KABANATA 12: UNCLE LANDON

1817 Words
Napatingin si Megumi nang hawakan siya sa kamay ni Landon. "Nandito na tayo." Tumango at ngumiti siya. Pinanood niya itong bumaba bago niyang binuksan ang pinto at bumaba na rin. Awang ang labi niya nang makita ang mala-kastilyong bahay ng kanyang tiyuhin. Mataas iyon na para bang hari ang nakatira. Kastilyo na gawa sa bato. Hinawakan siya sa bewang ng tiyuhin kaya lang siya nagising at naitikom ang bibig. "Dito tayo," iginiya siya nitong pumasok sa loob. Sumulyap pa siya muli sa labas ng bahay nito habang naglalakad. Malaki ang pagkakaiba ng bahay ng kanyang Uncle Kaito at Uncle Landon. Moderno ang istilyo ng mansion ni Kaito, mas napapanahon, at mas advance ang technology. Nang makapasok sa loob ay mas nakita niya ang pagkakaiba ng loob ng bahay ng mga ito. Mahagony wood ang mga naroon. Leather na mga sofa. Para siyang pumasok sa lungga ng paniki. Madilim iyon at tahimik na tahimik. Humarap si Landon sa pamangkin na tila hindi nakapagsalita nang makita ang bahay niya. "Ayos ka lang, Megumi?" patuloy ang pag-ikot ng mga mata nito sa paligid. "Megumi," ulit niya habang may ngiti. Sinalubong nito ang mga mata niya. "Mukhang marami pang parte ng bahay ko, ang makakapagpamangha sa iyo," iginiya ni Landonsi Megumi sa paglalakad at dinala kung saan. Umakyat sila sa ilang baitang na mahagony na hagdan at binuksan nito ang isang pinto sa dulo ng hallway. Muling napanganga si Megumi nang makita ang isang library, nakinang sa linis ang kahoy na sahig nito. Ang mga lalagyan ng libro ay limang hanay, maayos ang lahat nang naroon. "Pwede kang pumasok," narinig na lang niya ang boses ng tiyuhin. Ang pahintulot na iyon ang dahilan para ihakban niya ang mga paa habang nakatingala. Nilapitan niya ang mga bookshelves. "Gusto mo pa ng sopresa?" tiningala niya ang tiyuhin. Hawak ni Landon ang bookshelf at nang gumalaw iyon ay napatingin siya sa lalagyan ng libro. Bumukas iyon na para bang isang sikretong lagusan. Iginiya siya muli ng lumapit na tiyuhin na pumasok sa loob. "U-uncle Landon, nasa museum ba tayo?" "Wala tayo sa museum, Megumi. Nasa personal kitang war room." Puno ng bilib ang mga mata niya nang lingain ito."Pwede ko silang makita nang malapitan?" Tinuro nito ang daan, para siyang batang tumakbo palapit dito. Sinilip niya ang isang glass case, laman noon ang uniporme ng sundalo. Marumi iyon at halatang galing sa gera, kahit luma na ay naroon pa rin ang natuyong dugo doon. "Viper?" iyon ang nakatahing pangalan doon. Nilinga niya ang tiyuhin na lumapit. "Sino 'yon, Uncle?" "TIngin mo, sino?" naroon pa rin ang ngiti nito. Napaisip siya at muling bumaling sa glass case. Naroon ang pares ng lumang boots na sigurado siyang partner ng sundalo ng uniporme na nakita niya kanina. Nanatiling nakadukwang si Megumi, nakita niya ang ilang name tag na may gasgas pa, naroon ang pangalang Landon. Hanggang sa makarating siya sa kabilang mesa na may malaking mapa. "Anong mapa ito, Uncle?" Tumabi ang nay ngiti pa rin na si Landon sa pamangkin. "Isa 'yang topographic Military Map: Mapa na nagpapakita ng mga bundok, gubat, at elevation." Tumango-tango si Megumi na nakatitig doon. Habang si Landon ay tila binalik ang alaala kung paano nila nagamit iyon noong nasa organization sila sa Japan. Hinawakan ni Megumi ang luma niyang compass at divider. Natawa pa siya nang amuyin nito ang crystal ashtray niya na punong-puno ng upos ng sigarilyo at napaubo ang pamangkin. Lumaki ang mga mata ni Megumi nang makita ang isang itim na lalagyan ng kutsilyo. Agad niyang kinuha ang nasa bulsa at pinagtabi. "Uncle, tingnan mo! Pareho!" tawag niya sa tiyuhin na sinundan ng atensyon ang tinuturo niya. Kumurap ang mga mata ni Landon. Hindi niya na napigilan ang pamangkin na kunin iyon at buksan, naroon ang kanyang tactical knife. "Uncle, pareho nga," pumihit ang nakangiting si Megumi hawak ang pare-parehong kutsilyo. Pilit na ngumiti si Landon at kukunin iyo nang iiwas niya iyon. "Sandali, Uncle Landon. Ang kutsilyo na 'to ay nakuha ko sa gamit ni Papa, kung mayroon siya nito, at kung mayroon kang ganito." "Ibig-sabihin, pareho kayo ng trabaho ni Papa?" Masayang lumapit siya sa tiyuhin. "Kayong dalawa? Sundalo ba kayo ni Papa?" "H-ha?" "Magkapatid kayo ni Papa, pareho kayong sundalo. Kaya hindi ka nakabisita sa kanya dahil sa trabaho mo." "Sandali, anong ranggo mo, Uncle?" "Anong ranggo ni Papa?" sunod-sunod na usisa ni Megumi habang sabik na sabik ang itsura. "Kapitan ba siya?" "Lieutenant?" "Sergeant?" Tumanaw ito sa ibang glass case. "Nandito rin na ang uniporme ni Papa?" sabik itong tumakbo at sinilip-silip ang mga nasa salamin. Makalipas ang ilang minuto ay magkapanunod silang mag-tiyuhin na lumabas ng kwartong iyon. "Uncle Landon, kaya naman pala ang galing mong makipag-laban kanila. Isa kang sundalo-" "Dating sundalo," napalingon siya sa Uncle Landon niya. "Dati? Anong ibig mong sabihin?" Huminto sila sa paglalakad. "Matagal na akong huminto sa serbisyo." "Bakit, Uncle?" Hindi naman alam ni Landon ang isasagot. "Si Papa rin ba matagal nang wala sa serbisyo?" Sakto ang pagdating ng isang babaeng pormal ang suot, naka-heels na itim, para bang sekretarya ng isang CEO sa opisina. "Master, ready na po ang guest room." Ngumiti si Landon. "Buti naman," binalikan nito ng tingin ang pamangkin. "Masyado nang mahaba ang gabi para sa iyo. Sumama ka kay Secretary Misaki." Bumaling si Megumi sa babaeng magalang na yumuko sa kanya. Maliit din siyang tumungo rito. "Miss Megumi, naghihintay na po ang nurse para gamutin ang sugat nito. Ganoon na rin ang pampaligo at inyong susuutin." Hinawakan niya ang sulok ng labi at napatingin sa suot-suot. Nilinga niya ang tiyuhin na lumapit. "Mag-aakyat ng pagkain sa oras na matapos ang lahat ng gagawin mo. May masarap na hapunan ang naghihintay sa iyo." "Maraming salamat, Uncle." Napatingin siya sa kamay nitong hinawakan siya sa balikat. Ngumiti ito, at nakapa-puro niyon. Walang halong kahit anong malisya at pagpapanggap. Tiningan nito ang sekretarya. "Secretary Misaki, kayo nang bahala sa pamangkin ko." "Yes, Master." Yumuko naman ang sekretarya. "Goodnight, Megumi," paalam ni Landon. "Goodnight, Uncle." Tumalikod na ito palayo. Dumukwang pa siyang para tanawin ang pagbaba nito sa hagdan. Mukhang magugustuhan niya ang bahay ni Uncle Landon niya. Maraming pampalipas oras, katulad na lang ng war room nito. At mabait pa ang kanyang tiyuhin. Hindi katulad ng Uncle niyang si Kaito. Umasim ang mukha niya at dineretso ang likod nang maalala ang pinakamasamang tiyuhin sa apat. Agresibo iyon. Nanakit at walang pakialam sa nararamdaman niya. Umiling-iling si Megumi para hindi masira ang magandang pakiramdam. "Miss Megumi?" Binalingan niya ang sekretarya ng tiyuhin. Nahihiya siyang ngumiti. "Nandyan pala po kayo," napagtanto niya. Ngumiti ito at tumango. "Saan po ang guest room?" Itinuro nito ang daan. "Dito po tayo." Sinundan niya ang bawat tunog ng takong nito. Hanggang sa dulo ng kwarto ay may binuksan na isang mahagony na pinto. Akala niya ay tapos na siyang mamangha, hindi pa pala. Nang pumasok siya sa loob ay naroon ang marangyang kwarto. Para iyong kwarto ng prinsesa sa kulay. Kulay rosas iyon at puti na bulaklakin. Sa itaas ng kama ay mayroong apat na matataas na poste na pinagdurugtong ng frame sa itaas para sabitan ng tela na kulay puti at pink din. Ito lang ang kwartong naiiba ang kulay sa lahat. Kung sa labas ay para siyang nasa kastilyo ng isang mapanganib na paniki. Ngayon, ang kwarto niya ay parang inilalarawan sa fairy tale sa ganda. "Sinabi ni Master Landon na magugustuhan niyo ang disenyong ito," aniya ng sekretarya na nahalata yata ang pagkabighani niya sa nakikita. Nakatutok pa rin ang tingin niya sa kama nang tumango. "Mabuti naman nagustuhan niyo, Miss Megumi." Napatingin siya sa lumapit na tatlong kasambahay na ngayon niya lang napansin. Maingat na hinubad ng isa ang mga sapatos niya. Ang isa ay kanyang sumbrero pagkatapos ang isa ay akmang kukunin ang bag kung nasaan ang urn ng ama nang pigilan niya. "Sandali po," awtomatiko huminto naman ang mga ito ay yumuko nang puno ng respeto. "Pasensiya na po," sagot nito habang hindi pa rin itinataas ang mukha. Alangan ang mukha niya nang tingan ang mga kasambahay na huminto din sa ginagawa. Para bang huminto ang mga oras para rito. "A-ayos lang!" pinalakas niya ang boses at tumawa. Binalingan niya ang kasambahay na kukuha sana ng bag niya. "Ate," tawag niya rito. Inabot niya ang bag dito habang nakangiti. "Mahalaga po kasi 'yan, paki-ingatan po." "Yes po, Ma'am." Tinanggap nito ang bag. Tiningan naman niya ang kasambahay na akmang huhubarin ang sapatos niya. "Ako na po, kaya ko na po 'to-" "Pasensiya na po, Miss Megumi." Nilinga niya ang sekretarya ng tiyuhin. "Ibinilin po sa amin ni Master Landon na pagsilbihan kayo?" "Pagsilbihan?" "Opo." "Tara na po," maingat siyang hinila ng kasambahay. Dinala sa isang banyo, malaking banyo. Tinulungan magbuhad, napatakip pa siya sa sarili. Nang tingan ang mga kasambahay ay parang wala naman malisya sa mga ito dahil seryoso sa pagtatrabaho. "Handa na po ang maligamgam na pampaligo ni Miss Megumi," ani ng isang kasambahay na nakaupo sa gilid ng malaking bathtub. Kaahon lang ng kamay nito sa tubig at pinunasan ng towel na puti naroon. May kasambahay ang naglahad ng kamay na naguguluhan niyang tinanggap. Maingat siya nitong dinala sa bathtub. Nang silipin niya ay punong-puno iyon ng talutot ng pulang bulaklak. Nasamyo niya ang tamis at nakaka-sosyal na amoy. Humakbang siya roon at tuluyang inlubog ang sarili sa maligamgam na tubig. Isang hininga ang nagawa niya sa sarap ng tubig na dumampi sa katawan niya. Ang buong araw ng sakit ng katawan niya ay napawi. Ipinatong niya ang ulo habang nakapikit. "Ma'am Megumi," nagulat siya sa boses na iyon kaya agad siyang bumangon dahilan para magtalsikan ang boses. Nang luminga ay naroon pa rin pala ang kasambahay at pinagmamasdan siya. Nagmamadaling lumapit ang sekretarya. "Pasensiya na ho, nagulat ko ho kayo-" "A, hindi. Ayos lang, mahilig lang po talaga ako sa kape," rason niya at gamit ang palad ay inalis ang tubig sa mukha. Naging alangan muli ang mukha niya nang takpan ang dibdib na nakatubog na sa tubig at silipin ang lahat ng kasambahay. "Papanoorin niyo kong maligo?" "Ayos na ko, kayang-kaya ko nang kudkurin ang likod ko. Isa pa, hindi naman ako malulunod dito," huminto siya dahil hindi pa rin kumikilos ang mga kasambahay. Sinulyapan niya ang sekretarya ng tiyuhin. "Hindi po 'yong pwede?" tanong niya. "Pasensiya na po, Miss Megumi. Pero hindi po pwede ang gusto niyo. May magpapaligo at may nakatoka sa buhok niyo. Ganoon na rin sa pagse-sepilyo at pagsusuot ng roba." "E?" tanging na bulalas niya. Yumuko langa ang sekretarya. Siya naman ay napatitig sa kawalan. Ibang klase naman pala ang buhay na ibinigay sa kanya ng kanyang Uncle Landon. Dinaig pa niya ang tagapagmana ng isang kastilyo. Napahawak siya sa magkabila ng bathtub at dahan-dahang nilubog ang sarili. Makakayanan ba niya ang buhay prinsesa na ito na malayong-malayo sa pagkatao niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD