Lakad-takbo ang ginagawa ni Megumi sa eksinitang madilim. Mahigpit niyang kapit ang bag nang mapa-preno.
"Miss."
Mula sa pagkakatungo ay itinaas niya ang mukha. Naroon ang tatlong lalakeng, nakangisi at binugahan siya ng usok sa mukha.
"Mukhang naliligaw ka-" akma nitong hahawakan ang balikat niya kung saan nakasabit ang bag niya.
Mabilis niyang iniwas iyon. "Huwag niyo akong hawakan," humakbang siya pero hinarang siya ng mga ito.
"Huwag ka munang excited, Miss. Maglaro muna tayo."
Hahawakan sana siya ng mga ito nang ilaba niya ang pocket knife ng ama na natagpuan sa gamit nito.
Matapang niyang itinaas iyon. Malabo na ang ilaw sa poste pero kumislap pa rin iyon sa talim.
"Whoaw!" nagtawanan ang mga lalake.
Muli niya iyong nilapit.
"Huwag kayong lalapit!"
Lumapit at tiningnan siya ng manipis na lalake sa gitna. Malaki ang tattoo nito sa leeg at mga braso. Naka-tshirt na oversize at naka-shorts na maluwag.
Inilapit nito ang mukha sa kanya kaya doon niya lang nakita na kahit sa mga mata ay may tattoo iyon.
"Hindi bagay sa ganda mo ang kutsilyo na 'yan-" nasapo nito ang pisngi nang sumirit ang dugo nang basta na lang niyang hiwain.
Dahan-dahang nitong tiningan ang palad na sinapo at nang makita ang dugo. Ubod ng lakas ito sumigaw sa harap niya na parang isang nakakatakot na halimaw na burdado ng tattoo.
Nang sunggaban ay mabilis siyang yumuko. Napangungud ito, ang dalawa naman ay nilapitan siya.
Basta na lang niya iwinasiwasiwas ang hawak. Kahit saan tamaan ang mga ito. Nang sumugod mula sa likuran nito ang lalakeng puro dugo.
Sinunggaban siya sa tiyan at hiniga. Nabitawan niya iyon sa sulok ng basurahan. Napatingin siya sa lalakeng sinampal siya habang nakasampa sa ibabaw niya nang ibato nito ang bag.
Kasabay nang pagmura niya ay ang pagtulak dito. Tumayo siya pero hinawakan siya sa magkabilang braso ng dalawang lalake.
"Bitawan niyo ko!" pagwawala niya habang nadugo ang sulok ng labi at tinatanaw ang bag.
Lumapit ang lalake, hinablot ang buhok niya at pilit siyang hinarap. Doon niya nakita ang malaking hiwa nito sa mukha na patuloy na nilalabasan ng dugo.
"Alam mo bang, magpepeklat 'to?" tinuro nito ang pisngi at sinalubong ang mga mata niya.
"Ibig-sabihin lang no'n, papangit ako," si Megumi naman ang ngumisi at pinagkatitigan ito.
"Matagal ka nang pangit," natatawang sagot niya. Isang sampal ang nagpapaling ng mukha niya.
Magkapanunod silang napalingon nang marinig ang click ng isang lighter.
Dahil nakatalikod ito sa ilaw sa poste ay ang tangkad lang nito ang nakikita. Ibinaba nito ang lighter at hinithit ang sigarilyo na ang usok ay itinaas.
Basta binitawan si Megumi ng dalawang lalake na senyasan ng nasa gitna na nadugo pa rin ang pisngi.
"Anong problema mo?"
"Dumaan ka na nga lang," mayabang na wika ng dalawa at lumapit dito.
Nauna ang isa, itinaas ang kamao para suntukin nang pigilan iyon gamit ang isang kamay ng estranghero.
"Aray!" hiyaw nito nang kaswal na palipitin ng matangkad na estranghero ang braso.
Sumigaw pa ang isang lalake para sugurin ito. Pero mabilis na nahagip ng sipa ng estranghero ang binti nito na agad napaluhod pagkatapos ay sinipa sa mukha.
Tila nabali ang leeg nito na napunta sa ibang dako, kasabay nang pagtalsik ng dugo mula sa bibig.
Tumumba ang lalake habang ang isa naman ay napahiyaw habang lumuluhod.
Kumurap ang mga mata ni Megumi nanag makita ang pagkabali ng kamay nito mula sa palapulsuhan.
Isang masakit na hiyaw ang umalingawngaw sa eskinita. Nang bitawan iyon ng estranghero ay doon lang tumahimik.
Kung tutuusin ay isang kamay lang ang ginamit nito. Dahil nanatili nitong hawak ang sigarilyo sa kaliwang kamay.
Napatingin siya sa lalakeng may sugat sa mukha nang itulak siya at kumaripas ng takbo.
Napatitig siya sa lalakeng hindi pa rin niya nakikita ang mukha bago naaalala ang bag.
May pagmamadali siyang nagtungo doon. Bumaba at pinulot ang bag, sinulyapan niya ang litrato ng ama at ang nakabalot na urn sa tela.
Napangiti siya nang makitang buong-buo ang mga iyon.
Muli siyang tumayo at nagtungo sa basurahan. Pinulot niya ang kutsilyo na may dugo pa, pinunas niya ang dugo na iyon sa suot na sweat pants at ibinalik sa lalagyan. Akmang ipapasok na iyon sa bulsw nang matigilan siya.
Naaramdaman niya ang palapit na lalake. Pasimple niyang hinawakan ang kutsilyo bago pa makalapit sa kanya ang estranghero ay mabilis siyang humarap dito at itinaas ang hawak.
"Huwag kang lalapit sa akin."
Narinig niya ang sarkastikong pagbuga nito ng hangin. Hinithit ang sigarilyo at itinaas muli ang buga ng usok. Sa liwanag mula sa likuran ay nakita niya ang hulma ng mukha nito.
"Sandali-" aniya.
"Uncle Landon?" paninigurado niya.
Humarap ito at ibinaba ang hawak niyang kutsilyo. Mula sa ilalim na liwanag sa cellphone nito ay doon niya malinaw na nakita ang Uncle.
"Uncle Landon!" napatalon siya sa tuwa. Akma siyang yayakap nang ituro nito ang kutsilyo.
"Ibulsa mo muna 'yan at baka ma-gripuhan mo ko."
Mabilis niya iyong binulsa at parang hindi nagkita ng taon nang yakapin ito.
Binuhat naman siya ng tiyuhin at nang ibaba ay ngiting-ngiti siya. "Uncle Landon," masayang ulit niya habang tuwang-tuwa pinagmamasdan ito.
Napatingin sila sa dalawang lalakeng ika-ika at bali ang kamay na nagkakandarapa na umalis.
Napangiti siya at muling tiningan ang tiyuhin.
Si Kaito naman na nasa kabilang eskinita ay natatanaw ang dalawa. Ibinaba niya ang salamin ng helmet at pinaharutot ang motor paalis.
Magkasabay na naglalakad sina Landon at Megumi. Sinilip ng Uncle ang paglalakad niya dahil paika-ika siya.
"Binalian ka ba ng mga pangit na 'yon?" tanong nito na ikinangiti niya.
Umiling siya. "Hindi, Uncle."
"Abo ba naman kasi ang ginagawa mo sa eskinita na 'to na puro adik at basugelero?"
"Dito ako napadpad kakatakbo."
"Iyong sunog, ikaw ba ang may gawa niyon?" napahinto siya sakto palabas ng eskinita at sa tapat ng Mercedes-Benz ng tiyuhin.
"Nanggaling ka sa bahay namin?"
Humarap ito sa kanya. "Wala ng bahay doon, Megumi, gate na lang. At buukod sa mga walang buhay ng mga hapon."
Kumurap ang mga mata niya at napatitig kung saan. "Wala akong balak na sunugin ang bahay na ginawa ko pa at alaala namin ni Papa. Pero walang paraan para makatakas ako sa mga hapon na iyon."
Binalikan niya ng tingin ang kanyang Uncle Landon. "Kaya no'ng makita ko ang gas stove, iyon lang ang naisip ko."
Napatingin siya sa balikat nang hawakan iyon ng tiyuhin. "Magaling ang ginawa mo," puri nito na ikinangiti niya.
Hanggang sa matahimik sila. Sumeryoso siya at tiningala ito.
"Paano niyo nalaman kung nasaan ako, Uncle Landon?"
"Sumama ka sa akin, Megumi."
Kumurap ang mga mata niya. "Aalagaan kita, pangako 'yan."
Napatitig siya sa mga mata nitong naaninag niya ang pagiging sigurado sa binitawang salita.
Ang malambot ng tingin ng kanyang tiyuhin ay nagpapalambot din sa pagiging determinado niyang mag-isa mabuhay.
Ngumiti si Landon sa kanya, na para bang binibigyan siya ng kaligtasan.
"Sasama ka ba?" tanong nito nang buksan ang pinto ng kotse ay sinulyapan siya.
Maluha-luha siyang tumango. "Oo, Uncle Landon."
Lumapit ito at pinunasan ang luha niya.
"Magiging ligtas ka sa akin, Megumi."
Sinulyapan niya ang pinto ng sasakyan na hinihintay siya. Pumasok naman siya roon. Nang isarado nito ang pinto ay hinubad niya mula sa balikat ang bag.
Binuksan niya iyon at tiningan sa look ang litrato ng ama na nakangiti pa rin sa kanya.
Napatingin siya kay Uncle Landon nang sumakay ito sa tabi niya sa backseat. Ngumiti ito sa kanya na ginantihan naman niya.
"Sa bahay tayo," utos nito sa drayber.
"Yes, Sir."
Nang umabante ang sasakyan ay tiningan na lang niya ang labas ng bintana. Habang binabaybay iyon ay nahagip niya ng tingin ang isang pamilyar na motor.
Dahil mabilis ang takbo ng sinasakyan, ganoon na rin ang pamilyar na motor at nilingon niya ang bintana sa likuran.
Habol-habol niya ng tingin ang motor na iyon na lumiko kung saan.
"Bakit, Megumi?" usisa ni Landon na bumaling din sa likuran kung saan mabali-bali ang leeg niya.
Naalala ni Megumi si Kaito.
Imposible.
Imposibleng magpunta ito sa lugar kung nasaan ang bahay nila.
Imposible din na kasama ito ni si Landon para sa kanya.
"Ayos ka lang?" nag-iisip pa rin siya habang nakatagilid.
"Umayos ka na ng upo," utos ni Landon sa kanya.
Tumango siya pero huling sulyap ang ginawa niya sa likuran ng madilim na eskinita kung saan palayo ang koste.
Umayos siya sa kinauupuan at hinawakan nang mahigpit ang bag.
Si Kaito naman ay inhinto sa dulong eskinita ang motor. Hinubad ang helmet at bumaba. Nang marinig ang tumatakbong tatlong mga lalake ay kaswal niyang hinarang ang isang paa.
Sunod-sunod ang mga ito natumba.
Takot na tumingala ang mga ito nang huminto siya sa ulunan ng mga ito.
"Sir, ano ho 'yon?"
"Wala ho kaming atraso sa inyo."
Akmang tatayo ang mga ito nang apakan niya ang isa sa baling kamay at sa ulo ang isa.
Sumigaw ang mga ito.
Ang isang tumayo at akma siyang lalapitan ay sinakal niya ang leeg ito.
Hinilig niya ang ulo para tingan ang malaking hiwa sa mukha nito. Napangiti siya nang husto nang makita kung gaano iyon kalaki.
"Not bad. She certainly knows how to ruin a face," nawala ang ngiti ni Kaito nang salubingin ang tingin ng lalake na ang mga mata ay may tattoo pa. Pulang-pula ang mukha nito at hindi makahinga habang hinahampas ang kamay niyang hindi nag-aabalang bitawan ito.
"Si-sir."
"Si-sir."
"Ahhh!!" sigaw nito nang dutdutin niya ang hiwa nito sa mukha. Diniinan naman niya ang paa sa kinatatapakan.
Napuno ng hiyaw ng sakit at hirap ang eskinita. "Bo-boss, tama na!" Iisang pakiusap ng lahat habang umiiyak na.
Ibinaba ni Kaito ang kamay at pinagpag ang dugong naroon. Ngumisi at hinarap ang lalakeng sakal-sakal na kulay ube na.
"You made a mistake the moment you touched her. She is a Takashi. Anyone who dares to hurt her will be dragged to hell to rot in the fire."
Binitawan niya ang lalake na kulay ube at habol ang hininga habang inuubo. Inalis niya ang paa sa mukha at kamay ng lalake.
Pumamulsa siya, napatingin awtomatiko ang tatlo sa kanya nang marinig nito ang click ng kanyang lighter.
Naliwanagan ang mukha ni Kaito nang buksan sindihan ang sigarilyo. Hinigop niya ang usok na iyon at binuga sa ere.
Nagmamadaling yumuko ang tatlong lalake sa paa niya. Nag-uunahan, nanginginig ang mga katawan habang hindi alam ang sasabihin.
"S-sir, hindi na mauulit. Iyong babaeng 'yon, hindi na namin sasaktan."
"Patawad na, Sir."
Kinuha niya ang baril, ang custom 1191, na kulay silver, at may ukit pa iyon ng pangalan ng organisasyon nila.
Para siyang sanggol at ang hawak niya ay isang pusod.
Magkadikit ang buhay niya at ng bagay na iyon.
Kaibigan niya ang baril na iyon, parang si kamatayan na kumukuha ng buhay para sa kaya.
Nang ikasal iyon ay nangangatal na tumingala sa kanya ang tatlong lalake.
"Si-sir, huwag ho," nakatingala ang mga ito kaya nakita niya ang dugo, pawis, luha at sipon na noon pa man ay sanay na siyang makita.
"Do you have any idea how many lives my 'friend' here has taken?"
"Si-sir," akmang kakapit ito sa mga hita niya nang umatras siya. Seryoso itinutok iyon sa lalakeng may sugat sa mukha.
Hanggang sa umalingawngaw na lang ang tatlong putok ng baril. Kaswal naman na sumakay ng motor si Kaito paalis ng eskinita.