akbay ito.
Hinawakan naman ng sakal-sakal na si Silas ang braso ni Mason. "Bitawan mo nga ako, hindi ako makahinga."
Inis nitong inalis ang braso. Nang ituwid ang likod nito at inaayos ang kwelyo ng suot ay tumulong Ang nakangiting si Mason.
"Tulungan na kita," basta na lang kinuha ni Mason ang hawak na si Silas. Kaya wala nang nagawa si Silas sa makulit na kapatid.
Sinulyapan na lang nito si Kaito na tumungga ng alak bago si Landon.
"Kaito is right," anito na ikinatigil ni Silas at Mason. "Let's just allow her to leave."
"What?" bulalas ni Silas. "Paano naging tama na hayaang mapahamak ang anak ni Suburu?" nanggagalaiti nitong tanong.
"Hindi siya mapapahamak. Sisiguraduhin ko na may lihim na magbabantay sa kanya."
Tila hindi makapaniwalang huminga si Silas at tumingala. "Lagi na lang tama ang walang kwentang ideya," parinig nito.
Lumipat ang mga mata ni Kaito rito habang ang labi ng baso ay nasa bibig pa rin.
"Relax, Silas," pakalma ni Mason at nang akbayan nito ay seryosong inalis ni Silas at tumindig.
"Bahala kayo sa buhay niyo. Kung may mangyayari man sa batang 'yan, kasalanan niyo."
Umalis na ito sa mesa. Si Megumi naman agad na lumingon. Natanaw na palayo ang tiyuhin. "Uncle Silas!" dire-diretso ito sa pagbaba. Nagmamadali niya itong tinanaw sa glasswall habang nakaangat ang pang-upo.
"Uncle!" tawag niya pero dire-diretso iyong sumakay sa Sedan. Napabalik siya kinauupuan nang matanaw iyon na humaharurot paalis.
Marahan niyang nilinga ang tatlong tiyuhin na naiwan. Tahimik ang mga ito na para bang may hindi pinagkakaintindihan.
Isang malalim na hininga ang ginawa niya nang tumitig na lang sa ibabaw ng mesa niya. Nag-away-away pa yata ang magkakapatid dahil sa kanya.
Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi at napatingin sa litrato ng ama.
"Alam niyo, brothers," si Mason ang nagsalita matapos ang isang tensyon na katahimikan. "Gets ko ang point niyo, gets ko rin ang point ni Silas," napakamot ito ng sariling ulo na para bang naguguluhan din
"Hay, ewan. Ang hirap niyo namang maging kapatid," hindi nito alam ang ipapaliwanag kaya iyon na lang ang sinabi.
Tumayo ito at inayos ang suot-suot. "Mauna na ako at may karera pa ako. Kung may problema, tawagan niyo lang ako."
Tinanaw ni Mason ang nakatalikod na dalaga. "Pamangkin!" inosenteng lumingon naman si Megumi na walang kaalam-alam sa naging init ng usapan.
"Magkita ulit tayo!" Sumalaudo pa ito kay Megumi bago tumalikod at umalis. Bumaba ang mga mata niya sa dalawang tiyuhin na naiwan.
Sa nakikita niya, alin sa dalawa ang mapupuntahan niya. O kaya, hahayaan siyang umuwi.
Lihim niyang pinagdaupan ang palad.
Sana!
Sana nga!
Pumikit siya para magdasal hanggang sa nagmulat. May nakatayo sa tapat niya, dahan-dahan niyang itinaas ang tingin.
Kumurap ang mga mata niya nang makita si Kaito. "Alis na."
"H-ha?"
Napaatras ang mukha niya nang ipatong nito ang palad sa mesa at ilapit sa kanya. Naangat ang isang kilay nito na nakikipagtitigan sa kanya.
At masyado itong magaling magtago ng emosyon para hindi niya mabasa kung anong nararamdaman nito.
"Alis."
Napalunok ng laway si Megumi, tinuro niya ang direksyon pababa ng hagdan.
"A-alis?"
"I-ibig sabihin, malaya na 'ko?" paninigurado niya habang nauutal sa sabik.
Umupo si Kaito sa gilid ng mesa at humalukipkip. "For now, you're free."
Napatayo siya sa saya at nahawakan ang sariling dibdib. "H-hindi niyo na ako pipilitin na sumama sa isa sa inyo?"
"Hindi na. Mas pinili mong tumalon sa bangin, hindi ba?"
Doon naglaho ang nasa mukha niya at napakurap. Ni hindi siya makangiti.
"Ngayon, simulan mo na magdasal. Sa paglabas mo ng restaurant na 'to. Siguradong sandamakmak na baril o samurai ang naghihintay sa iyo."
Takot siyang napalunok ng laway at nahawakan ang sariling leeg. Tumayo si Kaito habang nanatiling magka-krus ang mga braso sa dibdib.
"Kaya, alis na," tinuro nito ang daan habang may panunuya ang ngiti.
Nanginginig ang kamay ni Megumi na kinuha ang urn ng ama. Ganoon na rin ang litrato nito.
Niyakap niya ang mga iyon at sinimulan humakbang. Mabigat ang bawat hakbang niya.
May takot at hindi sigurado.
Bakit parang nawala na ang saya na makakalayo siya sa mga Uncle?
Sandali siyang huminto at dahan-dahang nilingon si Kaito. Pinagmamasdan siya nito na may ngiti siyang tinaboy gamit ang kamay.
Takot ang naging ngiti niya. Wala na rin sa mesa ang Uncle na si Landon.
Sa bawat hakbang niya ay naririnig niya ang sinabi ng kanyang Uncle Kaito.
"Ngayon, simulan mo na magdasal. Sa paglabas mo ng restaurant na 'to. Siguradong sandamakmak na baril o samurai ang naghihintay sa iyo."
Nangangatal pa rin ang kamay niyang hinawakan ang leeg. Nang maalala ang gabing masayaran iyon ng matulis na samurai.
Kagagaling lang ng maliit niyang natuyong sugat doon. Nahawakan niya ang sintido, pumikit siya sandali nang bumalik sa alaala ang init ng baril.
Napahawak si Megumi sa railing ng hagdan nang matagpuan ang sarili doon.
Nang makalabas ng restaurant ay sinalubong siya nang malamig na hangin. Nahawakan niya nang mariin ang urn at litrato ng ama.
Nang humakbang ay tumingin agad siya sa paligid. Rinig niya ang t***k ng puso, pabilis iyong nang pabilis.
"Ngayon, simulan mo na magdasal. Sa paglabas mo ng restaurant na 'to. Siguradong sandamakmak na baril o samurai ang naghihintay sa iyo."
Muli niya iyong narinig, at sa mas nakakatakot na boses. Tiningala niya ang glasswall.
Natanaw niya ang usok bago ang mukha ng Uncle Kaito niya na pinagmamasdan siya. Mabilis siyang tumakbo dahil sa takot habang kipikip ang litrato ng ama at ang urn nito.
Madilim na naglalakad si Megumi sa mataong tabi ng kalsada. Mabilis ang mga mata niyang gumagala sa paligid hanggang sa mabangga siya.
Hinawakan niya nang mahigpit ang hawak at tiningnan ang babaeng, mula ulo hanggang paa siya tiningan.
"Mag-ingat ka nga, tanga," anito. Imbes na sagutin ito ay inayos niya ang pagkakahawak ng urn.
Sa lumipas na oras ay ilang hakbang na lang ang layo niya sa bahay. Natatanaw niya na ito nang huminto siya.
Pinagmamasdan niya ang kalsada kung saan niya nagmamadaling tinahak noon ng kotse niyang minamaneho.
Hanggang sa makarating siya sa tapat ng kanilang tarangkahan. Agad na tumulo ang luha niya at hinaplos ang hawak na urn.
"Nakauwi na tayo, Papa."
Pumasok siya sa loob, naabutan niyang ganoon pa rin kagulo ang bahay. Nagkalat ang mesa, ganoon na rin ang dugo ng ama at ng mga hapon.
Sinimulan niyang magligpit matapos magpalit ng komportableng damit.
Ang sira ng kahoy nilang bintana ay inayos niya.
Hawak ang isang martilyo ay hinihingal siyang huminto. Tinupi niya ang manggas ng blouse at huminga nang malalim.
Naalala niya ang apat na tiyuhin.
Hindi pa rin niya alam ang dahilan nito bakit siya hinayaang umalis.
Nang maalala ang pananakot ng tiyuhin na si Kaito ay gigil niyang hinawakan ang martilyo.
Sunod-sunod na pinukpuk iyon hanggang sa lumubog ang pako.
Matapos maligpit ang lahat ay naglatag ng higaan si Megumi. Umupo siya sandali at inayos ang litrato ng ama at ang urn.
"Matutulog na ko, Papa. Magkita tayo sa panaginip."
Humiga siya at doon niya narinig ang nakakabinging katahimikan.
Nakatulala siya sa kisame.
Nang may marinig na kaluskos mula sa labas ng bahay.
Pinakiramdaman niya ang susunod.
Nang may marinig ulit ang kaluskos ay bumangon siya paupo. Mula sa kinahihigaan ay sinilip niya ang maliit na butas na sinadya niya.
Sa dilim ay nakita niya ang mga lalake, sunod-sunod iyon at maingat ang lakad. Pinagkatitigan niya iyon at baka namamalikmata lang siya.
Nang marinig ang pagkasa ng baril ay nalunok niya nang matigas ang laway.
Napatitig siya sa kawalan at parang nakita ang nagising tagumpay ng tiyuhin na si Kaito.
Maingat siyang kumilos. Kinuha ang isang itim at malaking tote bag. Nilagay doon ang litrato at urn ng ama. Tumayo siya binuksan ang pinto sa likuran.
Kinuha niya ang posporo at humarap sa nakabukas na pinto. Nang marinig niyang sinisipa iyon ng lalake para magbukas ay inilapit niya ang hawak na posporo na may apoy.
Nang magbukas iyon ay nakita niya ang mga lalake na may na baril. Ngumiti siya sa mga ito bago binato ang pospooro.
Awtomatiko siyang tumalikod at padapang tumalon, kipikip ang bag nang sumabog ang bahay niya.
Kasama ang mga lalake.
Kahit binging-bingi ay tumayo siya kahit hirap. Hinawakan niya nang mahigpit ang hawak na bag bago nilingon ang bahay na nilalamon ng apoy.
Nang marinig ang parating na mga lalake ay nawala ang pagod at pagkabingi niya. Mabilis siyang naglakad. Dumaan siya sa likuran, at ibinaba ang suot na sumbrero.
Nang makita ang mga kotse ay agad siyang nagtago sa eskinita. Mabilis ang tahip ng dibdib niya.
Ang tanging naalala niya lang ang mga tiyuhin niya.