KABANATA 13: THE SECRET

2004 Words
"Papa," nakikita ni Megumi na malinaw sa paningin ang ama. Nakikita niya ang hapon na may hawak na samurai. "Huwag," kitang-kita niya kung paano hiwain ng hapon ang leeg ng ama. Nang tumalsik sa mukha niya ang dugo ay napahiyaw siya. "Miss Megumi?" Sa pagmulat at pagbangon paupo ay nakita ni Megumi ang mga kasambahay na nakatunghay sa kanya. Mabilis na pinunasan niya ang mukha, sunod-sunod habang umiiyak. "Miss Megumi?" Naroon ang isang kasambahay at lumapit sa kanya. "Ano hong problema?" Nanginginig ang mga palad niya nang tingnan. Nang hindi makita ang dugo ay doon lang siya nakahinga nang maluwag. "Nanaginip ho kayo," nilinga niya ang kasambahay. Umiling siya. "Hindi panaginip 'yon," mahinang wika niya. "Gusto niyo ho ba na dito na kayo mag-breakfast?" Hinawi niya ang kumot. "Hindi. Salamat na lang," nang ibaba ang paa ay naroon ang kasambahay para isuot iyon sa kanya. Nang tumayo ay sunod-sunod ang mga ito hanggang sa banyo. Napapikit na lang siya nang mapagmasdan ang sarili sa salamin. Pakiramdam niya ay ibang tao siya ngayon sa nararanasan sa bahay na ito. Parang grabe masyado ang tinalon ng life status niya. Noon ay ordinaryong estudyante lang siya, nagigising at naghahanda ng sarili para sa pumasok sa araw-araw. Sasakay sa pampasaherong bus papasok at pauwi. Habang ang ama ay naghihintay sa labas ng bahay para sa kanya. Ngayon, literal na bumaliktad ang buhay niya. Natagpuan ni Megumi ang sarili sa restaurant ng Uncle Landon. Naroon sa mesa ang mainit na ramen na kahit mabango ay hindi siya ganahan sa pagkain. "Kumusta?" Napatingin siya sa umupo sa silya. "Uncle Silas," doon lang siya napangiti. Sinalubong nito ang mga mata niya nang ibaba ang cellphone. "Kanina lang, hindi maipinta ang mukha mo. Ako lang pala ang magpapangiti sa iyo," ipinatong nito ang dalawang braso at ngumiti nang matamis sa kanya. "At akala ko ba, umalis ka na?" "Bumalik ka?" Nagmamadali niyang inilapit ang mukha nang ipatong din ang siko sa ibabaw ng mesa. "Uncle, puwedeng manghingi ng pabor?" "Oo naman. Ano 'yon?" "Nahihiya kasi akong sabihin kay Uncle Landon na, na," hindi niya matapos-tapos ang sasabihin. Ayaw naman niyang isipin ng mga tiyuhin na nag-iinarte siya. Itinaas ni Silas ang baba niya kaya siya muling napatingin dito. "Ano 'yon?" Huminga siya nang malalim at pinagkatitigan ito. "Sa bahay ni Uncle Landon, sobrang daming kasambahay," simula niya. "Tama ka. Last time na nagpunta ako sa bahay niya may lampas sa bente ang kasambahay niya. Bakit?" "Gusto mo bang padagdagan?" awtomatiko siyang umiling-iling. "Hindi. Mag-isa lang si Uncle Landon pero ang mga kasambahay niya sandamakmak. Sa benteng kasambahay niya, nagsisilbi yata sa akin ay," nagbilang siya sa daliri. Natatawang sumandal naman si Silas at kinuha ang cellphone. "Sampu, Uncle Silas," bulalas ni Megumi matapos magbilang. "Sampung kasambahay. May taga-alis ng sapatos ko, taga-sepilyo, at taga-suklay ng buhok. Daig ko pa ang isang paralisado." "Ayaw mo no'n?" Tiningan niya ang tiyuhin na nakatutok na ang mga mata sa cellphone. "Hindi naman sa ayaw, Uncle. Pero ang lakas-lakas ko pa, at kumpleto ang parte ng katawan ko." "Bakit hindi mo sabihin kay Uncle Landon mo 'yan?" Natahimik siya. Kaninang umaga nang pababa siya ay narinig niyang kausap ng Uncle Lando niya ang mga kasambahay. "Lagi niyong pagsilbihan ang pamangkin ko, mula ulo hanggang paa. Ibigay niyo lahat ng kailangan niya, kahit ano." Napapikit siya nang marinig na naman ang bilin ng tiyuhin na iyon. Ramdam niya na gusto lang nito siyang mapabuti. At alagaan. Kung tatanggihan niya iyon, baka masaktan niya ang Uncle Landon. "Ano nang gusto mong gawin ko?" Ibinaba ni Silas ang cellphone at tiningan ang pamangkin na tila nahihirapan sa sitwasyon. Nagmulat ito. "Uncle Silas, puwede mo bang sabihin kay Uncle Landon na bawasan kahit kaunti," itinaas niya ang kamay at ipinakita kung gaano kaunti gamit ang daliri niya. Napangiti ang tiyuhin. "Kahit kaunti," mas binawasan niya ang nasa daliri. "Kaunting kasambahay?" tanong nito. Ngumiti siya at tumango. "At kaunting pagsisilbi lang," hirit pa niya. "Okay." "Talaga, Uncle Silas?" "Oo, sasabihin ko sa kanya. Nasaan na ba siya?" tumingin ito sa paligid ng restaurant. Hanggang sa makita nila ang parating at ngiting-ngiting si Mason na kahit ang paglalakad ay hindi sineseryoso. "Pamangkin!" sumaludo pa ito kay Megumi habang palapit. Tila nadiri naman si Megumi kaya agad siyang tumalikod at kunyaring nagtuon sa pagkain. Nang marinig niya ang silya ay mas itinago niya ang sarili. "Mukhang close na kayo ni Uncle Silas mo, ha? Anong pinag-uusapan niyo?" hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa ramen. Hanggang sa hilahin iyon ng kanyang Uncle Mason. Napilitan siya itong harapin, nakalokokong tawa ang ginawa nito nang magtama ang mga mata nila. "Anong pinag-uusapan niyo ng Uncle Silas mo?" ulit nito at ito na ang kumain ng pagkain niya. Siniko pa nito si Silas na patuloy na tinatanaw sa paligid si Landon. "Anong pinag-uusapan niyo ng pamangkin natin?" "Secret ba 'yon? Pa-share naman," punong-puno ang bibig ni Mason nang akmang hihilahin pati baso ng tubig niya nang pigilan niya. "M-mabubulunan ako, pamangkin. Akin na 'yan," pulang-pula ang mukha nito habang namumutok ang magkabilang pisngi dahil sa punong-puno laman ang bibig. Nang hilahin nito ang baso ng tubig ay pinabayaan na niya. Tapon-tapon ang tubig nang inumin nito. Tiningala ni Megumi si Silas na tumayo. Sinundan niya ito ng tingin. At nang huminto ang tiyuhin sa paglalakad ay napakunotnoo siya. Nang lumampas ng tingin ay naroon ang kanyang Uncle Kaito. Kaswal na nilampasan si Silas at nagdiretso sa mesa nila. Muli niyang tinanaw si Uncle Silas niya na bumaba ng hagdan bago binalikan ng atensyon si Kaito. Napaubo si Mason nang tapikin ni Kaito sa likod bago pinagtugma ang tingin nila ni Megumi. "You're back? Why? I thought you hated your uncles," rinig niya ang yabang sa boses nito nang ipatong ang mga braso sa ibabaw ng mesa niya. Ngumiti siya rito. "Isa lang ang pinaka-ayaw kong Uncle," paglilinaw niya. Ngumisi ito. "Pamangkin," singit ni Mason na punong-puno pa rin ng pagkain ang bibig. "Magpasalamat ka kay Uncle Kaito mo, ideya niya kaya ang hayaan kang bumalik," singit nito. Napaseryoso siya at napatingin kay Kaito. "No need to thank me," kaswal na tugon nito ay sumandal sa kinauupuan. Siya ay napangiting aso. "Hindi naman ako magpapasalamat. Hindi naman siya ang nagligtas sa akin." Seryosong sinulyapan ni Kaito ang pamangkin na nagbaling sa glasswall. "Kaito," hinampas siya sa braso ni Mason nang humarap at magsalita ito ay nagtalsikan pa ang laman ng bibig nito sa kanya. "May sikreto sila ng Uncle Silas niya," sumbong nito. May pandidiri niyang pinunasan ang mukha at dibdib bago siniglayan ang pamangkin. "Hoy," tawag niya rito. Hindi naman siya nito nililingon. Nang mahawakan ang maliit na noodles ay iyon ang binato niya sa pamangkin. Bwisit ang mukha nito nang humarap at pinunasan ang buhok. "Anong sikreto 'yon?" "Sikreto nga, e," katwiran nito na ikinitawa ni Mason. "May sikreto bang sinasabi?" Hinampas sa balikat ni Mason na natawa pa rin ang balikat ni Kaito. "Ano nga 'yon?" "Tungkol saan?" pangungulit niya. "Hindi ko sasabihin?" Inis na napahinga si Kaito. Napalingon na lang si Megumi nang marinig ang langitngit ng hinilang silya. Napaatras siya nang makita na umupo sa tabi niya ang tiyuhin. "U-uncle Kaito?" akma siyang aatras nang hilahin nito ang kinauupuan niya. Napatitig siya sa mukha ng Uncle Kaito niya, mula sa labas ay nasisikatan ng araw ang mukha nito. Naroon ang mahaba nitong pilik-mata at ibang kulay ng mga mata. Sinilip nito ang mukha niya. "I’m your uncle as well. It’s only fair that you share your secrets with me too," mapanganib ang tono na iyon at mukhang hindi papayag na hindi malaman ang sikreto raw nila. Nang magsalita ito ay natuon ang mga mata niya sa labi ng Uncle Kaito niya. Manipis iyon, at kahit na naninigarilyo ito ay mapula pa rin iyon. Nalanghap niya rin ang malamig at malinis nitong hininga. "Ano na?" untag nito kaya muli niyang sinalubong ang mga mata ng tiyuhin. "Huwag mong pilitin ang ayaw," tumaas ang isang kilay ni Kaito nang marinig ang boses ni Silas. "Kaito," boses iyon ni Landon. Sinulyapan niya ang pamangkin at basta na lang tinulak ang silya nito. Ka-muntikan nang mataob sa silya si Megumi. Inis niyang nilinga ang tiyuhin na tumayo. Buti na lang at tinulak siya nito para magising sa pagka-hipnotismo sa mukha nito. Tumayo na si Kaito, at bumalik sa silya. Natahimik ang mesa nila hanggang sa dumighay si Mason. Tuluyan nang umupo si Landon at Silas. Sinulyapan naman ni Megumi ang mga tiyuhin. "Si Megumi ay nasa bahay ko na," simula ni Landon. Nilingon siya nito kaya ngumiti siya nang maliit. "Sa akin na muna siya," dagdag nito. Tiningan niya si Silas at pasimpleng sinenyasan na nakita naman ni Kaito at napakunotnoo nito. "Ehem," kunyaring nilinis ni Silas ang lalamunan dahilan para matuon ang pansin ng lahat dito. Pinatong nito ang magkabilang braso sa ibabaw ng mesa. "Landon, mas maganda kung komportable si Megumi sa bahay mo." "Komportable siya, Silas. May nagbibihis, nagpapaligo sa kanya-" "Iyon na nga, Landon." Tumitig sa mesa si Megumi habang naririnig ang mga ito. "Mas maganda kung hahayaan natin na kumilos siya para sa sarili niya," sagot ni Silas. "Bakit hindi ka ba komportable, Megumi?" Nagbaling siya kay Uncle Landon niya. "H-hindi naman, Uncle-" "Hindi naman pala," tiningan nito si Silas. "I-ibig kong sabihin," bawi niya dahilan para mapalingon sa kanya ang apat na tiyuhin. "N-nakakapanibago lang na mula ulo hanggang paa, may nagsisilbi sa akin. Kaya ko naman na sarili ko lang." "Megumi," hinawakan siya sa kamay ni Landon. "Gusto ko na magbuhay prinsesa ka sa bahay ko." "Naiintindihan ko naman 'yon, Uncle. Pero hindi ako komportable." Dumaan ang katahimikan sa mesa nila. Hanggang sa magsalita si Mason. "Ako na lang ang titira sa bahay niyo, Landon. Dapat may magpupunas na pwet ko pagkatapos kong tawagin ng kalikasan-" "Tumahimik ka nga," siniko ito ni Silas. Hanggang sa huminga si Landon. "Naiintindihan ko, Megumi." Seryoso siyang napatingin dito. "Babawasan ko na ang kasambahay na nakatalaga sa iyo." Napangiti siya at napayakap dito. "Salamat, Uncle Landon!" Sinulyapan niya si Uncle Silas niya na inabot niya ang kamay. "Sali ako," si Mason at dumaiti kay Silas. Nasulyapan ni Megumi si Kaito na seryoso silang pinagmamasdan. Napangiti siya nang akbayan nito ni Mason at ilapit kay Silas. Tiningan niya isa-isa ang mukha ng mga tiyuhin, at masasabi niyang unti-unti na siyang naniniwala na tunay nga na kapatid ito ng ama. Makalipas ang minuto ay magkakaharap silang kumain. Naalala niya ang nakitang war room ng kanyang Uncle Landon. "Mga Uncle," aniya nang huminto sa pagkain. Ang tatlo lang ang tumingin sa kanya, si Kaito ay sumimsim lang ng tubig sa baso. "Dati pa lang sundalo si Uncle Landon," dagdag niya. Nakita niyang tiningan ni Mason at Silas si Landon. "At doon sila nagkita ni Papa," napatingin siya kay Mason nang mabuga nito ang laman ng bibig. Napakunotnoo siya dahil natahimik ang mga ito sa sinabi niya na para bang hindi tama. "Hindi ba?" habol niya. "Sundalo si Papa, at sundalo din si Uncle Landon. Magaling makipag-laban si Papa, atsaka ito," itinaas niya ang maliit na kutsilyo. "Nakita ko 'to sa gamit ni Papa. May ganito rin si Uncle Landon sa war room niya, kaya siguradong pareho sila ng trabaho, dati silang sundalo." Wala pa rin sumasagot sa mga ito. Kaya sinilip-silip niya ang mga mukha ng tiyuhin. "Sundalo ba si Papa?" "Katulad ni Uncle Landon?" pangungulit niya. Hanggang sa huminga si Landon. "Megumi, sinabi ko na matagal na ako sa serbisyo," sagot ni Landon. "Ganoon din si Papa dahil matanda na siya pero wala siyang nabanggit sa akin," napaisip siya. Noong bata siya ay alam niya ang galing ng ama sa pisikalan. Bihasang-bihasa iyon sa bawat suntok, at sipa. Lalo na sa espadahan. Hanggang sa matigilan siya at napalingon sa natahimik na apat. "Kung di sundalo si Papa, anong trabaho niya?" Tiningan niya si Landon na uminom ng tubig, si Silas naman ay humarap sa cellphone, si Mason ay kunyaring may nilingon. Nasalubong niya ang mga mata ni Kaito, kaswal itong tumayo at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD