KABANATA 14: THE HAIR FIGHT

2011 Words
"Uncle Kaito!" habol-habol ni Megumi si Kaito na sumakay na malaki nitong motor. Nang hawakan nito ang handlebars ay pinigilan niya iyon at may hingal na sinalubong ang mga mata nito. Wala itong emosyon na nakikipagtitigan sa kanya. "Walang balak na sabihin nila Uncle Landon, Silas at Mason ang trabaho ni Papa. Ikaw ba, Uncle Kaito?" Ngumiti ito kaya napangiti na rin siya. Napakisap siya nang ilapit nito ang mukha. "Didn't you say I wasn't your uncle?" Nahihiya siyang ngumiti. Parang close sila nang hampasin niya ito sa braso. "Uncle naman, syempre. Joke, joke lang naman 'yon," lumapit siya sa tenga nito. Asiwang lalayo ang Uncle Kaito niya nang hilahin niya ito sa balikat at bumulong. "Ikaw." Kumurap ang mga mata ni Kaito nang maramdaman ang init ng hininga ng dalaga sa tapat ng tenga niya. "Ang." Sandali siyang napapikit dahil sa lamyos ng boses na iyon. "Pinaka-paborito kong Uncle, Uncle Kaito." Nagmulat siya at nang harapin si Megumi ay nagtapat nang malapit ang mukha nila. Napatitig siya sa maamo at maliit na mukha ng pamangkin. Ang matang malaki, bilugan, at tila inosente—parang sa isang batang usa. Tila wala siya sa sarili nang bumaba ang tingin nito sa matangos nitong ilong, maganda ang pagkakapisil ng ilong nito. Tensyonado siyang napalunok nang marating ng naliliyo niyang tingin ang labi ng pamangkin. Sakto ang kapal niyon na bagay na bagay sa hindi hugis puso nitong labi. Nang ngumiti ito ay parang nagliwanag ang paligid nito at may nagkantahang mga anghel. "Kaya Uncle Kaito, ano na?" Akma itong lalapit at bago pa tuluyang mapigtas ang kahuli-hulihang katinuan niya. Tinulak niya ito sa balikat. "Aray!" Napaupo sa sahig si Megumi. Napatingin siya kay Uncle Kaito niya at sa motor nitong humaharurot paalis. Inis siyang tumindig at pinagpag ang mga palad. "Kainis talaga!" "Ang gaspang talaga ng ugali ng Uncle ko na 'yon!" Tinanaw niya ito. "Hindi ikaw ang paborito ko!" "Kung ikaw ang magiging Uncle ko, ayoko na lang maging pamangkin!" sunod-sunod niyang sigaw. Sa itaas naman ay tanaw-tanaw ni Landon, Silas, at Mason si Megumi. "Hindi ba natin sa kanya sasabihin ang totoo?" tanong ni Silas na nasa pamangkin pa rin ang tingin. "Sigurado, matatakot siya kapag nalaman niya ang totoo," sagot naman ni Mason habang nasa bibig ang isang toothpick. "Hindi sinabi ni Suburu ang totoo sa anak niya. Siguradong ayaw niyang mabahiran ang pagiging inosente ni Megumi. At bilang mga Uncle niya, ganoon din ang gagawin natin." Tiningan ni Landon ang dalawang kapatid. Seryosong tiningan isa-isa. "Kasama ni Suburu, ang lihim natin. At naroon na iyon sa abo niya." Matapang ang mga mata na tumango ang dalawa. Sa bahay ni Landon ay hawak ni Megumi ang balakang na masakit matapos siyang itulak ng Uncle na si Kaito. "Sama talaga ng ugali ng tiyuhin ko na 'yon. Paano naging kapatid iyon ni Papa?" Nang makarating sa pangalawang palapag ay nilinga niya ang secret door ng war room ng Uncle na si Landon. Tinulak niya iyon at pumasok sa loob. Sinimulan niyang tingan muli ang glass case na naroon. Huminto siya at pinagmamasdan ang iba't-ibang modelo ng baril, may mga bala pa sa tabi niyon. "Kung hindi sundalo si Papa, anong trabaho niya?" Palakad-lakad siya habang nag-iisip. "Walang ganitong koleksyon si Papa. Hindi siya sundalo, ano siya?" Sa kwarto umabot ang pag-iisip niya habang hawak ang lapis at isang sketchpad na nakaupo sa kwarto. Nang marinig ang ugong ng sasakyan ay nagmamadali siyang bumaba ng kama at lumabas. "Uncle Landon?" tanong niya habang pababa sa hagdan. Huminto siya at napangiti nang makita sa entrada ang tiyuhin. "Megumi, gising ka pa?" Bumaba siya, lumapit at yumakap dito. "Uncle, galing ka sa restaurant mo?" "Oo," iginiya siya nitong umakyat muli ng hagdan. "Nag-dinner ka na ba?" "Oo, Uncle." "Kumusta ang mga kasambahay?" Nilinga niya ito. "Ginagawa ka pa rin ba nilang paralisado?" Natawa siya. "Hindi na, Uncle." "Nga pala, Uncle!" masaya siyang humarang sa tapat nito. "Ano 'yon, Megumi?" "May gusto ka pa ba?" may ngiti na balik-tanong ng tiyuhin. "Wala naman. May naisip lang ako, Uncle. "Ano 'yon?" "Naisip ko lang, walang koleksyon si Papa ng katulad sa iyo." Nawala ang ngiti ni Landon. "Dahil ba hindi siya talaga sundalo?" "Megumi-" "Kung ganoon, anong trabaho niya?" Hindi nakasagot si Landon. "Ano, Uncle?' Itinutok niya ang tingin sa ibang dako. "Magaling siyang makipaglaban. Kung di siya sundalo, anong trabaho niya?" Lumapit si Landon sa kanya. "Ano bang sinabi sa iyo ng Papa mo?" Naalala niya ang ilang nakaraan. Ang batang siya na kagagaling lang sa eskwelahan ay nilapitan ang ama niyang nasa likod ng kanilang bahay at nasa ilalim ng puno. "Pa, nasaan si Mama?" walong taong gulang siya noon nang tanungin ang ama matapos mag-celebrate ng mother's day. At ang mga kaklase niya ay nagawa para sa ina. "Bakit bigla mong naitanong?" Tiningala niya ang ama. "Naisip ko lang po na walang nag-aalaga sa akin at walang bibigyan ngayong mother's day." Tumingala ang ama niya. "Sa ibang bansa kami nagkakilala ng ng Nanay mo. Namatay siya nang ipanganak ka." Tiningan ni Megumi si Landon. "Iyon lang ang sinabi ni Papa. Sa ibang bansa sila nagkakilala ni Mama, doon na rin namatay ang Mama ko." Hinaplos nito ang buhok niya. "Mas mabuting iyon na lang ang alam mo." Naglinya ang noo niya. "Anong ibig sabihin mo, Uncle Landon?" Ibinaba nito ang kamay at nagkibit-balikat. "Wala naman. Nagugutom na ko. Bakit hindi tayo kumain sa war room?" Hinawakan pa nito ang tiyan. "Kukuwentuhan tuloy kita ng mga maaksyon na nangyari sa akin noong sundalo pa ako, ha?" anyaya nito, pagkatapos ay lumampas ang tingin. "Secretary Misaki?" Nagmamadaling lumapit ang sekretarya. "Master?" "Magdala ng masarap na dinner sa war room." "Yes, Master." Nang tumalikod si Landon ay nag-iisip na naiwan si Megumi. Makalipas ang ilang minuto ay sabay na naghahapunan si Megumi at Landon sa war room. "Bigpang may sumabog, at talagang wala kang maririnig. Habang nagliliparan ang mga bala sa paligid, nakayuko ako-" "Sandali, Uncle," mula sa pagkakagat ni Megumi sa chopsticks ay tiningan niya ang tiyuhin na nagkekwento pero hindi naman niya naiintindihan. Ibinaba ni Landon ang mga kamay na kuntodo mustra para magkwento at alangang huminto. "Bakit?" "OFW ba si Papa sa Japan?" Natigilan si Landon. "Iyong samurai, si Mama, galing niya sa kendo, iyong mga libro niyang galing sa Japan, ibig sabihin nagtagal siya sa Japan." Pinagkatitigan ni Megumi ang tiyuhin. "Kung ganoon, anong naging trabaho ni Papa sa Japan?" Iniwasan ni Landon ang tingin ng pamangkin at kunyaring kumain. "A-ano-" "May Japanese Restaurant ka, noong araw na niligtas niyo ako sa mga hapon, naiintindihan niyo ang sinasabi niya. Teka, kayo ba ni Uncle Silas, Mason at Uncle Kaito ay galing din sa Japan?" Seryosong ibinaba ni Landon ang hawak na chopsticks. Inosente namang naghihintay si Megumi. "Mahabang kwento-" "Marami akong oras, Uncle," umayos pa ito sa kinauupuan. Huminga nang malalim ang Uncle Landon niya. "Pwede bang maging sapat na ang nalaman mo sa Nanay mo?" "Uncle, gusto ko lang naman na malaman kung sino kayo. Sino si Papa? Anong trabaho niya? Kwento niyo magkakapatid." "Uncle ko kayo, ibig-sabihin pamilya tayo. At wala dapat itinatago ang pamilya." "Hindi tayo pangkaraniwang pamilya." Kumurap ang mga mata ni Megumi. "A-anong ibig niyong sabihin?" Pagod na huminga si Landon. Matalino masyado ang anak ng kapatid. Napagtatagpi nito ang ilang piraso ng ideya kung saan sila galing. Pero mas matalino siya. "Mga Uncle mo kami, iyon na lang ang isipin mo. Ang mga trabaho namin noon o ng Papa mo ay matagal ng tapos. Ngayon, ang isipin mo ay kung anong pagkakabalahan mo habang nandito ka sa bahay ko." Ngumiti si Landon at ipinagpatuloy ang pagkain. Si Megumi ay nanatiling pinagmamasdan ito. Itinuro lang sa kanya ng Uncle Landon niya ang pagkain kaya doon niya itinuon ang tingin. Matapos kumain ay sabay silang naglalakad mag-tiyuhin sa hallway para ihatid siya nito sa kwarto. "Ayos na ba sa iyo ang limang kasambahay?" "Oo, Uncle." "May iba ka pa bang kulang sa kwarto mo?" Umiling siya. "Kung meron, sabihin mo lang may Secretary Misaki." Huminto siya sa tapat ng pinto ng guest room na inookupahan niya. Humarap siya sa Uncle Landon niya na may nanatiling ngiti. "Sinabi sa akin ng mga kasambahay na nanaginip ka ng masama kaninang umaga. Ayos ka lang ba?" "Gusto mo ba na magpunta tayo sa ospital?" Umiling siya. "Hindi na, Uncle." "Sige. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin." "Salamat, Uncle Landon." Nang tumalikod ito ay pumasok na siya sa loob. Sa kama siya patuloy na nag-iisip na umupo. "Siguradong may hindi sila sa akin sinasabi," aniya. "At balak nila iyong ilihim habang-buhay." "At tungkol iyon sa trabaho ni Papa noon." Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa kawalan. "Kung mag-iimbestiga ako. Saan ko sisimulan?" Bumagsak ang katawan niya sa kama. "Makukuha ko lang ang sagot sa apat kong Uncle at kailangan ko 'yong maingat na trabahuhin." Kinaumagahan ay pababa siya sa hagdan. Dumiresto siya sa dining area na punong-puno ng almusal. "Good morning, Ma'am." Kasambahay ang naghila ng silya para sa kanya. Sinulyapan niya ang silya kung saan dapat nakaupo ang tiyuhin. "Si Uncle Landon?" "Maaga po siyang umalis," nagsimula na ang mga kasambahay na lagyan siya nang pagkain. Mula sa katahimikan ay marinig siyang isang sarkastikong boses. "Kaya naman pala hindi niya na ako tinatawagan." Napalinga siya sa boses na iyon. Naroon ang isang babae, nasa edad 30 ito pataas, mga ilang pulgada lang ang tangkad sa kanya at may laman nang kaunti ang katawan. "Sino po kayo?" Natawa ito nang maikli dahil sa tanong niya. Hinagod ang kulay brown na buhok at parang inis siyang binalingan. "Sino 'ko?" Tumayo si Megumi at humakbang palapit dito. "Anong kailangan niyo?" patuloy niyang tanong. Nang huminto siya sa tapat ng babae ay hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba 'yon?" makuhulugan nitong tanong bago siya tinitigan sa mga mata. "Ang alin?" Humakbang ito. "Sino ba kayo?" "Hayaan mo ang palad ko, ang magpakilala sa iyo, bata." Bago pa siya makapagtanong ay itinaas nito ang palad at kitang-kita niya ang bwelo nito. Nawalan siya ng balanse sa pagkakatayo nang lumipad ang isang sampal na iyon sa pisngi niya. Tumabingi ang mukha niya. Nang sapuhin ang pisngi ay ramdam niya ang init niyon. Narinig niya ang nagmamadaling paglapit ng mga kasambahay nang magsalita ang babae. "Huwag kayong makikialam dito." Napakunotnoo si Megumi, hawak pa rin ang pisngi nang lingunin ang hindi na kumilos na kasambahay. Tila natakot ang mga ito. At ang takot na iyon ay sa mga amo lang ibinibigay. Nagtataka niyang binalikan ang babae. Mayabang ang tindig ng babae nang humarap. "Ano, bata?" "Nagising ka na sa kahibangan mo?" Inis siyang napangiti at ibinaba ang palad. "Hindi ba dapat ikaw ang magising sa kahibangan? Hindi ka basta pwedeng pumasok sa may bahay nang may bahay at mananampal na lang." "18 lang ako, at ikaw matanda ka na para basta mananampal ng mas bata sa iyo, gurang." Napuno ng tawa ang buong bahay mula sa estranghera. Nang ibaba nito ang mukha ay seryoso na. "Anong sabi mo?" "Gurang," ulit niya. Nag-iba ang mukha nito sa galit. Binitawan ang bag at sinugod siya. Nang hawakan nito ang buhok niya at hinagip niya rin ang buhok nito. Nagsabunutan sila na ikinahiyaw ng mga kasambahay. "Uubusin ko ang buhok mo, malanding bata ka!" "Gagawin kitang bruha, gurang!" Napadpad sila sa mesa kung saan nahulog ang mga plato. Siya ay sabu-sabunot nito. Mabilis na ibinaba ni Kaito ang cellphone matapos tawagan ni Landon. Sumakay siya sa motor at pinaharutot iyon patungo sa bahay ni Landon. Ganoon din si Silas, nagmamadali itong pumasok sa Sedan. Si Mason naman ay iniliko ang sports car dahilan para magtaka ang mga nanood dito. "Saan siya pupunta?" Hinigpitan ni Kaito ang handlebars habang ang motor niya ay parang toro sa bilis sa pagtakbo. Sa bahay naman ni Landon ay nakarating na sa sala ang nagsasabunutan. Hila-hila ng estranghera ang buhok ni Megumi na hindi nagpapatalo. "Gurang ka!" "Malandi kang bata ka!" "Nababaliw ka na!" "Ikaw ang baliw dahil pumatol ka sa mas matanda!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD